Chapter 45 : FFA : Unexpected

Mantha's POV

Pagka respawn namen sa map ay kumilos nako . Port nga pala ang map at maraming sikot sikot dito kaya mahirap magkakitaan. Pumunta ako ng mid at umakyat sa taas ng box sa gilid at nag abang. Nakarinig nman ako ng yapak na malapit saken kaya hinawakan kong maigi ang Type89 ko. Nung naramdaman ko na papalapit na sya saken ay hinarap ko ito at pinag babaril.

*ratatatatrataratratart* *tsung*

At yun napatay ko si Nery nagsalita pa ito bago mawala.

Kakagulat ka haha- . Sabi niya at naglaho siya bigla

Oo nga pala 5mins lang yung game namen kaya mabilisan lang ito. Nag reload ako at pumunta sa sa B nakasandal ako sa gilid ng pader habang papunta sa B action star lang eh noh hahahaha. Nang malapit nako ay lalakad na sana ako ng biglang.....

May bumartikal bigla sa harap ko bale antaas ng talon niya dahil sa box siya nagsimula. Ang bilis niya kumilos at ang likot. Nakangiti pa si Rence habang nakatutok saken at pinagbabaril ako.

*tug* *tug* *ting* *tsing* tsug*

Bago ako maglaho gamit ng Dual MP7 A1 niya ay may sinabi pa ito.

Sorry. Sabi niya ng nakangiti at naglaho ako

Nag respawn nman ako sa A site sa taas.

Magagaling talaga sila pero hindi ibig sabihin na kahit babae ako papatalo ako......

Kumilos ako at dumiretso sa bridge sa mid. Nakita ko nman si Clark na nakatalikod sa baba kaya tumalon ako at pinagbabaril siya.

What thee?!?!?. Huling sabi ni clark bago siya mawala

Kumilos nako agad ng mabilis papuntang Base ng Red Team. Pero patakbo na sana ako ng biglang.....

*tssssuuugggsss*

May biglang bumaril saken sa likod kaya napadapa ako at nagulat ako dahil konti lang bawas kaso parang may kuryente at hindi ako makagalaw. Pinilit kong tignan ang tumama saken sa kaliwang braso ko at nakita ko ang isang bala na may kuryente. May bigla nmang lumitaw sa harap ko na nakamaskara na itim at may hawak na isang sniper. Hinawakan nito ang mukha ko at bigla itong ngumiti.

Maganda ka nga talaga kahit sa laro. Sabi nito at binitawan niya na ko

Hindi paren ako makagalaw di ko alam kung hanggang kelan ito. Nakita ko nmang tinutok niya sa ulo ko yung sniper.

O____________O Seryoso ba siya ?!?!?...

Kinasa niya na yung sniper niya at tumingin sa scope at ngumiti ito. Gusto kong sumigaw pero ayaw ng bibig ko.

Shu..... Tulong.....

Shu....

Shu ......

Napapikit na lang ako at inantay ang bala na tatama saken.

*Baaaaaannngggggg*

Arrgghhh. Yan yung narinig ko nakakapagtaka dapat ako yung nasaktan ehh

Dumilat nman ako at nakita kong naglaho yung lalaking may itim na maskara. Nawala nman yung kuryente sa katawan ko at nakaramdam nman ako na may tao sa likod ko kaya hinarap ko ito.

Mantha okay ka lang ba???. Alalang tanong saken ni Shu

Di ako sumagot at niyakap ko siya bigla ng mahigpit.

End of POV

Shu's POV

Nakayakap lang saken si Mantha habang umiiyak, natakot siguro kanina sa lalaking yun. Alam kong siya na yun ang nagtatangka saken na pumatay. Gusto niya siguro idamay ang mahahalagang tao sa buhay ko. Sa totoo lang first time ko nakakita ng ganung klase ng sniper at napaka rare nun at alam kong stun bullet ang ginamit niya kay mantha. Ang stun bullet ay isang bala na kapag tumama sayo ay hindi ka makakagalaw ng 15 seconds nalaman ko yan dahil kay Prime.

Kasalukuyan paren na umiiyak si mantha natakot talaga siya ng sobra sa ginawa ng lalaking yun kaya humanda siya saken pag nagkita kame. Inangat ko nman yung ulo ni mantha .

Tahan na please nandito nako. Sabi ko sabay punas ng luha niya

Tumigil nman ito at tumango kaya niyakap ko na lang ito ulit. Nag datingan nman yung mga kasama namen.

Pre! Anung nangyari??. Nery

Mantha pinaiyak ka ba ni kenken?? Kenken anung ginawa mo ha?!. Risse

Lagut ka shu hahah. Gatong ni Rence sira talaga to

Teka nga muna hayaan nyo muna kaseng magpaliwanag si master okay??. Sabi nman ni Clark hay buti pa siya okay ehh

Wala Clark Okay na din nman eh. Sagot ko napatingin nman ako kay Alex

Nakatitig ito saken parang naghihinala na ito saken kaya binaling ko na lang ang tingin ko kila Nery.

