Chapter 5: Vexare Mafia
Lani called for an emergency meeting sa leaders ng mafia. She received the news about Kristofer's death at nababahala siya dahil ang mafia talaga ang puntirya ng mga pulis noong araw na iyon at nabawasan sila ng isang myembro.
"We are here tonight because of an important matter," anunsyo ni Lani sa mga kasama. Nakaupo siya sa dulo ng isang mahabang conference table. Waring isang reyna na may mga iuutos sa mga taong nakikinig sa kanya.
There are six people sitting across each other. Lahat sila ay seryosong nakikinig sa mga susunod niyang sasabihin, some are still griefing sa pagkawala ng isa sa kanila, and some are anxious dahil sa mga pangyayari. Nasa loob sila ng isang underground building na itinayo ng mga naunang myembro ng Mafia para sa mga ganitong pagtitipon.
"We had a great loss dahil sa pagkamatay ni Kristofer," panimula ni Lani. "Dahil dito, nawalan na rin tayo ng mga mata sa otoridad," sinabi niya kung gaano kahalaga ang ginagawa ni Kristofer para sa Mafia.
He was in charged of monitoring the government and the authorities' actions. His programming and hacking skills are very relevant for the mafia lalo na't hindi nga nila magamit ang system na nadevelop ni Vince para sa mga transactions nila.
"So... are you saying we have a blind spot now?" tanong sa kanya ng isang lalaki. It is Geoff Tan, a known actor, and is also in charged of the 'human resources' of the team. He's referred to as Hades sa mga mafia members na hindi masyadong involved sa upper management. Nasa kanya ang final decision ng pagpasok ng mga tauhan sa mafia. He does the research, backgrounds and even deploying the people on their individual tasks.
The mafia members na nagtatrabaho sa kanila, the thugs and dealers, do not know anything about them. The upper management of the mafia has code names, based on the greek mythology, to protect their own identities.
Tumango si Lani sa kanya at sumagot, "Yes, at dahil dyan, I want all operations, no matter how small they are, to stop. Can we do that?" Tiningnan niya isa-isa ang mga taong nakaupo sa mesa. "Especially your operations, Sean," she pointed out.
Napaayos naman ng upo ang lalaki na nasa pinakamalayong upuan mula kay Lani. He's intimidated by her and he looked uncomfortable nang maramdamang lahat ay nakatingin na sa kanya. "Yes, ma'am," sagot naman niya.
Sean oversees the distribution of their products kaya siya talaga ang pinaka-unang pwedeng ma-trace ng mga otoridad dahil siya ang middle man ng upper management at mga tauhan nila na nagpapatakbo ng negosyo.
"Since we're no longer distributing the products, I assume we can also stop temporarily the production. Peter?" binaling ni Lani ang tanong kay Peter. Siya naman ang naka-assign sa production nila ng mga droga.
Peter responded by nodding his head. Naiintindihan niya na dahil wala namang demand, hindi nila kailangan gumawa ng mga supply. Hindi niya lang alam anong gagawin niya sa mga nagawa nang produkto at naghihintay na lang ang mga ito na maipamigay. Itatanong sana niya ito kay Lani pero she already moved on to someone else.
"And I expect you guys to make sure na walang mate-trace ang mga police. Lalo ka na, Kristina. He was your brother and I'm sure they'll also investigate about you," sabi pa ni Lani sa babaeng katabi ni Peter. She's the one in charge of procuring supplies for the mafia.
"I have a tight lip and I can assure you our org won't be compromised," she looks at the other girl on the other side of the table na nakaupo sa left side ni Lani. "What I don't understand is bakit hindi man lang nagawa ng mga taong kasama ni Kris na protektahan siya? What does her role means kung hindi man lang niya kayang protektahan ang kapatid ko? Bakit pa siya sa sumama sa deal na 'yon?"
Hindi na napigilan ni Kristina ang emosyon niya. Nagagalit siya kay Mina dahil bilang siya ang head of security bukod kay Kris, wala itong nagawa para sa kapatid niya. Sinamaan niya ito ng tingin. If looks could kill, kanina pa patay si Mina.
"I did everything I could!" depensa ni Mina. Naiinis din siya sa dahilang siya lang ang sinisisi ni Kristina. Tatlo silang nandoon, kasama niya si Peter at Lance pero siya ang sinisisi nito kung bakit namatay ang kaibigan.
"Everything? Yes! Everything!" sarkastikong sabi ni Artemis. "Kaya pala namatay si Kris doon! Hindi nyo man lang kinuha ang katawan nya para man lang mapadali ang trabaho ko," dagdag pa niya.
