KABANATA 3: I HATE INDIGO
"You will never understand me. I have someone I should protect, this is my way of protecting them. Please, don't get involve with me again.”
Umarko paitaas ang gilid ng labi ko nang maalala ang sinabi ni Aella. Iginagalaw ko ang swivel chair mula kaliwa papuntang kanan, nakahalukipkip ako habang malalim na pinag-iisipan ang katagang iyon.
Naglaho ang pagngisi ko nang maalala ko ang isang bangungot na dala-dala ko hanggang ngayon. Siguro nga, tama ang sinabi ni Aella, hindi ko siya maiintindihan.
Ikiniling ko ang ulo upang iwaksi ang nasa isip ko. I should move on.
Lumingon ako sa desktop nang tumunog ang phone na nasa gilid nito. Mabilis kong hinablot ito at tiningnan kung sino ang nag-chat.
Frenz, my classmate sent a photo of Indigo. Nakasuot ito ng jersey habang may hawak na bola sa kanyang kamay.
‘Kyaa! Ang gwapo talaga ni Indigo!’
'Para nga siyang korean, 'no? ganda ng mukha niya'
‘Sa tingin mo, may girlfriend na kaya siya?’
‘Malamang. Sa guwapo niyang iyan, imposibleng wala'
Napapangiwi ako sa mga nabasa kong palitan ng chat. Kasalukuyang nag-uusap ang dalawang classmate ko na sina Frenz at Yassi.
Pabalibag kong itinapon ang phone sa kama. Nakakasuka naman ng mga pinagsasabi nila, hindi ba sila kinikilabutan?
Gwapo lang naman si Indigo. Uso ang mga ganoon itsura sa ngayon. I just don't get it why they really like him. Dahil kung ako lang ang tatanungin, hinding-hindi ko magugustuhan ang katulad niya.
Naalala ko pa ang una naming pagkikita, nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya magpakasaya sa bar kasama ang tatlong babae na pinagsasalit-salitan niya ng halik. Ang mga babae naman ay hindi nagrereklamo, parang natutuwa pa sila. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa bar, e, underage pa siya. Pero kunsabagay, kahit ako nga ay nakalusot.
For Pete's sake, may purpose naman ako kaya ako naroon. My uncle owns that bar.
Samantalang sa school namin, napakabait at gentleman niya.
Hindi niya alam na iyon ang isa sa dahilan kung bakit ko siya kinaiinisan. He's a two faced jerk.
Tumunog ang intercom na nasa pader. Agad akong tumayo upang sagutin dahil malamang si uncle ang tumatawag.
“Peach, sumama ka sa akin mamayang gabi sa resto bar. We need a singer,” wika ni Uncle Shawne na sinang-ayunan ko.
“It’s so awkward to call you Peach,” natatawang dagdag niya. Tipid na ngiti lang ang itinugon ko. “But I do hope na sana maging normal na ang lahat.”
Malakas at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nagpaalam kay uncle.
Nakatayong inilapat ko ang aking likod sa malamig na pader. Ipinikit ko ang pagod kong mata saka dumausdos pababa dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Kung ganoon lang kadali ang lahat. Sana noong una pa lang, nagawa ko na.
Muli kong sinulyapan ang cellphone. Kinuha ko ito sa kama saka bumalik muli sa pagkakasandal. Dahil nakapatay ito ay nag-reflect ang mukha ko sa screen.
Marahan kong hinaplos ang mukha ko. I feel so relieved with this face but at the same time, I was sad. This face saved me from my miserable life but it also gives me sadness and depression.
Inuntog-untog ko ang aking ulo. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ipinikit ang mga mata. Nakatakas na ako, nalagpasan ko na ang madilim kong nakaraan pero hindi ko pa rin makalimutan ang lahat.
Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Ang iyak ko ay naging hagulgol at naging panaghoy.
