Chapter 2: Coincidence
Ian's POV******
"Hoy okay kalang? Para kang nakakita ng multo ah." sabi ni Camille habang winawagayway ang bulaklak na dala niya.
"Are you stalking me?" tanong ko sa at tiningnan niya ako at nanliliit ang kanyang mga mata.
"Why would I?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Medyo makapal rin ang mukha mo noh?" dagdag niya pa.
"Okay, I'm also going to present that plant to you pero di ako nakakita ng sample nyan kaya nag download nalang ako ng picture." sabi ko sa kanya.
"Oh" gulat niyang sagot. "That explains kung bakit mo ako tinanong if I'm stalking you. Here, get this. Marami naman kaming ganyan sa simbahan." sabi niya sabay abot sa akin ng bulaklak.
"So final na ba na itong devil weed ang gagamitin natin sa ating SIP?" tanong ko sa kanya.
"Maybe yes?" sagot niya. "Coincidentally we presented the same plant and not because I'm stalking you so itong boracay plant na ang gagamitin natin sa SIP." dagdag niya pa.
"Let's start the second phase now. Punta na tayo sa science laboratory." sabi ko sa kanya. "Mauna ka na doon, may dadaanan muna ako sandali." dagdag ko pa at naglakad na palabas at hindi na naghintay sa permission niya.
Naglakad ako patungo sa likod ng library para makipag kita sa matalik kong kaibigan. Nang makarating na ako sa likod ay may naramdaman akong malambot ng bagay sa aking paa kaya umupo ako para makita ko siya.
"Meow~" sabi ng kaibigan kong si Spame at tumalon ito sa kandungan ko.
"Gutom ka na Spame?" tanong ko at yumango ito na parang nakakaintindi sa sinabi ko. "Bumili ako kanina ng hotdogs sa canteen pero hindi ko naman gustong kainin kaya ito nalang ang ipapakain ko sayo." dagdag ko pa at kumuha ng tuyong dahon at doon nilagay ang hotdog.
"Mauna na ako Spame, may kailangan pa kasi akong tapusin." sabi ko at umalis na at nagtungo na patungo sa science laboratory para sa SIP namin.
"Bakit ang tagal mo?!" parang nanay na nagsalita si Camille ng pumasok ako sa science laboratory dahil namewang ito.
"I guess the only thing na dapat mong malaman ay kung ano na ang gagawin natin. My life is none of your business, or maybe Oo kasi stalker kita diba?" pilyo kong saad sa kanya.
Nagkulay kamatis ang mukha ni Camille at parang sasabog na siya.
"First of all, it's my job na malaman kung ano ang ginagawa ng partner ko baka kasi mapahamak at ako ang sisisihin." sabi niya.
"Partners in life?" side comment ko.
"Never!!!" galit nyang sabi. "Secondly, I'm not stalking you so better change your mindset about it." dagdag niya pa.
Tinitigan ko siya at tinititigan niya rin ako pero ako na mismo ang bumigay.
"Let's start the second phase of our SIP kesa sa pag-usapan natin ang tungkol sa pag stalk mo sa akin." sabi ko. Huminga si Camille ng malalim at nagtungo na sa table na gagamitin namin.
"So what's your idea about this devil weed." tanong niya sa akin. "Kasi ang narinig ko lang sa kuya kong doctor na nagamit na nila itong tanim na ito minsan."
"As far as I know, ang tanim na ito ay ginagamit para patigilin ang bleeding at ginagamit ang dahin nito sa ating bansa bilang paggamot sa boils na ang mga Staphylococcus aureus ang pinagmulan." saad ko sa kanya.
"I maybe not familiar with this plant but I'm pretty sure na kaya tayo nitong ipapanalo sa SIP division level." pagmamalaki ni Camille habang winawagayway ang devil weed.
"There's still a possibility that we can't win the SIP division level." sabi ko sa kanya at mababasa sa mukha niya na naguguluhan siya.
"First reason ay ang pagprepresenta natin sa ating dala kasi ayon sa nabasa ko kanina sa library, need mo ng matibay na explanation at pipili lang ng isa sa dalawang kalahok ng bawat paaralan para mag-explain." sabi ko habang paikot ikot na naglalakad.
"Don't worry, magaling akong mag explain." positibo niyang sagot.
"Second reason ay kung may paaralan na mag-prepresent ng kapareho sa atin. If ever na may kapareho tayo, mas mahihirapan tayo sa ating pangangatwiran kung tatanongin na tayo." dagdag ko pa.
"Think positive lang. Kaya natin silang talunin." sabi ni Camille. "Tiwala lang tayo sa isa't-isa." dagdag niya pa.
"Just an advice: Simula ngayon ay dapat magpatulong kana sa papa mong magdasal para sa ating SIP." sabi ko. "Tapos na ang phase 2 ng SIP natin. Simulan mo nang magsulat ng iyong Hypothesis, Variables at iba pa." dagdag ko pa at lumabas na ako ng science laboratory at pupunta ako uli sa library para magbasa ng libro at para makapag pahinga.
Camille's POV*****
Inis. Yan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa lalaking yon. Kung umasta parang kasing talino ni Ferdinand Marcos.
