Chapter 4: Death

"Ano ka ngayon? Have you learnt your lesson?" panenermon ni Melissa sa kapatid nya. Pinuntahan nya kasi ito sa kulungan upang ilabas sya doon. Palabas na nga sila sa isang police station.

"Aish." Inis na napakamot ng ulo niya si Daryl. Inisip niya na kung hindi dahil sa babaeng nakabanggaan niya, edi sana wala siya dito.

"Don't start me with your attitude. Sa'yo napunta ang kita ng bar ko ngayong araw," dagdag pang sermon ni Melissa.

Madaling nagtungo na lang si Daryl sa sasakyan ni Melissa. His sister nags so much lalo na kapag tungkol sa pagkakarera niya ang usapan. Gusto na lang niyang umuwi at magkulong sa kwarto. Sabay silang pumasok ng sasakyan at parehong walang imik. Halatang inis sa isa't isa.

Habang nagda-drive, binalitaan ni Melissa ang kapatid, "Alam na nila Mama ang ginawa mo."

Nanlaki naman ang mga mata ni Daryl. Paniguradong sa Singapore na naman ang bagsak niya nito.

"Bakit mo pinaalam?" inis niyang tanong sa kapatid.

"The car, Daryl," diin ni Melissa. "Hindi ako nagsumbong. Ang sasakyan mo ang nagsumbong sa'yo."

Naalala na niya. Nasa impound na ang sasakyan niya at paniguradong nasabihan ang mga magulang nila sa lagay ng sasakyan dahil nakapangalan iyon sa Papa nila.

Ginulo ni Daryl ang buhok niya. Tinatanong niya ang sarili na bakit lagi na lang niyang nakakasalubong sa intersection na iyon ang babaeng iyon.

Magpapatuloy pa sana sa panenermon si Melissa nang tumunog ang phone niya. Lumabas naman ang pangalan ni Criselda sa screen ng sasakyan kaya sinagot niya ang tawag.

"Hello, Cris?" takang tanong niya rito. Madaling araw na at hindi naman tumatawag ng ganito kaaga si Criselda.

Narinig ni Melissa ang mahihinang hikbi ni Criselda sa kabilang linya.

"Cris, okay ka lang?" alalang tanong ni Melissa. "What happened?"

"Mel..." bungad ni Criselda, "Si papa... patay na si papa." balita sa kanya ni Criselda. Nagulat naman si Melissa sa natanggap na balita at rinig niyang humagulhol na ng tuluyan si Criselda.

"Wait, Cris..." Hindi alam ni Melissa ang sasabihin sa kaibigan. Nilingon niya si Daryl na parang walang naririnig. Tinaasan lang siya nito ng kilay at nagkibit balikat. "Nasaan ka?" tanong niya.

"I just saw him. He's cold," wala sa sariling sagot ni Criselda.

"Are you in a hospital? What hospital?" Melissa is fishing for Criselda's location.

"Puntahan mo na lang ako sa bahay. Pauwi na ako," sabi na lang ni Criselda bago nito ibaba ang tawag.

Madali namang sinunod ni Melissa ang instructions ng kaibigan. Matagal na siyang hindi nakapunta sa bahay nina Criselda pero naaalala pa rin naman niya ang location nito. She stopped at the nearest U-turn slot at iniba niya ang daan ng sasakyan.

"Melissa, kasama mo ako," paalala sa kanya ni Daryl.

"So?" tanong ni Melissa sa kapatid. "Kumapit ka diyan. Knowing Criselda, she's easy to breakdown. Baka anong mangyari sa kanya kapag naiwan siyang mag-isa."

Wala namang nagawa na si Daryl dahil nga pasahero lang siya sa sasakyan ng ate niya.

"Sino naman 'tong Crisela na 'to?" pabulong niyang tanong sa sarili.

---

Wala sa sarili si Criselda na naglalakad pauwi. Nasa loob na siya ng village nila at malapit na siyang makauwi, ni hindi nga niya namalayan na naiwan niya ang sasakyan sa hospital kung saan dinala si Baning. Because of shock, she forgot that she brought her car with her.

Inaalala niya ang sinabi ng pulis na in charge sa kaso ng tatay niya.

