CHAPTER 9

CHAPTER 9

LOCKETT'S eyes dropped close when Creed lips touched hers. Gusto niyang pilitin ang sarili na tugunin ang halik nito pero parang may sariling isip ang mga labi na buong pusong tinugon ang masuyo nitong paghalik sa kanya.

Habang magkalapat ang mga labi nila, sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Para iyong nakipag-karera pa lamang at napakabilis ng tibok.

Nang pakawalan ni Creed ang mga labi niya, nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang nakangisi ito na parang siyang-siya sa nangyari. Sinong lalaki naman ang hindi masisiyahan sa pinagsaluhan nilang halik?

"Hmm. You kiss pretty well. That would do." Anito na nakangisi pa rin.

Masamang tingin ang ipinukol niya rito. "Kailangan ba pati pag-halik practice-sin natin?"

"Of course." Mabilis na sagot nito. "Malay mo, baka gustong makita ng mga magulang mo na mag-kiss tayo, mabuti nang handa."

Nangigigil sa inis na tinarayan niya ito. “Creed, hindi manyak ang mga magulang ko para naisin nilang makita ang nag-iisang nilang anak na nakikipaghalikan sa isang lalaki. My father in particular is a very traditional one in term of dating.”

“Kaya nga gumamit ako ng salitang ‘malay mo’, kasi malay mo naman.”

Inirapan niya ito. "Ewan ko sayo. Hindi naman kailangang practice-sin iyang kiss-kiss na iyan." Humalukipkip siya. "Huwag mong sabihing pati sex ay pa-practice-sin natin dahil sigurado akong ni sa panaginip, hindi ako gustong makita ng Daddy at Mommy ko na nakikipag-sex."

 Creed smirked. "I would love to practice that one."

"Heh!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad patungo sa kusina.

She walked like she owned the place. Well, she didn’t own the place, nasa unit siya ni Creed. Sa tatlong araw na pamamalagi niya sa Manila, dito na siya sa unit nito nakatira. Umuuwi nalang siya sa unit niya kapag maliligo at natutulog siya. Sa mga nakalipas na araw na palagi siyang narito sa condo unit ni Creed, naging komportabli na siyang manghalungkat sa mga gamit at pagkain nito.

Binuksan niya ang refrigerator at kumuha roon ng dalawang in-can na San Miguel Beer Light, pagkatapos ay bumalik sa sala.

Naabutan niya si Creed na nakahiga sa mahabang sofa at nakatingin sa kisame. Tinapik niya ang ulo nito at pasalampak na umupo sa sahig, ang likod niya ay nakahilig sa gilid ng mahabang sofa.

Creed put his head on her shoulder, making her heart hammered inside her chest. Mabilis niyang pinakalma ang puso.

"Nasaan ang beer ko?" Tanong nito. His breath was fanning her neck and its making her breathless.

She composed herself for a second before handing him the beer. "I can’t believe we're drinking beer and not wine or juice." Aniya. "Some date this is." Reklamo niya.

Mahinang tumawa ang binata. "You choose an indoor kind of date, remember? And that’s what we're doing. Indoor date in my condo unit. And I told you that we need to buy some groceries, pero naginarte ka kaya tingnan mo, wala ng laman ang refrigerator ko."

Ibinuka niya ang bibig para dipensahan ang sarili na hindi siya ang umubos sa pagkain nito ng maunahan siya nitong magsalita.

"And don’t tell me that it’s not your fault, because it is. Bago ka dumating, puno ang refrigerator at cupboard ko. Ikaw ang umubos sa lahat ng pinamili ko para sa isang linggo kong pagkain. Bakit naman kasi hindi ka roon umuwi sa unit mo?"

Binalingan niya ito para sana sumagot pero natigilan siya at umawang ang mga labi ng mapansing isang dangkal lang ang layo ng mga labi nila. Akmang iiwas siya ng tingin ng pigilan siya nito sa pisngi.

They stared at each other for a couple of second, then he ask.

"Don’t you wonder why I left the island?" He asked randomly making her frown. "Didn’t you ever think that my reason was lame?"

Ipinilig niya ang ulo. "Your reason is your own business. I won’t pry."

Mahina itong tumawa. "Well, I’ll tell you Miss I-won’t-pry." He sighed then said, "Half of what I said in the letter was true, but I have one reason that I didn’t write in my letter, and that is, I'm still harboring some feeling for my best friend. And that would be unfair for you. Hindi ako tanga para hindi maisip na may posibilidad na maulit pa ang nangyari sa penthouse. My emotion is not stable at the moment. I don’t want to fool you for any reason."

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. She appreciates his reason for leaving the island. She thinks it’s reasonable enough. Pagkalipas ng ilang minuto, nagsalita siya.

"About your best friend," basag niya sa katahimikan. "Why don’t you make a move on her?"

Mapaklang tumawa ang binata. "She's happily married."

"Oh."

"Yeah. Oh."

