CHAPTER 35

A/N: At dahil napakabait ko at napaka-inosente pa, hindi ito ang last chapter. I was planning na last na itong chapter na ito, pero dahil kay Creed, kahit papaano, nabigyan ako ng pag-asa na may #Pornever, kaya naman may kasunod pa ito. Isusulat ko pa nga lang pero madali lang 'yon, baka ngayong gabi ko rin i-post. Ganoon ko kayo kamahal. Hehe. 

CHAPTER 35

ONE MONTH LATER…

MAHIGPIT ang yakap nila sa isa’t-isa habang nasa labas sila ng Operating Room.  Habang yakap ito, nilulukob ng buong takot ang puso ni Creed. Natatakot siya na baka hindi nga na siya maalala ng asawa niya paglabas nito ng OR, pero mas mabuti na iyon sa halip na mamatay ito.

Kumawala siya sa pagkakayakap dito at sinapo ang mukha ng asawa. “Kaya mo ‘to, Lover. Para kay Red at para sa pamilya natin.”

Tumango ito habang lumuluha. “Kakayanin ko.” Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nito at pinisil iyon. “Mangako ka na kapag hindi kita maalala pagkatapos dito, hindi ka magsasawa na ipaalala sa akin ang pag-iibigan natin. Promise me, Creed.”

He nodded a couple of times. “Oo. Hinding-hindi ako magsasawa. Mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita.”

“Stay alive, Lover.”

Natigilan ito at luimuluha na hinaplos ang pisngi niya. “Hindi natin alam ang kalalabasan ng operasyon, hindi natin alam kung mabubuhay ba ako o hindi. Ano man ang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita at lumaban ako para makasama ka. At kahit masakit sabihin, sana kapag nawala ako, buksan mo pa rin ang puso mo para sa iba. Dahil kung mamamatay ako, then we are not destine for each other. Kapag namatay ako, may isang babae na magmamahal sa’yo ng higit pa sa pagmamahal ko. Basta, alagaan mo ang anak natin. Huwag mo siyang pababayaan, ha?”

Sinasaksak ang puso niya sa bawat kataga na binibitawan nito. Hindi niya mapigilan ang luha na nahulog mula sa mga mata niya. “Huwag kang magsalita ng ganyan, Lover. I believe that we are destined for each other. I believe that forever exist and we will prove that, you and me. I believe that you will come out in this operating room, alive and kicking. Kaya kong i-pangako sa’yo lahat, pero hindi ang buksan ang puso ko sa iba, kasi ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw lang babaeng tinitibok ng puso ko. Ikaw lang ang babaeng nilalaman ng puso’t kaluluwa ko. Ikaw lang at wala ng iba. Kaya mabuhay ka, dahil kapag nawala ka, magiging walang saysay ang lahat dahil ikaw ang buhay ko.”

Bago pa ito makasagot, lumapit sa kanila si Edzel at tinapik ang balikat niya.

“Kailangan na nating umpisahan ang operasyon.” Anito sa kanila.

Huminga siya ng malalim at pinilit na maging malakas. “Take care of her.” Sabi niya kay Edzel. “Please, keep her alive.”

Edzel just nod, pagkatapos ay ito ang nagtulak sa stretcher na kinahihigaan ni Lockett papasok sa Operating Room. Hanggang sa sumara ang pinto, hindi niya maiiwas ang tingin sa asawa.

He knew that she’s afraid and as much as he want to enveloped her in an embraced and cooed her in his arms, he can’t do that. Nagagalit siya dahil kailangan nitong mag-isa habang ino-operahan ito. Nagagalit siya dahil wala siyang magawa.

Umupo siya sa pang-isahang sofa na nasa labas ng OR at tumitig sa kawalan. Mabuti nalang na narito ang mga magulang niya at ni Lockett, ang mga ito muna ang nag-aalaga ngayon sa anak nilang si Red. Hindi sumama ang mga ito sa Hospital dahil ayaw ng mga ito na makita si Lockett na nasasatan.

Naiintindihan naman niya ang mga ito. Naisip niya bigla, siguro ang nararamdaman niya ngayon, ‘yon ang nararamdaman noon ng mga magulang ni Lockett.

