CHAPTER 22

CHAPTER 22

LOCKETT was waiting for the elevator to open when someone stand beside her. Nang tingnan niya kung sino iyon, its none other than Creed. Napasimangot siya ng makita ito.

Panira sa umaga. Hmp! Hindi pa rin niya nakakalimutan ng sikmatan siya nito kagabe ‘nong nagtatanong siya.

"You're not in the good mode." Komento nito ng mapansing nakasimangot siya.

"Paki mo naman." Pagtataray niya. "Saka doon ka sumakay oh." Turo niya sa isang pang elevator na hindi naman kalayuan sa kanila. "Mas nauna ako sayo rito."

"Eh saang floor ka ba?"

"Sa Ground floor."

"Oh, e iyon naman pala e. Sa ground floor din ang punta ko. Share nalang tayo ng elevator." Wika nito na may bahid na ngiti ang boses.

Inungusan niya ito. "Doon ka nalang kasi sumakay. Ayokong makita iyang pagmumukha mo. Nakakasira ng umaga."

He tsked. "Sa guwapo kong ito? Nakakasira ako ng umaga? Now that’s insulting." Hinawakan siya nito sa braso at pinihit paharap dito.

Inagaw niya ang braso sa kamay nito. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

Napasinghap siya ng inisang hakbang lang nito ang pagitan nilang dalawa. Ramdam niya ang mainit na katawan nito.

"Hindi ko matatanggap ang sinabi mong panira ako sa umaga." Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha niya. "Because Lover, I make the morning good. Awesome even. Kaya bawiin mo ang sinabi mo."

Sa halip na magsalita, nakaawang lang ang labi niya rito. Naghi-haywire ang utak niya. She can smell Creed's minty breath. She can smell her cologne mixed with his manly scent. Parang naghaharakiri ang lahat ng organs niya sa katawan, lalo na ang puso niya.

"Hey, Lover?" Tinapik-tapik nito ang pisngi niya sanhi para makabalik siya sa kasalukuyan.

Tinabig niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. "Huwag mo akong hawakan. At puwede ba, don’t call me lover. Hindi mo ako lover."

Creed just smiled. There's a mysterious glow in his eyes that made her want to stare at them. Marahas na pinilig niya ang ulo. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

"Lover. Lover. Lover. Lover—"

Tinakpan niya ang bibig nito para tumigil na ito sa kasasabi ng lover. Pero dahil sa ginawa niya, napansin niyang magkadikit na magkadikit na ang katawan nila.

Her cheeks turn red and she was about to step away from Creed when he snake his arm around her waist then pulled her closer, their bodies were touching and its making her feel hot.

"C-Creed, ano ba..." Her voice came out like a soft caress, not mad. "B-Bitiwan mo a-ako."

"Bakit naman kita bibitiwan?" Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. His breath was softly fanning her face. "Lover, kumusta ka?" Kapagkuwan ay tanong nito.

Napatawa siya sa sinabi nito. "Kung maka-kumusta ka naman parang matagal na tayong magkakilala—"

"Lover, matagal na tayong magkakilala. Sa condo ko ka pa nga natutulog e." He said with a mischievous grin on his lips.

That made her cheeks burned. "What?! No way! At teka nga muna, bakit naman ako maniniwala sayo? Malay ko baka kung nagsisinungaling ka."

Nawala ang kislap sa mga mata ng binata at binitawan siya. "Sorry. Kapag tinatarayan mo ako, nakakalimutan kong hindi mo na pala ako naalala. I hope you remember me someday."

Her heart tightened inside her chest. "I’m sorry too because I really can’t remember you. I tried so hard to remember who you are, pero hindi ko talaga maalala. So I’m telling you now, don’t hope that my memory might come back. Kasi ako, hindi na ako umaasa dahil alam ko naman na hindi na babalik ang mga iyon."

Creed smile sadly. "I can’t stop hoping, Lover. I just can’t." She saw his eyes watered. "I miss the way you look at me. I miss the way you smiled at me. I miss you so much, Lover. I miss you so freaking much!"

She wanted to hug Creed, pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi niya ito maalala, so how can she trust him? Paano niya mapagkakatiwalaan ang taong hindi niya maalala? Baka gawa-gawa lang nito ang mga sinasabi nito.

But no! She can feel his emotion. She can feel his sadness. She can see in his eyes how much he missed her.

