CHAPTER 29
Naka-private ang chapter 28, sa mga hindi makakabasa. Here's the link: http://www.wattpad.com/97304434-seducing-creed-chapter-28
CHAPTER 29
NAPABALIKWAS ng bangon si Lockett ng maramdamang parang hinahalukay ang tiyan niya, kasabay niyon ay ang pag-kirot ng kaliwang bahagi ng ulo niya kung saan siya inoperahan.
Parang nilipad niya ang pagitan ng kama at banyo sa sobrang bilis ng galaw niya para sumuka sa lababo.
Habang nagduduwal, inilagay niya ang kamay sa salamin na nasa harap niya para balansehin ang medyo nabubuwal na katawan. Nanghihina siya habang patuloy na sumusuka.
Then suddenly, someone's hand rubbed her back. Lumingon siya at nakita si Creed na puno ng pag-aalala ang mukha nito.
"Are you okay?"
Tumango siya. "Yeah." Nagmumog siya at humawak sa balikat ng binata para doon naman kumuha ng lakas. "Pasensiya na, nagising yata kita. I shouldn’t have move in with you. I told you ma-i-isturbo lang kita."
He gave her a soft smile. "Lover, I practically begged you to move in with me. At saka, ilang buwan nalang ikakasal na tayo. We've been together for four months now, Lover, and I want to wake up every morning with you in my bed, kaya huwag na huwag mong iisipin na isturbo ka sa tulog ko."
She sighed. Napaka-suwerte niya talaga kay Creed. Pagkatapos niyang tanggapin ang alok nitong kasal, she moved in with him. Hindi na rin ito bumalik sa Isla para i-manage ang Hotel doon. Matagal nang gusto ng ama nito na hawakan ni Creed ang Kompanya ng mga ito, kaya laking tuwa ng mga magulang ng binata ng pumayag ito.
Minsan, dumadalaw sila ni Creed sa mga magulang nito. Nakakatuwa dahil parang kapamilya kung ituring siya ng mga ito. They treat her like their own daughter and it makes her feel loved. She's very lucky to have Creed in her life. She felt complete.
Nuong isang buwan, mag-uumpisa na sana siyang magtrabaho bilang Manager sa isa sa mga Hotel ng pamilya ni Creed, pero hindi iyon natuloy dahil nag-umpisa na namang sumakit ang ulo niya. She stayed in his condo. Kapag nababagot siya dahil mag-isa lang siya sa unit nito kapag nasa opisina ang binata, nagluluto siya at dinadalaw ang mga magulang niya o kaya naman ang mga magulang ni Creed.
She's happy and contented of what she has right now. Kontento na siya na kasama niya si Creed sa iisang bubong kahit hindi pa sila kinakasal. Mahal niya si Creed, kasal man sila o hindi, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal niya sa binata.
Humilig siya sa dibdib nito. "I'd been vomiting for two weeks now, Creed." Aniya sa medyo namamaos na boses. "Siguro parte ito ng pagsakit ng ulo ko."
Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay nito. "You should rest, lover. Gigisingin nalang kita kapag nakaluto na ako ng agahan natin."
She smiled at his thoughtfulness. "Thank you. Hindi ako makakahanap ng katulad mo, not that I’m planning to."
Pinangko siya nito dahilan para mapasinghap siya ng malakas. "Good. Hindi ka puwedeng maghanap ng iba. Ako lang dapat. Okay?"
She smiled and leaned in to him to kiss him on the lips. "I love you, Creed."
He looked down at her. "And I love you."
He put her down on the bed then kissed her. "Magluluto lang ako ng agahan natin. It's Saturday so we're going out."
She grinned. "Like a date?"
"Yes. Like a date."
She giggled. "Saan mo naman ako dadalhin?"
"Secret." He pressed his lips on hers and when he pulled away, he grinned. "Huwag ka na kayang matulog, maligo ka na. Para maaga tayong makaalis."
Isang nanunudyong ngiti ang kumawala sa mga labi niya. "Hmm. Excited ka sa date natin, ‘no?"
He chuckled softly. "Kailangan ba ako hindi na-excite kapag kasama ka?" Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. "I love you, Lockett."
Her eyes glisten with love for this man. "I love you too, Lover."
"Hmmm. I like it when you call me lover. It sounds sexy coming from you, it makes me so freaking horny."
Napatawa siya ng malakas at pabirong tinampal ang braso nito. "Horny ka riyan. Magluto ka na nga. Maliligo na ako."
