Chapter 10 : Clan Anniversarry

[ Shu's POV ]

Kasalukuyan akong bahay ngayon at nag-aantay lang ng oras. Mga alas 7 na kasi ng gabi at hindi pako inaantok. Wala namang klase bukas kaya okay lang. Sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina nung PE namin.

{ Flashback }

Matapos kong tulungan si Angela sa theater ay pabalik nako ng classroom. Pagliko ko sa corridor ay tumambad sa harap ko si Mr. Gonzales na nakasandal sa pader.

Kamusta kana...... third admin?. Tanong niya.

Okay lang naman ako...... fifth admin o [ WhiteSpade ] tama po ba?. Napangiti siya sa sinabi ko.

Tama kayo ng nababasa. Magkakilala kami ni Mr.Gonzales at dating mag clanmates. Siya yung naging isa sa admin na hindi kasama sa 30 Acer. Hindi siya kagalingan sa paglalaro. Ang nakuhang interes ni Master sa kaniya ay ang pagiging strategist. Sa kaniya ako natuto kung paano mag predict at time control sa laban. At kaya marunong akong gumamit ng wooden o bamboo sword ay siya ang nagturo sakin noong nasa UGS pa kami. Marami siyang technique at training na pinagawa noon para mahasa ang reflexes ko. Nung una puro bugbog ang katawan ko sa kaniya dahil di ko matimingan ang mga kilos niya o hindi ko magawa ng tama ang inuutos niya.

Para sakin din naman yon kailangan ko daw kasi matuto ng self defense. May weapon man o wala kailangan marunong akong ipagtanggol ang sarili ko lalo pa't hindi basta basta ang mga tao sa UGS.

Naaalala mo pa pala ang IGN ko ahh.

Sumagi lang po sa isip ko. Ano nga palang nangyari sainyo. Hindi ko na kayo nakita after nung nabuwag ang clan.

Nagtuloy ako sa pag-aaral at nakapagtapos naman kaya ngayon? Eto naging self defense trainer na.

May balita na ba kay Master?. Tanong ko. Napailing siya sa tanong ko.

Pasensya na pero wala nakong contact sa kahit sino sa clan natin eh. Sagot niya.

Napatigil kami sa pag uusap nubg may tumawag sa kaniya.

Sir Gonzales!.

Mauuna nako may kailangan pa akong asikasuhin eh. Mag iingat ka palagi bata. Paalam niya.

Magkikita pa ba tayo?. Napatigil siya sa sinabi ko.

Hindi natin masasabi. Sagot niya sabay umalis.

{ End of Flashback }

Biglang namang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko si Nery pala kaya sinagot ko ito.

Shu anong balak mo para bukas?. Clan Anniversarry na natin.

Oo nga pala muntik ko na makalimutan.

Bukas nga pala ang araw kung kailan ko binuo ang clan na iyon.

Simpleng celebration lang ba?. Tanong ko.

Pwede naman. Contact-in ko na lang yung mga dating member natin kung pwede sila. Nery.

Mukhang malabo ata sila eh. Alam kong abala na kasi yung iba sa kani-kanilang buhay.

Kung wala man edi papuntahin mo na lang sila Mantha at yung isang bagong member natin. Suhestiyon niya.

Okay bale magkita kita na lang tayo bukas ng maaga sa tambayan maliwanag?.

Okay pre!. Sagot niya at ibinaba ko na yung tawag.

Makatulog na nga lang.......

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinaumagahan ay dumiretso ako sa tambayan namin para mapag usapan ang magaganap na clan anniversarry. Bale magda dalawang taon na ang nakakalipas nung nabuo ang clan na ginawa ko at yun ang Spartans.

Pagkapasok ko ay nandoon na sila Alex, Nery, Rence, Clark at iba pang mga old members ko na umalis dahil may mga kailangan ipriority tulad ng pag-aaral at trabaho.

Binuo ko ang grupo na ito dahil sa isang tanong na gusto ko malaman. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol doon. Ang tanong na yun ay......

Ano bang pakiramdam ang maging isang Clan Master?....

Dahil nga sa nangyari noon sa dati kong clan. Gusto kong malaman at maexperience kung ano ang naramdaman ni Master noong panahon na iyon. Kung paano magdesisyon ng mabilis, maging kalmado at ano ang pakiramdam na nagkakamali o nasusuway ang mga command ng isang leader.

Pre anong klaseng celebration yung gagawin natin?. Tanong sakin ni Nery.

Hindi ko alamHindi ako magaling sa mga ganito eh. Tulad ng sabi ko siguro kahit simpleng handaan lang. Sagot ko.

