KABANATA 4: MISS NICE GIRL
SIMULA n'ong sabado, araw kung kailan ko dinala si Indigo sa ospital, ngayon lang siya pumasok kung kailan biyernes na.
Nakakaramdam ako ng pagkainis at pagkairita dahil buong klase lang nakatitig sa akin si Indigo. Nakatukod ang kaliwang siko niya sa lamesa at sa akin siya nakaharap. Hindi ko tuloy maiwasang mailang sa ginagawa niya.
“Don’t look at me,” madiin kong pagkakaksabi saka itinusok ang ball pen sa notebook ko.
“I’m sorry, I can't help it,” bulong niya kaya lalo akong namula dahil sa pagkaasar. Pakiramdam ko puputok na ang ulo ko sa pagkainis. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.
“I told you not to talk to me,” paalala ko sa kanya kaya napaayos siya ng pagkakaupo at tumitig sa pisara.
Nakaramdam ako ng ginhawa nang marinig ang bell, senyales na break time na.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagmamadali akong naglakad papunta sa pintuan.
“Straw, wait for me!” malakas na sigaw ni Indigo. Naagaw niya tuloy ang atensyon ng mga kaklase naming nagdadaldalan. Natahimik ang buong classroom.
Matatalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Tss…” I hissed. He just shrugged his shoulders and walked towards me.
Naiinis na nagpatuloy ako ng lakad pero hindi ko napansin ang tatlong babae sa harap ko. Nabangga ko ang balikat ni Kelly. Narinig ko ang malakas niyang daing kaya napalingon ako sa kanya.
“Okay ka lang, Kelly?” tanong ng classmate kong si Jona.
“Masakit ba, bes?” segundang tanong ni Denise.
Pinukulan ako ng masasamang tingin nina Jona at Denise.
“Sa susunod mag-ingat ka naman, may injury si Kelly sa balikat. Nag-practicevsiya kahapon,” masungit na sabi ni Jona.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita dahil alam ko namang may kasalanan din ako.
“Okay lang ako, hindi naman gaanong masakit,” sabi ni Kelly pero napangiwi siya.
“Halika na nga, baka lalo kang masaktan.” Inirapan ako ni Jona bago yumakap sa baywang ni Kelly.
I decided to let it slide when Jona intentionally bumped my shoulder, but I raised my brows when I saw Kelly’s face before they went out of the room.
Did she smirked at me? I asked to myself.
A tap on my shoulder got me back to reality. I saw Indigo smiling like an idiot while his hand was on my shoulder. I harshly removed his hand and pulled his collar.
“Aren’t you listening? I told you to stay out of me. Don’t you even dare to talk to me.” I let him go and went out of the room.
HINDI ko magawang alisin ang mga mata ko sa babaeng nasa front row. Masaya siyang nakikipagkwentuhan at ngumingiti. Isang buwan pa lang ang pasukan kaya nahihirapan pa akong kilalanin ang classmates ko. But, all I knew was Kelly is a nice and pretty girl. Mas marami ang nakikipagkaibigan sa kanya at nakikipagkilala.
Halos lahat ng tumatabi sa kanya ay hindi napapansin. Siya lagi ang nag-i-stand out. I just wonder why she smirked at me.
Is it a winning smile? Is she hiding her real identity?
Baka naman natuwa siya dahil pinagtanggol siya ng mga kaibigan niya.
Jona suddenly noticed me gazing at them. She scanned me from head to toe. This girl is really getting into my nerves. She whispered at Kelly and the latter glanced at me.
Her face looks so innocent when she looked at me, but her eyes shifted to my seatmate. Just a second, she laid her eyes on me again. I saw a face of feeling insecure.
Out of curiosity, I glanced at Indigo and was shocked his attention was on me. I nudged him out of anger.
Nakakainis talaga itong lalaki na ito. Lahat ng inuutos ko, sinusuway niya.
Tumalikod siya sa amin at biglang tumayo. Hindi ko inalis ang tingin ko nang lumapit siya kay Indigo at may ipinatong sa desk namin. Isang music sheet.
“Marami ang nakapagsabi na magaling ka magbasa ng nota, pwede mo ba akong turuan?” painosente niyang tanong na nakadikit pa rin ang mga mata sa katabi ko.
Nangiwi at napasinghap ako. Natatawa na lang ako sa mga galawan ni Kelly. Akala ko pa naman pa-hard to get siya, para-paraan din pala.
Napuno ang klase ng buyuan. For the first time, gusto ko nang dumating ang teacher namin.
Iniwas ko ang tingin at sumulyap na lang sa may pinto. Sana may magbukas na noon at magturo na lang.
“Sure, pero hindi sa ngayon,” sagot ni Indigo.
“Oy, bagay kayo!” may biglang sumigaw na lalaki kaya lalong nagkabuyuan.
Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa cellphone. Nag-i-scroll ako ng kung anu-ano para lang hindi sila pansinin. Inilalim ko ang phone sa desk para kapag may teacher na dumating, maitago ko kaagad.
