CHAPTER 4
CHAPTER 4
IT HAS BEEN TWO weeks since Lockett started as the Manager of De Luxe Hotel. So far, so good naman. Maliban sa mga maarteng costumer na trip yata sa buhay ay ang magpahiya ng mga empleyado ng Hotel, wala na siyang iba pang problema na na-encounter.
Lockett looked at the sparkling sea. Naka-upo siya sa buhangin at nakatingin sa karagatan. Hindi talaga siya nagsasawang tumingin sa dagat. The white sand and the clear blue sea that sparkles against the sun light make the sea an amazing to look at. It’s breathtaking.
Being a manager in De Luxe Hotel is amazing. Para lang siyang nagbabakasyon. Sa nakalipas na dalawang linggo, hindi siya na-stress. Hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat na nakalayo siya sa ina niyang makulit. She loves her mother so much, but sometimes her mother can be so very annoying.
Naputol ang pagmumuni-muni niya ng marinig na nag-ingay ang cell phone niya.
She took out the phone from her jeans front pocket and then she looked at the screen to see whose calling.
Mr. Santillana Calling...
She answered the call. "Good morning, Mr. Santillana. This is Lockett Mendoza speaking."
"Good morning too, Ms. Mendoza. Tumawag ako para sabihing hindi matutuloy ang pagtuturo mo sa anak ko. Ayaw niyang pumunta riyan sa isla kaya naman hinanapan ko nalang siya ng ibang Hotel Manager na magtuturo sa kanya. I'm really sorry, Ms. Mendoza."
She smiled. Thanks god. "It’s okay, Sir."
"Thank you. I have to go. Bye."
"Bye, Sir."
Nang mamatay ang tawag, ibinalik niya ang cell phone sa bulsa at tumayo mula sa pagkakaupo sa buhangin. Thanks god hindi na ako ang magtuturo sa anak ni Mr. Santillana! Yehey! Gusto niyang magtatalon sa tuwa at yun nga ang ginawa niya. She jumped in happiness. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao, masaya lang siya.
BUMUNTONG-HININGA si Red ng ipatong ng ama niya ang napakaraming folder sa mesa niya. Nakikinita na niya na magiging isa na naman itong busy at boring na araw. Natatapos palang siya ng Training niya sa Accounting Department, may ipapagawa na naman ito sa kaniya.
"Each folder contains the information of every Manager in our Hotel all over Asia." Sabi ng Daddy niya sa kanya. "I want you to read each one of them. Kailangan mong malaman kung sino-sino ang mga Manager sa bawat Hotel natin."
Red looked at the stack of folder. "Ang dami naman niyan." Hindi niya napigilang magreklamo.
"Anak, we have chains of Hotels, malamang marami iyan."
He took a deep breath. "Okay. Babasahin ko na." He picks up one folder. "Pati ba ang mga Hotel sa mga Beach resort natin, narito?" Tanong niya.
"Yes." His father smiled at him. "Sige, maiwan na kita. Have fun reading."
As if! “Sure.”
Lumabas na ang ama sa opisina niya.
He looked at the folder on his hand. Napakarami naman nito.
Red opens the folder and started reading.
Hindi niya alam kung ilang folder na ang nabasa niya. He just keeps on reading and reading. Nauumay na siya sa pagbabasa. Actually, hindi na niya binabasa lahat. Ang Resume nalang ang binabasa niya.
Inilapag niya ang folder na tapos ng basahin at kumuha na naman ng isang folder.
He took a deep breath before opening the folder.
Name: Lockett Kay Mendoza.
Birthday: February 14, 1985
Address: High Tower Condominium, tenth floor, unit 107.
A smile appeared on his lips. "Well, well, well, who would have thought?"
LOCKETT was busy that day. May gaganaping kasal sa De Luxe Beach Resort at ang napiling tuluyan ng pamilya ng groom at bride at lahat ng imbitado sa kasal ay ang De Luxe Hotel.
"Ma'am Lockett, Grace of the information desk called. Pinapasabi po niya na on the way na raw ang ikakasal at ang pamilya ng mga ito."
"Thanks." Aniya at lumabas ng opisina at pinuntahan isa-isa ang mga silid na gagamitin ng mga bisita.
Ininspeksiyon niya ang aircon at shower kung gumaga ng maayos, tiningnan din niya kung maayos ng pagkakalinis ng mga silid. Nang makontento siya, tumungo naman siya sa restaurant na nasa loob ng Hotel.
"Is everything ready, Manang Josei?" Tanong niya sa babaeng nasa counter na naging kaibigan na niya.
"Opo ma'am." Anito na nakangiti.
"Thank you." Pagkasabi niyon, sa kitchen na naman siya pumunta.
"Good morning." Bati niya sa mga trabahante na nasa kusina.
