KABANATA 8: THE DARK SECRET

PADABOG na inihagis ang bag ko sa sofa nang makita ko si Tito Kale sa sala habang nag-i-scroll sa kanyang ipad.

“Tito, what's the truth about Strawberry?”

Mabilis na napadako ang tingin niya sa akin.
“What do you mean? Haven't I told you not to drag that name? May ginawa ka na naman bang kalokohan?”

“You said, you transferred me but it turns out someone knew Strawberry and said that I just came back! Sabi mo hindi mo ako ilalagay sa school kung saan nag-aral ang kapatid ko!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. I've been fooled by my own uncle.

“Lotus Peach!” Napatda ako nang sumigaw din siya at ihagis sa kung saan ang ipad niya. Hinawi niya ang buhok. Lagi niya iyong ginagawa kapag gusto niyang huminahon. “Lotus Peach, baka nakakalimutan mong utang mo sa kapatid mo kung ano ang mayroon ka ngayon?”

“What do you mean?” naguguluhan kong tanong. Prenteng sumandal si Tito sa sofa at ipinako ang tingin sa akin. Nagsimulang kumuyom ang kamao ko.

“Akala mo ba, kaya kita inampon at pinagpanggap bilang kapatid mo ay gusto kitang isalba sa kalokohang ginawa mo?”

Kalokohang ginawa ko. Oo nga pala. I'm a sinner.

Si Tito Kale, siya ang nag-ampon sa kakambal kong si Strawberry Peach. Yes, I am not the real Strawberry that's why I get so irritated when someone is mocking her name.
“So, ano pala ito. Ipinain mo ako para pumalit sa kapatid ko? Ano ang totoo—”

“Akala mo ba naging madali para kay Strawberry ang nangyari? Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya namatay! Kasalanan mong lahat 'yon!”

Muli na namang tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko lahat ng tao ako ang sinisisi sa nangyari.
“Nang mabalitaan at kumalat sa social media ang ginawa mong pang-bu-bully sa isang estudyante na naging dahilan para magpakamatay ito, akala mo ba naging madali para sa kakambal mo ang lahat?”

Pinagtaksilan ako ng aking mga paa nang mapaluhod ako sa mga alaalang pilit na namang bumabalik.

When Blue Grey said I loss my memory, that's not true. Dahil kahit ano pa'ng gawin ay hindi talaga babalik sa akin ang mga alaala dahil hindi naman talaga sa akin at hindi ako ang tunay na Strawberry.

I am Lotus Peach Hillary. The twin sister of Strawberry Peach Miralles.

My Tito Kale, who's the older brother of our mother, adopted my sister. They never had a chance to have a baby that's why they decided to adopt my sister since my mom is single. He said she can't afford to sustain the needs of two babies on her own.

Tito is very successful individual while my mom considered as the black sheep of the family. Until now, she's still the same. She's currently living in the United States together with her fourth husband.

I live alone in Cebu a year after she got separated with my step dad. She left me with her ex husband; Hendrick Hopkins.

Katakut-takot na pang-aalisputa ang natanggap ko sa family na iyon pero tiniis ko. I need to survive. Sobrang galit ang naramdaman ko sa mama ko. After a year, she contacted me and I told her I want to live alone. She helped me find an apartment.

That was 3 years ago. And last year, something happened…

“Siya ang sumalo ng lahat ng galit ng mga tao para sa 'yo, nalaman nilang magkambal kayo maging ang issue na inampon namin siya ng Tita Sebi mo dahil hindi kami magkaroon ng anak. Napakabait ni Strawberry, sobrang bait niya. She doesn't deserved to die.”

Strawberry was such a pretty and very kind. Sobrang magkaiba kami ng personality. I envy her, she had a beautiful life while I live in hell. Every time she tries to talk to me, I always decline it. Galit ako sa kanya not because ayaw ko sa kanya, but because naiinggit ako. Why do I need to suffer?