"It was an entrapment operation, Cris. Nakakuha kami ng tip kung saan namumugad ang mga pinuno ng Vexare Mafia," sabi pa ng pulis sa kanya. Nakatingin silang pareho sa bangkay ni Baning. Pinapunta siya rito para i-dentify ang bangkay ng ama.

Vexare Mafia na naman. Iniisip ni Criselda na nakatali na talaga ang tadhana niya sa organisasyong iyon. Hindi pa man siya nakakapasok sa mafia, malaki na ang naging epekto nito sa buhay niya.

Hindi niya lubos akalaing maiisahan na naman siya nga mafia nang hindi pa nga sila nakakapag-umpisa ni Baning sa mga plano nilang pabagsakin ito.

Isang mahabang busina ang gumising sa diwa niya. Napalingon siya dito at tumambad sa kanya ang mukha ng lalaking nakabangga sa sasakyan nila. Nakalabas ang ulo nito sa sasakyan at tinatawag siya.

"Criselda!" sigaw pa nito. Natigilan naman ang lalaki nang mamukhaaan rin siya nito.

Napakunot na lang ang noo niya, nagtataka kung bakit siya kilala nito. Dinaanan lang siya ng sasakyan at nagkatinginan talaga silang dalawa ng lalaki dahil dito. Lumampas sa kanya ang sasakyan bago ito tuluyang huminto. Pinanood naman niyang bumaba ng driver's seat ang isang babae at tumakbo ito palapit sa kanya.

Saka niya namukhaan si Melissa nang malapit na ito sa kanya.

"Cris, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya.

Tinanguan niya ang kaibigan saka niya rin tiningnan ang lalaki na galing rin ng sasakyan ni Melissa. Napansin naman ni Melissa na nakatitig si Criselda sa kapatid.

"Ah, si Daryl, kapatid ko," pakilala niya rito.

"Kapatid mo?" Nagpapalit-palit ng tingin si Criselda kina Melissa at Daryl. Ngayong magkasama na sila, na-realize na niya kung bakit pamilyar ang mukha ng lalaking ito.

"Kilala mo 'to?" gulat ding tanong ni Daryl sa kapatid niya habang nakaturo kay Criselda.

"Magkakilala kayo?" balik na tanong ni Melissa sa kanilang dalawa.

---

Nakaupo naman sila sa sala sa loob ng bahay ni Criselda. Naikwento na rin ni Criselda ang nangyari kay Baning. Kahit inis si Daryl kay Criselda, pinalipas niya muna ito dahil masamang balita na ang nakuha ng dalaga. May simpatya pa rin naman siya pero hindi niya maiwasan ang isipin na karma iyon ni Criselda dahil sa kamalasang dala niya sa buhay ng mga tao sa paligid niya, na kahit siya na hindi niya kakilala, nadadamay sa mga kamalasang dala nito. Napailing na lang si Daryl dahil sa pinag-iisip niya.

"Oh, kape." Inabot ni Melissa sa isang tasa kay Criselda. Natapos na rin ang pag-iyak ni Criselda pero nakatulala lang siya.

"Salamat," tanging nasabi ni Criselda. Hindi sya uminom, bagkus ay inilagay niya lang ang tasa sa mesa sa harap niya.

"Kung di ka iinom, akin na lang." Hinablot naman ni Daryl ang tasa at ininom ito. "Ah! Ang init! Ang init!" Agad naman nyang nilapag muli ang tasa nang mapaso ang dila nya.

"Bobo! Malamang kape yan!" sabi naman sa kanya ni Melissa. Naiinis siya sa asal ng kapatid. Hindi ito ang tamang panahon para maging isip-bata.

Nag-ring ang cellphone ni Melissa na nasa mesa rin. Nabasa ni Daryl sa screen nito kung sino ang tumatawag.

"Psh. Lance na naman." inis na sabi ni Daryl. Hindi kasi sya payag sa relasyon nila ni Melissa. Naagaw nito ang atensyon ni Criselda. Sinamaan naman ng tingin ni Melissa si Daryl.

"Wait. I'll just answer this call," paalam ni Melissa kay Criselda. Nakatingin lang naman si Criselda sa kanya habang palayo ito.