MALAKAS na palakpakan ang aking narinig matapos kong tumugtog sa gabing ito. Mabilis akong bumaba ng stage para pumunta sa kusina ng bar. Agad kong kinuha ang tatlong bottled water saka uminom. Inihagis ko ang isang bote nang maubos ko ito saka binuksan ang isa pa. Hingal na hingal ako nang maubos ko ito. Ikakamatay ko na yata itong pagkanta.
“Okay ka lang, Peach?” tanong sa akin ng waiter na si Jeff. Nag-aalala ang kanyang mukha nang silipin ang ulo kong nakayuko. Umiwas ako ng tingin at hinawakan ang dibdib ko.
Madali akong hingalin sa pagkanta. Hindi ko na kayang kumanta ng sobrang tagal. Kinailangan kong kumanta dahil sa dami ng requests na natatanggap ko. Hindi sumipot ang dapat na tutugtog ngayong gabi.
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
“Are you sure?”
Napapikit ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko. I should control my temper yet this guy is provoking me. “Yes, po. I just need to rest.”
“Umupo ka mu—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hablutin ko ang jacket ko na nakalagay sa upuan saka tinungo ang pinto.
Bago ako makalabas nang tuluyan. Nilingon ko ang mga tao sa kitchen. Mula sa chef hanggang sa dining staff.
“Pasabi kay tito, umuwi na ako. I can't sing anymore.” Nagtuluy-tuloy na ako palabas. Pasimple kong kinuha ang gitara ko sa gilid ng stage na matapos kong ipasok sa lagayan at tuluyang pumunta sa back door upang doon lumabas.
Malakas kong isinara ang pintuan. Sumilip-silip ako sa paligid bago naglakad habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng aking pantalon. Ang aking gitara ay nakasukbit sa likurang bahagi ko.
Kung ako lang ang masusunod, I don't want to be here. I hate people especially those who act like they love each other. Hindi ako naniniwala sa salitang pagmamahal. Walang gano'n, walang permanente sa mundong ito. Hindi mo rin alam kung loyal ba ang taong nagsabing mahal ka lalo na ang mga lalaki.
Nature sa kanila ang maging taksil.
Napahinto ako sa paglalakad. Kinuha ko sa bulsa ang nakaplastic kong strawberry stick-o. Isinubo ko iyon na para akong hihithit ng tabacco. Ipinagpatuloy ang paglalakad na parang isa akong gangster sa palabas.
It’s already 3 am yet I courageously walks alone. Malapit lang naman kasi ang bahay namin sa resto bar. Mga 20 minutes. Isa pa, buhay lagi ang street na ito, hindi nawawalan ng mga tao kaya hindi ka mangingimi 'yon nga lang, hindi matitino. Kaliwa't kanan kasi ang club, gay bar at resto bar.
Malayo pa lang ako, tanaw ko na ang mga nagkukumpulang lalaki sa daraanan ko. Puro mura ang naririnig ko, nang makalapit ako ay saka ko nalaman na mayroon silang kinukuyog na lalaki. Mga wala silang takot na mahuli dahil nakatapat pa sila sa light post na sobrang liwanag akala mo'y kukunin ka na papunta sa kabilang buhay. Ang mga tao sa paligid ay walang pakialam sa pinaggagawa ng mga ito. Tantiya ko'y mga kaedaran sila ng mga college students.
May dalawang babae sa gilid na pilit sinasaway ang limang lalaki sa pagbugbog subalit hindi sila pinakikinggan.
I was about to ignore them when I saw the guy who received the beating. Napanganga akong nakatayo sa harapan nila, nabitiwan ng bunganga ko ang stick-o sa sobrang gulat.
Puno ng dugo ang kanyang mukha na nanggagaling sa kanyang noo at ilong. Hindi pa nakuntento ang isang lalaki, binasagan siya ng bote sa ulo.
“Tama na! Bata lang 'yang binubugbog niyo!” narinig kong saway ng babaeng nakasuot ng pink dress. Inawat siya ng isa sa limang lalaki.