“But then something happened. Nagpakamatay ka raw. That same day, natagpuan siya sa damuhan at walang malay.”

Napayuko ako at hindi ko napigilang humagulgol. Sa sobrang gulo ng utak ko, nagawa ko ang bagay na akala ko hindi ko magagawa.
“Can you even imagine kung ano'ng katakut-takot na sinapit ng kambal mo dahil lang sa ginawa mo? Dalawang tao ang pinatay mo, Lotus! Paano mo pa nagagawang makatulog sa gabi? Paano ka nagigising na parang wala lang nangyari? Akala mo ba kinuha kita para iligtas? Nagkakamali ka.”

I didn't kill anybody, my mind said.

I never kill anybody.

Pero baka nga ako ang pumatay sa kanila. Isa akong mamamatay-tao.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina. Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking palad. Sabi niya sa akin naaksidente si Strawberry, hindi niya sinabing natagpuan sa damuhan ang kapatid ko.
“Gusto kong pagdusahan mo ang ginawa mo sa anak ko. Namnamin mo ang sakit na natamasa niya sa kamay ng mga taong 'yon. You killed her, pay for your sin.” Sa unang pagkakataon, nakita kong lumuha ang tito ko. Naramdaman ko ang sakit na dinadala niya. Hindi ako manhid gaya ng inaakala nila. Marunong din naman akong makiramdam.

“Akala mo ba gusto ko ang nangyari? Paano mo naman nasabing hindi ako minumulto ng nakaraan? Hindi ako makatulog nang maayos, hindi na ako masaya sa buhay ko, ni hindi ko nga alam kung bakit binuhay niyo pa ako sana pinatay niyo na lang ako!” Nagwawala na ang isip ko na tumayo at nagpadyak-padyak. Sana hinayaan na lang nila akong malunod. Sana hindi na lang ako niligtas. Kinakain na ako ng konsensya parang ayaw ko na magpatuloy.

Unti-unting napalitan ng galit ang naghihinagpis na mukha ni Tito Kale. Para siyang naging halimaw sa paningin ko na kaya akong kainin anumang oras.

Inayos niya ang kanyang salamin.
“I will not let you die so easily, Lotus. Pagdusahan mo lahat ng ginawa mo.”

“How many times do I have to tell all of you that it was not my fault! Hindi ko pinatay si Chastity! Biktima lang din ako!”

Chastity killed herself. That's the truth but they said I killed her. She was my friend but I admit, I…betrayed her.

And maybe that is the reason why they accused me.

“I don't want to hear your explanation. I sent to your email the personalities and characteristics of your twin sister. Pag-aralan mo at kumilos ka na parang si Strawberry para hindi sila makahalata.”
Mahinahon na ang boses ni Tito na umupo uli at ininom ang kanyang tea na nakalapag sa ibabaw ng lamesa.

“May lead po ba kayo kung sino ang gumawa ng pambababoy sa kapatid ko?”

“Past is past. Mamuhay ka bilang si Strawberry. Iyon na lang ang tangi mong mabibigay sa akin.”

“Tito! Do you even think na mamumuhay pa ako nang normal kung nalaman ko na binaboy ang kapatid ko?” pagmamatigas ko. “Ang sabi mo, namatay siya sa aksidente tapos ngayon ang sabi mo natagpuan siya sa damuhan. Ano ba talagang nangyari sa kaniya?”

“Go back to your house.” Hindi siya tumitingin sa akin. Kinuha niya ang phone na nakapatong din sa lamesa. Nagsimulang pumindot ang daliri niya.

“Tell me the whole truth, who killed my sister?”

“I SAID GO BACK TO YOUR HOUSE!” Dumagundong ang boses niya sa buong kabahayan. “YOU KILLED YOUR SISTER!”
Sunud-sunod ang pagpunas ko ng mga luha. Mas lalo akong namuhi sa kaniya dahil sa ginagawa niya.