"We can't, Kristina," nagsalita na rin sa wakas si Lance na kanina'y tahimik na nakikinig lang. "Napakaraming pulis noon. We were really set up. Marami na nga kaming tauhan na nilagay sa hotel but those people were not enough. Your brother is not the only one killed. We lost a few people," he said.
"Fuck the police then! Kaya nga nandoon ang babaeng yan eh!" turo ni Artemis kay Mina.
"Enough!" Lani shouted and that silenced everyone. She can't stand the argument anymore. "Stop talking or I'll kill you right now," pagbabanta niya pa kay Kristina.
Nanahimik naman si Kristina dahil alam niyang kapag nagbanta si Lani, tututohanin talaga niya ito.
Nagkatinginan ang lahat. It was an awkward and intense silence. Nagpapakiramdaman na lang ang anim at wala nang may balak na magsalita. Kumalma naman si Lani at nagsimula na namang magsalita.
"I called this meeting to warn everyone. I don't like another news about our mafia being broadcasted in public. Lance," binaling niya ang atensyon sa anak. "I want you to find a suitable person na papalit kay Kris. I need eyes and ears on the actions of the authorities."
Tumayo na siya at tiningnan nang masama si Kristina.
"This meeting is adjourned. Settle everything outside. Not here. Magpatayan kayo sa labas kung gusto niyo, for all I care. Huwag na huwag niyo lang idadamay ang buong mafia sa emotional nonsense niyo."
She walked out the door and left everyone dumbfounded. Their leader just ordered them to do nothing and also gave her permission for them to kill each other. Kristina interprets the threat literally that she's planning on something... she's planning on killing someone on this room.
---
Criselda meets Melissa on a restaurant near her place. Niyayaya siyang lumabas ng kaibigan, paniguradong dahil binabantayan nito ang lagay niya. Nang makapasok sa loob ay nakita naman niya si Melissa na nakaupo sa pwesto sa tabi ng bintana. Kinawayan siya nito.
Lumapit si Criselda kay Melissa at umupo ito sa tapat niya.
"Kumusta?" bati ni Melissa sa kaibigan. "Are you okay now?" tanong niya rito.
"Yes, thank you for your concern," sagot naman sa kanya ni Criselda. She gave her a forced smile.
"Sorry I had to go last night. Lance had an emergency and he needed someone," Melissa apologized.
"Bakit anong nangyari?" tanong ni Criselda.
"His best friend died yesterday. He did not gave any details but he was really shocked. I didn't know what to do. First, ikaw tapos siya. What is happening in the world..." she asked. Malaking coincidence kasi na may mabalitaan siyang pagkamatay sa isang araw. She realized how cruel life is.
Napatango na lang si Criselda. She knows what her friend is talking about, since the mafia is involved with Baning's death, she assumes the mafia also had their share of casualties and one of them is Lance's friend.
"By the way, today's my treat. For sure walang ginawang matino ang kapatid ko kagabi." Melissa browsed the menu. "What happened nga pala last night? You called me earlier just to get his number?"
Naubo si Criselda sa itinanong sa kanya ng kaibigan.
"Something wrong?" Nahinto si Melissa sa paghahanap ng makakain dahil sa reaksyon ni Criselda.
Agad namang umiling ang dalaga para itanggi na may nangyari kagabi.
"Wala, wala. He just took something important," she implied.
"That brat..." Nahiya tuloy si Melissa sa kaibigan. "Don't worry, I'll tell him to return it for you."
"No, it's okay, Mel," tanggi naman ni Criselda. She knows it's something Daryl wouldn't be able to return.
"I'm really really sorry, Cris," humingi na lang ng paumanhin si Melissa, assuming his brother stole something from her friend.
"No, its okay. Its okay. Hindi naman ikaw ang dapat humingi ng dispensa. Its not your fault anyway," sabi pa ni Criselda sa kanya.
"Don't worry. Kakausapin ko yung batang 'yun," assurance naman sa kanya ni Melissa.
"It's okay. Ako na ang bahala sa kanya. Let's eat for the mean time," sabi ni Criselda. "Waiter!" tinawag na rin nila ang waiter para ibigay ang order nila.
---
Time passed at hindi pa rin natatapos ang dalawa sa pag-uusap. They had a lot to catch up to at ito lang ang paraan ni Melissa to keep Criselda occupied. Marami nang naikwento ito tungkol sa mga ginawa niya sa Singapore.
"I had to start the business here kasi ayoko na talaga bumalik kina Papa," she continued her story.
Just the word Papa made Criselda think about Baning. She frowned. Melissa is carried away with her stories na nakalimutan niya ang pagkamatay ng tatay ni Criselda.