Nang makalayo si Melissa sa kanila, agad na nagtanong si Criselda kay Daryl.

"Pano nagkakilala sina Melissa at Lance?" tanong nito sa kanya. Hindi naman inaasahan ni Daryl ang tanong na iyon.

"I don't know," kibit balikat niya. "All I know is they met in Singapore. Thanks to me. Psh." waring sinisisi ni Daryl ang sarili niya dahil nagkakilala sina Lance at Melissa nang pinuntahan siya ni Melissa sa Singapore para sunduin dahil menor de edad pa sya noon.

Napatango lang naman si Criselda sa narinig nya. "So... what do you know about Lance?" patuloy sa pagtatanong si Criselda. Naging uncomfortable naman si Daryl dahil dito.

"Chismosa ka rin eh no?" sabi ni Daryl sa kanya. Bago pa man makapagsalita si Criselda upang sagutin si Daryl, lumapit naman sa kanila si Melissa. Kita rito ang nag-aalalang mukha niya.

"Cris, I need to go. Emergency." paalam niya kay Criselda. Binaling niya ang tinign sa kapatid. "Stay with her," utos naman niya kay Daryl. Kumunot naman ang noo ni Daryl. "Please? Just for tonight?" paki-usap nya dito.

"Sige na, sige na," napilitan naman si Daryl. Minsan lang naman humingi ng pabor ang ate niya.

"No, its okay. Inis 'yan sa akin, baka patayin pa ako sa galit," nagawa pang magbiro ni Criselda habang tumatanggi.

"No. Daryl will stay. Baka may gawin ka eh," Melissa insisted. "Para na rin mapanatag loob ko," she added.

"Oo na nga! Magsisimula ka na namang magdrama dyan eh. Alis na!" pagtataboy ni Daryl sa kapatid niya.

"Okay. Mag-iingat kayo dito," bilin pa niya na parang nanay na iiwan mag-isa ang kanyang anak.

Nagmamadali naman siyang pumasok sa sasakyan niya at humarurot paalis samantalang pinapanood lang siya nina Criselda at Daryl.

Nang makaalis sya, niyaya ni Daryl si Criselda.

"Let's drink?" pagyayaya ni Daryl kay Criselda habang pinapanood nilang palayo ang sasakyan ni Melissa. Tinanguan naman ito ni Criselda bilang sagot.

Criselda headed to the couch while Daryl went to the kitchen to get drinks. Nang walang mahanap na hard drinks si Daryl sa kusina ni Criselda, lumabas nalang siya roon at kinausap ang dalaga.

"Wala kang alak?" tanong ni Daryl kay Criselda. Iling ang isinagot ni Criselda sa kanya. Wala itong kagana-gana at parang malalim ang iniisip. Nakapalumbaba lang ito at nakatingin sa kawalan. "Sige, bibili na lang muna ako," sabi ni Daryl.

Daryl went out and headed to the nearest convenience store. Namili siya ng alak na iinumin at napailing na lamang siya nang makitang puro pangmasang alak ang naroon. Napilitan na lamang siyang kunin ang tatlong bote ng isang kilalang brandy. Lumapit sya sa cashier at ibinigay rito ang tatlong bote.

Kinapa nya ang bulsa ng pantalong suot nya at nanlaki nalang ang mata nya nang wala syang makapang wallet. Naalala nya na galing pala syang kulungan at nakumpiska ang lahat ng gamit niya, kasama na roon ang wallet niya at naiwan iyong lahat sa sasakyan ni Melissa. "Teka lang, miss. Babalikan ko 'yan," paalam niya sa babae at kumunot naman ang noo nito.

"Ay naku, kuya," reklamo nito sa kanya.

Madali naman syang lumabas ng convenience store at tumakbo pabalik sa bahay ni Criselda. Bigla na lamang siyang pumasok rito at naabutan nya si Criselda sa parehong pwesto nito nang umalis siya. Ni hindi nga siya nito nilingon.

"Criselda," tawag pansin niya sa dalaga. Lumingon naman sa kanya si Criselda at nahihiyang ngumiti si Daryl. "Nakalimutan kong wala akong pera." Sabay lahad ng palad nya kay Criselda.