“Kahit ano'ng paliwanag ko, wala talagang nakikinig sa akin. Fine, I will find that person and he/she will took all the blame.”

Mabibigat ang mga paa kong umakyat para maghalughog sa gamit ni Strawberry. Tito Kale doesn't want to open my sister's room which is beside mine. Binigyan niya ako ng kuwarto sa bahay niya just in case na may dumating na bisita at baka raw magtaka na wala akong kuwarto. Pinagmukha niya kasing tambakan ang kuwarto ni Strawberry kahit hindi naman.

Luminga-linga ako sa paligid bago kinuha ang id card ko at sinimulang itusok iyon sa lock mismo ng doorknob. Si Tito lang ang may susi ng kuwarto pero hindi niya alam ay kaya kong buksan ito kahit nakalock pa sa loob.

Ting!
Tumunog ang doorknob senyales na natanggal na ang lock nito kaya marahan akong pumasok.

Sinuyod ko ng tingin ang kuwarto ni Strawberry na kulay peach ang kulay.

Una kong kinalikot ang dating bag ng kapatid ko. Bukod sa mga notebooks at ball pen ay wala naman na akong napansin.

Dumako naman ako sa ilalim ng kama. Nakakita ako ng isang box ng sapatos. Inabot ko iyon at napakunot ng noo. Bagung-bago pa ang sapatos nang buksan ko pero natulala ako nang may nakaipit na sulat sa loob.

To my beloved sister, Lotus Peach.

Isa siyang doll shoes na may design ng strawberry. Strawberry knew I'm into strawberries. Little did she know I like it because it reminds me of her. My loving sister.

Nanlabo ang mga mata ko habang ibinabalik ang papel sa loob. Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahan na namang bumaba.

I didn't know, I hurt people I love. From Chastity to Strawberry. How can I repay my sin?

I miss them so much.

Ibinalik ko sa dating puwesto ang box tapos ay tinungo ko ang drawer niya.

I saw a lot of journals. I scanned them up to the latest. There I saw her pain and suffering.

(My sister got involved in bullying incident which caused to her friend's death. I don't believe them. Lotus would never do such thing. She looks so brave but to tell them honestly, she's very gentle and fragile girl. I tried to contact her but no good.)

(My fellow classmates discovered it and they posted my face in social media claiming I looked like her. They mocked me, spit on me and they also discovered she is my twin sister. If I suffered because we look like the same, ano pa kaya si Lotus na siya ang pumapasan ng problemang ito? Sana mag-reply naman siya sa chats ko kahit isang beses. Nag-aalala na ako.)

I find myself hugging her journal. I was so dumb. Bakit hindi ko naisip na nasasaktan ang kapatid ko? Bakit mas pinili ko pang mapag-isa?
Kapag ba nagkamali ang isang tao, kahit isang pagkakamali lang sa buong buhay niya, kailangan niya bang pagdusahan hanggang sa katapusang ng hininga niya?

Isang pagkakamali lang naman ang ginawa ko, pero bakit tila naubusan ako ng pagkakataong magbago?

Nahagip ng mata ko ang litrato na nalaglag galing sa journal. Marahan ko iyong pinulot kahit pa nanlalabo ang mga mata ko.

Hindi ko napigilang mapanganga nang makita ko ang pamilyar na mukha kasama ni Strawberry. Itinalikod ko ang picture para lang makita ang nakasulat doon na may kasamang heart sign.

(My bestfriend…)

Itinago ko sa aking bulsa ang litrato at dali-daling lumabas ng kwarto. Mabibilis ang mga hakbang ko at hindi ko na pinansin si Tito Kale na may kausap sa telepono.

Nagtuluy-tuloy ako sa paglabas at tinungo ang bahay kung saan ako nakatira. Binati pa ako ni Tito Shawne pero nang makita niya na hilam ako ng luha ay hindi na siya nagsalita pa.

Mabibigat ang mga paang nagtungo ako sa kuwarto ni Jillian. Mabibilis ang mga pagkatok ko.

