CHAPTER 36 (EPILOGUE)
CHAPTER 36 (EPILOGUE)
Five years later...
PAGKABABA ni Creed sa hagdan, agad na nakita niya ang anak na si Red na naka-upo sa mahabang sofa sa sala at nanunuod ng Cartoons. Napailing-iling nalang siya. Kaya hindi niya pinalagyan ng TV ang kuwarto nito baka hindi na ito lumabas ng silid.
"Red," Tawag niya sa pansin nito. "Ang aga-aga, TV ka kaagad. Have you opened your presents?"
"Hindi ko pa po lahat na-open ang present. I'm busy po."
"Busy?"
Napasimangot ang apat na limang taong gulang niya anak. "Kasi naman Daddy, si Tom and Jerry ang aga ng show. Kaya maaga rin po ako. Kaya busy po ako."
Natatawa na naiiling siya sa sagot nito. "At talagang sinisi mo pa si Tom at Jerry." Tumabi siya ng upo rito. "Nag-breakfast ka na ba?"
"Opo."
"Good." Pinalibot niya ang tingin sa sala na nakakunot ang nuo. "Nasaan pala ang napakaganda mong Mommy? Hindi ko pa siya nababati ng Merry Christmas. Wala na siya sa kuwarto ng magising ako."
Red shrugged. "I don't know, Daddy. I was busy watching Tom and Jerry."
He puffed a breath. "Saan kaya nagpunta ang maganda kong asawa?" Tanong niya sa sarili.
Napakunot ang nuo niya ng makarinig ng ingay mula sa labas, sa isiping naroon si Lockett, agad siyang lumabas ng bahay.
Nagsalubong ang kilay niya ng makita si Edzel, Iuhence, Train, Ream, Reigo at Lander sa labas ng bahay niya.
"Pasko ngayon. Anong ginagawa niyo rito?" Kunot ang nuong tanong niya sa mga ito at tumingin kay Edzel. "You? What are you doing here?"
Edzel smiled. "I received your message two days ago. I'm here to congratulate you. Lockett has been Cancer free for five years and that is something to celebrate."
He rolled his eyes. Bakit ba pinaalam pa niya rito ang result ng MRI ni Lockett? "Hindi mo naman kailangang pumunta rito sa Pilipinas para i-congratulate kami."
Edzel frowned at him. "Man, I don't understand you."
"Problema mo na 'yon." Aniya at napailing-iling. "Tinatamad akong mag-english."
Tiningnan siya nito ng masama. "Speak in English, man. I understand Tagalog, but only a little."
"Ayoko nga." Sagot niya at tiningnan ang mga kaibigan niya. "Kayo? Anong ginagawa niyo rito? It's Christmas for crying out loud, magsi-uwian na nga kayo."
Iuhence was the one who answer. "Nandito kami kasi may pinapagawa sa'min si Lockett."
Tumaas ang isang kilay niya. "At ano naman 'yon?"
"Sekreto."
Pagkasabi niyon ay may ibinigay ito sa kanyang tuxedo.
"Ano naman ang gagawin ko rito?" Naguguluhang tanong niya kay Iuhence.
"Kainin mo, baka masarap, Idiot." Tinalikuran siya nito at binuksan ang pintuan sa backset ng sasakyan nito. "Ano ba ang gamit ng tuxedo? E di isuot mo."
"Bakit ko 'to isusuot?"
"Para same tayo, Daddy." Sabad ng anak niya na lumabas ng bahay at naka mini-tuxedo rin.
Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila ng anak. "Red, saan ba tayo pupunta at naka-tuxedo ka?"
Tumingin muna si Red sa mga kaibigan niya bago sumagot. "A-Attend po tayo ng wedding, Daddy."
"Kaninong wedding?" Kunot-nuong tanong niya na naguguluhan.
Tinuro nito si Iuhence. "Wedding po ni Tito Iuhence."
Nang tingnan niya si Iuhence, parang namutla ito habang hindi maipinta ang mukha. Alam niya kung gaano ito ka-allergic sa salitang kasal kaya naman nagulat siya. "Ikakasal ka na? Kanino? At bakit ngayon mo lang sinabi?"
Nakangiwi itong ngumiti. "Surprise, bro."
"I'm surprise all right." Aniya at hinubad ang damit pagkatapos ay isinuot ang tuxedo.
"Hanep ka talaga, pare." Wika ni Train na hindi makapaniwala. "At sa harapan ka pa talaga namin nagbihis. Hindi ka na nahiya. Ano nalang kaya ang sasabihin ng asawa mo?"