"I'm sorry, Cris," she again apologized.
"No, it's okay. We should talk about this so I can get over this right away. I have a lot of important things to do para sa burial ni Papa," sagot pa ni Criselda, bringing up her worries tungkol sa worries niya sa lamay ni Baning.
"I can help you with that," Melissa offered.
"Thank you," Criselda gladly accepted it. Marami siyang dapat asikasuhin at isa pa doon ang pakikipagmeeting niya sa abogado. Apparently, Baning has written a will.
Criselda's phone rang kaya sinagot nya ito.
"Excuse me, Mel." Tumayo sya sa mesa at lumayo ng kaunti kay Melissa. "You jerk," sagot nya sa kabilang linya.
"Whoa! Kalma ka lang. Pwede ba tayong magkita?" sabi naman ni Daryl na siyang tumawag kay Criselda.
"Come here. Kasama ko ang sister mo. We are having lunch together. Para naman malaman na rin nya kung ano ang kawalanghiyaan ang ginawa mo," paghahamon ni Criselda kay Daryl.
"No thanks," tanggi ni Daryl. "Baka patayin lang ako niyan kapag nalaman niya."
"So, akala mo hindi kita kayang patayin sa ginawa mo?" nanliit pa lalo ang mata ni Criselda sa galit.
"Para namang pinilit ka! Ginusto mo rin naman ah." Sabi pa sa kanya ni Daryl. Lalo namang kumulo ang dugo ni Criselda sa sinabi ni Daryl.
"Where are you?" tanong ni Criselda. Mahigpit na ang hawak nya sa cellphone nya. Ibinigay naman ni Daryl ang address ng pagkikitaan nilang dalawa. Pinatayan niya agad ito ng tawag nang makuha niya ang address kung nasaan si Daryl.
Bumalik si Criselda kay Melissa at nagpaalam dito na aalis na siya.
"Where are you going?" tanong ni Melissa sa kanya.
"I have to talk to your brother," paalam nya dito.
---
"I'm sorry. I know I'd been a jerk. Kung gusto mo, saktan mo ko." sabi ni Daryl kay Criselda. Magkatapat silang nakaupo. He finally found courage na harapin si Criselda matapos niya itong takbuhan nang gumising siya. Hindi niya kasi alam ang gagawin.
Criselda laughed in disbelief. "Gago. Hindi mo na mababawi ng sorry mo ang ginawa mo. Ginawa mo na nga yun and worst, tumakas ka! Ha! Ang kapal rin naman nyang mukha mo ano?!" galit na galit na si Criselda. Nag-aapoy sa galit si Criselda, she does not have time for this pero hindi niya kayang i-let go ang nangyari. Gusto niyang sunugin ng buhay si Daryl dahil sa ginawa nito.
"Kaya nga ako nagso-sorry. Nataranta lang kasi talaga ako paggising ko 'nun kaya tinakbuhan kita," pag-eexplain pa ni Daryl.
"Fuck you!" she lifted her right hand at nagdirty finger siya. "So sa tingin mo, ganun na lang kadali iyon? Kapag nag-apologize ka, okay na?!" sarkastikong tanong ni Criselda. "You don't know how important that was for me, you bastard!"
"I want to compensate with you. Sige, para makabawi ako, gagawin ko ang mga ipapagawa mo." he desperately said. Napapahiya na kasi siya dahil sa lakas ng sigaw ni Criselda. Maraming tao na ang nakatingin sa kanilang dalawa. Nasa loob sila ng isang coffee shop at nagsisisigaw ang dalaga. "Sige. Ano bang gusto mo? Gawin kitang girlfriend ko? Fine. Edi tayo na." sabi nya pa kay Criselda nang hindi nag-iisip.
Hindi niya alam paano ba siya manghihingi ng sorry dahil hindi naman niya sadya ang nangyari.
Lalong nagalit si Criselda sa sinabi niya. Sinampal sya nito at sinabing, "Hindi ako cheap na babae. Hindi lang sampal ang kaya kong gawin sa'yo. Pasalamat ka wala akong oras na dapat sayangin ngayon pero once na natapos ko na ang lahat ng dapat kong gawin, you should run for your life," pagbabanta ni Criselda sa kanya bago ito nagwalk out sa coffee shop na iyon.
Naiwan namang nakatulala si Daryl sa sinabi ni Criselda. Naramdaman nya kasi talaga ang matatalim na tingin at salita nito sa kanya. Napahawak pa nga sya sa dibdib niya, malakas ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit.