As he sat on the sofa, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, pagmamahal, pag-aalala, pagkabahala at kung ano-ano pa.

Panay ang tingin niya sa pintuan ng OR at pinagdarasal na sana lumabas na roon ang asawa niya na buhay pero hanggang sa lumipas ang ilang oras, hindi pa rin bumukas iyon.

Dahil hindi siya mapakali, tumayo siya naglakad-lakad muna hanggang makarating siya sa isang vending machine. He bought a soda and return to the OR again. As usual, nakasara pa rin iyon.

Umupo siya sa sofa na inukupa niya kanina at binuksan ang soda na binili. Hanggang sa naubos niya ang laman niyon, hindi pa rin bumukas ang OR. Ihinilig niya ang likod sa likuran ng sofa at ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa paghihintay.

Napabalikwas siya ng bangon ng magising siya at mabilis na tumingin sa OR, naka-on pa rin ang red lights sa nasa taas ng pintuan, ibig sabihin hindi pa tapos ang pag-o-opera kay Lockett.

He sighed and took a very deep breath. Kailan kaya matatapos ang operasyon? Ang tagal naman. Aatakihin na ako sa puso sa sobrang kaba.

Tumayo na naman siya at naglakad-lakad hanggang sa may nadaanan siyang maliit na chapel. Pumasok siya roon at natigilan ng makita ang malaking  crucifix na nakalagay sa altar.

He stared at it for a couple of minutes and then he walked towards it.

Nang makarating siya sa altar, lumuhod siya at tumingin a crucifix.

Lord, I’m praying again for a thousand times. Sana hindi ka pa nagsasawa na pakinggan ako. Alam kong marami kaming may problema ngayon sa mundo pero sa’yo ko lang ito mailalabas dahil wala namang ibang makakatulong sa akin kundi ikaw. Lord, my wife is in the Operating Room right now. Hindi ko alam kung anong kalagayan niya roon, kung okay ba siya o hindi. I can’t go in the OR, kaya naman ikaw nalang ang pumasok para sa’kin. Please, pakigabayan po si Edzel na sana maging matagumpay ang operasyon. Pakibantayan po si Lockett at paulit-ulit niyo po na ipaalala sa kanya na maging malakas at lumaban. Marami kaming naghihintay sa pagbabalik niya. Sana pagbigyan mo ang kahilingan ko, ang kahilingan naming lahat na mabuhay si Lockett at maging masaya sa piling ko. I know I and Lockett can’t live forever, but we have our own version of forever and that is dying in a very old age. Together. Gusto ko pa pong makasama ng matagal ang asawa ko. Gusto kong mangyari ang nasa lyrics ng kantang ‘Grow old with you’. Please, Lord, heed my prayer. I know that for Lockett to survive she need miracle and that’s the reason why I’m in front of you, on my knees, begging. Jesus, you are the miracle. Please, kahit kaunti lang ambunan mo naman ang asawa ko.

 Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya habang nakaluhod. Kung hindi pa niya narinig ang sariling hagulhol, hindi pa niya malalaman.

Tumayo siya at hinaplos ang crucifix. “Lockett needs miracle, Jesus. She needs you … I need you.”

He did the sign of the cross before leaving the chapel. Bumalik siya sa Operating Room at naka-on pa ang red na ilaw sa taas ang pinto. Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas mula nung pumasok ang asawa sa OR. Pakiramdam niya ang tagal-tagal nito sa loob.

Umupo na naman siya sa sofa at isinandal ang likod sa likuran ng sofa at hinintay na bumukas ang pintuan, pero hanggang lumipas ang ilang oras, hindi pa rin bumukas iyon.

Habang naghihintay, nahiga siya sa mahabang sofa. Hindi niya namalayan na nakatulog na naman siya. Nagising siya ng may tumapik sa balikat niya.

Mabilis siyang bumangon at tiningnan kung sino ang tumapik sa balikat niya.

“Doc. Edzel?” Aniya ng makilala ang nasa harapan.

He smiled but it didn’t reach his eyes. “We’re done. Lockett is now in the Intensive Care Unit for observation. We’ll wait for twenty-four hour, after that, if she didn’t open her eyes, I’m afraid, she’ll be in a—”

“She’ll wake up.” Kinakabahan na aniya. “She’ll open her eyes. She has too.”

