Kabanata 7: WHO'S THE BOSS?
Kabanata 7: Who's the boss?
Naiiritang sinulyapan ko ang wristwatch, nararamdaman ko nang maaga akong magkaka-wrinkles sa noo dahil sa kakahintay.
Nasa likurang bahagi na ako ng building kung saan kami dapat magkikita ng mga college students na nakaaway ni Indigo pero wala pa rin sila.
"Nabahag na ba ang buntot ng mga kalaban mo, Grey?" tanong ko sa kanya na nakasandal sa pader at kanina ko pa naririnig na nagdadasal.
"H'wag mo muna akong kausapin, nagdadasal pa ako."
Lalong nagsalubong ang kilay ko at nadako ang tingin sa kanya. Nakayuko siya at magkadaop ang mga palad sa harapan. "Huh? Bakit ka nagdadasal? Parang tanga."
Marahan niyang idinilat ang mga mata. "Hindi mo kasi ako maintindihan. Tinawag na nila ang pangpitong dragon ni Recca."
"Pangpito? E, 'di ba walo 'yon? So, may mas malakas pa sa kanya."
Saglit niyang iminulat ang mata tapos ay tumingin sa akin. "Ikaw ang pangwalo. Kinakabahan ako para sa kaligtasan nila."
I glanced at him with my eyebrow raised. "Duwag."
"Mas mabuti nang duwag kaysa nagpapanggap na matapang," bulong niya na ikinalingon ko.
I bit my lower lip and was about to knock him off when I heard someone shout his name.
"Nandito na pala si Indigago at ang kanyang amazonang kaibigan."
Agad kaming napalingon sa gawi nila at hindi ko inaasahan na haharang si Indigo sa paningin ko.
"Ako na lang ang galawin niyo, 'wag niyo na siyang idamay." Iniharang pa ni Indigo ang kamay niya para proteksyunan ako.
Nabingi ako sa pambubuyo ng limang lalaki sa harapan. Nagpapakitang gilas na namang itong lampayatot na si Indigo. Wala namang palag kapag binugbog.
"Nakaka-touched naman!" sabi ng kalbo. Nagtawanan sila kaya lalong tumaas ang dugo ko papunta sa ulo ko.
"Hindi ka namin gagalawin kung ibibigay mo sa amin ang kaibigan mo."
Malakas kong hinawi ang kamay ni Indigo. Mas lalo tuloy akong naiirita sa pinaggagagawa niya. Hindi ako mahinang tao para ipagtanggol niya. Baka siya pa nga ang ipagtanggol ko.
"Ano ba'ng kailangan niyo? Para matapos na." Nakapameywang pa ako habang hinahawi ang makulit na kamay ni Indigo. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya.
"Gusto kong bugbugin ka." Kung hindi ako nagkakamali, Gio ang pangalan ng kalbong singkit na ito.
Lumapad ang ngisi ko nang sabihin niya iyon. "Kung kaya mo bakit hindi?"
"Gio, ganyan ba ang dapat na trato sa mga babae?"
Natuon ang atensyon namin sa lalaking medyo mahaba ang tuwid na buhok, naka-eyeglasses, halos walang lukot ang uniform niyang kulay puti ang panloob at black naman ang panlabas.
Matangkad siya at may kaputian. May dala siyang libro na hindi ko mabasa ang pamagat dahil medyo malayo siya sa amin. Galing siya sa damuhan malapit sa kinaroroonan ng kalbong kasama.
Kanina pa kaya siya sa damuhan?
Inayos niya ang eyeglasses na lalong nagpa-highlight sa matangos niyang ilong ngunit naasar ako nang gamitin niya ang gitnang daliri sa pag-aayos nito.
Another jerk!
"Boss, Blue Grey!" Nagbigay daan ang mga ugok nitong kasama para makapaglakad palapit sa amin.
"Sige, ikaw na bahala sa kanya." Naikuyom ko ang kamao nang sabihin iyon ni Indigo at itulak ako palapit sa lalaking iyon.
Muntik na akong sumubsob sa dibdib ng lalaki, mabuti na lang nakahawak ako sa neck tie ni Indigo. Sinamaan ko siya ng tingin at inambahan ng suntok pero naramdaman kong may humila ng pin ko.
"Strawberry Peach?" tanong ng lalaki kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang hindi tinitigilan ang pagtitig sa pangalan ko. "Ikaw ba talaga si Strawberry?"
"Boss, kilala mo ba siya?" tanong ng isang lalaki na hindi ko na alam ang pangalan.
Pilit kong inagaw ang pin pero mas malakas siya kaysa sa akin. Mabilis niyang inagaw ito pabalik at ibinulsa.