---
Araw ng libing ni Baning. Puro mga pulis at mga respetadong tao ang nakikipaglibing kay Criselda. Nakikisama pa ang panahon sa kanila. Nasa unang hilera nakapwesto si Criselda at si Melissa. Iyak ng iyak si Criselda habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong ni Baning.
Nakapansin si Criselda ng isang babae mula sa malayo na nakatingin sa kanila. Nakaitim ito at parang pinapanood sila. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan nang maaninag nya kung sino ito. "Tita Beth?" mahinang tanong ni Criselda.
"Ano iyon Criselda?" nagtatakang tanong ni Melissa at napatingin din siya sa direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan.
Napatingin naman si Criselda kay Melissa na parang nagsusumbong. "Si Tita Beth." At tumingin ulit siya sa kinaroroonan ng babaeng natanaw niya.
"Nasaan?" napatayo na rin si Melissa at tumingin kung saan nakatingin si Criselda pero wala na ang babae doon. "Wala naman ah," sabi nya. "Pagod ka lang, Cris. Magpahinga ka muna," payo ni Melissa kay Criselda.
Tumango naman si Criselda at naisip na baka ilusyon niya lang iyon. Inalalayan siya ni Melissa pabalik sa sasakyan nila matapos ang libing.
---
Ilang araw matapos ang libing ni Baning, kinailangan na niyang kitain ang abogado ng ama.
"Miss Criselda Valdez, we are meeting here today because of an important matter," bungad ng abugado ni Baning kay Criselda. Nasa isang coffee shop sila. Alas otso ng umaga pa lang at alam ni Criselda na napakahalaga ng appointment na ito para sa kanya. "We are going to talk about your father's last will and testament," pagpapatuloy ng abugado.
Tumatango lamang si Criselda habang ine-explain sa kanya ang mga legal terms tungkol sa isyung ito.
"Mapapasayo ang lahat ng pera at ari-arian ni Mr. Giovanni Valdez in one condition. Sabi nya dito sa kanyang sulat..." Inabot ng abugado kay Criselda ang isang envelope na naglalaman ng last will and testament ni Baning "...na makukuha mo lamang ang kanyang yaman once you found Bethany Valdez, his wife."
Dahil sa narinig niya, inalala ni Criselda kung ano nga ba ang nangyari kay Beth at ang babeng nakaitim sa lamay ni Baning. "She ran away from home years ago," sabi ni Criselda sa abugado. "Ni wala nga akong basic information o kahit contact man lang sa kanya," pagpapatuloy pa niya.
"Sorry Ms. Valdez. Iyon kasi ang nakalagay sa will. Kapag hindi mo nahanap si Mrs. Valdez within a year, all of Mr. Valdez' fortune will go to a charity chosen by him," sabi pa sa kanya ng abugado.
"Thank you, attorney. I will make sure na mahahanap ko si Tita Beth," sinabi ni Criselda sa abugado bago ito umalis.
She knows she needs Baning's wealth in order to execute their plan to revenge against Lani. Kailangan niyang hanapin ang kanyang foster mother para magawa ito.
---
"Kanina ka pa?" tanong ni Lance kay Melissa. Nagyaya kasi ito ng isang lunch date at pagdating niya'y nakahanap na ng pwesto si Melissa.
"Actually kanina pa talaga. Mga 11am," sabi ni Melissa kay Lance. Sinilip naman ni Lance ang kanyang relo. Mag-aalas dose na nang tanghali.
"Nandito ka na before pa ako tumawag sayo?" tanong naman ni Lance na may pagtataka.
"Yes, I actually went here to eat pero tumawag ka so..." nakangiting sabi ni Melissa. Tumango naman si Lance. "Sige, kain na." sabi naman ni Melissa sa kanya.
"Bakit ikaw? Di ka na kakain?" tanong ni Lance sa kanya.
"Nope. Kakakain ko lang diba? Gusto mo ba akong tumaba?" she squinted her eyes.
"Why not? That's a good idea!" sabi naman ni Lance sa kanya. Kumunot ang noo ni Melissa. "Mas masarap yakapin ang matataba," dugtong pa ni Lance.
"So sinasabi mo na ayaw mong niyayakap ako dahil hindi ako mataba?" tanong ni Melissa sa kanya. Parang naghahanap ito ng away dahil iniiba niya ang interpretasyon sa sinabi ng kasintahan.
"Hindi naman. Mas masarap ka pa ring yakapin kasi ikaw ang mahal ko," pinisil ni Lance ang pisngi niya. Sanay na siya dito sa girlfriend niya at sa mga interpretasyon nitong hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.
"Bolero. Kumain ka na lang dyan!" nangingiti naman si Melissa sa sinabi ni Lance pero tinatago nya ito. Kinilig naman kasi siya sa sinabi niya.
