CHAPTER 18
CHAPTER 18
NAGISING si Lockett sa kalagitnaan ng gabi dahil sa sakit na naman ng ulo. Parang pinupukpok iyon ng martilyo ng paulit-ulit at unti-unting binibiyak gamit ang lagaru sa sobrang sakit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na kinakaya ang sakit na nararamdaman. Kahit pa parang Wala akong cancer! Simpling sakit lang ito ng ulo!
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang hindi gumalaw sa pagkakahiga at nakapikit lang ang mga mata. Nararamdaman niyang may tumutulo na mainit na likido sa pisngi niya. She didn’t make a move to wipe her tears off because she can’t move a muscle without shouting in pain.
She cried silently as she lay beside Creed. Totoo kaya talaga ang sinabi ng Doctor na iyon? Totoo ba na may cancer siya? She gritted her teeth in anger, making her head throbbed painfully.
A sob escape her lips. Mabilis niyang sinapo ang bibig para walang ingay na kumawala sa mga labi niya. Baka magising si Creed!
Ganoon lang ang posisyon niya habang pinagdarasal niya na sana mawala na ang sakit. Na sana hindi totoo ang resulta ng MRI niya. Pinagdarasal niya na sana nagbibiro lang ang Doctora na iyon.
Nakatulogan siguro niya ang pagdarasal dahil nang magmulat siya ng mata, sumisilip na si haring-araw na bahagyang nakaawang na kurtina sa kuwarto ni Creed.
Nang lingunin niya ang binata, mahimbing pa rin itong natutulog. That made her smile, mataas na ang sikat ng araw pero tulog pa rin ito. Mukhang napagod niya ito kagabi. Napangiti siya at akmang ilalapat ang labi niya sa bahagyan nitong nakaawang na labi ng matigilan siya ng may pumasok sa isip niya.
Ano kayang magiging reaksiyon ni Creed kapag nalaman nito na may sakit ako?
Mabilis siyang lumayo kay Creed at bumangon para maligo, pagkatapos ay tinungo niya ang sariling condo.
She was about to enter her unit when her head throbbed again. Mabilis niyang sinapo iyon. She cursed. Bakit ngayon lang nagparamdam ang cancer na to? Bakit ngayon lang kung kailan masaya na siya sa piling ni Creed? Wala naman siyang ginawang masama. Kahit kailan, wala siyang inalipusta na kapwa niya. Bakit siya pa ang nagkaroon ng sakit na ganito?
Pesteng buhay 'to!
Pinahid niya ang luha na nalaglag mula sa mga mata niya kapagkuwan ay isinara niya ang pintuan ng unit at naglakad patungo sa elevator.
Her mind is set. Babalikan niya ang Doctor na iyon at isiaguraduhin niyang hindi ito nagsisinungaling sa kanya.
And if she’s not then… hindi niya alam ang gagawin niya.
NANG makarating sa Capitol Medical Center, agad niyang tinungo ang opisina ni Dr. Gallante. She knocks first before entering the office. Naabutan niya ang Doctora na abala sa pagbabasa ng mga papel na nasa ibabaw ng mesa nito.
“Dr. Gallante?”
Agad itong lumingon sa direksiyon niya. “Ikaw pala, Ms. Lockett.” Ngumiti ito sa kanya. “Ang aga mo yata.” She looks around like she’s looking for someone. “Nasaan ang mga magulang mo?” Tanong nito ng walang makita maliban sa kanya.
“My parents are not here with me. Ako lang ang narito ngayon. ”Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagsalitang muli. “Are you sure about my MRI result?” Tanong niya at lumapit dito. “May pagkakataon ba na nagkamali ang resulta ng MRI scan?”
Dr. Gallante smiled at her but it didn’t reach her eyes. “I’m sorry, Lockett. I badly wanted to lie to you about the result but I don’t want to sugar coat anything. I have to tell you the truth, para makapagpagamot ka kaagad. Life is short, Lockett, don’t waste it on denying the fact that you might have a brain cancer.”
She took a very deep breath and sat on the visitor’s chair in front of Dr. Gallante table. “Okay, sabihin na nating totoo ngang may cancer ako. Anong mangyayari sa akin? I want every information you know about this cancer of mine. How can I fight this? Alam kong ninety-nine percent of cancer patients died. Am I part of the one percent or I just have to ready myself because I’ll be part of ninety-nine percent?”
Umupo sa katapat niyang visitor’s chair ang Doctor at tumingin sa kanya. “Since some of meningiomas are already spreading on your blood vessel, you have to move fast. Magpagamot ka kaagad. Magpa-opera ka para matanggal ang mga cancer cells na iyan sa utak mo bago maapektuhan ang ibang parte ng utak mo. If that happens, it can create more damage that you thought. Kaya habang maaga pa, ipatanggal mo na iyan sa utak mo.” May inabot itong papel at may binasa roon. “According to your MRI result, the meningiomas are near the limbic system of your brain. Limbic system controls your emotion and memories. Kung o-operahan ka para kunin ang cancer cell sa utak mo, there is a possibility that you might have a loss of memory. Hindi ko lang alam kung anong klaseng loss memory ang mararanasan mo pero kailangan mo nang ihanda ang sarili mo.”