"Long time, no see, Peach."
Muling dinaga ang dibdib ko sa sinabi niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Kinakabahan ako sa tuwing may nakakakilala sa akin kagaya ng nangyari kanina kay Leslie.
Walang dapat makaalam kung sino ako. Kung hindi, babalik na naman ako sa dati kong sitwasyon. Hindi ko na kakayanin pa ang gano'n.
"Sorry, I didn't know you."
"Oh, c'mon." Hindi ako nakakilos nang hawiin niya ang buhok ko at inilagay ito sa likod ng tainga ko. Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya. "We've been together before. Are you still in state of memory loss? Your father told me you will migrate to Switzerland. How come, bumalik ka rito?"
Bumalik?
Ako?
Unti-unti kong napagtagni-tagni ang lahat ng nangyari. Mabilis akong napalingon kay Indigo na umiwas ng tingin.
"Kilala mo siya, boss?" tanong ni Gio.
Ibig sabihin, dati pa akong nag-aaral dito? Ang sabi niya, pina-transfer niya ako. Kaya ba gan'on na lang ang reaksyon ni Leslie at kung bakit parang may inis sa akin si Kelly?
"Kuya BG, stay away from Peach, please," sabad ni Indigo na iniharang na naman ang sarili sa harap ko.
Kuya?!
Nagkandagulo na, hindi ko na alam ang nangyayari.
"Stop lying to her, Indigo. Baka nakakalimutan mong isa ka sa dahilan kung bakit nangyari 'yon."
"I will stop if you and your friends will stay out of her life."
"Hindi pa rin nagbabago ang ikot ng mundo, my little brother, ikaw pa rin ang pinagtatanggol ng babaeng gusto ko."
Napatingin ako sa lalaking iyon na tinawag ni Indigo na Kuya BG. Bigla akong nabingi sa mga pinagsasabi nila. Parang may martilyo na pumupukpok sa ulo ko at pilit kong nilalabanan.
"Please, we're just friends, you know that. Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, 'wag niyo lang galawin si Strawberry."
Mabilis kong hinila ang uniform ni Indigo nang makita ko siyang lumuhod sa mga ito. Pilit ko siyang itinataas pero ayaw niyang magpaawat.
Naguguluhan ako sa sitwasyon pero hindi ko guso ang nakikita kong minamata siya ng mga ito at dinuduraan pa.
Ano ba ang nangyayari? Bakit kailangan niyang i-endure ang ganitong kalokohan?
It's making me hate him even more.
"Of course, you have no other choice my little bro." Napalunok ako nang iapak ni BG ang paa niya sa balikat ng kapatid at parang tumapak sa insekto na dinidiin pa nito ang pagtapak. "I will never forgive you, you understand?"
Tango lang ang nakita kong tugon ni Indigo.
Mas lalo akong nagpuyos sa galit. Wala akong naiintindihan sa sitwasyon pero ang ikinaiinis ko lang ay ang ginagawa nilang pangmamaltrato.
Marahan kong binitiwan ang uniform ni Indigo at malakas na tinabig ang paa ni BG. Gulat na tingin ang ipinukol nila sa akin habang kalmado lang na umayos ng pagkakatayo si BG.
"Ganyan ba ang dapat na trato mo sa kanya? Hindi ko alam kung tama ako ng pagkakarinig na kapatid mo siya. Do you really need to do this to him?"
Blue Grey widely grin at me and move towards until we are five inches away, I think.
"Even if you're in state of amnesia, you're still defending him." Nakaramdam ako ng kirot sa pagkakasabi niya noon. It's as if he has a pain in his heart and that pain came from Strawberry. "Will you still defend him if your memory comes back?"
A line of curiousity crossed my mind. Ang dami kong tanong na kailangang masagot at isa lang ang makakatulong sa akin.
"The present is more important than the past because you can still correct the things you did wrong before. I hope you get my point. I do not care about the past anymore. I hope that you, too, will understand that. Kung anuman ang alitan niyo noon, hindi ko na pakikialaman."
Nagsusukatan pa rin kami ng tingin ni Blue Grey habang hinihila ko si Indigo para makatayo.
"Do you, by any chance, fall for him?" he asked, which gave me a wrinkles on my forehead.
"No," I firmly said. "But he's my friend. And if you will dare to touch him, you need to fight me. I am over protective with my friends."
I will never, ever, leave my friends anymore.
Hinila ko sa kuwelyo si Indigo at inayos ang uniporme niya. Hindi ko sinasalubong ang mga tingin na pinupukol niya sa akin. Walang malisya kong hinawakan siya sa kamay at nagsimulang maglakad palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top