She wanted to believe him. She really does. But how? She can’t even remember him. At hindi sapat ang mabilis na pagtibok ng puso niya para rito para maniwala siya.

So she asked the question that has been on her mind when she saw him. "Ano ba kita, Creed?"

Creed looked deep into her eyes. "Kung sasabihin ko sayo kong ano mo ako, would you believe me?"

Nawalan siya ng imik.

"I thought so. Hindi ka naman maniniwala so hindi ko nalang sasabihin." He then smiled. "Anyway, saan ang punta mo?" Pagiiba nito ng paksa.

"Ahm, no destination. Maglalakad-lakad lang siguro."

"Oh. Maglalakad-lakad din ako. Sabay na tayo?"

Her answer is a big NO, but there’s a feeling inside of her that she wants to see him often. She wants to be with him. Kaya naman pumayag siya. "Sige. Halika na."

Nang bumukas ang elevator, sabay silang sumakay. Wala silang imik pareho habang nasa loob.

SA ISANG maliit na park sila dinala ng mga paa nila. Wala naman sa isip nila na dito magtungo, pero nuong nakita nila ang park e nagandahan sila kaya naman magkatabi silang umupo sa bench.

Siya ang unang bumasag sa katahimikan.

Humarap siya sa binata. “Creed, saan tayo nagkakilala?” She asked out of curiosity.

A smile crept into his lips. “Kauuwi ko lang ‘non galing Africa. I was driving when I felt thirsty so I pulled over to buy a bottle of water in the near café. Doon kita nakita. You look so bored yet you look so beautiful. Kausap mo ang mga magulang mo, kaya naman hinintay kitang makalabas ng café. Nuong lapitan kita, napagkamalan mo akong nawawala so sabi mo kay goggle map o kaya naman kay yahoo ako magtanong.” He chuckled, his eyes glistening in happiness. “I can still remember that day. Tapos sinabi kong, I want to know your name and you look stunned. And when you told me your name, I was the happiest man alive. Pero hindi ako roon tumigil, kinuha ko ang plate number ng kotse mo at pinahanap ko sa kaibigan kong may koneksiyon sa LTO.” Naiiling na natatawa ito. And all she could do is stared at him as he talked. “You captivated me and I just can’t let you disappear. Kaya ng malaman ko na sa High Tower ka nakatira, I bought the condo next to yours. I know, I know, it was a desperate mo, but hey, it’s the first time that a woman caught my attention. Don’t blame me if I act like a fool.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para itago ang kilig na nararamdaman. Shit! I can’t believe kinilig ako sa kuwento namin. If that’s what happened when they first met, she wonder what she was thinking and feeling at that moment.

Biglang napalis ang ngiti sa mga labi niya sa naisip. Creed’s smile was full of happiness as he talked about their first meeting. Naiinggit siya rito kasi naalala nito ang lahat at napakasaya nito. Pero siya kahit anong pilit niya, wala siyang maalala.

Nakakainis!

“Why are you crying?” Anang boses ni Creed.

Mabilis na lumipad ang kamay niya patungo sa pisngi niya. Nang maramdaman niyang basa iyon, mabilis niyang tinuyo iyon gamit ag likod ng kamay niya.

“Why are you crying, Lockett?” Ulit na tanong sa kanya ni Creed.

Nag-iwas siya ng tingin. “Wala. Naiingit lang ako sa’yo. Ikaw kasi, naalala mo ang lahat at ang saya-saya mo habang nagku-kuwento ka. Ang kinu-kuwento mo ay ang unang pagkikita natin pero hindi ako maka-relate kasi hindi ko naman maalala. Hindi ko ma-appreciate kasi hindi ko naman maalala kung ano ang nasa isip ko sa mga panahong iyon at kung ano ang naramdaman ko. Nakakainis kasi kinilig ako sa kuwento mo. Gusto kong maalala ang naramdaman ko sa mga panahong iyon. I want to remember it, Creed.” Ibinalik niya ang tingin dito. “I want to remember you.”

Sa isang iglap, nasa mga matitipunong bisig na siya ng binata. Hinahagod nito ang likod niya at inaalo siya.

