CHAPTER 2

CHAPTER 2

HABANG nagsusuot ng damit si Lockett, naririnig niyang panay pa rin ang katok ng lalaki sa pintuan ng unit niya. She hurriedly dress and went to open the door. Naningkit ang mga mata niya ng ngumisi ito ng makita siya.

“Anong nginingisi-ngisi mo riyan?” Sikmat niya sa lalaki.

Nagkabit-balikat ito. “Wala naman.”

Inirapan niya ito. Wala naman ang sagot nito pero alam niyang iniisip nito ang hubad niyang katawan.

“Ano ba ang kailangan mo?” Pag-iiba niya ng usapan. “Why did you knock on my door?”

“Kasi nakaka-isturbo ka.” Anito. “Mahimbing akong natutulog sa kuwarto ko ng bigla nalang nabulahaw ang tulog ko. Thanks to your very loud stereo.”

Kumunot ang nuo niya at sinilip ang katabi niyang unit. “Sa iyo yan?”

“Yeah, I just bought it.”

“Oh.” Pinalakas pa naman niyang volume ng stereo dahil alam niyang walang tao ang mga katabi niyang unit, ngayong may nakabili na pala, mukhang kailangan na niyang mag-headset. “Sige, papatayin ko na.”

Akmang isasara na niya ang pinto ng pigilan siya nito sa braso at walang sere-seremonyang inilapat nito ang labi sa mga labi niya. “Good morning, neighbor.” He said then turns to leave like he didn’t do anything wrong.

 Nanigas siya sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa nito. It was just a peck but it sent havoc on her system. Lockett is in a daze. Nararamdaman pa niya ang labi nito sa mga labi niya at hindi iyon normal! Ang ugok na lalaking ‘yon!

Galit na pinagbabayo niya ang pinto ng katabi niyang unit. “Open the door you jerk!”

“Why? You want another kiss?” Tanong nito mula sa loob.

“Kiss-kisin mo iyang mukha mo sa pader! Ugok!” Kumukulo ang dugo niya habang hinihintay itong buksan ang pinto. “Buksan mo ang pinto!”

The door opened, showing the man who kissed her.

Nanlilisik ang matang tinitigan niya ito. “Ikaw na dumuho ka! Bakit bigla ka nalang nanghahalik!?”

Sumadal ito sa hamba ng pintuan at tinitigan siya ng matiim. “Hinalikan kita kasi gusto ko, may angal ka?”

Lockett gaped at the man standing before her. “Ganoon ka ba talaga? Basta nalang nahahalik ng babae?”

Napasinghap siya ng biglang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Isang dangkal nalang ang layo ng labi nito sa labi niya.

“L-Lumayo ka nga sa’kin!” Nauutal na wika niya.

The man just smirked at her, then slowly, he leaned in, but before his lips touches hers, she run to her unit then locked the door.

Hinihingal na sinapo niya ang dibdib na parang nakikipag-karera sa sobrang bilis ng tibok. Hinawakan niya ang mga labi ng maalala ang paghalik sa kanya ng lalaki. Marahas na ipinilig niya ang ulo para matanggal ang sa isip niya ang ala-alang ‘yon. That is not good for my sanity. Humanda sa kanya ang lalaking ‘yon!

SUNOD-SUNOD ang tunog ng message alert tone ng cell phone ni Lockett. Nagkamali siya ng buksan niya ang kaniyang cell phone. Hindi niya akalain tatadtarin siya ng ina ng messages. Nang basahin niya ang mga iyon, puro iyon tungkol kay Luis.

Nakakainis dahil ginagawang big deal ng ina niya ang pagtanggi niya na maka-date ulit si Luis.

Nang hindi na niya ma-take ang pag-iingay ng cell phone, pinatay niya ulit iyon. Hindi talaga titigil ang ina niya hanggat hindi ito nagtatagumpay na makipag-date siyang muli kay Luis. Over my dead body!

Nagmamadali siyang naligo pagkatapos ay pumunta siya sa bahay ng mga magulang niya.

Naabutan niya ang Daddy niya na nagbabasa ng diyaryo sa sala, ang ina naman niya ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya.

“Mommy, I don’t want to date Luis.” Inunahan na niya ito bago pa ito makapagsalita.

“Why not? He’s a nice young man—”

“Because he’s not my type, okay?” Napipika na talaga siya. “Hindi ko siya gusto. Kailangan ko pa bang ipagsigawan na hindi ko siya gusto para lang maintindihan niyo? Mommy naman e!”

Namaywang ang ina niya. “At bakit naman hindi mo siya gusto? Napaka-imposible naman yata na hindi mo magustuhan si Luis.”

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Mommy, hindi ko gusto si Luis dahil hindi ko siya gusto. Period. Walang ibang rason—”

“Liar. You don’t like Luis for a reason, siguro may iba kang nagugustuhan.”