Tumango-tango ito. “Yeah. She has too. Come on.”

Habang naglalakad sila patungo sa ICU, hindi mawala sa isip niya ang ala-ala nuong nagkita silang muli ni Lockett pagkalipas ng tatlong taon at hindi siya nito nakilala. Ayaw niyang maulit ang nangyaring iyon. Ayaw niyang pagmulat ng mga mata nito ay hindi siya nito kilala.

Natatakot siya sa isiping hindi na siya maaalala ni Lockett. Natatakot siya sa isiping mag-uumpisa na naman siya mula sa simula.

Bago siya pinapasok sa ICU, pinagsuot muna siya ng Hospital gown. Nang makita niya si Lockett na nakahiga at walang malay, mabilis siyang lumapit dito at maingat na hinawakan ang kamay nito na may nakakabit na IVF.

Napatingin siya sa ulo nito at nakitang nakabalot iyon sa puting tela. Napangiti siya ng mapansing kinalbo ang asawa niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nakita nito na nakita niyang kalbo ito?

Napailing-iling siya sa naiisip at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng higaan nito habang nakahawak pa rin sa kamay nito.

“Stay with her.” Wika ni Doctor Edzel at lumabas na ng ICU.

He sighed and slightly squeezed her hand. “Gumising ka, Lover. I’m waiting.”

THEY waited twenty-four hours for Lockett to wake up, pero hanggang sa lumipas ang forty-eight hours hindi pa rin ito nagigising. Umiiyak na ang mga magulang nito, siya naman ay walang imik habang nakatingin sa walang malay nitong katawan.

He fisted his hand in so much anger. Gusto niyang magalit at magwala, pero hindi naman niya alam kung kanino siya magagalit.

He wanted to blame god, pero alam niyang ginawa rin nito ang lahat para mabuhay ang babaeng pinakamamahal niya.

He’s no one to blame but that sickness.

“We took every meningioma in her brain.” Wika ni Edzel. “I’m hoping that they won’t come back. So, I ahm, I don’t know what to do anymore. I did my best, but I guess my best isn’t good enough to give her a happy life she deserves.” Tumingin sa kanya si Edzel. “I’m sorry.”

His jaw tightened and he didn’t say anything.

“It wasn’t your fault.” Wika ng ina ni Lockett. “Maybe, it’s destined—”

“We’re destined to be together.” He sneered. “Fuck, destiny for ruining that. Tama nga siguro sila, forever doesn’t exist. Kasinungalingan lang ‘yon lahat.”

Lumapit sa kanya ang ina niya at niyakap siya ng mahigpit at inilagay ang kamay nito sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. “Forever does exist, Creed. Because whatever happens to Lockett, she will be forever in your heart.”

Sinapo niya ang nuo at sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang nakatingin sa asawa. “Nangako siya sa’kin, mommy. Nangako siya na hindi niya ako iiwan. Nangako siya!”

“Anak, minsan, hindi nangyayari ang mga pangako natin kahit pa pilitin natin na mangyari iyon. Mahal na mahal ka ng asawa mo, magigising siya. Tulad ng pangako niya sa’yo, gigising siya.”

“Talaga?” He knew that his mother only said that to calm him, but he’ll hold on to that even if it’s a lie. “Magigising siya?”

“Oo, anak.”

Lumapit siya sa asawa at hinawakan ang kamay nito. “Please, wake up. Hinihintay kita … hinihintay ka na ni Red.”

Hindi niya alam kung mapagbiro ang tadhana o talagang mahilig itong magpahirap, dahil pagkatapos niyang sabihin ang huling kataga, dahan-dahang nagmulat ang mga mata ng asawa niya.

Pigil ang hininga na hinintay niya ang unang salita na lalabas sa bibig nito. All their eyes were on Lockett. Walang kumurap. Walang nagsalita.

And then she spoke, “B-Buhay ako?”

A/N: Pakisagot po kay Lockett. Mukhang hindi pa siya naniniwala. Patayin kita e. Haha. Loves, Loves, - C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top