"Okay." He kissed her again. "Ako muna ang maliligo tapos magluluto na ako."
"Hmm. Okay. Have a happy bath."
Mahina itong tumawa, may pilyong ang kislap ng mga mata nito. "Wanna join me?"
She gave him a naughty grin. "Hmm. Why not?"
He laughed and then he carry her again, bridal style, to the bathroom where they intend to make love.
HABANG nagluluto si Creed ng agahan nila ni Lockett, narinig niyang tumunog ang doorbell ng condo niya. Dahil alam niyang nasa banyo si Lockett at naliligo, mabilis niyang tinapos ang niluluto at tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kung sino man ang nagdo-doorbell.
When he opened the door, nagulat siya ng makita ang mga magulang ni Lockett sa labas ng condo niya.
“Good afternoon po.” Aniya ng makabawi sa pagkabigla at nagmano sa mga ito. “Pasok po kayo.” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang mga ito.
Dinala niya ang mga magulang ni Lockett sa sala at pina-upo.
“Want something to drink? Coffee, juice, soda or tea?” Tanong niya.
“We’re good, iho.” Nakangiting sagot ng ina ni Lockett. “Nandito lang kami para kumustahin si Lockett.”
Lockett’s smiled warmly. “Nagpapasalamat kami at tinanggap mo pa rin ang anak namin sa kabila ng lahat ng nangyari. Kahit papaano, dahil sa’yo, bumalik ang dating sigla sa mukha ng anak namin at nagpapasalamat kami sa’yo.” Anito.
Ngumiti siya ng tipid. “Ako po ang dapat magpasalamat. You gave me another chance to be with your daughter. And I can’t thank you enough because of that. Mahal na mahal ko ang anak niyo at tatanggapin ko siya ano man ang mangyari o kahit ano man ang gawin niya.”
Bago pa makasagot ang mga ito, biglang dumating si Lockett sa sala. Nang makita nito ang mga magulang nito, napasimangot ito.
“Mom, Dad, I’m fine.” Anito na kusot ang mukha.
Her father smiled. “We know. Gusto ka lang namin makita.”
Ang nakasimangot nitong mukha ay napalitan ng ngiti. “Dad, ayos lang ako. Promise.”
“Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?” Tanong ng ina nito.
That question made him remember what happened a week ago. Buti nalang mula noon, sumakit man ang ulo nito, hindi ganoon kasakit, medyo mild lang.
Napahawak si Lockett sa ulo nito. “Minsan, sumasakit. Pero kaya ko naman.”
Tumayo ang ina nito at nilapitan ang dalaga. “Lockett, alam kong magagalit ka pero kailangan mong magpa-MRI. Isa iyon sa rason kung bakit narito kami.” Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. “Para makasiguro tayo na iyang pagsakit ng ulo mo ay walang ibang rason.”
Tumalim ang mga mata ni Lockett. “Mom, I’m okay.”
“I know that you’re okay, my dear. But remember what Dr. Edzel said, kapag sumakit ang ulo magpa-MRI ka at ipadala mo sa kanya ang resulta.”
Lockett looked at him like she’s asking for his help to convince her parents that she doesn’t need to undergo an MRI. Pero mukhang nakita nito sa mukha niya na gusto niyang magpa-MRI ito.
Ibinalik nito ang tingin sa ina. “Mommy, I don’t want to undergo another test. Ayoko na! Okay na ako e!”
Nilapitan niya ang dalaga at niyakap ito mula sa tagiliran. “Sasamahan kita. I’ll be there with you, Lover.” Bulong niya sa tainga nito.
She shook her head. “No.” Itinulak siya nito palayo. “You can’t come with me. Ayokong naroon ka habang sinasabi nila ang resulta ng MRI ko.” Her eyes started to water. “What if they discover that the meningiomas are back again? My head has been hurting.” Tumingin ito sa kanya na may luha ang mga mata. “Alam mo na palaging sumasakit ang ulo ko nitong nakalipas na mga linggo. What if—”
“I don’t want to live with what if’s, Lover.” Aniya. “I want to know the truth, at sasamahan kita, pumayag ka man o hindi.” Niyakap niya ulit ito. “Ayoko nang maulit ang nangyari noon na iniwan mo ako dahil diyan sa sakit mo. Hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo pa ako.”
Nawalan ng imik si Lockett, nakatingin lang ito sa sahig na parang may malalim na iniisip.