He shrugged. "Okay lang 'yon. Mukha kasi kayong nagmamadali e." Binuhat niya si Red at sabay silang sumakay sa back set ng sasakyan.
Si Iuhence ang nagmamaneho, nasa passenger set si Edzel at katabi nila ni Red si Train sa backset. Nasa isang sasakyan naman si Ream, Reigo at Lander.
"Iuhence, bakit hindi mo naman sa'kin sinabi na ikakasal ka na pala?" Tanong niya habang nagmamaneho ito patungong simabahan. "Hindi tuloy ako nakabili ng regalo."
Iuhence glanced at his son through the review mirror before answering. "Ayos lang 'yon, Pare. Surprise nga di'ba?"
"Ahhh." Napatango-tango siya. "Okay, sabi mo e."
Nang balingan niya si Red, nanlaki ang mga mata niya ng makitang may hawak itong sing-sing.
"Red, where did you get those?" Tanong niya.
Red looked up at him. "Pinapahawakan sa'kin ni—"
Hindi natapos ang sasabihin ni Red dahil tinakpan ni Train ang bibig ng anak niya at ngumiti sa kanya. "Pinapahawakan sa kanya ng kapatid ni Iuhence."
Mas lalong kumunot ang nuo niya. "Teka lang, hindi ba wala namang kapatid itong si Iuhence?"
Natigilan si Train at tumingin kay Iuhence. Napalatak naman si Iuhence at napailing-iling.
He narrowed his eyes on Iuhence. "Ikakasal ka ba talaga o pinaglululuko mo lang ako?"
Bago pa ito makasagot, tumigil na ang sasakyan nito sa harap ng simbahan. Mabilis na lumabas ang mga ito sa sasakyan. Pati ang anak niya ang liksi kumilos at tumakbo kaagad papasok sa simbahan.
Siya naman ay naiwan siyang nakatingin sa entrance ng simabahan.
Napalingon siya ng may humawak sa kanya sa magkabilang braso at pilit na pinapapasok siya sa loob ng simabahan.
"Ano ba? Bitawan mo ako, Ream!" Nagpumiglas siya pero hindi siya makawala. "Let go of me, Lander!"
"Pare, huwag ka ng magpumiglas, okay?" Wika ni Lander sa mahinahong boses. "Magpapasalamat ka rin sa amin mamaya."
Mas lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.
He's very sure that Iuhence is not getting married. Then his son just went inside the church gleefully and he's being force to enter the church.
What the fuck is happening?!
Nang makapasok siya sa simbahan, natigilan siya ng makita ang mga magulang niya at mga magulang ni Lockett na naka-upo sa mga mahahabang upuan ng simbahan.
Lumapit siya sa ama niya. "Dad, what the fuc—fudge is happening?" Hindi niya itinuloy ang pagmumura ng ma-realize na nasa simbahan siya.
His father smiled. "It has been long overdue my son."
"What?"
His mother interjected. "Anak, alam naman namin kung gaano niyo kagusto ni Lockett na ikasal kayo sa simabahan pero masyado kayong abala sa monthly cheek up ni Lockett, trabaho niyo at sa pag-aalaga kay Red. Kaya naman kami na ang kumilos para matupad iyon. Pasensiya na at natagalan, hinintay talaga naming na lumaki si Red para siya ang maging ring bearer niyo."
He was dumbfounded. He didn't know how to react.
"Daddy?" Anang boses ng anak niya mula sa likuran.
Nilingon niya ang anak. "Red." Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila. "Alam mo ba na ikakasal kami ngayon ng mommy mo?"
Red nodded with a smile. "Opo. Granny told me e. Saka alam din po ni Mommy."
"Then why did you lie to me?"
Napatingin ito sa sahig na parang hiyang-hiya sa ginawa. "Sorry, Daddy. Sabi kasi nila Tito Iuhence mag-lie ako para ma-surprise ka. Kaya ginawa ko." Nagtaas ito ng tingin at ngumiti. "Mahal mo pa naman ako, diba Daddy, kahit nag-lie ako?"
Humugot siya ng isang malalim na hininga at ginulo ang buhok ng anak niya. "Of course, yes. I will always love you no matter what. Pero huwag ka ng magsisinungaling ha? Masama 'yon. Nagagalit si Papa Jesus kapag nagsisinungaling ang isang tao."
Red nodded earnestly. "Hindi na po, Daddy. Promise po."
"Good." Tumayo siya at nagpaalam muna sa anak. "Wait lang, baby ha? May pupuntahan lang si Daddy."
