CHAPTER 1
CHAPTER 1
NASA Sugar Café si Lockett at sumisimsim ng kape habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa kalsada. Ang café na ito ang paborito niyang tambayan kapag wala siyang ginagawa o nagpapalipas siya ng oras. They have a great coffee and she can easily what’s happening outside. Malapit lang kasi ang café sa kalsada.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga ng makita ang mga magulang na pumasok sa loob ng café.
Tumayo siya para salubungin ang mga ito.
“Hello, mommy.” Bati niya sa ina sabay halik sa pisngi nito. Pagkatapos ay bumaling siya sa ama at niyakap ito. “Hello, Daddy.”
Bumalik siya sa inuukupang mesa at hinintay na maka-upo ang mga magulang niya.
“Kumusta na po kayo?” Tanong niya sa mga magulang ng maka-upo ang mga ito.
Nagpakawala ng malalim na hininga ang ina niya. “Lockett, kailan ka ba mag-aasawa?”
Napatanga siya sa tanong ng ina. Paano napasok ang pag-aasawa sa usapan? Nagtatanong lang naman siya kung kumusta na ang mga ito kasi ilang buwan din niyang hindi ang mga ito nakita.
“Mommy, hindi pa ako ready—”
“Silly, girl.” Her mother cut her words with a smile. “Of course, ready ka na. In fact, I know someone who’ll be suitable for you my dear.”
Napangiwi siya. Heto na naman ang ina niya. May ipapakilala na naman ito sa kaniyang lalaki na sigurado siyang hindi naman niya magugustuhan.
“Mommy, I’m sure he’s a good man but I’m pretty sure he is not suitable for me.” Aniya habang may pekeng ngiti sa mga labi.
“Oh, that’s not true my dear.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Lockett, twenty-nine years old ka na. Malapit ka ng mamaalam sa kalendaryo. It’s time for you to get married and have children’s.”
Habang nagsasalita ang ina niya, napapangiwi siya. Nakakasuka talaga ang pinagsasasabi ng ina niya. Tumingin siya sa kaniyang ama, itinirik niya ang mga mata ng makitang parang wala itong pakialam habang nagbabasa ng diyaryo. Wala talaga siyang aasahan sa ama niya.
Ibinaling niya ang tingin sa ina. She took a deep breath before talking. “Mom, I would like to go out with this guy that you’re talking about.” Aniya na may pekeng ngiti. Para namang may pagpipilian siya. Kapag tinanggihan niya ang ina, sigurado siyang gagawa ito ng paraan para maka-date niya ang lalaking tinutukoy nito.
Her mother smile widely. “Aww, that’s so nice of you my dear. Sige, tatawagan ko na ngayon si Luis.” Anito at inilabas ang cell phone.
She looked at her mother weirdly. “May cell phone number ka ng lalaking ‘yon?”
Nagtaas ng tingin ang ina niya mula sa cell phone. “Yes. I know that you’ll say yes. I promise, Luis is a gentleman.”
Sa halip sa sagutin ang ina, nginitian lang niya ito ng pilit. Wala talaga siyang masabi sa ina niya habang nakikinig sa usapan nito at ni Luis. Naiiling na kinuha niya ang tasa at sumimsim ng kape. Nakakaloka talaga ang ina niya.
“Well, Luis agreed to date you. His full name is Luis Zaragoza.” Her mother put away the phone. “Sa Yanzee’s Restaurant kayo magkikita. I told him you’ll be wearing a white dress.”
Napangiwi siya. “White dress? Mom, that’s lame.”
Her mother gave her a stern look. “Lockett, white dress is a formal dress for a lady like you.”
She chuckled humorlessly. “Sure mom, whatever you say.”
“Okay, my dear. Anyway, aalis na kami ng Daddy mo. May pupuntahan pa kami e.”
“Okay. Ingat kayo.”