Habang kumakain si Lance, may itinanong sya kay Melissa.
"Ay, oo nga pala, Lis..." panimula niya nang may naalala siya. "May kilala ka bang white hat hacker sa mga kaibigan mo? O kahit magaling na programmer na lang?" tanong niya dito. He's on a dead end sa paghahanap ng papalit kay Kris, hindi niya nagustuhan ang mga kandidatong ipinakita sa kanya ni Geoff nung isang araw.
Tinanong niya si Melissa dahil nag-aral ito ng computer engineering at naikwento na minsan ni Melissa na marami itong kilalang magagaling na programmer na ngayon ay may sari-sariling nang negosyo.
"Let me think." nirerecall ni Melissa kung may pwede ba siyang irekomenda. Pagkatapos nito ay naalala nya si Criselda. "Tama! Si Criselda! Yung best friend ko, she's your employee."
"My employee?" takang tanong ni Lance.
"Yes, she's recently hired on Lim Industries at nasa IT department niyo siya nagtatrabaho," sagot ni Melissa. "Back when we were in college, Criselda is one of the people that has remarkable skills when it comes to programming. You may want to check her out, kailangan niya rin ng trabaho ngayon because I'm worried about her. Her dad recently died at mag-isa na lang siya sa bahay," kwento niya.
Napatango na lang si Lance sa sinabi ni Melissa. He will definitely check her friend's information later dahil mukhang tiwala ang girlfriend niya sa kakayanan nito.
---
Kinabukasan, busy sa department nila Criselda dahil may system issue and website ng Lim industries. Kasama nya si Jon at nagtutulungan silang alisin ang bug na iyon sa system.
"Sino dito si Criselda Valdez?" Isang lalaki ang umagaw ng atensyon ng lahat ng empleyadong naroon. Napatingin naman silang lahat kay Criselda.
"I am, sir," tugon naman ni Criselda. Tumayo pa sya para makita siya ng lalaki.
"Mr. Lance Lim wants to talk to you. Come with me." Nagsimula namang maglakad ang lalaki na pinapasama si Criselda sa kanya.
"Anong ginawa mo?" curious na tanong ni Jon sa kanya. Itinaas lang ni Criselda ang kanyang dalawang balikat at sumunod sa lalaking iyon. "Sana hindi ka pa matatanggal sa trabaho," pahabol ni Jon sa kanya.
Nagtataka rin si Criselda at bakit siya naipatawag ni Lance. Wala pa siyang ginagawang hakbang para lumapit rito dahil hindi pa siya tapos sa task niyang hanapin si Beth.
"Trust me, I'm not." Iyon na lang ang sinabi ni Criselda. Sinundan ni Criselda ang lalaking tumawag sa kanya papunta sa office ni Lance. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto para makapag-usap silang dalawa.
"Good day, Ms. Valdez," bati sa kanya ni Lance na may ngiti sa labi.
Nginitian rin naman ni Criselda si Lance. "Hi, sir Lance, pinatawag niyo po ako?" She wants to confirm kung totoo ngang siya ang pinatawag nito.
Tumango naman si Lance bilang sagot. He gestured his hand, asking her to take a seat sa sofa sa office niya. Iniwan na rin sila ng lalaking sumundo sa kanya para makapag-usap silang dalawa.
Umupo si Criselda saka nagtatakang tumingin kay Lance.
"I suppose you know my girlfriend really well," sabi ni Lance sa kanya. "She is your best friend right?" tanong pa nya.
"Yes, sir. I am glad we formally knew each other. I've heard a lot of things about you from Melissa," sagot ni Criselda. Mukhang naikwento na rin siya ni Melissa sa kasintahan nito.
"I also heard a lot about you, too." sabi ni Lance. "Lis recommended you to me. I'm currently looking for someone who's good at hacking and programming."
Napatango si Criselda sa sinabi ni Lance. Hindi na rin niya naitago ang ngiti sa labi dahil para bang binigyan na siya ni Melissa ng headstart para sa mga plano niya. Ang kaibigan niya ang nagbukas ng oportunidad para mapalapit kay Lance.
"Sure, sir. I'll gladly help you with that," pumayag naman siya kaagad.
Nginitian siya pabalik ni Lance pero agad din iyong nawala, "No offense meant but I did a background check on you. She mentioned you lost your father recently and he left you a fortune?"
"What do you mean by that sir?" tanong ni Criselda.
"Aside from your skills, I have a business proposal for you," Lance gave an introduction.
"Business proposal?" interesado si Criselda.
"We have this organization..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top