KABANATA 6: I will protect you
KABANATA 6: I will protect you
ISANG malakas na tunog galing sa pito ng aming PE teacher ang nagpabalik sa aking pag-iisip.
Iniangat ko ang tingin sa maaliwalas at maaraw na kalangitan. Another boring time of my life.
“Group yourselves into 6. We will play volleyball,” anunsyo ni Teacher Javier at muling pumito.
Most of my classmates rolled their eyes. Yamot na yamot sila mangyayari pero may isang masaya dahil kaya niyang magpakitang gilas.
Naririnig ko sa hindi kalayuan na tinatanong ni Jona si Kelly kung maayos lang ba siya at tumatango lang ang babae sabay ngiti nang matipid.
Nagsimula na silang maggrupo. Umupo lang ako sa bleachers at hinihintay silang matapos. Ang init-init ng panahon pero maglalaro kami, nakakasakit sa balat.
“Kumpleto na ba ang grupo? Sino wala pa?” tanong ni Teacher Javier kaya napukol sa akin ang paningin ng lahat. “Ikaw, Strawberry may kagrupo ka na?”
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtawa ng tatlong ugok habang nakatingin sa akin.
Nagbubulungan pa sila na parang mga bubuyog. Trip talaga ako ng tatlong ito.
Biglaang lumapit sa akin ang grupo ni Frenz at Yassi. “Sabi ko sa 'yo dapat si Strawberry na lang kinuha natin kaysa si…” wika ni Frenz at nakita kong ipinukol niya ang paningin kay Leslie na nakayuko at nilalaro ang sementadong sahig gamit ang paa.
I crossed my arms above my chest and stood up. “Wala po. Reserved na lang po ako. Baka may ma-injured, walang papalit,” makahulugan kong sabi at napatingin sa gawi ng tatlong ugok na nawalan ng ngiti sa labi.
“Pinapanalangin mo bang ma-injured ang isa sa atin?” Ibinuka na naman ni Jona ang mabaho niyang bibig.
“Ang alam ko kasi may injured 'kuno' sa section natin. Baka kasi bigla siyang masaktan. Mahirap na. Baka isisi niya pa sa teacher natin.” Napangiti ako nang makita ang pagtiim-bagang ni Jona saka inaya ang kaibigan na umupo saglit.
“Tama 'yang naisip mo, Miralles. Thank you for being considerate.” Tinapik ako ni Sir Javier sa balikat bago pumwesto sa gitna ng court at tinawag ang dalawang team na unang sasabak.
Nababagot na pinapanood ko sila habang nakahalukipkip at naririndi sa dalawang katabi ko na nagdadaldalan.
“Hoy, Strawberry ano'ng mayroon sa inyo ni Baby Indigo namin, huh? Akala ko ba wala kang interes sa kanya?” Napatingin ako kay Frenz. Maikli ang buhok niya at kung pumorma siya, e, para siyang tomboy pero mas attracted siya sa mga lalaki kumpara kay Yassi.
“Oo nga, ano bang score niyong dalawa?” Yassi.
Napabuntong-hininga ako sa pinagsasabi ng dalawang ito. Gusto ko na lang lumayo sa kanila pero wala akong magawa, dikit pa rin sila nang dikit. Simula pa noong nag-transfer ako rito.
“There's nothing going on between us.” Hindi ako lumilingon sa kanila at napako lang ang tingin ko sa 12 classmates kong naglalaro. Mga lalaki ang naunang naglaro. Kasama sa kabilang team si Indigo.
“Seryoso ba? Hindi naman kami magagalit kung magiging kayo ni Indigo. Mas tanggap namin kung ikaw magiging girlfriend niya, pero syempre, mabo-broken heart kami ng 2 seconds.” Sinamaan ko ng tingin si Frenz nang sabihin niya iyon. Na-peace sign lang siya.
“Tama. After n'on, we will find another oppa. Ganoon lang ang buhay ng fan girls. Right, Frenz?” segunda ni Yassi na hindi pa nakuntento at tinabig-tabig pa ang balikat ko.
Nakakaasar.
“True ka d'yan, seswang.”
Natuon ang attention namin sa court nang magtilian ang classmates ko pati ang mga kababaihan na tumambay sa bleachers para manood nang mag-spike si Indigo at hindi nasalo ng kabilang team.