May naisip ako kaso di ko alam kung pasok sa budget. Singit ni Mark [Aerie]. Isa siya sa old member ng clan ko.

Baka kalokohan nanaman yan ah. Baling ni Cherry [LadyPhantom] sa kaniya. Katulad ni Mark isa din siya sa mga dating member ko na babae. 

Marunong din naman akong mag seryoso noh. Mark

Kapal ng mukha mo. Cherry.

Nagtawanan naman kaming lahat sa bangayan ng dalawa.

Ayos na kase. Kaya nagsitahimik na ang lahat. May naisip nako kasi hindi ko talaga sigurado kung aabot sa budget eh.

Akong bahala pag kulang kaya bilisan mo na. Prisinta ni Alex at nagpalakpakan naman sila.

Ayun ohh may sponsor. Rence

Sayo na lang lahat ng gastos para masaya. Nery

Ayos kayo ahh dadagdagan ko na nga tapos ako na lang gagastos?. Reklamo ni Alex.

Ilista mo na lang yung bibilhin mark para masigurado naten. Utos ko kay Mark.

--------------------------------------------------------------------------------------------

At yun nga sinimulan na namin ang plano. Malapit nga pala ito sa bahay ni Alex. Yung tambayan kasi namin ay isang maliit na apartment na may second floor at maliit na veranda. Kung tutuusin kila Alex ito, hindi na kasi nila nagagamit yung maliit na bahay na ito kaya kami na ang pinagamit. Bale nirerentahan namin ito sa magulang niya. Hati hati naman kami ng bayad dito nila Nery dahil hindi naman iyon gaano kalakihan.

Bago magsimula ng kasiyahan, nakatoka na lahat ng gagawin. Si Mark, Alex at Cherry sa pagkain. Ako at si Nery naman sa music. Samantala sila Rence sa kalat na pinaggamitan sa pagdedecorate ng paligid.

Nang matapos na ang lahat sa ginagawa ay tinipon ni Nery ang lahat sa gitna.

Guys sigaw tayo ng happy 2nd anniversarry Spartans pagbilang ko in 1....2....3..go.

HAPPY 2ND ANNIVERSARRY SPARTANS!!!

Nagkakantahan sila Mark at Cherry. At yung iba ay nagsimula ng kumain at maglaro ng mga dinala ni Clark na board games. Habang ako? ito tinitignan lang sila. Nasa veranda ako habang sila ay nasa baba. May maliit na space kasi sa tapat ng tambayan namin.

Masaya din kaya kung umabot yung Legions dati sa ganto?.....

Hoy shu sali ka dito. Tawag ni Mark na may hawak ng bote. Parang spin the bottle ata lalaruin nila.

Ayoko kayo na lang. Sagot ko.

Ang K.J mo nman shu. Rence.

Tama. Sabay-sabay nilang sabi.

Napabuntong hininga na lang. Hayst oo na sasali na.

Bumaba nako at agad na tumungo sa kanila. Sinimulan naman nilang paikutin yung bote. Kapag sayo natutok yung uluhan ng bote ay ikaw ang tatanungin ng katapat mo. Huminto ang bote sa pag ikot at tumutok ito kay Alex. At ako ang magtatanong.

Tanong o parusa?

Tanong na lang. Alex

Ahmm sinong crush mo ngayon?.

Wala akong crush noh. Alex

Sagutin mo pre gara niyan. Reklamo ni Nery.

Wala naman talaga eh. Pilit na sagot ni Alex.

Si Nica ba yung nakilala mo nung first day?. Tanong ni Rence.

Nagtaka kami ni Rence sa sinabi niya. Kaya inexplain niya iyon at nalinawan naman kami. Dahil doon napilitan na lang si Alex na umamin.

Naglaro pa kami hanggang sa sakin na natutok yung bote at si Alex yung magtatanong. Napansin kong naging seryoso si Alex.

Tanong o parusa pre. Alex

Parusa na lang para maiba. Sagot ko.

Medyo tumagal ng konti bago siya magsalita. Parang nagbago yung atmosphere.

Bakit nawala ka ng mahigit isang taon?. Alex.

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Alex. Mas lalo ako dahil hindi ko ineexpect na sasabihin niya iyon. Nagtinginan ang lahat samin.

Parusa ang pinili ko lex. Seryoso kong sabi.

Mga pre andito tayo para magsaya ahh. Paggitna ni Nery.

Pasensya na. Pagpaumanhin ni Alex. Gusto ko lang talaga kasi malinawan. Alam kong hindi lang ako kundi lahat kami na naririto.

Ayos lang yon. Pasensya na din sainyo kung hindi ko man pwedeng sabihin. Para sainyo din naman iyon.

Oo nga pala Shu nasaan na sina Mantha?. Pagbabago ng topic ni Rence.