“Hala, 'wag kayong ganyan, nahihiya tuloy ako,” malumanay na sabi ni Kelly. Naasar ako dahil hindi ko maiwasanag makinig. Sana pala dinala ko ang earphones ko.
“Tama na, baka magselos katabing babae ni Indigo.” Naiirita na talaga ako sa boses palakang si Jona.
“Sino? Wala naman akong nakikita.” Napahinto ako sa pag-scroll nang sabihin iyon ni Kelly.
Tila tinitira ako ng magkakaibigan ito, ah. Hindi ba ako babae sa paningin niya? Iniinsulto yata nila ako.
Nakaramdam ako ng tawanan at hindi ko ito nagustuhan. Naririndi ako sa mga tawa nila. Pakiramdam ko, ako ang iniinsulto ng mga tawang iyon. Gusto kong patahimikin ang mga bunganga nila.
Eh, kung tahiin ko kaya ang mga bibig nila?
Nag-angat ako ng tingin at nakita na nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ko napigilan ang pagtalim ng mga tingin ko.
Ano kaya kung tusukin ko ang mga mata ni Kelly, saksakin siya sa ulo ng ball pen, pilipitin ang mga braso niya at suntok-suntukin ang kanyang mukha? Mukhang masaya iyon.
Tumayo ako at hinawakan ang ball pen. Kating-kati na akong itusok iyon sa ulo niya. Akala mo kung sinong mabait, may tinatago pa lang kademonyuhan.
Iniangat ko ang aking baba. Mahigpit ang aking pagkakahawak sa ball pen. Iaangat ko na rin sana ito nang marinig kong magsalita si Indigo kasabay ng paghawak niya sa kamay ko na agad niya ring binitiwan nang parehas kaming makaramdam ng pagdaloy ng kuryente sa katawan.
“Babe, sasamahan mo ba ako sa library ngayon?” tanong ni Indigo kaya nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya.
Babe? Mukha ba akong baboy?
Nagbulong-bulungan ang mga kaklase namin. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang pagkagulat nila lalo na si Kelly.
“Ano’ng sabi mo?” Nanggigigil na inapakan ko ang kanyang paa.
Nakita ko ang pagpipigil niya na sumigaw dahil sa sakit. Tinapik-tapik niya ang braso ko para lang pahintuin ako.
“B-babe? In a relationship ba kayong dalawa? I'm sorry, hindi ko sinasadya.” Nanlulumo ang mukha ni Kelly na yumuko at tumakbo naglakad papunta sa upuan niya.
Itinigil ko ang pagtapak kay Indigo.
“Mali kayo ng iniisip, hindi ko siya gusto,” paliwanag ko sa kanilang lahat na parang hindi naman nila narinig.
Parang sasabog na ako sa sobrang inis. Kailangan kong mailabas ang nararamdaman ko. Huli na nang maisip kong mali ang ginawa kong pagtusok ng ball pen sa desk kung saan malapit ang kamay niya. Natulala siya sa ginawa ko.
“We will talk later,” pagbabanta ko sa kanya at nahuli ko siyang napalunok.
Pabagsak akong umupo, naiinis na naman ako. Kailangan ko itong ilabas. Mabuti na lang wala na kaming pasok bukas.
Dumating na ang aming teacher. Nakahinga ako nang maluwag dahil na-divert ang attention ko sa kanya. Mabuti na lang talaga dumating siya kung hindi baka binasag ko na mukha ni Indigo.
Nakailang subjects pa kami bago natapos ang klase. Nagpapasalamat ako na makakapagpahinga na uli ako kahit sinabi ng teacher namin na magkakaroon ng exam next week, wala lang akong pakialam.
Nakita kong tatayo na si Indigo kaya hinila ko siya pabalik sa pamamagitan ng paghila ng kuwelyo niya sa likurang bahagi.
“Saan ka pupunta? Mag-uusap pa tayo!” hiyaw ko sa kanya. Mata niya lang talaga ang walang latay.
“C-C-CR lang ako,” paliwanag niya. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko pero lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak.
Sinabi ko na noon sa sarili ko na magla-lie low ako sa kaguluhan sa school pero hindi ko yata iyon matutupad kung may ganito kakulit na lalaki sa paligid ko.
Bigla ko siyang nabitiwan nang dumating na sa labas ang mga babae mula sa last section. Paniguradong hakot na naman ito ni Jillian. Hindi na nadala.
“Aish, nasa tapat na naman sila. Ikaw kasi pinigil mo ako,” paninisi sa akin ni Indigo kaya napataas ako ng kilay.
Parang kasalanan ko pa talaga ang lahat.
Palabas na ng pintuan si Indigo nang tumili nang malakas si Kelly. Lahat ng atensyon maging ang limang babae sa tapat ng classroom namin ay napatingin.