Tumayo pa sina Frenz at Yassi para magcheer saka sinigaw ang pangalan ni Indigo. Napa-face palm ako dahil sa kahihiyan, nagsipagtinginan kasi ang lahat ng naglalaro sa kanila.
I felt a presence of someone behind me and I glanced. I saw Leslie looking so gloomy and anytime she looks like she's about to cry.
“Totoo ba? Walang namamagitan sa inyo ni Indigo?” bulong niya na ikinataas ng kilay ko.
I answered without hesitation, “Wala.”
I heard her sigh as if she was in relief. Napatingin tuloy ako kay Indigo na ngayon ay tagaktak na ng pawis.
“I assure you,” bulomg ko nang magtama ang tingin namin sa isa't isa. Nginitian niya ako pero sinimangutan ko lang siya. Akala naman ng mga kasama ko ay sila ang nginitian kaya nagwawala sila sa kilig.
I stood up and walked out to buy drinks. I can't take his smile. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
PAGKABALIK ko ay sina Frenz na ang maglalaban. Kalaban nila ang team ni Kelly.
Pinagmamasdan ko lang sila habang ang team nina Frenz ay natatalo.
Jona blocked the ball and then Kelly jumped to spike it. Sobrang lakas ng pagpalo niya kaya hindi nasalo ni Leslie at tumama ito sa ulo niya.
Imbes na makisimpatya ay parang wala lang na nag-appear ang anim na miyembro sa kabila na parang hindi sila nakasakit ng kapwa.
Madaliang napalapit ang mga ka-team ni Leslie sa kanya. Napahigpit ako sa hawak kong pakete ng strawberry milk matapos kong inumin.
Hindi ko naiwasang mapataas ang kilay nang mapatingin sa akin si Kelly at ngumisi na parang demonyo.
She's insane. I know she intentionally did that.
“Please don't go later.” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Indigo. Napiga ko tuloy ang iniinom ko at sumirit sa mukha niya. Hindi ako makakilos para kumuha ng wipes sa pants ko para ipunas sa kanya. Natulala lang din siya saglit.
Nang makakilos ay kinuha ko na ang wipes at binigay iyon sa kamay niya.
“Sorry. Wipe your face. Bigla ka kasing nanggugulat.”
Marahan niyang pinunasan ang mukha niya at ako naman ay inubos ang natitirang inumin ko.
“Please, don't go later…” Mahina ang pagkakasabi niya pero muli akong napalingon sa kanya.
Unti-unting napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “And why?”
“I am the reason why you're in this situation. Let me fix this. I don't want you to get involve again.” I can't help but to look at his worried face. I understand him but I don't want to look like I'm scared with those freaks.
“Ayaw ko. I will go no matter what you say.”
“Please, gugulo lang lalo kapag nakialam ka pa. Let me handle this.”
I hissed when he said that. “Sarili mo nga hindi mo maipagtanggol, ako pa kaya? Isa pa, ayaw kong masabi nila—”
“Hindi mo sila kilala! Kapag napagtrip-an ka nila, hindi magiging maganda ang pananatili mo rito.” Gusto ko siyang batukan nang sigawan niya ako pero mabilis din namang bumalik ang boses niya sa mahina. Tumutulo pa ang pawis niya at halos namumula pa rin ang mga pisngi dahil sa paglalaro. “I’m not as weak as you think. Please, if you want to get a peaceful life here, don't come.”
Hindi ko agad naitanggal ang kamay ko nang kunin niya ito at ilagay ang lalagyan ng wipes sa palad ko.
“Hindi na makakalaro si Leslie. Sumakit ang ulo niya,” narinig kong sabi ni Sir Javier kaya napalingon ako.
Mabilis akong tumayo at bumaba para itapon sa basurahan ang pakete ng strawberry milk at itinaas ang kamay ko. “Ako ang papalit, sir.”
Tumango si sir at paika-ikang naglakad si Leslie palayo. Nang malapit na siya sa akin ay inabot ko ang wipes sa kanya. “Hawakan mo muna.”
I'll take revenge for you, anang isip ko.
Halata namang pinagkakaisahan siya nina Kelly, Jona at Denise kaya ako na ang bahalang maghiganti.
Nag-stretching muna ako habang nakatitig kay Kelly na naghahamon na ang mga mata.
Pumwesto ako sa bandang likuran para mag-serve. Pinatatalbog ko ang bola nang lumapit sa akin ang ka-team ko para makipag-appear.