Natahimik siya sa sinabi ng Doctor. Tama ito. Love is too short to be wasted on denying the fact that she might have cancer. Kailangan niyang magpagamot. Para sa mga magulang niya, para kay Creed at para na rin sa sarili niya. Bata pa siya para mamatay. Kung may paraan naman para mabuhay siya, gagawin niya ang lahat para mabuhay siya.
Tumayo siya at nagpasalamat sa Doctor. “Thank you.”
Lumabas siya ng opisina nito at lumabas sa Hospital na bagsak ang balikat. She keeps on telling herself that the result wasn’t true but the throbbing pain in her head said otherwise.
Nang makabalik siya sa condo niya, nakita niya si Creed na nakatayo sa labas ng pintuan ng condo niya.
“Creed, what are you doing out here?” Tanong niya sa binata ng makalapit dito.
He looked at her; worry is visible on his eyes. “What the hell, Lover? Where have you been?! Alam mo bang alalang-alala ako sa’yo? Saan ka ba nagpunta?”
Ibinuka niya ang bibig para ikuwento rito na galing siya sa Doctor pero sa isiping mas mag-aalala lang ito sa kanya, hindi na niya itinuloy.
Kung o-operahan ka para kunin ang cancer cell sa utak mo, there is a possibility that you might have a loss of memory. Hindi ko lang alam kung anong klaseng loss memory ang mararanasan mo pero kailangan mo nang ihanda ang sarili mo. Parang sirang plaka na paulit-ulit iyon na nagri-reply sa utak niya. May posibilidad ba na mawala si Creed sa ala-ala niya?
Her heart tightened inside her chest at that thought. Paano nga kung mawala ang binata sa memorya niya? Alam ni Lockett na mahal siya ng binata at wala siyang karapatan na saktan ang isang lalaki na katulad ni Creed. Wala siyang karapatan na paasahin ang binata at paghintayin sa pagbabalik niya.
It’s unfair for him. Mas makabubuting umalis siya hangga’t wala pang alam si Creed. And if ever na maging successful ang operasyon niya, maybe, they are meant to be. At kapag galit ito sa kaniya dahil sa pag-alis niya, she will seduce him with all her might to win him back.
“Lover? Are you with me?” Anang boses ni Creed.
She smiled and then encircled her arms around Creed neck. “Nag-alala ka? Sorry. I went for a walk. Ang himbing kasi ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising pa.”
Nawala ang pag-aalala sa mukha nito at napalitan iyon ng matipid na ngiti sa mgaa labi. “Bakit hindi mo ako ginising, ha? We could have walked together.”
“It’s okay.” She pressed her lips on him. Susulitin na niya ang bawat oras na kasama niya ang lalaking tinitibok ng puso niya. “Anyway, gusto mo ipagluto kita ng breakfast?”
That made Creed smile. “Hindi ko tatanggihan iyan.”
SHE MADE breakfast for Creed and then they ate together in the terrace of her condo. They both have smile on their faces as they talk and share their thoughts to each other.
"What if I left? Anong gagawin mo?" Wala sa sariling tanong ni Lockett kay Creed.
Creed stilled then turns to stare at her. "Bakit mo naman ako iiwan kung sakali? Mind telling me the reasons?"
She just smiled and shrugged. "Don’t mind me. I'm being nonsense again."
Kahit sinabi na niya iyon, nakatitig pa rin sa kaniya si Creed na parang inaarok kung ano man ang laman ng isip niya. Hanggang sa sumuko na ito at tumingin sa harapan nila.
"Kung iiwan mo ako, hihintayin kita hanggang sa bumalik ka." Anito.
Lumakas ang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Parang idinuduyan ang puso niya ng mga anghel sa langit.
"Hihintayin mo ako kahit walang kasiguraduhan na babalik ako?" She asked while trying to hold her tears. "Paano kung sa paghihintay mo, namatay pala ako? Anong gagawin mo?"
"That's easy.” He smiled. “Pupunta ako sa libing mo at sasabihin kong 'Thank you, because of you, I now know what love is. Love is Lockett Kay Mendoza and it is my pleasure to love you until the day god takes you to heaven." Napaka-seryuso ni Creed habang sinasabi iyon, kapagkuwan ay bigla itong ngumiti at tumingin sa kanya sabay kindat. "Pero syempre, hindi naman yun mangyayari kaya ang sasabihin ko, 'Lockett Kay Mendoza. I’m not falling in love with you anymore, because..." Matiim siya nitong tinitigan at hinalikan sa mga labi. "...because, I am now madly in love with you." Ngumisi ito. "Okay na ba yun?"
Lockett smiled with teary eyes. "Okay na okay."
Creed smiled back and kissed her on the lips. "I love you, Lockett."
Her stomach flutter and her heart sore in the sky. She knew that Creed loves her, pero hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon sa kanya.
"I love you too." Tugon niya habang parang pinipiga ang puso niya sa sakit. And because I love you, I have to leave you. For your own sake and mine. She pressed her lips on his. Hindi gumalaw ang mga labi nila. Hinayaang lang nila iyon na magkalapat, and then, minutes later, Lockett pulled away and looked at Creed in the eyes.