“Don’t cry. Baka sumakit ang ulo mo e. Hayaan mo muna ang mga memoryang hindi mo maalala. Promise, gagawa tayo ng maraming memories. Masasayang memory na papalit sa mga nawala mong memorya.” Wika ni Creed at pinakawalan siya sa pagkakayakap, pagkatapos ay ito mismo ang tumuyo sa luha niya. “Huwag ka ng umiyak, kung alam ko lang na iiyak ka ng dahil sa kuwento ko, sana hindi na ako nag-kuwento.”

Nginitian niya ito. “Sorry at umiyak ako.”

“It’s okay to cry, Lockett. Sometimes, the only way to let go the pain is to cry. Cry for as long as you want, basta mangako ka na kapag tapos ka nang umiyak, ngingiti ka. Okay?”

She gave him a wide smile. “Ganitong ngiti?”

He chuckled. “Yeah. Ganyang ngiti.”

Tumawa siya ng mahina. “Salamat at sinamahan mo akong maglakad-lakad.”

“Don’t mention it.”

She pressed her lips together when she remembered something. “Sa kuwento mo, pinahanap mo ako sa kaibigan mong may koneksiyon sa LTO at ng malaman mo ang address ko, binili mo ang katabi kong condo. So, does that make you my stalker?”

Creed stilled then he laughed. “Yeah. Mukha nga akong stalker. Pero guwapo naman ako kaya hindi halata.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “Ang hilig mong magbuhat ng sariling bangko no? Hindi ka ba natatakot na baka bagyohin ka dahil sa kahanginan mo?”

He laughed again. “Lover, masanay ka na sa kahanginan ko. Hinding-hindi na iyan mawawala.”

Lover… Lover… Lover

Napalis ang ngiti niya at kumunot ang nuo niya. “You call me lover like you’re used of calling me that? Iyon ba ang tawag mo sa’kin noon?”

Medyo matagal bago sumagot si Creed. “Yeah. That’s my endearment to you. If it bothers you, hindi na kita tatawaging lover.”

She took a deep breath. “You can call me lover anytime. There’s a strange feeling in me that wanted to hear you call me that. It’s weird and strange, but that’s what I’m feeling.”

“Ang puso, hindi nakakalimot.”

She frowned. “Ano sabi mo?”

“Nothing.” He stands up then offers his hand at her. “Halika. May ipapakita ako sa’yo.”

She stared at his hand. She was reluctant to accept his hand; pero parang may sariling isip ang kamay niya na tinanggap iyon.

Creed smiled then intertwined their hands. She took a deep breath when she felt her heart beat quickened.

They walk while holding hands. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Nakikita niyang nakangiti si Creed siya naman ay nakatingin sa magkahulagpong nilang mga kamay.

She should feel uncomfortable but it feels normal. It feels good holding hands with Creed. Sana naaalala ko si Creed. She yearned to remember him, but nothing. Wala talaga siyang maalala.

“Ano ba itong ipapakita mo sa’kin?” Tanong niya kay Creed ng medyo ilang minuto na rin silang naglalakad.

“Surprise iyon. Malapit na ta’yo.” Anito at mas binilisan ang paglalakad.

After a long minute of walking, they finally stopped at the parking lot of Sugar Café.

“Anong ginagawa natin dito?” Naka-kunot ang nuo na tanong niya.

Creed smiled. “You’re car is parked here and you were about to hop in, and then I tapped your shoulder. Like this.” Tumungo ito sa likuran niya at tinapik ang likod niya.

She frowned then turned to looked at Creed. “Anong ginagawa mo?”

Hindi siya pinansin ni Creed at nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. “And when you turn to see who tapped your shoulder, umawang ang labi mo kasi sobrang guwapo ko.” Tumawa ito ng mahina. “Pero kahit halata naman na naguwapuhan ka sa’kin, tinarayan mo pa rin ako. And then you said ‘Ano ba ang kailangan mo at kinalabit mo ako, ha? Kung magtatanong ka dahil nawawala ka, si Google map ang tanungin mo. Nandiya pa si Yahoo at si Wikipedia. Sa kanila ka magtanong, huwag sakin.”

A lone tear escape her eyes. I can’t believe this man! “Bakit mo ginagawa ‘to?”

Natigilan si Creed at tumingin sa mga mata niya. “Hindi mo maalala di’ba? Kung ganoon, iri-remake nalang natin ang una nating pagkikita.”

That made her sob, but not in sadness but in joy. “Why are you doing this for me?”