"Good morning din po, ma'am Lockett." Sabay-sabay na bati ng mga ito.
She smiled at them and then walks towards the Chef. "Hello, Clave. Kumusta?" Tanong niya binata.
Nginitian siya ng binata at talagang napakaguwapo nito. "Heto, baliw na baliw pa rin sayo."
Pabiro niya itong inirapan. "Tigilan mo nga ako, Clave."
"Totoo namam ang sinasabi ko, ah."
She rolled her eyes at him. "Heh, tigilan mo akong lalaki ka. By the way, okay ba ang lahat dito? Handa na ba ang menu na ini-order ng ikakasal?"
"Yes, Lockett, my sweet baby, okay na lahat. Don’t worry."
"Good. Sige aalis na ako." Lumabas siya ng kusina bago pa maging cheesy si Clave at bumalik sa opisina niya.
Pagkapasok niya sa loob ng opisina naabutan niya si Reeve, ang Manager ng buong Isla.
Reeve has a bit long shaggy hair. Medyo magulo ang buhok nito at parang hindi nagsusuklay, pero kahit ganoon, mas dumagdag pa iyon sa angkin nitong kaguwapuhan. Then not to mention his tanned skin and his well toned body. Reeve always has a smiling face. Parang wala itong problema, kaya naman feel at home kaagad ang mga nakakausap palang nito.
"Good morning, Reeve." Bati niya rito at umupo sa swivel chair niya. Ayaw nitong tinatawag na Sir. The last time she called him that, hindi siya nito pinansin.
Nginitian siya nito. "You seem busy."
"Mamaya na darating ang ikakasal, syempre kailangan kong siguraduhin na maayos ang lahat bago sila dumating."
Tumango-tango ang binata. "That's good." Anito. "Anyway, I came here because I'm bored."
"Puwes huwag ako ang isturbuhon mo." Aniya sa walang buhay na boses. "Umalis ka na nga. Marami pa akong gagawin."
Humalukipkip ito. "Ayoko. Bored nga sabi ako e."
Matalim ang matang tinitigan niya ito. "Reeve, puwede ba, iba nalang ang kulitin mo. Kung bored ka, humanap ka ng babae na makikipaglaro sayo. I’m sure maraming magbo-boluntaryo."
"E sa wala akong ibang gustong babae rito sa isla. Ikaw lang ang gusto ko." Wika nito at pinaamo ang mukha.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kalamahin ang sarili. Talagang iniinas siya ng lalaking ito. Mula ng magkakilala sila nito, wala na itong ginawa kung hindi asarin siya.
"Reeve, please, leave me alone. Humanap ka ng ibang babae, huwag ako kasi busy akong tao."
Nawalan ng imik si Reeve at mataman siyang tinitigan, kapagkuwan ay ngumiti ito. "Ang ganda mo talaga."
She exhaled a long loud breath then stands up. Kung hindi ito aalis, siya ang aalis.
"Sorry, Lockett. Mukhang nakukulitan ka na sakin." Anito na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.
Hinarap niya ito. "Oo, nakukulitan na ako sayo. Okay lang naman na kulitin mo ako pero huwag ngayon, please? Busy ako."
Tumayo ang binata at humarap sa kanya. "Okay. Aalis na ako. Bukas na kita kukulitin kaya humanda ka." Nginitian siya nito at umalis ng opisina niya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at bumalik sa swivel chair niya para magtrabaho.
NANG matapos basahin ni Red ang resume ni Lockett, mataman niyang tinitigan ang two by two picture nito na nakalagay sa resume nito.
Lockett has a flame red hair. He is sure that it’s dyed. Pero kahit ganoon ang kulay ng buhok nito, bumagay naman iyon sa maganda nitong mukha. At tsaka, maputi ang dalaga kaya naman mas bumagay rito ang pulang buhok. Then she has a chocolate brown almond shape eyes. She has straight nose and those heart-shape lips of hers made him remember the kiss he stole from her. He can still remember what he felt when his lips touched hers. Parang nagliyab ang buong katawan niya. That feeling is not good for his sanity.
Bumaba ang mata niya sa Educational Background nito. He's impressed. Valedictorian in elementary and secondary. Then she's a cum laude with a degree of Business Management. Then three years ago, she graduated from her MD with high honors. Ano pang hahanapin mo sa babaeng 'to? Matalino at maganda. Mataray nga lang.
Inilapag niya ang file na naglalaman ng personal na impotmasyon tungkol kay Lockett. Ang dami pa niyang babasahin. Nakakatamad naman.
NANG lumapat ang likod ni Lockett sa malambot sa kama, nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Naging masyado siyang abala sa araw na ito. Halos hindi siya umupo sa pagaasikaso ng mga dapat ayusiN para sa gaganaping kasal bukas.
Sa De Luxe Hotel Restaurant gaganapin ang reception kaya kailangan walang masabi ang ikakasal sa serbisyo nila.