"Creed, you're the most amazing part of my life and I promise hinding-hindi kita makakalimutan."
May pilyong ngiti na sumilay sa mga labi ng binata. "Bakit mo naman ako makakalimutan? Ako yata ang nagpalasap sayo ng langit."
Napapangiti na napaiing-iling nalang siya. "Ikaw talagang lalaki ka. Puro kapilyohan ang alam mo."
Creed just grinned. "And that's why I love you, kasi kaya mong taggapin ang kapilyohan ko."
She rolled her eyes. "Ewan ko sayo."
Inakbayan siya ng binata at hinapit palapit dito. "I’m happy. Know why?"
"Why?"
"Because I finally found the woman I want to spend my life with—"
"We should cook lunch." Putol niya sa ibang sasabihin nito. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. "Medyo nagugutom na ako. Hindi kasi marami ang kinain ko kanina e."
Nawalan ng imik si Creed kapagkuwan ay walang emosyong ngumiti. "Okay. Ako nalang ang magluluto. Ikaw kanina e."
Pagkasabi niyon ay tumayo ito at pumasok sa loob ng condo, naiwan siya sa terrace. She doesn’t want to cut him off like that but when he starts talking about finding the woman who he want to spend his time with, natakot siya. Natakot siya na marinig na siya ang babaeng iyon dahil alam naman niya kung gaano kaikli ang life-span niya. At natatakot siya para sa binata. Natatakot siya sa sakit na maidudulot niya rito kapag nangyari iyon.
Sinundan niya si Creed at naabutan niya itong nagluluto sa kusina. Niyakap niya ito mula sa likuran at hinalik-halikan ang batok nito. When she heard him groan, pinaharap niya nito at hinalikan sa mga labi.
It was Creed who first pulled away. "Nagluluto ako."
Nagbaba siya ng tingin, medyo nasaktan siya ng kaunti sa pagtrato nito sa kaniya. "Okay. Doon muna ako sa kuwarto."
Nasaktan ito sa simpling pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin. Paano pa kaya kung malaman nito na may cancer siya at may posibilidad na mamatay? Mas lalo lang itong masasaktan. Creed is better off without her.
Nang makapasok siya sa kuwarto, inilabas niya ang luggage niya at inilagay doon lahat ng damit niya, pagkatapos ay tinawagan ang mga magulang niya.
"Hello, mom." She said when her mother picked up. "Kailan ang flight natin patungong U.S.?"
Mukhang nagulat ang ina niya dahil nawalan ito ng imik sa kabilang linya.
"Mommy? Nariyan ka pa?"
Her mother breathes out. "Yes. Narito pa ako." There's a paused. "By the way our flight is today. Two P.M."
"Okay. Meet you in the airport." Aniya at tinapos ang tawag.
"Saan ka pupunta?" Anang boses ni Creed mula sa pinto ng silid dahilan para mapaigtad siya. “Who are you going to meet in the airport?”
Nilingon niya ito. "Aalis na ako. Pupunta ako ng U.S.. Iiwan na kita kasi ayokong paasahin ka na makakasama mo ako habang-buhay."
Pain crossed his face. "But Lockett—hell! Why are you doing this? If you don’t want to spend your life with me, kung ganoon, hindi kita pipilitin. Just please, stay. You're the woman I want to be with for the rest of my life, please, stay."
"Creed, I can’t stay!" Her voice was trembling. "I have cance—"
"I thought you love me. Kung mahal mo ako, bakit mo ako iiwan?"
He's questioning my love for him? Sa tingin nito, iyon ang dahilan kung bakit ako aalis? She wanted to correct him, but didn’t. It’s for the best. Mas makabubuting isipin nito na hindi niya ito mahal kaysa naman umasa ito na makakasama siya sa habang-buhay samantalang maikli nalang ang buhay niya.
"I’m sorry." Aniya. "Please, lock the door when you leave."
Walang lingon-likod na lumabas siya ng condo niya. She never once turns to see Creed. Ayaw niyang makita ang sakit sa mga mata nito at mas lalo namang mas ayaw niyang makita nito ang masasaganang luha na dumadaloy sa pisngi niya.
This is for the best... She keeps on chanting inside her head as she walks away from the man she loves so much.
NATULOS sa kinatatayuan si Creed. Hindi siya makagalaw. Walang namutawi na salita sa mga labi niya habang nakatingin kay Lockett na naglalakad palabas ng condo.
He wanted to shout wait. He wanted to beg her to stay with him but he can’t move a muscle. He just looked at Lockett, leaving.
His heart tightened in pain. It feels like someone just mowed his heart with a truck. It hurts so much.
When Lockett disappeared from his sight, a small shaky chuckled escaped his mouth. "Did the woman I love just left me without telling me why?"
Sinapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Fuck! Mas masakit pa ito kaysa nuong nalaman ko na may mahal si Cherry na iba. Fuck! Fuck this! Fuck!
A/N: There! Hehehehe. Hayan muna ang update. Sa Chapter 19, baka after how many years na. hehe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top