“Paano 'yan naging bata? Puwede na 'yan makagawa ng bata, eh!” panunuya ng kalbong lalaki.
“Grade 10 pa lang 'yan!” sagot ng isang babae na nakasuot ng yellow crop top. Mababakas sa kanyang boses ang takot at inis.
“Hoy, ikaw!” Napabalik ako sa kasalukuyan nang ituro ako ng lalaking mataba. “Ano’ng tinitingin mo? Gusto mong basagin ko mukha mo, ha?”
“Tsk,” tangi ko lang nasabi. Aalis na sana ako nang magtama ang mga mata namin ni Indigo. Sa isip ko, mabuti nga na nangyari sa kanya iyan. Babaero kasi. ke-bata pa, pumupunta sa ganitong lugar.
I pretend like I saw nothing and plans to stepped out of their way when I heard him say my name. “Straw…” he grunted.
I can feel the pain in his voice. I want to help but I know it will put me in no good. One more thing… he's Indigo Grey. I don't want to help a guy like him. He deserved it.
Pikit-mata akong naglakad ngunit nakatatlong hakbang pa lang ako, may narinig ako na hindi naging maganda sa pandinig ko.
“Straw? Ano'ng gagawin mo sa straw? H'wag mong sabihing iinom ka pa ng softdrinks?” Malakas na tawa ang pinakawalan ng lalaki matapos sabihin iyon.
“Straw… Straw…Berry.”
“Strawberry? Kawawa naman ang batang iyan, nagugutom ka na? gusto mo ng strawberry,” pang-uuyam na sabi ng isa pa.
Ikinuyom ko ang kamao bago bumuntong-hininga. Ang isa sa ayaw ko ay ang pinagtatawanan ang pangalan ko.
Lumingon ako sa kanila at saka umatras ng tatlong hakbang para bumwelyo. Tumakbo ako palapit at sinipa nang malakas ang mukha ng huling lalaking nang-uyam sa pangalan ko.
INAAANTOK na napasandal ako sa pader habang nakaupo sa waiting area ng hospital. Papikit pa lang ang mga mata ko nang may tumawag sa akin.
“Strawberry Peach?” tanong ng nurse.
Nababagot na itinaas ko ang kamay at mabagal na tumayo.
“Okay na po ang pasyente.”
Inikot ko ang mga mata sa sobrang inis nang maalala ko ang mga naganap. Hindi ko na naman nakontrol ang sarili ko.
Nakapanakit na naman ako ng mga tao. I hate myself for doing this again but they humiliate my name. Isa pa, hindi ko kayang makita na may taong hindi ko na naman matutulungan.
I hate being a loser, I hate to see someone I know being bullied or being beaten in front of me. I hate doing nothing about it. I just hate.
Hinawi ko ang kurtina na nakatabing sa inokupa niyang treatment ward. May benda ang ulo at kamay niya. May mga kaunting pasa rin siya sa mukha. Maging ang kanyang labi ay hindi nakatakas sa mga sugat subalit nagawa niya pa rin akong ngitian.
“Straw.”
“…Berry,” dugtong ko sa sinabi niya. Naiinis talaga ako sa kanya pero wala naman akong magagawa.
Hindi ko nagustuhan ang ngiti niya na parang natutuwa. Gusto kong pilipitin ang leeg niya dahil nagpapakita na naman ito ng pekeng kabaitan. Akala mo kung sino'ng mabait at hindi makabasag pinggan. If I know, that is his tactic to get girls.
“I never knew you're good at fighting. Akala ko ako lang ang kaya mong labanan,” wika niya na ikinakunot ng noo ko.
Siya pa lang ang nakakita kung paano ako lumaban talaga. Simula nang mangyari ang bagay na ibinaon ko na sa limot, napag-isipan kong matuto ng martial arts.
Ayaw ko nang maging mahina.
“Bakit ka nila binugbog?” tanong ko sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ay ngumiti na naman ito nang nakakaloko.
