Chapter 12 : Mantha's Haters
[ Clarisse POV ]
Alam kong kilala niyo nako bilang bestfriend ni Shu. Isa din ako CF player, hindi ako kagalingan kaya wala kayong dapat iexpect sakin. Ito nga pala ang profile ko.
[-----------------------------------------------------------]
Name : Clarisse Santiago
Age : 16
IGN : Clang18
Rank : Staff Sergeant
Primary weapon : M4A1, SR-2M Veresk
[-----------------------------------------------------------]
Nandito ako ngayon sa bahay kaso parang tinatamad ako pumasok dahil ang maaga pa. Mag aalas 4:40 pa lang kasi at tapos nako kumilos.
Umalis nako ng bahay at naglakad. Nakatingin lang ako sa paligid ng may biglang sumagi sa isip ko.
Puntahan ko kaya si Mantha?.....
Agad kong tinungo ang direksyon papunta sa bahay nila.
-----------------------------------------------------------------------
• Selis House •
*tok* *tok* *tok*
Manthaaaaa. Pagtawag ko at may nagbukas naman agad ng pinto.
Sino po kayo?. Isang lalaki ang tumambad sakin. Medyo kalapit lang ata namin siya ng edad.
Kaibigan ako ni Mantha nandyan ba siya?. Tanong ko.
Ay oo nandito pa kaso tinatamad ata pumasok eh ayaw lumabas ng kwarto, halika pasok ka. Yung lalaki.
Sige salamat ako na lang gigising sa kanya. Sabi ko at pumasok na sa loob.
Mabuti pa nga. Oo nga pala bago yun, ako nga pala si Kyle pinsan niya ko. Pakilala niya.
Ako naman si Clarisse sige puntahan ko na siya sa kwarto niya. Tumango lang siya at pumunta nako sa itaas.
Pagka akyat ay may nakalagay naman sa pinto kung kaninong kwarto iyon. At nakita ko naman agad yung kay Mantha.
*tok* *tok* *tok*
Mantha gising na oyy di mo makikita si shu niyan. Tawag ko habang kumakatok.
Wala akong sagot na narinig. Hinawakan ko yung door knob at sakto naman ay bukas ito kaya pumasok nako.
Nakita ko siya na nakahiga at parang nanaginip. Nang makalapit ako ay halos matawa ako sa naririnig ko.
Shu...
Shu...
Puro pangalan lang ni kenken yung naririnig ko. Agad ko itong hinawakan sa balikat at ginising.
Hoy! Mantha gumising ka na dyan may pasok pa tayo.
Nagising naman ito at nang makita niya ako ay nagtakip ito ng unan.
Natutulog pako eh. Sino ka ba?.
Hindi niya ako nakilala?...Tulog pa nga ata to......
Sige wag kana pumasok para masolo ko si shu. Napabangon naman siya ng di oras.
Hala anong oras na?!. Biglang sabi niya. Risse?! anong ginagawa mo dito?. Gulat niyang sabi nang makita ako. Natawa ako ng konti dahil doon.
Nakiki risse kana ah oy si shu lang pwedeng tumawag sakin non.
Sus damot.
Kumilos kana pwede baka ma late tayo.
Sige antayin mo na lang ako sa baba.
Agad akong umalis at tumungo na sa ibaba para maghintay. Maya maya ay bumaba na siya at naka bihis na din.
Ano tara na?. Tanong niya.
Teka kumain ka na ba?. Tanong ko naman.
Di pa eh tsaka baka ma late tayo kaya tara na. Aya niya at kinuha na yung bag nito.
Ikaw bahala. Napakibit balikat na lang ako.
Nagpaalam na siya sa papa at pinsan niya at umalis na kame. Habang naglalakad ay naisip ko yung nakita ko kanina.
Ikaw ha pinapanaginipan mo pala si shu ahh. Pang-aasar ko.
Di noh.
Asus deny pa kaya pala nung natutulog ka bukang bibig mo lagi si shu.
Ahmm Clarisse pwede tayo na lang sana may alam nyan nakakahiya kasi eh. Hindi makatinging sabi niya.
Ayoko nga sasabhin ko pa nga to kay shu eh. Bigla niya kong nilapitan kaya natawa ako.
Please wag. Pagmamakaawa niya.
Sige na nga pero may 1 request ako.
Ano naman yun?. Tanong niya.
Akin na muna si kenken on 1 week.
Di nman ata pwede yan. Natawa ako sa reaksyon niya.
Joke lang ano ka ba sineseryoso mo masyado Hahahaha.
Hayst kala ko naman yun na eh. Ano ba kasing request yan?. Inis na sabi nito.
Tulungan mo ko.
Tulong saan?.
Basta. May gagawin kasi ako.
Ewan ko sayo. tara na nga payag nako dyan sa request mo kung ano man yan.
-----------------------------------------------------------------------
• Macario High School •
Nang makarating na kami sa school ay dumiretso na kami sa bulding namin. Maaga aga pa rin kasi medyo madilim pa yung langit.
Clarisse punta muna ako ng canteen kain lang ako. Paalam niya.
Hayst yan kasi dapat kumain ka muna sainyo eh.
Oo na cia una nako.
~ End Of POV
[ Mantha's POV ]
Nagpaalam ako kay Clarisse na pupunta ako ng canteen dahil nagugutom nako. Tama nga siya dapat pala kumain muna ako.
Pagkapunta doon ay kumain nako at umalis pabalik ng room pero habang naglalakad ay may humarang saken tatlong babae. Hindi ko kilala kahit isa manlang sa kanila.
Maya maya ay nagsalita yung nasa gitna.
Hoy ikaw yung nanakit kay J.C my loves namin diba?. Sabi nung nasa gitna. Gusto kong masuka sa narinig ko.