“No!” She’s really starting to get annoyed. “It’s not that—”

“Huwag kang magsisinungaling sa’kin, Lockett. Kapag nalaman ko na may tinatawago ka—”

“Mommy, I’m not hiding anything—”

“Kapag may itinago ka sa’kin, I swear Lockett—”

“Mom—”

“I will disown you if you lied to me.”

“Fine!” She exhaled and long deep breath. “May boyfriend na ako.” Aniya para lang tumigil ang ina niya sa kasasalita.

Hindi maipinta ang mukha ng ina niya. “Sino naman itong kasintahan mo? Bakit hindi namin kilala?”

“Ahm, kasi,” Her eyes wander to the news paper her father was reading. Creed Santillana, a Filipino Photographer working for National Geographic Channel was awarded for being the best photographer in Asia. She smiled. “His name is Creed Santillana.” Aniya na ang tinutukoy na pangalan ay ang pangalan na nabasa niya sa headline ng newspaper.

“Creed Santillana?” Gagad ng ina niya habang kunot ang nuo. “Bakit parang pamilya sa akin ang pangalan na iyan.”

Her father dropped the newspaper. “Pamilyar iyan sa’yo kasi iyan ang pangalan nung batang photographer na naparangalan. Diba nasa news siya kagabi?”

Napakagat-labi siya. Ganoon kasikat ang Creed na ‘yon? Shit! Mukhang mabubuko siya kaagad sa pagsisinungaling niya. Kakatayin siya ng ina niya kapag nalaman nito na nagsinungaling siya.

“Oo nga ano.” Hinarap siya ng ina. “Boyfriend mo si Creed Santillana?”

Napipilitang tumango siya. I’m such a liar!

“Hindi ka nagsisinungaling?”

Umiling siya. “Hindi.”

Isang malapad na ngiti sa mga labi ng mommy niya ang gumuhit. Mahigpit siya nitong niyakap. “Oh god, my dear, you made me proud! Napaka-suwerte mo sa nobyo mo!” Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi niya. “I’m sorry about Luis. Pinilit ko siya sa’yo. Akala ko kasi wala ka pang kasintahan. Kung alam ko lang na si Creed Santillana pala ang kasintahan mo, sana hindi na kita pinilit pang lumabas kasama si Luis.”

“Kailan naman namin makikita itong boyfriend mo?” Singit sa usapan ng Daddy niya.

“Soon.” Pagsisinungaling niya. “Busy lang siya ngayon.”

“Oh my god! I’m so excited!” Her mother giggled like a teenager then hugged her again. “I’m happy for you, my dear.”

Pilit siyang ngumiti. “Yeah, I’m happy too.”

When her mother let go of her, she hurriedly bid good bye.

“Aalis na ako, mommy, Daddy. Marami pa kasi akong gagawin e.”

“Okay, ingat.”

Bakas sa mukha ng ina niya ang kasayahan. Ang daddy naman niya, poker face lang.

Pagkalabas niya ng bahay, mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gusto niyang tadyakan ang sarili dahil sa ginawang pagsisinungaling.

Gagamit ka lang naman ng pangalan, pangalan pa ng isang sikat na lalaki. Ani ng munting tinig sa isip niya.

Malay ko bang sikat pala ang Creed na ‘yon. Dipensa niya sa sarili. Hmp!

Naiinis na tinungo niya ang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa Luxurious Hotel kung saan siya ang Manager.

PAGDATING niya sa Luxurious Hotel, kaagad siyang nagpunta sa opisina niya. Bago pa siya makapasok sa opisina niya, sinalubong siya ng sekretarya niya.

“Ma’am, tumawag po ang sekretarya ni Mr. Santillana.” Anito na ang tinutukoy ay ang may-ari ng Hotel na pinagta-trabahoan niya. “Pinapapunta daw kayo sa opisina ni Sir sa Santillana Group of Resorts.”

“Bakit daw?”

Nagkibit-balikat ang kausap. “Hindi po sinabi e, basta pumunta daw kayo bago mag alas-dyes ng umaga.”

Napatingin siya sa relong pambisig, nanlaki ang mga mata niya ng makitang alas-nuwebe na.

“Salamat.” Wika niya at nagmamadaling bumalik sa sasakyan niya.

NANG makarating siya sa gusali ng Santillana Group of Resorts, nagtuloy-tuloy siya sa opisina ni Mr. Santillana Agad naman siyang pinapasok ng sekretarya nito na medyo matanda lang sa kanya kaunti.

When Lockett entered Mr. Santillana’s office, she saw a man, maybe on his mid-fifties, whose busy reading some files.

She cleared her throat. “Good morning, Sir.”

Nag-angat ito ng tingin ng marinig ang boses niya. Nang makita siya, iminuwestra nito ang kamay sa visitor’s chair.

“Have a seat.” Wika nito.