"When did she get married?" Ayaw niyang magtanong pero may pakiramdam sa loob-loob niya na gusto niyang malaman lahat ng tungkol dito.

"A year ago." Sagot nito. "Cherry—that’s the name of my best friend— and Luke got separated for a couple of years. They just got back together and they got married. They have adorable twins and they are now expecting a healthy baby girl." A warn smile appeared on his lips. "I miss those twins. I used to play with them when they were kids. After Cherry's wedding with Luke, I tried to stay away from them as possible. It’s not healthy for me to still harbor some feelings for best friend. I'm slowly moving on, but it’s pretty hard. Especially, if you’re best friend is clueless about your feelings for her and she keeps on asking to see you every fucking day."

Lockett looked at him softly. "And you think what happened to us in the penthouse was a rebound thing."

"Yeah." Anito na tumango. “Cherry is an amazing friend. I don’t want to lose her so I choose Friendship over love, and that was the best decision I have ever made. Nagkaroon naman ako ng girlfriend dati pero hindi nila nagawang alisin si Cherry sa sistema ko. And when I kiss you, I was afraid that I might end up hurting you. Ikaw ang pangalawang babae na komportable akong asarin at galitin. Ikaw ang pangalawang babae na gusto kong kaibiganin. What happened in the penthouse was a mistake. I hope it’s forgotten now.”

“Totally forgotten.” Nakangiting wika niya kahit pa nga parang may tumutusok sa puso niya.

Ikaw ang pangalawang babae na gusto kong kaibiganin. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagri-replay iyon sa utak niya.

Dapat nga siya maging masaya dahil gusto siya nitong maging kaibigan, pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam niya at ang sakit sa dibdib sa isiping kaibigan lang ang turing nito sa kanya pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila?

Creed smiled then rest his head on her shoulder again. "Now, it’s your turn to tell me why it is impeccable for me, Creed Santillana, to attend this wedding anniversary of your parents."

Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang mag kwento. Mukhang sekretong malupit nito ang nararamdaman para sa best friend nito. Maybe it’s time for her to share a secret of her own.

She took a deep breath before talking. "Once upon a time, a boy and a girl were very much in love, well, that’s what the girl thought. To make the story short, the girl got drunk and because she trusted her boyfriend, she let him take her to his house to sleep but when she wakes up the next morning, she's naked and a bunch of basketball player in her school was surrounding the bed she was laying in and they are laughing their assess off. Nalaman ni babae na ang relasyon nila ay isang malaking kasinungalingan. Pinagpupustahan lang pala siya ng mga kaibigan ng boyfriend niya kung kaya ba ni lalaki na kunin ang virginity niya. Then to put an icing on everything that has happened, pinagkalat ni boy na nakuha niya ang pagkababae ni babae. Nalaman iyon ng mga magulang ni babae at wala siyang maibigay na rason sa mga ito kung bakit nangyari iyon. Hanggang sa makarating sa mga colleagues ng magulang ni babae ang pinagkalat ni lalaki kaya mas dumoble pa ang kahihiyan na pinaranas ni babae sa pamilya niya dahil sa isang pagkakamali na iyon.”

She exhaled loudly. “Pinalaki pa ng De Guzman family ang issue at pinagkalat na nabuntis ako at nagpalaglag. Kahit pa anong paliwanag ko na hindi iyon totoo, wala ng halaga iyon. The damage is done. The end."

Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya, kung hindi pa lumapat ang kamay ni Creed sa pisngi niya para tuyuin ang luha na hindi niya namalayang namalisbis na pala sa pisngi niya, hindi pa niya malalaman na umiiyak pala siya.

“Nakuha ba niya ang … pagkababae mo?” Medyo may pag-aalangan ang boses nito.

Walang emosyon siyang napatawa. “Hindi ko alam. Lasing na lasing ako ng gabing iyon. Kahit pa siguro magunaw ang mundo, hindi ako magigising sa sobrang kalasingan.” Pinahid niya ang luha na naramdaman niyang tumulo sa pisngi niya. “After what happened, gusto ni mommy na magpalit ako ng University, gustong-gusto kong magpalit ng school, pero ayokong isipin nila na puwede nila akong kaya-kayanin ng ganoon-ganoon lang. Gusto kong ipakita sa taong iyon na nanakit sa’kin na hindi ako iyong tipo ng babae na madaling panghinaan ng loob. I fight back my tears and hold my chin up. I went to therapy session for six months. I re-built my self-esteem and I moved on. Pero napaka-epokreta ko kung sasabihin kong hindi na ako galit, dahil hanggang ngayon, puno pa rin ng galit ang puso ko sa ginawa ni Nike sa’kin.”

Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tanging ang mahihinang hikbi lang niya ang maririnig sa kabuonan ng unit. Habang tahimik siyang lumuluha, panay naman ang tuyo ni Creed sa pisngi niya.