“Lockett?” Pukaw niya rito.
Her eyes snapped at him. She then stared at him for a long time before saying, “Fine. Sumama ka.”
He smiled. “Thank you.”
Tango lang ang itinugon nito pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit.
“Kung ano man ang maging resulta ng MRI ko, pangako, hindi kita iiwan. Okay?” She kissed him in front of her parents.
When she pulled away, he smiled. “Panghahawakan ko ang pangako mo, pero alam ko naman na magiging maayos ang MRI mo. You’re okay. You’re fine. Everything is going to be just fine.” He said, trying to make her feel okay.
She smiled but it didn’t reach her eyes. “Oh, ano pang hinihintay niyo? Tara na.” The she turns to him. “Maya na natin kainin ang niluto mo.”
He nodded. “Sige.”
TATLO ang kasama ni Lockett patungong Medical Center. Panay ang biro ni Creed para ngumiti siya. After her MRI, they waited for at least an hour for the result. And when the result came, everyone was silent. They are all lost in their own thoughts.
Hanggang makaalis ang mga magulang niya at makauwi sila sa condo ni Creed, wala pa rin silang imik.
Walang buhay na umupo si Lockett sa mahabang sofa at tumingin sa binata na nakatayo sa harapan niya.
Her lips curved into a small smile. “At least I’m pregnant and the baby is safe.”
“Lover—”
“Don’t say it.” Sansala niya sa iba pang sasabihin nito. “Hindi ako papayag. Creed, I’m three weeks pregnant!” She shouted.
“But it’s for your own good.” Wika nito na puno ng pag-aalala ang mukha. “You have to undergo chemotherapy. Kaunti palang ang meningiomas na nakita nila sa ulo mo, madadala pa iyon sa chemo.”
Umiling-iling siya at hinawakan ang sinapupunan niya kung saan naroon ang anak nila ni Creed. “Hindi. Hindi ako magpapa-chemo. Kapag ginawa ko ‘yon, mamatay ang anak natin. Hindi niya kakayanin ang radiation. Ayoko, Creed. Kung ikaw kaya mong patayin ang anak natin, ako hindi. I am willing to sacrifice myself for our baby.”
Lumuhod sa harapan niya ang binata at nagmamakaawa na tumingin sa kanya. “Please, Lockett, I can’t lose you. Not again. When the doctor announced that you are pregnant, I can’t explain how happy I am. But if that baby will be the cause of your death, I’m sorry; I just can’t pretend to be happy when I know you’ll die because of that baby. I want to be selfish for once, Lockett. If you die, my heart and soul will die with you.”
Hinawakan niya ang kamay nito na bahagyang nanginginig. “Creed, siyam na buwan lang ako na magbubuntis. After that, kapag wala na si baby, magpapa-chemo na ako. Siguro naman, aabutan pa ako ng isa o dalawang taon.”
He squeezed his eyes shut and a tear fall down on his cheek. “Hindi mo ako naiintindihan, Lockett. Nang iwan mo ako, I was a mess, and now, there’s a possibility that you’ll die. Gagawin ko ang lahat hindi ka lang mamatay. Kaya kong lumuhod, kaya kong gumapang para lang mabuhay ka. At kayang-kaya kong mawala ang anak natin para mabuhay ka.” A tear fall down on his cheek again. “Please, Lockett, maawa ka naman sa’kin. Kahit ngayon lang. Pagbigyan mo na ako. Please, I beg you.”
Tinuyo niya ang luha sa pisngi nito at masuyong hinaplos ang mukha nito. “Naiintindihan naman kita pero sana intindihin mo rin ako. I’m not just your fiancé and lover anymore, Creed, I’m a mother now and mother take good care of her children. I want to be a good mother to our child. I can risk my life and my everything for our child to live and see the world. Our child,” She put his hand against her stomach. “Is in there, Creed. He or she came from us. He or she was made because we love each other. Please, hayaan mong mabuhay at maranasan ng anak natin ang pagmamahalan na mayroon tayo.”
He sobbed silently as he kneeled in front of her. “Kung ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis mo, mabubuhay siya at may posibilidad na mamatay ka, kapag nangyari iyon, paano naman ako? Paano ako, Lockett? Think of what will happen to me.”
“If that happens, you’ll take care of our child.” Nakangiting wika niya.