Dahil dito, nakita ni Daryl na may sumilay na ngiti sa labi ni Criselda. "Makapag-aya ka ng inuman tas wala ka palang pera." Pinanood ni Daryl si Criselda na dumukot sa bulsa ng cardigan na suot nya. "Oh," Inabot sa kanya ni Criselda ang isang limang daang piso.

Nginitian ni Daryl si Criselda. "Salamat." Agad namang tumakbo pabalik ng convenience store si Daryl at madaling lumapit sa cashier. "Ate, bayad ko," sabay abot ng perang ibinigay sa kanya ni Criselda.

"Hay salamat," sarkastikong tugon ng babae sa kanya. Alanganin namang ngumiti si Daryl sa kanya. "Thank you, come again," saad ng babae nang iniabot nito ang supot na naglalaman ng mga alak.

"Thanks!" Daryl grabbed the plastic and ran back to Criselda's house.

Wala na si Criselda sa may sofa nang makarating siya sa bahay nito. Inilapag ni Daryl ang plastic sa mesa at nagtungo ng kusina para kumuha ng wine glass. Bumalik naman sya ng sala nang makuha ang wine glass at wala pa rin si Criselda roon.

"Criselda!" sigaw ni Daryl. Naisip nyang baka nasa itaas ito. Nagulat naman sya nang makitang lumabas ng isang kwarto si Criselda. Basa ang buhok nito at mukhang bagong ligo. Napakunot naman ang noo niya.

"Ingay mo," reklamo ni Criselda sa kanya. Umupo si Criselda sa sofa at kinalikot ang plastic na nakalagay sa mesa.

Sumunod naman si Daryl sa couch at umupo rito. Pinanood nyang buksan ni Criselda ang bote ng brandy na binili niya. Nang mabuksan ito ni Criselda, kinuha naman nito ang wine glass at iniabot kay Daryl. Kinuha iyon ni Daryl at nagsalin si Criselda ng brandy sa baso niya saka lang nito sinalinan ang isa pang baso na nasa mesa.

"Cheers?" tanong ni Daryl kay Criselda.

Kumunot naman ang noo ni Criselda. "We are not celebrating." mataray nitong sagot sa kanya.

"Oo nga pala. Sorry," Daryl apologized.

There's a moment of silence. Pinapanood lang ni Daryl si Criselda na sunod-sunod na magsalin at uminom ng brandy. He can't read what's on her mind. Nakikita niya ang lungkot at galit sa mga mata ni Criselda. Napaiwas na lamang siya ng tingin kay Criselda nang tumingin rin ito sa kanya.

Napatikhim na lamang siya at nagsalin ng brandy sa wine glass nyang wala na palang laman.

"Hoy," tawag sa kanya ni Criselda. Nilingon naman nya ito. "Bakit ayaw mo kay Lance?"

"Di ko alam," sagot ni Daryl sabay inom. "Basta."

Lumapit si Criselda sa kanya at inilapag nito ang hawak nyang wine glass. "Dali na. Sabihin mo sakin," pagpupumilit nito.

Napabuntong hininga si Daryl. He can't resist Criselda, siguro dahil nga ito ang trabaho niya ngayon, 'keep her occupied'. "Because he looks like a player." Isang buntong hininga na lamang muli ang nailabas niya.

Tumango-tango naman si Criselda. "'Wag kang mag-alala, kilala ko si Lance. Hindi nya papabayaan si Mel," Criselda said with assurance.

"Gaano ba kayo katagal nang magkatrabaho?" tanong ni Daryl kay Criselda. Parang kilalang-kilala na kasi ni Criselda si Lance.

Pinag-isipan ni Criselda kung gaano na ba siya katagal nagtatrabaho sa Lim Industries. "Ah, ewan. Maag-iisang buwan na rin siguro." Sagot ni Criselda habang nakatingala. Naisip niya rin ang una at huling araw na nakita niya si Lance sa trabaho, ang unang araw niya doon.

Natawa naman si Daryl sa kanya. "Kilala mo na sya agad? Sandali pa lang kayong magkatrabaho."