“Because I want you to remember our first meeting, even if it’s only a remake.”

That made her smile with tears in her eyes, then she turn around, her back on him. Tinuyo muna niya ang luha niya bago nagsalita. “Come on, tapped my shoulder.”

When she felt a tapped in her shoulder, she turns around and she was face to face with a very handsome man. Creed’s eyes were tantalizing liquid brown. His hair is a bit messy but it looks good on him. It makes him looked like rugged yet so gorgeous. He has pointed nose and his lips look inviting.

She was enthralled by his gorgeous face, she can’t look away.

Creed grinned. “I know I’m handsome, but you should really close your mouth. Baka pasukan ng langaw iyan.”

Mabilis na itinikom niya ang bibig at inirapan ito. “I’m not admiring you if that’s what you’re thinking.”

Mahina itong tumawa. “Hmm. Yeah, and pigs can fly. Its okay though, lahat naman ng babaeng nakikita ako e nagkakagusto sa’kin. I’m sure magkakagusto ka rin sa’kin.”

She gaped at him. So boastful! “Buti hindi ka pa binabagyo sa kahanginan mo?”

He shrugged. “I’m just telling the truth. Natulala ka nga sa kaguwapuhan ko diba?”

Tinaasan niya ito ng kilay at inulit ang kinuwento ni Creed na sinabi niya nuong una silang nagkakilala. “Ano ba ang kailangan mo at kinalabit mo ako, ha? Kung magtatanong ka dahil nawawala ka, si Google map ang tanungin mo. Nandiya pa si Yahoo at si Wikipedia. Sa kanila ka magtanong, huwag—”

“I believe that Google map doesn’t know your name. Neither Yahoo or Wikipedia.”

That made her froze. She can feel her heart hammering inside her chest. Ito ba ang naramdaman niya sa mga panahong iyon? Did her heart beat quicken? Na-shock ba siya? Namula ba ang pisngi niya? No matter. Mas mahalaga ang nararamdaman niya ngayon. If she can’t remember everything, then she’ll make new memories.

“Pakiulit ng sinabi mo.” Aniya.

Creed smiled. “I tap your shoulder to get your attention so I could ask what your name is.”

“Okay.”

Creed chuckled then he took her hand to shake it. “Hi, I’m Creed Santillana. Anong pangalan mo?”

Natatawa siya pero pilit niyang pinaseryuso ang mukha. “My name is Lockett Kay Mendoza.”

“Lockett. Nice name.” He let go of her hand and then he leaned in to kiss her cheek.

Nagulat sya sa ginawa nito pero umakto siyang hindi siya naapektuhan sa paghalik nito. “Did that happen in our first meeting?”

Creed grinned. “Hindi. But I should have kissed you when we first meet.”

Lumipad ang kamay niya at sinampal ito. Hindi naman ganoon kalakas iyon pero sapat na para mapa-aray ito.

“Hey! Why did you do that for?” Hinihimas-himas nito ang pisngi na sinampal niya.

“Well, this is our first meeting and you kissed me. Dapat lang naman na sampalin kita hindi ba?”

Napailing-iling nalang ito. “Yeah. Siguro nga sinampal mo rin ako noon kung hinalikan kita.”

Tumango siya. “Yep. Talagang sasampalin kita. Anyway, okay ba ang remake natin?”

Creed nodded with a small smile on his face. “Yeah. Okay na okay. Mas okay pa nga kaysa sa original.”

Tumalim ang mata niya habang masamang nakatingin dito. “Oh? So sinasabi mo na hindi maganda ang unang pagkikita natin?”

“No!” Mabilis na depensa ni Creed. “That’s not what I meant. Ang ibig kong sabihin—”

Tinawanan niya ang itsura nito habang parang nagpa-panic na nagpapaliwanag. “Chill, Creed. I’m just kidding.”

He glared at her. “You’re mean.”

“Hmm-mm.”

“And you’re beautiful.”

“Alam ko.” May pagmamalaki na wika niya.

Ngumisi ang binata. “Sino sa atin ngayon ang mahangin?”

Inirapan niya ito at nakangiting naglakad patungo sa Sweet Café.

A/N: Hindi ko alam kung last update ko ito for today, Haha. May Chapter 23 na ako e kaya lang hindi pa tapos so, yeah. Enjoy reading! Mwah. Love you all - C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top