Lockett close her eyes to sleep but a stranger invaded her mind. Napamulagat siya ng pumasok sa isip niya ang ugok na lalaking yon na nagnakaw ng halik sa kanya.
Naiinis na tumagilid siya ng higa at mariing ipinikit ang mga mata.
Then from nowhere, the man’s smiling face appeared on her mind.
"Argh!" Naiinis na sigaw niya. "Ano ba ang problema ng utak ko? Bakit ba pumapasok ang ugok na lalaking yun sa isip ko?!" Naiinis na pagkausap niya sa sarili.
Dumapa siya sa kama at ipinikit muli ang mga mata niya. Then a moment later, that man's face appeared in her mind again.
Naiiritang bumangon siya at tumungo sa balkonahe para sumagap ng sariwang hangin.
Hindi niya alam kung bakit pumapasok sa isip niya ang lalaking yun. For the last three weeks, hindi naman ito sumagi sa isip niya, bakit ngayon? Wala naman siyang pakialam dito! Hmp!
Nang makaramdam ng lamig, pumasok siya sa loob at bumalik sa silid niya para matulog.
Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Minute later, sleepiness finally take over.
WHEN morning came, Lockett woke up tired. Pakiramdam niya hindi siya tatagal ngayong araw na ito. Pero kahit iyon ang nararamdaman niya, kailangan niyang bumangon at magtrabaho. Ngayon ang araw ng kasal, hindi siya dapat ma-late. Kailangan niyang i-manage ang mga staff ng hotel para maging maayos ang kasal.
Bumangon siya at naligo pagkatapos ay nagsuot ng simpling white-pink colored dress at pinarisan niya iyon ng kulay puting stiletto na may bulaklak sa may bukong.
Lockett put a light make-up. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay yung sobrang makapal ang make-up. Simpling blush-on, eye shadow, powder at lipstick ang nakalagay sa mukha niya.
Lumabas siya ng penthouse at nagtungo sa lounge ng Hotel.
"You look good today, Lockett." Narinig niyang komento mula sa likuran niya.
Nilingon niya ang nagsalita. Nang makita si Reeve, itinirik niya ang mga mata. "Mangungulit ka na naman?"
Umiling ito. "Nope. Nakita lang kita kaya lumapit ako. I’m actually busy today. I have to manage my staff." Nginitian siya nito. "See you later, beautiful."
She rolled her eyes. "Whatever."
Naglakad siya palabas ng Hotel, nang makita si Sandy, ang sekretarya niya, nilapitan niya ito.
"Sandy, kumusta ang reception Hall? Okay na ba?" Tanong niya sa sekretarya.
"Yes, Miss Lockett." Sagot nito. "Maayos na po ang lahat. Okay na ang mga pagkain pati na rin ang mga tables na gagamitin. Everything is set."
Lockett sighed in relief. "Thanks god." Then she smiled. "And thanks to all the Hotel Employees. Kung hindi dahil sa inyo, hindi natin magagawa ito ng maayos."
Sandy just smiled.
"Anyway, Sandy, puwede ka bang pumunta sa Kitchen para itanong kay Clave kung para sa ilang tao ang niluto niya? Kasi kung may sobra, ipapamigay natin yan sa lahat ng Hotel Staff." Wika niya.
"Sige po, Ma'am, pupuntahan ko po si Clave."
Pagkaalis ni Sandy, naiwan siyang nag-iisa sa labas ng Hotel. Akmang papasok siya sa loob ng marinig niyang may nagsalita.
"You look sexy in that dress of yours, Lockett." A baritone voice said behind her back.
Lockett stilled. She knew that freaking voice! Yun ang boses ng lalaking nagnakaw ng halik sa kanya!
Nilingon niya ang nagsalita. She knew that it’s him, but when she saw him standing three meters away from her, her lips parted. Shucks! This man looks more handsome every time I saw him. Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at mas lalo itong gumu-guwapo? Dapat sa lalaking 'to, pinapakulong. It should be a crime to have a handsome face like his.
She opened her mouth and forced herself to talk. Baka ano pa ang isipin nito. "Anong ginagawa mo rito?" Kunot ang nuong tanong niya.
The man shrugged. "Ano naman ang pakialam mo?"
Naningkit ang mga mata niya. Napaka-antipatiko talaga ng lalaking ito. "E di huwag mong sagutin. Ugok!"
Tinalikuran niya ito at naglakad papasok sa De Luxe Hotel. Nakakainis ang lalaking 'yon! Bwesit! Ugok! Argh!
"Sana kainin ka ng pating kapag naligo ka sa dagat!" Nanggigigil na sigaw niya bago pumasok sa Hotel.
The man just laughed in response to what she said. Mas nadagdagan lang ang inis na nararamdaman niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top