Nang pumito na si teacher ay inihagis ko sa ere ang bola, tumalon nang bahagya at hinampas ito nang malakas.
Mabilis akong kumilos nang nakarating na sa kabila ang bola. Naging smooth ang laban pero nang i-spike ni Kelly ang bola, mabilis ko itong sinalo kahit napakalakas ng pagkakabato niya. Napahiga at sumadsad ang braso ko sa sahig para lang masalo ito.
“Frenz!” tawag ko sa kanya at nakuha niya naman agad. Sinalo niya ang bola at ipinasa kay Yassi.
Agad akong bumangon upang malakas na ipalo ang bola na nasa ere. Pilit sinalba ni Kelly ang bola pero hindi na niya nakuha. Sumadsad din siya sa sahig at ramdam ko ang sakit ng katawan niya nang makita ko siyang ngumiwi.
O, ano ka ngayon? Huh!
Pumito si Sir Javier para bigyan kami ng puntos. Agad kaming nagkumpol sa gitna para bigyan ng tapik ang isa't isa.
“Nice, Strawberry!” puri ni Frenz.
Sinulyapan ko ang tatlong babae sa kabilang court at hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanggigil na tingin nila sa akin. Umarko paitaas ang labi ko upang ngisian sila.
Nagpatuloy ang paglalaro namin at laging natutumba si Kelly kapag sinasalo niya ang mga spike ko.
Hindi ko alam kung napansim ng ibang member na mainit ang palitan namin ni Kelly ng bola. Halos kaming dalawa na lang ang kumikilos sa team.
“Frenz's team wins!” anunsyo ni Javier saka lang natigil ang palitan namin ng pagbato.
I put my hands on my knees and still catching my breath. The game was too tough but I'm satisfied with the result. I hope Kelly reap what she sow.
“Magpahinga na kayo, thank you for the good game, Kelly and Strawberry,” natatawang sabi ni Teacher habang naiiling.
I must say, Kelly is very good at this game. I find it hard to win this game but since for some reason she is distracted, the table turns.
Isang tapik sa balikat ang binigay ni teacher kaya napaayos ako ng tayo. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko.
“If you want to join the volleyball team, just inform me. We would be happy to welcome you.”
Malapad na ngiti ang ginawad ko kay teacher at marahang tumango. Muli niya akong tinapik sa balikat bago bumalik sa gitna ng court para tawagin ang bagong maglalaro.
Nang makaupo ako sa bleachers, kung anu-anong pang-uuto ang ginawa nina Frenz at Yassi para lang purihin ako. Nariyang minamasahe ang balikat ko at pinapaypayan.
Naramdaman ko ang presensya ni Leslie sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero ang mga mata niya, parang nangingilid na sa luha.
Inutusan ko ang dalawa na kumuha ng maiinom. Mabilis naman silang bumaba para pumunta sa cafeteria.
Malayo kami sa iba naming kaklase, dalawa lang kaming natira sa gilid. Humalukipkip ako at hindi lumilingong nagsalita.
“Kailan pa nagsimulang i-bully ka ng mga iyan?” I asked but it took seconds before I heard an answer; Leslie just cried.
“Simula nang hindi ko siya pahiramin ng notes ko noong grade 8. Pagkatapos n'on, pinapalabas na niyang masamang tao ako sa classmates namin. Iniwasan na ako ng mga kaklase ko, lagi nilang kinakampihan si Kelly. Wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko.”
Napapikit na lang ako nang sabihin niya iyon. Her life became miserable since Grade 8. I know the feeling that people would not gonna take your side just because you do not have the voice. You're not rich, pretty and nice to them. They wouldn't even bother to know the story behind it.
“From now on, don't be afraid. Say what you want, do what you want. Don’t care about others. Kapag pinakialam ka nila, sabihin mo sa akin.”
“H’wag na, Peach. Mahirap silang kalaban. Madadamay ka lang.”
“Wala akong pakialam, Leslie. Sa tingin mo ba, nakakatuwa makakita ng tao na walang laban sa mga payasong kagaya nila. If you don't fight, I will do it for you.”
We aren't close. Absolutely, no. But there's something on her that I cannot resist.
A back hug shook me that I can't make a move. A warm gentle arms wrapped around my body.
“Thank you, Peach. You still haven't changed,” bulong niya sa akin at matulin na tumakbo palayo.
Nang mahimasmasan ako ay hindi ko kaagad namalayan na nakangiti na pala ako.
71121
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top