Nakita na lang namin si Kelly at isa naming classmate na hindi ko maalala ang tamang pangalan. Leslie ba o Lia? Hindi ko alam. Hindi naman kasi siya pansinin, lagi lang siyang tahimik. Nakapuwesto siya sa dulong row. Nakagayak na siya pauwi, nasa tapat na siya ng aisle nina Kelly nang mangyari ang eksena
Nasa mukha nito ang pagkabigla sa sigaw ni Kelly. Agad na napatayo ang mga kaibigan maging ang ibang kaklase namin ni Kelly sa loob ng klase. Tila anumang oras, susugurin na nila ito.
“Leslie, wala sa akin ang notes mo, okay?” Hinablot ni Kelly ang kulay pink na bag kay Leslie. “Ibalik mo sa akin ang bag ko!”
“P-pero, ikaw ang nag-abot niyan sa akin. Tinanong lang naman kita kung naibalik mo na ang notes ko." Nagtataka ang mga mata ni Leslie, parang gulung-gulo ang utak niya.
“Noong miyerkules ka pa nagtatanong, sinabi ko nang wala sa akin.” Puwersahanng hinila ito ni Kelly.
Marahang binitiwan ni Leslie ang bag pero nagulat na lang kami na natumba si Kelly at tumama ang balikat sa desk na malapit sa kanya.
Nabigla silang lahat nang humiyaw na tila nasasaktan si Kelly.
Napangiwi na lang ako sa pinaggagawa ni Kelly. Sabi ko na, something is off with this girl.
“S-sorry,” paumanhin ni Leslie.
Itinulak nang malakas ni Jona si Leslie. “Ano bang problema mo? May injury si Kelly sa balikat! Anong gagawin mo kapag lumala 'yan? Hindi na siya makakasali sa volleyball team!” bulyaw nito kaya nahintakutan naman ang isa.
“H-hindi ko naman sinasadya. Binitiwan ko 'yong bag nang maayos.” Kinakabahan na ang itsura ni Leslie.
I crossed my arms above my chest. Para akong nanonood ng telenovela. Ganito 'yong mga eksena sa kontrabidang nagpapanggap na mabait, e. Nangyayari pala ito sa totoong buhay.
Mas masahol pa siya kaysa kay Jillian, bulong ko sa sarili.
“Ang sama mo, Leslie. Wala namang pinakita sa 'yong masama si Kelly. Pinagtatanggol ka pa nga niya kay Jillian kapag pinagtatampulan ka ng tukso dahil sa itsura mo,” my gay classmate said. Namaypay pa siya at nagtaas ng kilay sa babae.
Umiiling lang si Leslie sa sinabi niya. “Hindi ko sinasadya. Tinanong ko lang nam—”
“Mag-sorry ka na lang,” komento ng isa kong kaklase na lalaki. “Say sorry to her.”
Pinagtulungan nina Jona at Denise na makatayo si Kelly na nakahawak sa kanyang balikat.
“Bakit ba kayo ganyan sa kaibigan namin? Wala naman siyang ginawang masama,” wika ni Jona kaya natawa na lang ako.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakakita ng sungay na tumutubo sa ulo ni Kelly habang napaglalaruan niya ang mga tao sa paligid niya. Halos lahat ng kaklase namin ay kumakampi sa kanya. Nakakatawa lang talaga. Look how unfair this world is.
“Hayaan niyo na, umalis na lang tayo rito,” aya ni Kelly sa mga kaibigan saka nilingon si Leslie. Hinawakan niya pa ito sa balikat at nginitian. “I forgive you, Les.”
“Pero… I didn't do anything to you,” sagot ni Leslie na hindi yata nagustuhan ni Kelly dahil kitang-kita ko ang pagseryoso ng mukha niya bago muli tipid na ngumiti.
“Huh! Kitang-kita ng lahat dito ang ginawa mo!” Hindi na yata nawawalan ng ibabala itong si Jona. Nakakairita ang boses niya.
Pinipigilan sila ni Kelly at inaya na lang na lumabas. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga mata ng mga kaklase ko sa tuwing mapapadako ang tingin nila kay Leslie. Mahahalatang naiinis sila rito.
Hindi ko namalayan na wala na pala si Indigo sa tabi ko maging ang iba naming kaklase.
“Ang plastic talaga ng tatlong ugat na ito!” sigaw ni Jillian kina Kelly na sinundan sila ng tingin bago dumaan sa kabilang direksyon.
Nanghihinang napaupo si Leslie sa bangkong malapit sa kanya. Dalawa na lang kaming natira sa loob ng classroom. Hindi ko maiwasang kaawaan siya. May naaalala akong tao sa kanya. Bakit tila sumpa ang eskwelahan na ito? All of them reminds me of my past. Kung pwede lang maglaho, ginawa ko na.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginawa. Siguro ay dahil nakaramdam ako ng awa. Naniniwala ako sa kanya pero wala ako sa puwesto para mangialam sa kanya.
Inangat niya ang tingin. Nagulat pa siya nang makita ako. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko siya iniwan.
22121
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top