"Oo kaya!" Criselda insisted. Bigla na lang napayuko si Criselda na ipinagtaka naman ni Daryl. Nanahimik na naman sa buong paligid.

"Criselda, minsan kailangan mo ring ilabas ang sama ng loob na nararamdaman mo," bigla na lamang nasabi ni Daryl. Dahil rito, nilingon siya ni Criselda nang nakangiti.

"Okay lang ako. Okay na ako," sabi sa kanya ng dalaga.

Umiling si Daryl. "Hindi rin." Hinawakan ni Daryl ang pisngi ni Criselda. "Kasi hindi ka naman luluha kung okay ka lang." Saka nito pinunasan ang tumutulong luha ni Criselda.

Nanlaki naman ang mata ni Criselda at hinawakan ang pisngi niya nang mapagtanto na umiiyak na pala siya. Imbes na ang pisngi niya ang kanyang mahawakan, kamay iyon ni Daryl. Inilayo ni Daryl ang kamay niya at saka tumalikod sa kanya si Criselda para punasan ang kanyang mga luha.

Naisip ni Daryl na masyadong masakit para kay Criselda ang lahat ng nangyayari sa kanya na hindi na nito namamalayang umiiyak na pala siya. Pinapanood niya ang dalaga na pigilan ang pagtulo ng mga luha nito, saka niya naisip na iba ang babaeng kaharap niya sa babaeng nakilala niya sa intersection.

"Ganito na lang," simula ni Daryl at lumingon sa kanya si Criselda. "Kapag nalasing kasi ako, wala na akong naaalala kinabukasan. So, iinumin ko nalang lahat nang 'yan..." sabay turo sa isang bote ng brandy. "...Saka mo ilabas lahat ng hinanakit mop ag nalasing na ako," Suhestyon niya kay Criselda.

"Pwede mong ikwento lahat lahat nang masasakit na pangyayari sa buhay mo. Pwede mong isiping ako ang papa mo. Pwede mo akong saktan kung gusto mo." Nginitian niya si Criselda. Gusto niya kasing pagaanin ang loob nito. Hindi nya gustong makakita ng isang babaeng umiiyak.

Natawa si Criselda sa suhestyon niya. "Kakakilala lang natin, oy. Hindi kita bff."

"Kapatid ako ng best friend mo," seryosong tugon ni Daryl. "Try me." He insisted.

Kinuha ni Daryl ang isa pang bote ng brandy na nakalagay sa mesa at binuksan. Hinayaan niyang panuorin siya ni Criselda na lagukin ang laman noon nang tuloy-tuloy. Napahinto na lamang siya nang maramdaman nyang sumakit ang lalamunan niya. Tiningnan niya ang bote at medyo nangalahati na siya. Hindi naman naging maganda ang epekto nito sa kanyang katawan dahil hindi niya na ito maintindihan.

"Are you crazy?" Nanlaki ang mata ni Criselda sa ginawa nya.

Dumighay naman sya saka sumagot. "He-he. Di kasi ako mabilis malasing," sagot ni Daryl habang tinitiis ang hapdi ng lalamunan nya. "Kailangan mo ng malalabasan ng sama ng loob. Masama ang nagkikimkim." Binigyan niya ng ngiting aso si Criselda.

Bumuntong hininga naman si Criselda. Nagsalin ulit sya ng brandy sa wine glass nya saka ito ininom. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa kabaliwan ng kapatid ni Melissa.

"Baliw kana. May problema ka rin ba?" tanong ni Criselda kay Daryl.

Seryoso namang tiningnan ni Daryl si Criselda. "Ikaw." Kumunot ang noo ni Criselda sa isinagot ni Daryl. "Problema kita kasi nakakaintimidate ka."

Natawa si Criselda kay Daryl. "Lasing ka na ata." Hinala ni Criselda.

"He-he." Daryl burped again. Nilunok niya ang laway niya para maibsan ang hapdi ng lalamunan niya. Maya-maya lang, bigla na lang bumigat ang pakiramdam niya at parang nasusuka na siya.

"Oh my gosh!" Criselda is shocked nang makita ang itsura ni Daryl. "Go to the bathroom, fast!" utos nya kay Daryl.