Nilapitan niya ang mga kaibigan na nagtatawanan. Sa sobrang inis na nararamdaman niya, piningot niya ang tainga ni Iuhence.
"Shit, man!" Sigaw nito. "Why did you do that for?" Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya.
"Para yan sa pag-utos mo sa anak ko na magsinungaling sa'kin." Aniya.
Napangiwi ito. "Sorry na. Hindi naman namin 'yon sinasadya."
"Anong namin?" Sabad ni Lander. "Ikaw ang nag-isip ng ideya na ito kaya solohin mo."
Iuhence narrowed his eyes on Lander. "Sumangayon kayo, kaya kasama kayo."
Iningusan lang ito ni Train. "Ikaw ang may pasimuno. Sumunod lang kami."
"Oo nga. You're the one who suggested it." Sabad ni Ream.
Reigo nodded in agreement.
Napasimangot si Iuhence at bumulong. "Mga traidor."
Napailing-iling nalang siya sa mga kalokohan ng mga kaibigan, pati anak niya dinamay pa. Mga loko-loko.
Napalingon siya ng may tumapik sa balikat niya. It was his father. "The ceremony is about to start." Anito sa kanya.
He nodded and hurriedly walked towards the altar.
Biglang naghari ang katahimikan sa buong simbahan at ng bumukas ang pinto, sobra ang tibok ng puso niya.
This is absurd! Parang hindi pa sila kasal ni Lockett kung nakapag-react siya! Kinalma niya ang sarili at ang nalalamig niyang kamay.
Mariin niyang ipinikit ang mata, he did everything to calm his rapidly beating heart. Para siyang hinihingal habang nakatingin sa pinto ng simbahan, and when Lockett came into view, parang nanginig ang tuhod niya.
He gulped when he saw his very beautiful wife and bride walking down the aisle. His mouth just hang open as she walk towards him, with her father beside her.
Napangiti siya ng makarating si Lockett sa harap ng altrar. Walang mapagsidlan ang kaligayan na nararamdaman niya. He can't believe god gave him Lockett. She maybe the woman who made him experience hell, but she is the only woman he'll ever love for the rest of his life.
Hindi na bumalik ang ala-ala ni Lockett. At ayaw niyang pilitin nitong makaalala. They made new memories with their son and that's more than enough for him. Sapat na sa kanya na mahal siya nito at kasama niya ang babaeng minamahal.
When Lockett accepted his hand, he squeezed it lightly and then he pulled her closer to him and kissed her lips. "Merry Christmas, Lover. I love you ... for eternity and beyond that."
Lockett smiled, her eyes were glistening in so much happiness. "I love you, always and forever."
Then they heard Red shout. "I love you more Daddy and Mommy."
He and Lockett laughed at that. They both looked at their adorable baby boy.
"We love you too, baby." Sabay na wika nila ni Lockett na ikinatawa ng mga nasa loob ng simbahan.
"Okay po." Red said. "Sige na po, continue na po kayo."
They both sighed and then smile lovingly at each other.
The Priest was about to speak when Red shouted again. "Daddy, bakit ang tagal niyong mag 'I do'? Nangangalay na po ang kamay ko sa paghawak sa ring niyo po. Matagal pa ba, baka matapos na ang Tom and Jerry show, hindi ko maabutan."
Napapangiti na hinalikan niya ang asawa.
Nang humarap sila sa altar, nginitian sila ng Pari at nagsalita, "We are all gathered here today to witness the second union of Creed Santillana and Lockett Kay Mendoza Santillana. If someone here doesn't approve their union, you may speak now or forever hold your peace."
The churce was silent.
Second passed, the Priest spoke again. "Creed Santillana, do you take Lockett Kay Mendoza Santillana as your lawfully wedded wife, in sickness and in health, in richer and in poorer, 'till death do you part?"
Lockett felt Creed cringed when the Priest mention death.
"I do, Father. Kahit saang simbahan."
The Priest smiled and then looked at her. "Lockett Kay Mendoza Santillana, do you take Creed Santillana as your lawfully wedded husband, in sickness and in health, in richer and in poorer, 'till death do you part?"
Lockett pressed her lips on his cheek before answering. "I do too. And I'll marry you anywhere and anytime, again and again."
The Priest smiled. "May god bless your union and you have a happy marriage life. You may now kiss the brude."
With that, their lips met.
Sa ibang tao ang pangalawang kasal nila ni Lockett ay hindi perpekto, pero para sa kanya perpekto na iyon at sapat na sa kanya iyon. Ang importante masaya sila at wala na siyang mahihiling pa.
And it is all thanks to god.
- THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top