Kinuha ko ang bag ko at dali daling lumabas pero may mas naunang nagbukas ng pintuan.
Nasa heaven na ba ako?
Siya ba talaga ito?
Ito na ba ang sinasabi nilang tadhana?
"Hello Ms. Matilos, buhay ka pa ba?" tanong niya Axel habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
"A.... A... Ye-s I'm here." ikaika kung sagot sa kanya.
Axel Blade Constantino ang Senior high school Supreme student government president ng school namin.
Mabait? Check.
Matangkad? Check.
Matalino? Check.
Gwapo? Super duper big check.
Hot? Oo super, mas hot pa siya sayo.
"Ms. Matilos?" tanong niya ulit kaya natauhan ako at tumayo ng mabuti.
"Yes!" bigla kong sagot.
"Para ka atang nakakita ng aswang o baka may dumi sa mukha ko." sabi niya. "May dumi ba?"
"Wa..wa..wala." sabi ko at dali daling lumabas sa science laboratory at tumakbo ng mabilis.
Habang tumatakbo ako ay parang nagtsitsismisan ang mga kamag-aral ko at nakatingin silang lahat sa akin.
"Ganyan na ba ako kaganda para tingnan ng mga studyanteng nadadaanan ko?" sabi ko sarili ko at patuloy na tumakbo.
Makalipas ng mahigit dalawang minuto siguro ay umupo ako sa ilalim ng puno para magpahinga.
Ipipikit ko na sana ang mata ko pero biglang may humawak sa kamay ko kaya napasigaw ako.
"Okay ka lang?" tanong ng isang tao sa harapan ko at alam na alam ko kung kaninong tinig yon kaya itinaas ko ang mukha ko at nakita ko ang maaliwalas niyang mukha.
"Oo?" sagot ko.
"Hindi mo man lang ako tiningnan kanina. Takbo ka ng takbo na parang hinahabol ka ni kamatayan." sabi niya at umupo siya para magpantay ang taas namin.
"Ha? Ako hinahabol mo?" tanong ko at parang hindi pa rin pumasok sa isip ko ang sinabi miya.
"Here's your handkerchief, nahulog mo kanina habang lumabas ka ng science laboratory. And that's the reason why I'm chasing you lately." sabi niya sa akin.
Akala ko hinabol niya ako dahil jojowain na niya ako pero mali pala. Ang sakit, sobrang sakit. Assuming ka kasi Camille kaya yan ang nangyari sayo.
Kinuha ko ang panyo ko sa kamay niya at nagpasalamat. Tumayo siya at tumalikod na sa akin. Akala ko aalis na siya pero bigla siyang tumabi sa akin.
"Nice meeting you Ms. Matilos. What's your real name?" sabi niya habang inaabot ang kanan niyang kamay para makipag shake hands sa akin.
"Heaven ay este Camille. I'm Camille Matilos." sagot ko at kinamayan ko siya.
"Diba ikaw ang isa sa pambato ng paaraln natin para sa SIP?" tanong niya at binitawan na ang kamay ko.
"Yes." matipid kong sagot.
"I know it's too lame if I ask you this but can you be my friend?" tanong niya sa akin.
"O-o?" sagot ko sa kanya kahit na labag sa aking loob. Ayaw ko ng friends, gusto ko girlfriend pero hindi ko kontrolado ang utak niya kaya acceptance is the key now kahit na masakit. "Sinong ayaw makipagkaibigan sa crush ko este president ng SSG senior high school?" tanong ko at nakita ko sa labi niya na ngumisi ito.
"Meron." sagot niya. "Ang tingin kasi nila sa akin ay isang balakid sa mga plano nila kaya hindi nila ako kinakaibigan. Meron ring nakikipag-plastikan lang sa akin." dagdag niya pa.
"Basta para sa akin, worthy ka na maging kaibigan." sabi ko at tumingin siya sa mukha ko.
Nag eye to eye kami at ngumiti pa siya na nagpatunaw sa puso ko.
"Thanks." sabi niya at tumayo na. "I have to go now. May gagawin pa ako. Nice meeting you." dagdag niya pa at akma na siyang tatakbo pero bigla bumukas ang bibig ko.
"May jowa ka na?" yan ang lumabas sa bibig ko kaya napalingon siya sa akin habang ako nama'y nakatakip sa bibig ko.
"No to love life ako as of now." sabi niya sa akin na siyang ikinalungkot ko. Dahan dahan kong binaba ang ulo ko pero nagsalita siya ulit.
"As of now. Kaya mamaya, bukas o sumakalawa ay pwede akong mag ka-girlfriend." dagdag niya pa at tuluyan ng tumakbo palayo sa akin.
Loading.....
Loading.....
Loading.....
Hindi pa rin rumiregister sa utak ko ang sinabi niya.
Tama ba ang pagkakaintindi ko? Pwede siyang mag-girlfriend any time? So may possibility na magkaroon ng kami.
"Wahhhhhhh!!!!!" pagtili ko.
Author's POV....
Hello everyone. Here's the chapter two of Credo. Hope you'll hit that star button to vote. See you in next update. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top