Mabilis na tumayo si Daryl sa pinanggalingang kwarto ni Criselda at sumuka sa toilet bowl. Nang maisuka na niya ang lahat, nakaramdam naman sya ng pagkahilo. Pagewang-gewang na siyang bumalik sa sala kung nasaan si Criselda.

Nakita niya si Criselda na medyo natawa sa itsura niya. "You are a real mess," kumento nito sa kanya.

"Sorry. Nagkalat ako sa banyo." Daryl said. Bumagsak siya sa sofa katabi ni Criselda dahil hindi na niya nakayanan ang pagkahilo.

"Lasing kana ba?" tanong ni Criselda sa kanya. "Teka, lumayo ka sakin. Baka sukahan mo pa ako." Criselda pushed him away.

"Di ko na ata kaya." Daryl honestly said.

"E kung hindi ka naman kasi baliw. Sino bang matinong lalagok ng isang brandy?" panenermon sa kanya ni Criselda.

"Kaya ko nga nilagok para malasing ako agad e. Kaya ishare mo na 'yang problema mo. Lasing na ako." Papikit pikit si Daryl habang nagsasalita.

Narinig naman nya ang buntong hininga ni Criselda. "Kapag ikaw hindi nagsasabi ng totoo, mapapatay kita kinabukasan."

---

"What happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Melissa kay Lance. Nasa loob sila ng isang hotel na pagmamay-ari rin ng mga Lim. Kadarating lang niya sa loob ng kwarto mula sa bahay nina Criselda.

"I'm fine. I just need you," malungkot ang tono ng pananalita ni Lance. Niyakap naman niya si Melissa. Hindi niya alam paano ikukwento sa kasintahan ang nangyaring engkwentro. Walang alam si Melissa sa ilegal na gawain nila. Hindi rin nito alam ang tungkol sa mafia. At wala siyang balak ipaalam ito sa dalaga dahil ayaw niyang isabit ito sa gulong dala ng organisasyon nila.

Melissa hugged him back. Parang ramdam rin nya ang lungkot na dinaramdam ni Lance. "I love you." iyon na lang ang nasabi niya.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Lance nang marinig ang sinabi ni Melissa. Kahit na tatlong salita lang ito, napapawi nito ang sakit na nadarama niya, sakit na dulot ng pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan na si Kristofer.

---

Nagising si Criselda na masakit ang ulo. She realized that she may have a hangover dahil sa sobrang dami ng alak na nainom niya. Bumangon siya sa kama at pumunta sa banyo. Maghihilamos sana siya pero pagharap niya sa salamin, agad niyang naalala ang mga nangyari kagabi – simula sa natanggap niyang balita tungkol sa pagkamatay ni Baning, hanggang sa ginawa nila ni Daryl buong gabi.

"Shit," napamura na lang siya. Dali-dali naman syang lumabas ng banyo at kinuha ang kanyang cellphone. Tatawagan nya si Melissa. Inip na inip nitong hinintay ang sagot ng kaibigan. Gustong niyang magwala dahil sa mga naalala niya.

Nang sinagot ni Melissa ang tawag niya, agad naman siyang nagsalita. "Where is he?" tanong niya kay Melissa.

"He? Sinong he?" tanong din nito sa kanya. Saka lang natigilan si Criselda. Bakit nga ba kay Melissa siya magagalit.

Kinalma niya ang sarili. "Your brother?" tanong niya rito nang may mas malumanay na tono.

"I don't know. Hindi sya umuwi eh. Akala ko ba he stayed there." sabi sa kanya.

"He did and before I knew it, he left. Can you give me his phone number?" tanong niya rito.

Ibinigay naman sa kanya ni Melissa ang phone number ni Daryl. Nang matanggap nya ito, agad naman nyang tinawagan si Daryl.

Nang sagutin ito ni Daryl, agad naman nyang minura ito.

"You jerk!" malakas ang boses niya, almost shrieking.

"Whoa! Wait, Criselda?" tanong ni Daryl. Nagulat ito dahil mura agad ang sinabi ng dalaga.

"Shit!" he exclaimed bago siya nito babaan ng tawag.

Napahiyaw na lang sa galit si Criselda. "Daryl Vicente! Papatayin kita!" she cursed him to death.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top