Oo nga pala.......Bakit nawala sa isip ko.....

Nakalimutan ko. Wait subukan kong contact-in. Bubuksan ko na sana ang cellphone ko ngunit napatigil ako.

Narealize ko na wala nga pala akong number niya at ni Risse.

Hayaan mo na sa susunod na lang. Nery.

Yung parusa mo bago magkalimutan. Napatingin ako kay Alex. Isigaw mo ng malakas yung i love you at pangalan ng taong gusto mo.

Seryoso ba kayo diyan?.

Hindi naman sila sumagot at nakatingin lang sa akin. Parang inaantay na gawin ko yung parusa.

Hayst sige na nga.

Isang tao pa lang naman ang nagustuhan ko sa buong buhay ko eh. Huminga ako ng malalim at saka sumigaw.

I LOVE YOU MANTHA JANE SELIS!.

Nag hiyawan at palakpakan naman sila matapos kong sabihin iyon.

Shu wag ka magagalit ah pero nandito siya. Sabi ni rence at parang may tinawag siya sa kusina.

Doon nakita ko si Mantha na nakayuko kasama si Risse na tawa ng tawa.

Nako naloko na. Napailing ako ng di oras.

Matapos nun ay nagpatuloy lang ang kasiyahan. Bumalik ulit ako sa veranda habang sila ay tuloy pa rin sa kulitan sa ibaba.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Mag aalas 6 na ng gabi pero tuloy pa rin ang kasiyahan. Nakatambay pa din ako dito sa itaas. Medyo nabigla ako nung may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay si Mantha lang pala.

Anong ginagawa mo dito?. Bakit hindi ka bumaba?. Tanong niya.

Mas gusto ko lang dito. Tsaka masarap magpahangin eh. Sagot ko. Muntik ko na makalimutan. Pasensya na kung hindi ko kayo na contact ni Risse.

Okay lang yon. Maikling sagot niya

Pagpasensyahan mo na din yung mga kaibigan ko ah makukulit talaga eh hehe.

Nawalan naman ako ng sasabihin hanggang sa magsalita siya.

O-oo nga pala y-yung a-ano kanina. Natigilan ako nung sabihin niya iyon.

Huwag kang mag alala alam mo na rin yung sagot ko doon sa sinigaw mo.

Bigla akong napatingin sa kaniya. Nakayuko lang ito at nilalaro yung baso na hawak niya. Napansin kong kahit medyo nahihiya siya ay ngumingiti ito.

Panay ngiti mo ah parang nababaliw kana dyan.

Sira!. Bigla niya kong hinampas sa braso kaya natawa ako.

Sa kabila ng mga nangyari noon. Hindi ko inakala na gusto mo pa rin ako.

Kahit naman ako. Nagulat talaga ako sa sinabi mo kanina. Akala ko wala na yung dati. Sabi niya habang nakatingin sa langit.

Natahimik lang kaming dalawa dun at nakita ko sa baba na nagpaputok sila ng fountain sa labas.

Ang kukulit pala talaga nila. Puna niya sa mga tao sa baba. 

Ganyan talaga yan sila. Sagot ko.

May tanong pala ako. Napansin kong napatingin siya sakin kahit nakatuon ang mga mata ko sa baba.

Matapos sabihin ni Alex yung kanina....tingin ko kailangan kong bumawi....at itama lahat ng mga pagkakamali ko.....

Huminga ako ng malalim saka humarap sa kaniya. Pwede ba kong manligaw ulit?.

Haa?!.Ah..  Eh...

Napaiwas siya ng tingin at tumango lang siya ng bahagya. Okay lang.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil malapit na mag alas 8 ng gabi. Inaya ko na siyang umuwi, si Risse naman ay nauna na kaya nagpaalam nako kila Nery na ihahatid ko si Mantha sa kanila.

Habang naglalakad ay napansin kong lumapit at humawak siya ng konti sa damit ko dahil may aso na sa lalakaran namin.

Akong bahala sayo, proprotektahan kita palagi. Sabi ko.

Promise?. Tanong niya at nilahad nito ang hinliliit niya.

Promise. Sagot ko at inabot din iyon ng hinliliit ko.

Nakarating na din kame sa bahay niya kaya nagpaalam nako.

• Selis House •

Cia una nako. Paalam ko.

Ingat sa daan. Tumango ako sa sinabi niya at umalis nako.







To be continued.....

############################

Yes tapos ko na din yung chapter na to salamat sa mga nagbasa at sumuporta sa story ko sorry kung bitin gusto ko kase ng maraming chapter eh

God bless ^______^

Next chapter : Clark's Training

[ Edited: 10/23/20 ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top