Tara na matatapos na yung laro. Sabi ko

Ayoko na antayin na lang naten yung countdown seconds na lang ohh. Rence

Oo nga pala sino yung 1st??. Tanong Ko

Nag swipe nman si Nery at tinignan ang standing.

Si mantha pre pangalawa ka lang shu at pangatlo si Rence. Sabi ni Nery napatingin nman ako kay mantha

Ang galing mo haha congrats. Sabi ko kay mantha at bumitaw nman ito sa pagkakayakap saken.

Sus chamba lang yun noh hmp. Mantha sabay irap nagtawanan nman kame

Ohh Ten seconds na lang guys. Rence

Tara sabayan naten!!. Nery kaya sumabay kame

TEN!!!

NINE!!!

EIGHT!!!

SEVEN!!

SIX!!.

FIVE!!!

FOUR!!!

THREE!!

TWO!!

ONE!!!!

Battle End!!!! Yuna 18 Win!!!. Mech. Voice

Nateleport na kame palabas ng map at napunta sa waiting room. Napagdesisyunan kong mag out na kaya lumabas na kame ng waiting room. Pagkalabas ay nagpaalam nako sa kanila..

Sige out nako guys ba byeee!!. Sabi ko sa kanila

Sge master sa uulitin. Clark

Napatingin ako kay Alex bigla na nakatingin paren saken ng seryoso. Mukhang alam niya na ah. Nag swipe nako at pinindut ang log out button..

***************

"Real World"

Nandito paren ako sa kwarto at hinubad ko na yung CG ko at inilagay sa box. Pagkatapos ay humiga sa kama ko dahil gabi na.

Makikilala din kita kung sino ka man....

Natulog nako at para magising ng maaga bukas.

End of POV.

Third person POV

Bwiset ka talaga Hawk argghh!!!! . Sabi ng isang lalaki habang nasa kwarto niya

Pumunta nman ito sa harap ng kayang computer at nag search ng impormasyon sa isang tao gusto niya paghigantihan walang iba kundi ang ating bida na si shu. Nakatingin lang ito sa picture ni Shu kasama ang mga kaibigan nito.

Uubusin ko ang mga taong mahalaga sayo at ang mga hahadlang sa plano ko tch. Sabi nito sabay tingin ng picture kay Prime at Efgreyr

Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa buhay ko. Sabi nito ulit at iniwan ang kanyang Computer at lumabas ito ng kwarto.

End Of POV

GM Zed POV

Nagkaroon din ako yes!! Hahaha btw Im GM Zed isa sa namamahala ng CFO Corp. Nandito kame ngayon sa Game Office para sa pagpaplano ng tournament at mga bagong weapons , items at map at marami pang iba. Kasama ko nga pala ang mga GM din ng CFO.

Tapos na ba ang lahat guys??. Tanong ni GM Zane

Yeah Im done now, Siguradong magugustuhan ng mga players ang mga bagong map. GM Kaycee.

Pati na ren ang mga bagong weapons sa Market. Sabi ko nman

Tapos na din ang Customized Map para sa GBS Tournament guys pati na ang Bracket ng mga players. Singit ni GM Laila

Good Guys Mabuti at tapos na din so kelan tayo mag memaintenance??. Tanong ni GM Zane

Bukas na agad Zane kase matagal na din kase inaantay ng mga players to. Suggest ko

Agree ako. GM Kaycee

Me too Zane. GM Laila

So sige bukas tayo mag maintenance at one day maintenance ang gagawin pakilagay sa site para maready na din ang mga prizes sa mga makakapasok sa Top 60 . GM Zane

Yes Sir!!. Sagot namen tatlo

Okay break time!!!. GM Zane

Wohoooo salamat nman makakakain na din ako.....

Umalis na kame ng Game Office at nagsimula na kameng kumain. Pagkatapos ay bumalik din kame sa Game Office. Nagsalita nman bigla si Laila.

Guys ako na mag popost sa Site ng maintenance. Gm Laila

Sige lang Lai. Sabi ko

Pinagpatuloy nanamen ang mga dapat gawin as a GM ng CFO. Bigla nman sumigaw si Laila.

Tapos na din yeheyy!!!. Tuwang sabi ni Laila

Hayss kala ko kung ano na hahaha....

Goodluck na lang sa GBS Tournament..... Players.........

#####################

Bitin ba hahaha sorry po kung bitin kung hindi oks lang xD. Mas abangan nyo pa guys dahil maganda ang susunod na mangyayari sa CFO.

Salamat sa pagbabasa and god bless.

- TripletsX















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top