Umiling-umiling ito. “How can I take care of our child and gave him or her a happy life if I’m already dead inside?” Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay nito iyon sa dibdib nito kung nasaan ang puso nito. “My heart will be tore into tiny pieces. My heart will no longer beat if you leave me for good. Nagmamakaawa ako, Lockett, please, magpa-chemo ka.”
She feels for him. Alam niyang nasasaktan at nahihirapan ito sa sitwasyon nila ngayon pero hindi niya kayang patayin ang anak nila para lang mabuhay siya. Hindi siya ganoong klaseng tao. At kung papipiliin siya between her and her child, pipiliin niya ang anak niya.
Hindi nito iyon naiintindihan, pero ito, naiintindihan niya. He’d been through enough because of her, pero naniniwala siya na mabubuhay siya. Naniniwala siya na makakasama niya ang anak niyang lumaki.
She will risk everything for her unborn child.
“Creed, mahal na mahal kita at alam mong gagawin ko ang gusto mo kong kaya ko—”
Nag-iba ang kislap ng mga mata nito. “’Yon naman pala e. If you love me, then prove it.”
She shook her head. “I love you, Creed, but I will not kill my baby just so I can live.”
Tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan ng condo nito.
Before she opened the door, she turned to Creed whose still kneeling. “Doon muna ako matutulog sa unit ko. Bukas nalang tayo mag-usap kapag nakapag-isip ka na ng mabuti.”
Tuluyan na siyang lumabas sa condo nito at pumasok sa condo niya.
Excited siyang tumayo sa harap ng life-size mirror niya at nakangiting tinitigan ang tiyan niya. Three weeks. Tatlong linggo na siyang buntis.
She can’t help but to smile and feel happy.
Itong dinadala niya sa sinapupunan ang tanging dahilan kung bakit hindi siya umiiyak ngayon dahil bumalik na naman ang meningiomas sa utak niya pagkalipas ng dalawang taon mula ng inoperahan siya.
When she heard the result of her MRI, she wanted to scream and kick and punch someone, but the child inside her stomach stopped her. Sa kabila ng mga nangyayari sa kanya, binigyan siya ng panginoon ng isang blessing at gagawin niya ang lahat mabuhay lang ang dinadala niya.
Nakangiti pa rin siyang tinungo ang silid niya habang isa-isang hinuhubad ang mga damit niya. It feels good sleeping without clothes on.
Nang mahiga siya sa malambot ng kama, agad siyang nakatulog. Siguro dahil sa pagod sa pag-iisip.
NAALIMPUNGATAN siya na may humahalik sa pisngi niya. Nang magmulat siya ng mata, nakita niya si Creed.
Napakunot-nuo siya. “Paano ka nakapasok? I locked the door.”
“I have a spare key and I know your password combination.” Sagot nito at inilapit ang mukha sa tiyan niya pagkatapos hinalikan nito ang tiyan niya. “Sorry, baby, naging selfish lang si Daddy kanina.” Pagka-usap nito sa anak nila na nasa loob ng sinapupunan niya. “Patawarin mo si Daddy, ha? Desperado lang talaga ako na makasama ang mommy habang-buhay.” He looked up at her, his eyes are asking for forgiveness. “Sorry, Lover. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko kanina. I was just so desperate and I love you so much.”
Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kamay niya. “I understand.” Nginitian niya ito. “Creed, hindi ko alam kung hanggang kailan ang buhay ko. Siguro nga, nabuhay ako noon kasi gusto ng diyos na bumalik ako sa’yo at iparamdam sa’yo ang pagmamahal ko. Ngayon, heto na naman ang sakit na ‘to, ngayon palang, humihingi na ako ng tawad sa’yo. I don’t want to see you in pain because of me, but I don’t want to fight this sickness without you. Hindi ko kakayanin na wala ka sa tabi ko. You’re my strength and I need my strength to fight this sickness and to survive. Please, stay with me.”
Pinagpantay nito ang mukha nila bago ito nagsalita. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang nakatingin sa mga mata niya. “Lover, mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. Mananatili ako sa tabi mo at sabay nating lalabanan ang sakit na ‘yan. You will survive and we will have a very happy family. Me, you and our baby.”
“Thank you, Creed.” Wika niya na may masayang ngiti sa mga labi. “Thank you for loving me. I wish I could do something for you—”
“Stay alive.” He requested. “Stay alive.” Ulit nito. “Iyon ang magagawa mo para sa akin.”
A/N: Hanggang dito lang muna. Hehehe. Hunting-ngin niyo nalang po ako kapag may nangyaring masama kay Lockett. Hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top