“Ikaw din my dear, ingat. Huwag kalilimutan ang date mo kay Luis.”
Napangiwi siya sa pagpapaalala ng ina sa date niya mamaya. “Sure, mom. I won’t forget it.”
Tumayo ang mga ito at nagpaalam sa kanya bago umalis. Parang walang ibang pakay ang mga ito kung hindi ang i-set up siya ng date sa Luis na iyon. Akala pa naman niya, maba-bonding sila bilang isang pamilya pero umasa lang pala siya.
She took a deep breath then she gave out a deep sighed. May date na naman siya mamaya dahil sa ina niya.
She stands up and then left the café. Naglakad siya patungo sa kotse niya na nakaparada sa parking lot ng café. She was about to open her car when someone tapped her shoulder. Nang tingnan niya kung sino ‘yon bahagyang umawang ang mga labi niya.
The man in front of her looks like a freaking celebrity. Medyo mataas ito sa kanya ng ilang pulgada. He’s wearing a black polo shirt and denim jeans. His eyes were tantalizing liquid brown. His hair was upstroke jet black. She can’t believe a man this handsome exists. He has a pointed nose and his lips were thin and it looks soft. He has day’s growth of whisker. She never liked a man with whiskers because it looks dirty but this man changed that. His whisker adds up to his manliness and it suits him. And damn boy, he smells freaking good. Iyon ang gusto niya sa isang lalaki, iyong mabango.
The man grinned. “I know I’m handsome, but you should really close your mouth. Baka pasukan ng langaw iyan.”
She automatically closed her hanged open mouth. “I’m not admiring you.” Wala sa sariling aniya.
He chuckled. “Hmm. Yeah, and pigs can fly. It’s okay though, lahat naman ng babaeng nakikita ako e nagkakagusto sa’kin. I’m sure hindi ka naiiba sa kanila.”
Napatanga siya. “Wow. Buti hindi ka pa binabagyo ng kahanginan mo.”
He shrugged. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Natulala ka nga sa kaguwapuhan ko diba?”
Lockett take it back. Yes, this man is gorgeous, but he is also a freaking boastful. Sayang. That’s one of the qualities she hates in a man. Kapag mga mahahangin dapat pinapakain iyan sa buwaya.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Ano ba ang kailangan mo at kinalabit mo ako, ha? Kung magtatanong ka dahil nawawala ka, si Google map ang tanungin mo. Nandiya pa si Yahoo at si Wikipedia. Sa kanila ka magtanong, huwag sakin—”
“I believe that Google map doesn’t know your name. Neither Yahoo or Wikipedia.”
Bahagyang umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa sinabi nito. “What?”
“I tap your shoulder to get your attention so I could ask what your name is.”
“Ano?”
The man rolled her eyes then he took her hand to shake it. “Hi, I’m Red Santillana. Anong pangalan mo?”
“Lockett.” Wala sa sariling sagot niya.
The man smiled. “Lockett. Nice name.” Pinakawalan nito ang kamay niya. “Bye, Lockett.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito sa harapan niya at sumakay sa kotse na nakaparada sa tabi ng kotse niya.
Marahang ipinilig ni Lockett ang ulo. What just happened was so weird. Akala naman niya magtatanong ng direksiyon ang lalaki kaya kinalabit siya, magtatanong pala ito kung anong pangalan niya. Who does that? Mahangin na nga, weirdo pa.
Naiiling na sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa condo unit niya.
HABANG nagmamaneho patungo sa bahay ng mga magulang niya, tinawagan ni Red si Lander, isa sa malapit niyang kaibigan na may koneksiyon sa Land Transportation Office. Ka-klase niya ito ng High School sila at kahit magkaiba sila ng kurso nuong College, hindi sila nawalan ng kumonikasyon sa isa’t-isa. Isa ito sa matatawag niyang tunay na kaibigan.
“Hey, Lander.” Aniya ng sagutin nito ang tawag. “Can I ask you a favor?”