Kinakabahan na umupo siya. Mula ng maging Manager siya ng Luxurious Hotel, apat na beses palang niyang nakita ang lalaki. First was when he interviewed her for the Manager position. Second is when she was awarded for being the most outstanding employee. Third is when she was invited to attend a charity ball, hosted by Mr. Santillana, and lastly, she was invited to his birthday.

“Bakit niyo po ako pinatawag, Sir?” Hindi siya makapaghintay na sabihin nito ang pakay sa kanya.

“Excited, aren’t you?” He said with a smile.

“Yeah, kinda.”

“Well, I called you here to talk to you about your new assignment in De Luxe Beach Resort. You’ll be the new Manager of De Luxe Hotel.”

Bahagyang namilog ang mata niya sa gulat. “Seriously? Hindi ho kayo nagbibiro, Sir?” Isa ang De Luxe Beach Resort sa mga pinakamagaganda at pinakasikat na Beach Resort sa Asya. At para maatasang pamahalaan ang De Luxe Hotel na isa sa mga kilalang Hotel sa Asya, talaga namang nakakataba ng puso.

“Bakit naman ako magsisinungaling?” Humilig ito sa likod ng swivel chair. “Marami kayong Hotel Manager na na nagpasa ng application para ma-assign sa De Luxe Hotel. At sa lahat ng nagpasa, ikaw ang napili ko. You have the skills and intelligence to run De Luxe Hotel. I believe that you are more than capable of handling the De Luxe Hotel.”

Nang magpasa siya ng Application para maging manager ng De Luxe Hotel, wala sa isip niya na mapipili siya. Nabalot ng kasiyahan ang buong pagkatao ni Lockett. It was her dream to be the manager of De Luxe Hotel! And now it’s a dream come true! Gusto niyang magtatalon sa tuwa pero pinigilan niya ang sarili dahil nasa harap siya ng Boss niya.

“Thank you, Sir.” Wika niya na may malapad na ngiti sa mga labi.

“You’re welcome.” He smiled back. “Anyway, tomorrow, aalis tayo patungo sa Resort gamit ag Helicopter ng kompanya. I’ll accompany you to De Luxe Beach Resort. I’ll wait for you, here, in my office.”

She nodded. “Yes, Sir.”

“Okay, you can leave now.”

Hindi pa rin mawala ang malapad na ngiti sa mga labi ni Lockett kahit noong nasa kotse na niya siya at nagmamaneho pauwi.

Nang makarating sa High Tower Condominium, ipinark niya ang sasakyan sa garahe ng Condominium at naglakad patungo sa elevator. Akmang sasara na ang elevator ng pumasok doon ang hudyong lalaking humalik sa kanya!

“Hey.” Nakangising bati nito sa kanya.

Ngiting-aso lang ang itinugon niya sa pagbati nito.

“How’s your day?” Tanong nito.

Hindi niya ito pinansin at humalukipkip siya.

“Oh, come on, galit ka ba sa’kin?” Tanong nito ulit.

She remained silent.

“Come on, don’t be mad.” Wika nito sa malambing na boses. “I just kissed you because my body said so.”

Matalim ang matang tinitigan niya ito. “Mamatay ka na sana!”

He smirked. “Kapag namatay ako, mababawasan ang guwapo sa mundo. Sigurado akong hindi iyon hahayaan ng panginoon.”

Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ito pinaglamayan sa klase ng pagkakatatingin niya rito. Kumukulo talaga ang dugo niya sa lalaking ‘to. Thanks god I’ll be working in an island, away from this insolent man!

“Saang Isla ka magta-trabaho?” Narinig niyang tanong nito.

Oops! I said that out loud?

Nagtaas siya ng tingin dito. “Ano naman ang pakialam mo?”

“So aalis ka?” Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito na para bang may responsabilidad siya rito.

“Oo, aalis ako.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Pakialam mo naman.”

The emotion on the man’s face disappeared and if she’s not mistaken, his expression darkened. Ano naman ang problema ng lalaking ‘to?

“Where are you going?”

“None of your business.” Inirapan niya ito. Tamang-tama naman na bumukas ang elevator, nagmamadali siyang lumabas at naglakad patungo sa unit niya.

Lockett was in the middle of putting the key on the keyhole when she heard a voice behind her.

“Saang isla ka magta-trabaho?” Anang boses ng hudyong lalaki.

Naiirita na hinarap niya ito. “Ano naman ang pakialam mo?” Pagtataray niya sa lalaki. “Kaano-ano ba kita at kailangan mong malaman kung saan ako magta-trabaho? The last time I check, you’re just my insolent neighbor.”

Tinalikuran niya ito at binuksan ang condo niya. Nang makapasok sa unit niya, malakas na isinara niya ang pinto. Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Hmp!

----Kapag may nakita akong guwapo, gagayahin kita Red. Hahalikan ko rin dahil iyon ang gusto ng katawan ko. Hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top