Chapter 2: The Illegal Racer

Padabog na lumabas ng sasakyan niya si Daryl. Inis na inis siya dahil ngayon lang siya natalo sa karera. Napamura pa siya dahil sa asar.

Tuwang-tuwa naman ang barkada niya na nakatalo sa kanya sa karera.

"Dude, kalma," pang-aasar sa kanya ng kaibigan.

Nilabas ni Daryl ang wallet niya at labag sa loob na nagbilang ng perang pambayad dito dahil nga natalo siya. Ngiting aso naman ang kaibigan habang pinapanood siyang magbilang ng pera na lalong kinainis ni Daryl.

"P* ina, 'wag kang ngingiti-ngiti dyan o gusto mong sapakin kita?" Hininto niya ang pagbibilang ng pera at sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

Nawala namang ang ngiti ng kaibigan niya, thinking Daryl is a sore loser. Mayabang ito kapag nananalo pero galit na galit kapag natatalo.

Pasuntok na binigay ni Daryl ang twenty thousand pesos na nilabas niya mula sa pitaka niya. Bukod sa badtrip siya sa babaeng naengkwentro niya kanina, ang perang natalo niya kasi ang allowance niya sa buong weekend. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pang-gas niya ng sasakyan.

"Chill, bro!" Hindi na nagugustuhan ng kaibigan niya ang asta ni Daryl. Pero ayaw naman niya itong patulan dahil ayaw niya rin ng gulo. Naglakad na lang paalis ang kaibigan ni Daryl, dala ang perang napanalunan nito. Pinanood siya ni Daryl na lumakad palayo.

When his friend is out of sight, he suddenly remembers the girl who gave him a middle finger. Kumulo na naman ang dugo ni Daryl dahil sa naalala. Habang pabalik sa loob ng sasakyan, pinatunog niya ang mga daliri na para bang may susugurin at bubugbugin, "Humanda lang talaga siya, kapag nakita ko ulit 'yung babaeng 'yon."

Nang makapasok sa loob ng sasakyan niya, napakamot nalang ng ulo si Daryl. Ini-start nya ang kotse at humarurot paalis. Nakarating sya sa bahay nya at sumalubong ang kanyang nakakatandang kapatid na babae.

"Itsura mo?" salubong sa kanya ni Melissa. "Talo?"

"'Wag mo akong kausapin, baka makasapak ako ng babae ngayon." He's definitely in a bad mood. Ayaw na ayaw niyang inaasar siya ni Melissa kasi nakakapikon ito kung mang-asar.

"Bakit? Babae tumalo sa'yo?" pangungulit ni Melissa. Sinundan pa siya nito sa tapat ng kwarto niya.

Aktong kukutusan ni Daryl si Melissa pero nakita niya ang mukha nitong nagmamatapang na parang hinahamon pa siya kung kaya niyang ituloy ang gagawin.

"Ano? Sige?" hamon pa ni Melissa. "Kapag nalaman nina Papa 'yang ginagawa mo, balik ka talaga sa Singapore," dagdag pa nito.

Daryl balled his fist. He hates Singapore, he did not have any freedom there. Bantay-sarado siya ng mga magulang. Kung di lang dahil sa scholarship na nakuha niya sa Pilipinas, baka hindi pa rin siya nakakawala sa mga magulang nila.

Si Melissa ang bantay niya dito sa Pilipinas pero mas maluwag naman ito sa kanya dahil naranasan na rin ni Melissa ang maging bantay-sarado mula sa mga magulang nila. Dahil sa kanya kaya lang rin nakawala ang kapatid mula sa kanila. They have a give and take relationship pero isang sumbong nga lang ni Melissa sa parents nila, paniguradong babalik talaga si Daryl sa puder ng mga ito.

Nadagdagan lang lalo ang inis ni Daryl kaya para makaganti, binantaan na rin niya ang kapatid, "'Pag nalaman nina Papa kung sino 'yang boyfriend mo, balik ka rin talaga sa Singapore."

"Sige, sumbong," tinaasan ni Melissa ng kilay ang kapatid. Nainis siya kay Daryl dahil totoo rin naman ang sinabi nito. Ayaw ng mga Vicente sa mga intsik sa hindi malamang dahilan, at intsik si Lance.

Daryl just gave her a smirk. Pagod na siya at inis na inis pa. Ayaw na niyang makipagtalo sa kapatid dahil hindi sila matatapos sa pagbabanta sa isa't isa. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at binalibag ang pinto sa harap ni Melissa.

Nagulat si Melissa at sarkastikong natawa na lang sa ginawa ni Daryl. Sinipa niya ang pinto bago nagtungo sa sala ng bahay.

---

"You called for me?" dumating si Lance sa opisina ni Lani na nasa loob ng bahay nila.

"I have a meeting with the Hemsworth regarding this deal," simula ni Lani. "I have something more important to do so I need you to come instead. They won't agree to our terms if no higher up shows up on the said deal so cancel your appointments tonight."