“I’m fine. Thank you for asking.” Sarkastikong sabi nito.
“Kailangan ko pa bang itanong kung okay ka? Kagagaling ko lang diyan sa Auto Shop mo.”
“Whatever.” Lander paused for a minute. “What favor?”
“I’ll send you a plate number. Puwede mo bang alamin kung sino ang may-ari ‘non at kung saan siya nakatira?”
Tumawa ang nasa kabilang linya. “Woah, man, are you stalking someone?”
He rolled his eyes. “Why would I stalk someone? Plate number iyan ng nakabangga sa sasakyan ko. Tinakasan ako e. Buti nalang nakuha ko ang plate number niya.”
“Red, ang yaman-yaman mo. Huwag mo nang habulin ang may-ari ng sasakyang nakabunggo sa kotse mo. Let it go. Dalhin mo nalang dito sa shop ang kotse mo at aayusin ko.”
“Magagawa mo ba ang hinihingi kong pabor o hindi?”
Lander exhaled a breath. “Fine. I’ll do it. Send me the plate number and then I’ll call you later.”
“Okay. Thanks, man.”
“No problem.”
Pinatay ni Red ang tawag pagkatapos ay isinend kay Lander ang plate number. After that, he throws his phone on the dashboard and focused all his attention on the road.
After twenty-minutes, nakarating din siya sa bahay ng mga magulang niya. Tamang-taman naman na nag-ingay ang cell phone niya. Kinuha niya ang cell phone sa dashboard at ng makitang si Lander ang tumatawag, mabilis na sinagot niya iyon.
“Nalaman mo na kung sino ang may-ari ng plate number na pinasa ko sa’yo?” Kaagad na tanong niya ng sagutin niya ang tawag.
“Yeah. The car is owned by Lockett Mendoza. Twenty-nine years old and she lives in High Tower Condominium, tenth floor, unit one-zero-seven.”
“Status?”
“Single.” Biglang tumawa si Lander. “Man, baka naman gusto mong malaman kung kailan ang birthday niya.”
“No. Thanks by the way.”
“No problem.”
He ended the call with a grin on his face. Locket Mendoza. Hmm. Nice name.
BAGO pumasok si Lockett sa Yanzee’s Restaurant, inayos muna niya ang white dress na suot kapagkuwan ay nilapitan niya ang maitre ‘de.
“Excuse me, reservation for Luis Zaragoza?”
The maitre ‘de smiled at her. “This way, ma’am.”
Iginiya siya ng maitre ‘de patungo sa table na may umuukupang payat na lalaki na may suot na eye glasses.
Shit! Ito si Luis?
“Mr. Zaragoza, your date has arrived.” The maitre ‘de said to the man and Lockett cringed.
Pilit niyang nginitian ang lalaki at umupo sa bakanteng upuan. “Hi, good evening.” Bati niya rito.
“Good e-evening to you too.” His voice cracked.
Napangiwi siya. Ito ba ang sinasabi ng mommy niya na bagay sa kanya? Diyos ko lord!
“I’m Lockett Mendoza.” Pagpapakilala niya.
“Your mother is right, you’re very pretty.” Pag-iiba nito ng topic.
She faked a smile. “Thank you.”
Luis smiled at her. “My name is Luis. My hobbies are golf and bowling.” He laughed and he actually snorted! “Anyway, I already ordered for you. I’m sure magugustuhan mo ang ini-order ko para sayo.”
Oh god, please help me. Piping dasal niya sa panginoon.
Gustong pasalamatan ni Lockett ang waiter ng i-serve nito ang order ni Luis.
Habang kumakain panay ang kuwento ni Luis tungkol sa negosyo nito at sa mga lugar na napuntahan na nito. Panay lang ang tango niya habang nagku-kuwento ito. Hindi niya ito lubusang kilala pero sapat na ang isang oras na kausap ito para malaman niyang isa ito sa mga taong gustong nasa kanila palagi ang atenisyon at iyon ang pinaka-ayaw niya.