My loves?....Mga feelingera ata to.....
Hindi ko naman siya sinaktan talagang ayoko lang sa kanya. Diretsong sagot ko.
Di mo alam kung anong ginawa mo?. Singit nung nasa kanan.
Ano bang dapat kong alamin?. Walang mali sa ginawa ko. Tabi dyan. Lalakad na sana ako pero may biglang humawak sa kannag kamay ko.
Matapang ka uhhh.
Hinawakan naman ako ng isa pa sa kaliwa. Sinubukan kong pumiglas pero bigla nilang diniin yung mga kuko nila.
Bitawan niyo ko pwede!?. Hindi ko na masubukang pumiglas dahil sobrang sakit ng kapit ng dalawa sakin.
Wag ka na magpumiglas dyan. Masasaktan ka lang. Saad nung nasa gitna.
Nakita ko yung kamay niya na pumorma. Doon ko napagtanto na sasapakin niya ako. Wala nakong nagawa kundi pumikit na lang. At may isang tao ang sumagi sa isipan ko.
Shu.....
Shu.....
Shu....
SHU!!!!!
Maya maya parang nakaramdam nako na sasapakin nako ng biglang may nagsalita.
Hindi mo ba alam na masakit yan kapag ginawa mo yan sa kanya?.
Pagkamulat ko ng mata ko ay nakita kong may pumigil sa kamay nung babae.
Sino ka ba. Pagkaharap niya ay nabigla ito. Shuriken!?.
Buti naman kilala mo pa ko. Nakatingin lang si Shu ng seryoso sa babaeng nasa gitna.
Ah.. Eh.. Shu kaano ano mo ba siya??. Leader
Soon to be Girlfriend ko. Nabigla ako sa sinabi niya. Pero bago yun anong ginagawa niyo sa kanya?.
W-wala naman. Biglang naging utal utal sa pagsasalita yung babae. Bumitaw naman yung mga nakahawak sakin.
Kilala mo ko shiella kaya mamili kayo ng sasaktan niyo.
O-oo so-sorry shu. Tara na girls. At nagtakbuhan naman sila.
Hinawakan ni shu yung kamay ko at hinila niya ako pabalik ng classroom.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad kami. Bigla kong natauhan yung narealize ko yung nangyari kanina.
Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin shu. Sabi ko.
Welcome. Tipid na sagot niya.
Kilala mo pala yung mga babaeng yun. Tanong ko.
Oo naging kaklase ko sila noong third year. Sagot niya.
Ahh. Tanging nasabi ko. Hindi ko na alam sasabihin ko.
Bakit ka nga pala nila babanatan?. Tanong niya naman.
Dahil daw sinaktan ko daw si J.C my loves nila. Nakakabwiset nga eh.
Ahh simula ngayon iwasan mo na lagi kang mag-isa mahirap na.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Concern ka pala sakin. Pang-aasar ko.
Syempre naman noh kaya nga sinabi ko na soon to be gf kita eh. Bigla akong napahinto. Hindi ko alam pero parang biglang uminit yumg paligid.
Namumula siya oh. Turo niya sakin sabay tawa.
Hmp di noh. Sagot ko at nauna na sa kaniya.
Nakarating naman kami ng room at sumunod naman siya. Mga ilang minuto ay nagsimula na ang klase parang wala akong naintindihan dahil tumatakbo pa rin sa isip ko yung sinabi niya sakin kaya napapangiti na lang ako.
Dumaan ang ilang oras ay recess na pero bago yun ay may sinabi muna sakin si shu.
Mantha sabay tayo uwi mamaya okay lang ba?. Tanong niya. Hindi ko alam pero natuwa ako lalo sa sinabi niya.
Okay lang. May gagawin din si Risse mamaya eh. Sagot ko.
Cia baba nako mamaya na lang. Paalam niya.
-------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang oras ay uwian na sabi ni shu antayin ko daw siya sa guard house dahil pupuntahan niya pa kasi yung teacher namin sa math. May pinapa check pa sa kanya na mga test paper.
Nandito ako ngayon sa guard house at nag aantay pero nagtataka ako bakit ang tagal niya. Pakonti na ng pakonti ang mga tao dito. Hindi ko alam bakit nakakaramdam din ako ng kaba ngayon.
Naisipan kong hanapin siya. Sinubukan ko sa faculty ng math.
Excuse me po?.
Tumingin ako sa loob at ilang teacher na lang ang nandito. Nakita ko naman yung teacher namin sa math kaya lumapit agad ako dito.
Ohhh Ms. Selis anong atin?. Sabi ni Ma'am pagkakita sakin.
Wala po Ma'am itatanong ko lang po nandito pa si Shuriken?. Tanong ko.
Kanina pa umalis si Mr.Velasquez. Sagot ni Ma'am.
Ahh ganun po ba salamat po Ma'am.
Umalis nako ng faculty at nag-ikot sa iba pang lugar. Imposibleng mang indian si Shu. Alam kong hindi siya aalis ng basta-basta.
Shu nasaan kana ba?.
Kung saan-saan na ako nagpunta sa parte ng school hanggang sa makarating ako sa lumang garden sa likod ng theater.
Teka?!......
Napatigil ako sa paglalakad at nagtago sa pader nung makakita ako ng tatlong lalaki. Nakasuot din ng uniform namin at mukhang mga gangster ito. Bitbit nila si Shu na walang malay at pinasok sa storage room ng lumang garden.
Shu sana okay ka lang.........
To be continued......
###########################################
Yes tapos na din simula ngayon hahabaan ko na kada chapter pero pasensya na kung nabibitin kayo.
Sorry na din kung type error ah pero salamat sa pagbasa at pagtitiyaga sa story
Next Chapter : Shu is in Trouble
[ Edited: 11/01/20 ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top