Hindi man lang nilingon ni Lani si Lance. Abala ito sa paninigarilyo habang nakatingin sa tanawin sa labas ng opisina niya.

Napabuntong hininga na lang si Lance. Ganito lang sila mag-usap – tungkol sa negosyo. Parang hindi na nga niya maalala kung kailan sila huling nag-usap ng ibang bagay bukod sa mafia at negosyo.

"Alright," tugon niya. Wala na rin naman siyang balak puntahan bukod sa puntod ng tatay niya ngayon. "I'll go to Dad's. Do you want to come with me?" pagyayaya niya pa.

Asa naman si Lance. Alam naman niya na ang sagot ni Lani, dahil wala itong imik. Para ngang wala nang narinig. Ganito naman ang nanay niya, sasabihin lang ang gusto nitong sabihin at hindi na siya papakinggan.

Hindi man halata sa kanya, nasasaktan pa rin naman siya sa inaasal ng ina. Palagi niyang naiikumpara ang relasyon niya sa ina sa relasyon ni Melissa at ng mga magulang nito. Naiinggit pa nga siya kahit na sakal na sakal na si Melissa sa mga mgaulang niya. Iniisip ni Lance na buti pa ang mga ito, binibigyan ng atensyon ang mga anak. Samantalang siya, buong buhay niya, naging sunud-sunuran siya sa ina pero ni minsan, hindi naman nito naipakita na natuwa ito sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya nang makalabas sa opisina ni Lani. Agad siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse para magtungo sa musoleo kung nasaan nakalagak ang mga abo ng amang si Vince. Nagsabit siya ng maliit na bulaklak sa tapat ng abo nito nito bilang alay saka nagdasal.

Matapos magdasal, tiningnan niyang maigi ang litrato ng ama sa tabi ng abo nito. Kinuha niya ang picture frame ng ama at kinuha ang litrato sa likod ng portrait ni Vince.

Litrato ito ng isang babae na may mahabang buhok at ng isang batang babae na wala pang isang taong gulang.

"Sino ba kasi siya?" tanong ni Lance sa ama na para bang naghihintay na sumagot ito.

----

Magkakasama na naman ang barkada ni Criselda sa bar ni Melissa. Inanunsyo ni Brian sa kanila na nakamove-on na daw siya kay Criselda dahil nakahanap ito ng mas maganda at mas mabait sa kanya.

Malalim na ang gabi at halos lasing na lasing na sina Brian at Joshua. Dahil kailangan pang tapusin ni Melissa ang trabaho sa bar niya, si Criselda tuloy ang mag-uuwi sa dalawa.

"Bakit ba kayong mga babae, napakahirap niyong ligawan?" tanong ni Brian kay Criselda. Nasa likod ito ng sasakyan niya, nakahilig ang ulo sa balikat ni Joshua na parang patay na sa himbing ng tulog.

Tiningnan naman ni Criselda ang dalawa. Natawa siya sa itsura ng mga ito.

"Ewan ko sa'yo Brian," napangiti na lang siya. Naiisip niya na buti pa ang lalaking 'to, babae lang ang problema. "Magpakatino ka kasi. Hindi ka kasi mukhang disenteng lalaki eh," dagdag pa niya.

"Sinasabi ko sa'yo, Cris, magsisisi ka talagang hindi mo ako sinagot," tinuro-turo pa siya ng kaibigan.

Natawa na lang si Criselda sa sinabi nito.

Nakahinto na siya sa intersection at naghihintay sa traffic light. Naalala niya na pamilyar ang lugar, parang noong isang linggo lang ay muntik na siyang maaksidente sa mismong lugar na hininruan niya. Natawa naman siya lalo nang maalala ang asar na itsura ng lalaki na naengkwentro niya. Sigurado siyang nagtagumpay siya noon sa pang-iinis dito.

When the traffic light went green, umabante na si Criselda pero parang naulit ang mga pangyayari noong nakaraang linggo. A bright light from a car's headlight is coming her way at ngayo'y huli na ang lahat. Nabigla na lang siya nang maramdamang lumobo na ang airbag sa sasakyan niya.

Nagpagulong-gulong ang sasakyan niya sa gitna ng intersection. Ang mga sakay niya sa likod ay nasugatan na rin, lalo na si Brian na puno ng bubog ang kanang bahagi ng katawan mula sa salamin ng bintana ng sasakyan. Luckily for Criselda, her airbag saved her. Si Joshua naman ay may kaunting mga sugat din.

"Everyone okay?" she checked in at the two boys.

Napahawak sa batok niya si Joshua. Sa kabutihang palad, walang masyadong nasaktan sa kanilang tatlo. Kahit puno ng bubog si Brian, wala namang malalim na sugat sa katawan nito. Puno nga lang ng reklamo at mura ang loob ng sasakyan. Umaaray si Brian sa mga sugat niya.