She actually felt relieve when the dinner was over. Nang alukin siya nitong ihatid, tumanggi siya. At nang magtanong ito kung puwede sila ulit mag-dinner sa mga susunod na araw, tumanggi siya at sinabi ritong hindi ito ang tipo niyang lalaki at dapat maghanap na ito ng iba. Lockett felt awful, pero mas okay na iyon kesa paasahin niya ito sa wala.
Pagkauwi niya sa condo unit niya, agad niyang hinubad ang damit at nahiga sa kama. Wala siyang itinira ni isang saplot. Ganoon siya kung matulog. Kailangan hubad siya dahil kung hindi, hindi siya makakatulog ng mahimbing.
Pagkalipas ng ilang minuto na nakapikit ang mata niya, dinalaw din siya sa wakas ng antok.
KINAUMAGAHAN, nagising si Lockett sa ingay na nanggagaling sa cell phone niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at inabot ang cell phone na nasa nightstand.
“Hello?” Inaantok pa ang boses niya.
“Lockett Mendoza! Bakit mo pinahiya si Luis!?” Galit na sigaw ng ina niya mula sa kabilang linya. “He’s just trying to be nice that’s why he asked you on another date—”
“Mom, hindi ko siya gusto.” Naiiritang sabi niya. Ang aga-aga, sira na kaagad ang araw niya. “I don’t need a date, okay? Hindi si Luis ang tipo kung lalaki kaya please lang, tantanan mo na ako—”
“Don’t you use that tone on me, Lockett! Ako pa rin ang ina mo. Luis is a nice man. Bagay kayong dalawa.”
Itinirik niya ang mga mata. “Mom, please, leave my love life alone!”Urgh!
Naiinis na pinatay niya ang tawag at tinanggal ang battery ng cell phone. Kilala niya ang ina niya, hindi ito titigil sa kakatawag sa kanya hanggang pumayag siya na makipag-date na naman sa Luis na iyon. My gosh! Hindi ba naiintindihan ni Mommy na hindi niya gusto si Luis?
Sa halip na matulog ulit, bumangon siya at naglakad patungo sa kusina para mag-templa ng kape. She’s confident to walk around naked in her condo unit because she knew that no one can see her.
After making coffee, she went to open her stereo. Jessie J. Song titled Domino blasted on the speaker. Habang umiinom ng kape, panay ang giling niya.
Nang makarinig ng katok galing sa pintuan, pinahina niya ang volume ng speaker at tinungo ang pintuan para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
Lockett opened the door. Shock was an understatement when she saw the man who asked her name in Sugar Café parking lot.
“Anong ginagawa mo rito?” Kunot ang nuong tanong niya.
The man didn’t answer her; he just looked at her from head to toe. Then a smirked appeared of his lips. “Is today your birth day, because you really have an amazing birth day suit.”
Mas lalong kumunot ang nuo niya. “Anong birthday suit ang pinagsasasabi—” Umawang ang labi niya ng tiningnan niya ang sarili at nakitang wala siyang saplot ni isa. “Shit!”
Malakas na isinara niya ang pinto at nasapo ang bibig. Halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya habang parang sirang plaka na nadir-replay sa utak niya ang paghagod sa kanya ng tingin ng lalaking ‘yon. Bakit ba nawala sa isip ko na wala akong damit?
Napaigtad siya ng makarinig na naman ng katok.
“Hey, open up!” Sigaw ng nasa labas. “Wala naman akong nakita e.”
Sa halip sa sagutin ito, tumakbo siya patungo sa silid niya para magsuot ng damit. Letcheng buhay ‘to!
A/N: Tama nga naman si Red, hindi alam ni Google map, Yahoo at Wikepdia ang pangalan ni Lockett. Hehehehe *zip mouth*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top