Sa gitna ng pag-iyak niya ay may tuwa siyang nararamdaman. Habang ikinukuwento niya kay Creed ang nangyari sa kanya, wala siyang nakitang panghuhusga sa mga mata nito at napagaan noon ang pakiramdam niya.

"He's a dick." Basag ni Creed sa katahimikan habang tinutuyo parin ang mga luha niya. "Please tell me that you kick his balls for doing those awful things to you."

Bahagyan siyang umiling. "I wish I did, but before I get the change, he fly to the US."

Huminga ng malalim ang binata at umalis sa pagkakahiga sa mahabang sofa, pagkatapos ay tumabi ito ng upo sa kanya sa sahig, kapagkuwan ay niyakap siya nito.

Her heart skips a beat at what he did. His embraced comforted her and it feels good.

"I don’t do promises, Lockett, but for you, I’ll make an exemption." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. "I promise to punch that fucking jerk if I ever met him."

Napangiti siya sa pangako nito. "Thanks." She felt good because of his promise. "His name is Nike De Guzman."

He chuckled. "Noted."

Pabiro niya itong inirapan at uminom ng beer mula sa can. "Anyway, sa makalawa na ang anniversary nila Daddy at Mommy. Sa tingin mo hindi nila mahahalata na nagpapanggap lang tayo?"

Umiling ito. "Ang isipin mo, hindi nila puwedeng malaman na nagpapanggap tayo kaya galingan mo, kasi ako, I will give my best shot."

Nginitian niya ito. "Thanks, Creed."

"Don’t mention it."

MALAKAS na binato niya ng sapatos si Creed dahil kanina pa nito pinagtatawanan ang damit na suot niya.

"Ano bang problema mo?!" Asik niya rito.

Mas lumakas pa ang tawa ni Creed. "Lockett, papasa na sa kombento iyang damit mo. Sigurado ka bang hindi sa simabahan ang punta mo?"

Nanlilisik ang matang tinitigan niya ito. "Tigilan mo ako!"

"Okay." He said but he was still chuckling with himself.

Inirapan niya ito at pasimpling tiningnan ang damit niya.

She's wearing a turtle neck dress with a long sleeve and it’s up to her knees. Mukha nga siyang magsisimba sa suot niya.

Napalingon siya ng magsalita ulit si Creed.

"You should change." Anito at pinulot nito ang sapatos na binato niya at iniabot sa kanya.

Nakasimangot na tinanggap niya ang sapatis. "Wala akong ibang puting damit na babagay sa okasyon."

Creed rolled his eyes then grabbed her hand. "Come on. I'll buy you a dress that would make you the hottest piece of meat in the world."

She glared at him. "I am not a meat."

He tsked. "You are no fun." Anito at hinila siya palabas ng unit nito.

"IF I were you, I will wear this." Sabi ni Creed habang hawak nito ang naka-hanger na kulay puting damit na halos labas lahat ng kaluluwa.

"Well, I’m not you." Inungusan niya ito at tinalikuran ito para maghanap ng ibang damit.

"Come on, Lockett." Pangungumbinsi nito sa kanya. "You will look good in this dress."

Hinarap niya ito. "And how would you know that?"

"Because I'm your friend and friends don’t lie."

Parang may kumurot sa puso niya ng marinig ang salitang friend. Gusto niyang matawa. Bakit ba siya nasasaktan? Mabuti nga at kaibigan ang turing nito sa kanya.

Nginitian niya ang binata at pinasadahan ng tingin ang damit na hawak nito.

The dress has a lacy long sleeveless and its backless. Halos walang maitatago sa likod niya. At nasisiguro niyang hanggang sa hita lang niya ang damit. Also, the upper part of the dress is see-through; the only thing that will cover her breast is her bra. 

"What a dress." Ang tanging nasabi niya.

Ngumiti si Creed at iniabot sa kanya ang damit. "Wear it. Ako ang magbabayad."

Ngiting aso ang sinagot niya sa sinabi nito pagkatapos ay inagaw niya ang damit na iniabot nito at naglakad patungo sa fitting room.

Mabilis niyang isinuot ang damit at lumabas ng fitting room na hindi manlang nananalamin.

"Give it to me straight. How do I look?" Wika niya na nakabuka ang braso at nakaharap kay Creed.

A smile crept into Creed's lips. "You look hot. And if you're not my friend, I would do you."

Inirapan niya ito para itago ang sakit sa mga mata niya.

"Okay. Ito na ang susuotin ko." Tinalikurab niya ito. "Sige, bayaran mo na. Hihintayin kita sa kotse mo."

Pagkalabas niya ng boutique, mapakla siyang napatawa. When she seduced Creed in helping her, she thought that it would lead to something else. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng instant best friend sa katauhan nito.

I’m so freaking lucky. Yee-haw!

Sumakay siya sa kotse ng binata at hinitay ito roon. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ito ng boutique at sumakay.

"Brace yourself, my darling Locket, its show time."

Irap lang ang sinagot niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top