◎ Depression ◎

I was depressed.

More than once in my life ay nakipagbuno ako sa depression.

Kung ngayon... ikaw din, then para sa iyo ang entry na ito.

First published: 2018

Edited: 01/04/2025

»»»●«««

Noon.

Sa sobrang lungkot ay nais ko nang magwakas ang lahat, lalong-lalo na ang buhay ko.

Marahil ngayon ikaw na nagbabasa nito ay ganoon din.
Pero ito ang masasabi ko sa iyo;

Mahirap, masakit,
Masaklap...
Walang katulad at walang kaparis.
Iyan ang nararamdaman mo ngayon.

Mali kung sasabihin ko na may mas nahihirapan o nasasaktan kesa sa iyo ngayon.
Dahil 'pag sinabi ko iyon, para ko na ding minaliit ang nararamdaman mo.

What you're going through is devastating and almost incomprehensible.

Hindi ko masasabing balewala lang 'yan.
Dahil hindi.

Naranasan ko noon na masabihan ng ganoon, iyong balewala lang daw ang nararamdaman ko, pero what most people doesn't realize is that we all go through different stages, struggles and problems in our lives.

Malimit ay inaatake tayo ng "kaaway" sa kung saan tayo ay mahina.

Pinupukol niya tayo ng bato na sigurado siya na tatamaan at masasaktan tayo.


"Ang kahinaan ni Pedro ay maaring kalakasan ni Juan, ngunit ang kahinaan ni Juan ay maari din namang kalakasan ni Pedro."


Meaning:
Iba- iba po tayo ng strengths and weaknesses. Kaya huwag natin pong husgahan o maliitin ang dinaranas o pinagdadaanan ng bawat isa.

Maaaring kung tayo po ang nasa sitwasyon ng iba ay kaya natin ang pinagdaraanan nila subalit maaaring may pinagdaanan sila na naging madali lang para sa kanila ngunit kung tayo ay hindi natin kakayanin.

——————————————

Sa mga nagdaranas naman ngayon ng kapighatian, depresyon, anxiety, maraming problema o malabis na kalungkutan...

Ito po naman ang aking masasabi sa inyo:

I can't lie.
I can't tell you that it's easy when it isn't.

But this I'll tell you...

Something, na kahit sinuman at maging science ay hindi magagawang i-contradict.

Walang bagay sa mundo ang permanente.

Not pain.
Not suffering.
Not agony...
No problem in this world— is permanent.

Kahit gaano katagal mo pang pinagdaraanan ang isang bagay,
Iyan po ay hindi permanent.

Kahit gaano pa iyan kasakit,
Iyan po ay hindi permanente.

Bakit ko po ito nasabi?

Dahil tulad ng anumang bagay sa mundong ito lahat po ay lumilipas, magwawakas at natatapos.

Kahit ang bawat season ay nagtatapos.
Ang mga hayop ay nag-i-extinct.
Ang oras ay lumilipas.
At maging ang buhay ng tao ay natatapos.

Only God and His words stays.

Gaya nga ng sinabi sa:

AWIT 90:1-6

Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan, buhat pa nang simulang lumitaw ang aming angkan.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalang,
Hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
Ikaw noon ay Diyos na,
'Pagkat ika'y walang hanggan.

Yaong taong nilikha mo'y bumabalik sa alabok, sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.

Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
Sa mata mo, Panginoon,
Isang kisap-mata lamang;
Isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis,
Parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak,
Kapag gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.

Kaya the only thing that we should focus on especially sa mga sandali that we experience heartache o heart break, problema, kaguluhan ng isip, pagkaligalig, lungkot at kawalan ng pag-asa... ay Si GOD lamang po.

Word of God lamang po.

Tulad ni David sa:

Awit 23:1-4

Si Yahweh ang aking pastol,
Hindi ako magkukulang;
Pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Pinapanumbalik ang aking kalakasan,
At pinapatnubayan niya sa tamang daan,
Upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Ibig sabihin po, magdanas man tayo ng pagdarahop (sa lahat ng aspeto) kaya po tayong ialis ng Diyos doon sa sitwasyon na iyon.

May problema man tayo, financially— kaya po Niyang tugunin ang ating mga pangangailangan.
Spiritually dry na po tayo?
God can lead us to calm waters,
Even if we're experiencing loneliness and emotional instability,
GOD can take us out of that place and lead us to a better place.
"Greener pastures" o promised land.
A very promising place na punung-puno ng satisfaction, blessings na siksik-liglig at umaapaw, in all aspects and areas of our lives.


Please also remember that no servant is greater than their master and Jesus has experienced hardships and even agony. He has endured so much.
We are not exempted.
We too, must carry our own cross but the Lord Jesus left us this verse:

John 16: 33

New International Version

"I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world."

King James Bible

These things I have spoken unto you, that in me ye might have peace. In the world ye shall have tribulation:
but be of good cheer;
I have overcome the world.


Masaklap.

Mahirap.

Masakit.

Ang mga dinaranas natin sa araw-araw, lalo na 'pag dumarating ang kalungkutan, kasawian, pagkawala ng mahal sa buhay, pangungulila sa minamahal, pagka-awa sa sarili, kabiguan, pagdarahop....

Lahat ng iyan at marami pang iba ay sadyang mahirap at masaklap.

Pero lahat ng iyan ay pansamantala lamang po.

Tulad ng oras, silang lahat ay lilipas.
Marami pong bagay ang sadyang halos napakahirap kung iisipin pero kung sa sitwaston tayo ay magpu-focus sadyang parang imposibleng malagpasan, sadyang napakalaki at parang higante pero let us remember na kahit higante gaano man kaliit si David ay kaniya itong natalo, through faith at higit sa lahat ay dahil sa tulong ng Diyos.

Naniniwala po ako na ang Diyos ni Abraham,
Ang Diyos ni Moises,
Ang Diyos ni David,
At Diyos na siyang ating pinaniniwalaan at pinaglilingkuran ay iisa at kelanman ay hindi nagbabago.
Ang kaniyang kapangyarihan at kadakilaan ay hindi nawawala, ni nababawasan man lamang kung kaya't  ano man po ang ating pinagdaraanan...

Isuko at ibigay po natin ito sa KANIYA.

GOD alone can heal our broken hearts,
Wipe away our tears and replace our sadness with gladness,
Give us the abundance and fullness of joy that is beyond measure.
We just have to trust GOD and have faith na kaya Niya pong gawin ito.

I am speaking through experience and even telling myself these things to remind myself, dahil ako po ay tao lamang na pinagdaanan at pinagdaraanan pa din ang mga ganitong bagay.

God is not finished with me yet, but I believe na ang sinimulan NIYA sa akin ay kaniyang tatapusin at ganun din po sa sinuman na sa kaniya ay naniniwala at nagtitiwala ng lubos.

God bless you po at sana habang binabasa mo po ito.

Think about Jesus.
Think about the Cross.
Think about Jesus thinking about US,
habang nakapako sa krus.

He has died for us all, so that we may be saved.
That is how much GOD loves us.

So, if you're feeling alone, lonely, depressed, or hopeless...

Then, think about how much GOD loves you and me...
God loves us enough to give His us HIS begotten son.

For his son to be crucified so that we'd be saved and be cleansed from our sins.

According to John 3:16

For GOD so loved the world that he gave His only begotten son,
That whosoever believeth in Him shall not perish but have everlasting life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top