Sa inis ni Criselda, lumabas siya ng sasakyan at tiningnan ang estado ng nakabangga sa kanila. Sigurado siyang sa lakas ng impact ng banggaan, malamang ay may mga sugat din ang kaskaserong driver.

Hindi pa ito lumalabas ng sasakyan pero namukhaan na ni Criselda kung sino ang nakabangga sa kanila dahil sa sasakyan nito.

Siya na naman.

Yung lalaking muntik na rin niyang makabanggaan noong nakaraang linggo.

Nag-init ang ulo ni Criselda nang ma-realize niya ito. Pinanood niya ang iika-ikang lalaki palabas ng sasakyan nitong umuusok na ang hood dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa sasakyan nila.

Criselda let out a sigh of anger. Katulad ng hood ng sasakyan ni Daryl, parang nag-uusok din ang ilong nitong nilapitan ang lalaki saka sinuntok sa sikmura. Se tends to be a little violent lalo na kapag lumalagpas ang galit niya sa langit.

Hindi nakailag si Daryl sa suntok ni Criselda. Hindi niya rin na-proseso sa utak niya kung gaano kalakas ang suntok nito sa kanyang sikmura.

"You jerk, you could have killed us!" sigaw ni Criselda sa kanya.

"Bakit ikaw na naman?" uubo-ubong tanong ni Daryl sa kanya.

Hindi sinagot ni Criselda ang tanong ni Daryl. Tinawagan nito si Baning para isumbong si Daryl at i-report sa pulis. Mabilis namang sinagot ni Baning ang tawag ng anak niya.

"'Pa? Where are you?" tanong ni Criselda kay Baning.

"I'm preparing for an operation, anak. Baka hindi ako makauwi ng maaga. Malaking operasyon itong gagawin naming. Napatawag ka?" Naririnig ni Criselda si Baning na kinakausap ang mga kasamahaan nitong pulis.

"Oh, seems like you're busy. I just want to report a traffic accident. Can you dispatch someone to catch this bastard that ruined my car?" sumbong ni Criselda sa ama.

"What?" napalitan ng pag-aalala ang tono ng pananalita ni Baning. "Are you hurt?" tanong pa nito.

Pilit na inaagaw ni Daryl ang cellphone ni Criselda sa tangkang pigilan ito sa pagrereport sa kanya. He's thinking he can't lose the car he have at lalong hindi pwedeng malaman ni Melissa na naaksidente siya. Baka totohanin na nitong isusumbong siya sa mga magulang nila at bigla na lang siyang pabalikin sa Singapore.

Criselda quickly kicks him in his groin para hindi na ito maglikot pa. Naiinis siya rito dahil kahit injured na, nagagawa pang umasta na parang kiti-kiti sa pang-aagaw ng cellphone niya. Daryl grunts dahil sa sobrang sakit ng pagkakasipa ni Criselda sa kanya.

"God, no. Please send someone so we can jail this son of a bitch." She continued speaking to her father while watching Daryl endure the agony and pain. Sinamaan pa niya ito ng tingin.

"Alright," sabi ni Baning sa kabilang linya. Mukhang tiwala ito kay Criselda nang sabihin niyang hindi siya nasaktan lalo na at narinig niyang nagmura ang anak. "Mag-iingat ka anak ha. Gagabihin ako ng uwi, 'wag mo na akong hintayin."

"Thanks, 'Pa!" sabi niya bago putulin ang tawag.

Namimilipit pa rin sa sakit si Daryl. Masama rin ang tingin niya kay Criselda. "This bitch," he cursed.

Gusto pa sanang saktan ulit ni Criselda si Daryl dahil sa narinig nito pero narinig niya ang sigaw ni Brian, mas kailangan ni Brian ng medical attention dahil sa dami ng mga bubog nito sa katawan. Tinawag ni Joshua si Criselda pabalik ng sasakyan nila. Lumapit ulit ang dalaga sa dalawa para tingnan ang lagay ng mga ito.

"I'm fine but Brian needs to be brought to the nearest hospital," sabi ni Joshua sa kanya. Nilingon niya ang lagay ng mga sugat ni Brian.

"Go ahead, I'll stay here and wait for the dispatch," sabi ni Joshua. Bumaba ito ng sasakyan. Hindi man ito masyadong napuruhan, may mga sugat pa rin ito. "I can manage," he assured when he saw Criselda's worried expression.

Isang masamang tingin pa ang binigay ni Criselda kay Daryl bago pumasok ulit sa sasakyan niya. Tinanggal niya ang nakasagabal na airbag at umalis gamit ang sasakyang yupi ang bintana para isugod si Brian sa hospital.

Pinanood nina Daryl at Joshua sina Criselda na umalis. When her car's out of sight, Joshua faced Daryl, "Subukan mong takbuhan ako, makikita mo ang hinahanap mo".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top