Tama, si Jillian from last section.
She is the daughter of Tito Shawne. Hindi kami magkamag-anak. Si Tito Shawne lang ang nag-aalaga sa akin nang makarating ako rito at nakikitira sila sa bahay na ibinigay sa akin.
Ang mama ni Aella ay kasambahay namin. Hindi ko rin alam kung saan nakakakuha ng kapal ng mukha si Jillian para mang-alispusta ng taong hindi naman niya pinapasahod.

“Ano ba?” bungad ni Jillian matapos niya akong pagbuksan. Nagitla pa siya nang makita ako pero umandar ang pagkamaldita niya. “O, ano'ng kailangan mo, madame? Ibubulgar mo na ba ang sikreto kong nakikitira lang ako sa bahay ninyo?”

“You know the truth, right? Best friend mo si Strawberry?” Walang paliguy-ligoy na iniharap ko sa kanya ang picture nilang dalawa.
Hindi nakaiwas sa akin ang paglaki ng mga mata niya saka ako hinila papasok sa kuwarto.

“Naalala mo na?” Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at mababakas ang tuwa sa mga mata niya.

“Why didn't you tell me, Jillian? Nasa iisa tayong bubong. Matalik na kaibigan at katiwala ni Tito Kale ang Papa mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Tito Kale?” nagtatakang tanong niya kaya binitiwan niya ang kamay ko at parang natatakot na sa akin. “Sino ka?”

Seryoso akong nakatingin sa kanya. Nawala ang gulat sa mga mata niya at nagtaas ng tingin.
“Sa tingin mo ba natutuwa akong makita ang mukha mo? Binabalik mo lang ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan.”

“So, is that the reason why you hate me?”

Tinalkuran niya ako, pabagsak siyang umupo sa kama. “Oo nga pala, hindi ikaw ang tunay na Strawberry. Bigla kong nakalimutan.”

Both Tito Shawne and Jillian knows everything. My uncle trusted him that's why they know every secret of the family.

Of course, hindi sila puwedeng maglabas ng issue regarding sa family kung hindi ay mawawalan sila ng pera at matitirhan.
“Kung hindi dahil sa ginawa mong kalokohan sa Cebu, hindi pag-didiskitahan si Strawberry.” I see the fire in her eyes.  All she did is to glare at me.

“Do you know who did that to her?” Wala akong oras para manghingi ng pasensya sa kanya o sa kung sinuman. Ang kailangan kong malaman ay kung sino ang may kasalanan sa pagkawala ng kapatid ko.

“Please tell me the truth!”

“Hindi ko alam! Sa tingin mo kung alam ko, hahayaan kong mangyari sa kanya iyon? I have no rights and power to protect her that time. Isa lang akong mababang uri ng tao at hindi ko kayang ipagtanggol siya. Before she died, sinabihan niya pa akong maging matatag para sa kanya. Hindi ko siya magawang tulungan dahil kung gagawin ko, madadamay rin ako.” Napatakip si Jillian ng mukha. Umaalog ang balikat niya senyales na napaiyak siya.

“Nagsisisi ako na hindi ko siya ipinagtanggol. Nagsisisi ako na wala akong nagawa para sa kanya. Hindi ko magawang magsumbong dahil kung gagawin ko iyon, ikaw na kapatid niya, malalaman na ibang tao ka.”

Umiwas ako ng tingin para pigilan ang luha ko. Ayaw ko nang umiyak sa harap ng ibang tao.
“Jillian, hindi na natin mababalik ang buhay ng kapatid ko. Pero pwede pa natin itama ang lahat.” Buong determinasyon ko siyang hinikayat.

“Ano'ng ibig mong sabihin?” Inangat niya ang tingin. Ang kaniyang mascara ay kumalat na sa paligid ng mata niya.

Marahan kong nalukot ang picture at tinitigan siya nang mariin.

“We will find the real culprit. We will make them pay.”

**********

©Mystshade

11/1/2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top