“You two-faced jerk,” bulong ko sa hangin.
“I don't want to talk about it. But thanks to you anyway. Those fools will get their karma. My family's lawyer will settle everything so you don't need to worry.”
I crossed my arms and gave him a smirk. “Bakit naman ako magwo-worry? Wala akong pakialam. Kung hindi niya pinagtawanan ang pangalan ko, hindi naman ako mangingialam.” Ipinaramdam ko sa kanya ang katotohanang wala akong pakialam sa buhay niya.
He smiled which made me frowned.
“Still, I thank you for saving me.” Lalo na namang lumapad ang ngiti niya kaya sinipa ko ang hospital bed.
“Did I tell you to smile?” Paulit-ulit kong sinipa ang bed kaya nabahala siya. Palakas kasi nang palakas ang pagsipa ko.
“Tama na, Straw. Baka magbayad pa tayo nito, eh.” Sinubukan niyang pigilin ang kama sa pag-alog pero wala siyang nagawa. Inihinto ko lang ito nang makita na nakasimangot na siya.
“I hate your smile, just don't smile.”
Tumikhim siya at umayos nang upo sa kama.
“Bakit ka ba galit sa akin?”
I rolled my eyes heavenward and move close to him. “Dahil peke ka. Akala mo kung sino kang mabait sa loob ng school, pero tuwing gabi lagi kang nasa loob ng bar para makipag-usap sa iba't ibang babae. Huwag mo nang tanungin kung paano ko alam. Ilang beses kitang nakikita sa bar ng tito ko.” Nabasa ko kaagad ang gusto niyang itanong base sa ekspresyon ng mukha niya nang sabihin kong nakita ko siya na may kasamang mga babae.
“Ah, 'yon ba? That's my duty.”
Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa ulo. Ganitong wala pa akong tulog, binabanatan niya ako ng mga ganitong sagot.
Sasagot sana ako nang magsalita siyang muli.
“My dad. He's a businessman. He wants me to mingle with his business partners' and shareholders' kids. And he even, arrange me to a girl I never met.” Nakaramdam ako ng awa sa mga sinabi niya.
Hindi ko alam na mayaman siya. Wala naman kasing pili sa school namin. Mahirap man o mayaman, pwedeng mag-aral doon. Isa kasi iyong malaking paaralan na hawak ng unibersidad na tinayo ng gobyerno.
“Ang mga nakaaway mo, anak ba sila ng tinutukoy mo?” Tango lang ang tangi niyang sinagot. “Why is he forcing you to be friend with them? Halata naman sa mga iyon na hindi ka pasok sa standard nila ng pakikipagkaibigan.”
Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri. “If you can't beat them, join them.”
Parang isang pana na tumusok sa aking dibdib ang sinabi niya. Awtomatikong naikuyom ko ang kamao. Ang mga salitang iyon, pinapaalala na naman ang aking nakaraan.
Naririnig ko ang mga sinasabi niya ngunit hindi maiproseso ng utak ko. Natigil lang siya sa pagsasalita nang tapunan niya ako ng tingin.
I bit my lower lip to prevent myself from crying. Why is everybody gives me a partial memory of my past?
“I hate you,” bigla ko na lang nasabi na ikinakunot ng noo niya.
“What?”
Sumulyap ako sa ibang pasyente na nakahiga sa mga kama. Sinisipat ko kung nakatingin sila sa amin at nang masiguro kong hindi ay muli akong tumingin kay Indigo.
“I hate you,” uli ko sa kanya. “Bakit kailangan mong makisama kung ayaw mo talaga sa kanila? Let your voice be heard. You idiot!”
Tumalikod na ako para sana umalis na pero bigla na naman siyang nagsalita.
“Uwi ka na? Salamat, ha. How can I repay your kindness?”
“Just don't talk to me in and out of school and don't call me Straw. Let's pretend like nothing happened,” malamig kong sagot sa kanya bago lumabas ng ward.
Naaalala ko lang ang sarili ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top