KABANATA 2: SCHOOL'S DISEASE


Tumingala ako upang tingnan ang maaliwalas na alapaap. I slowly closed my eyes. Hinayaan kong iduyan ng may kaunting kalakasang hangin ang mahaba kong buhok.

Masarap talaga tumambay sa garden.

There's a greenhouse garden inside the campus. Madalang lang may tumambay rito dahil mas gusto nila sa soccer field. Tatlong lugar ang tinatambayan ko; rooftop, library at itong garden.

Lumapit ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Inilapat ko ang likod sa sandalan. Naginhawaan ako sa aking ginawa. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

Nagsiuwian na ang ibang students pero heto ako at sasayangin ang isang oras sa loob ng garden. Wala lang, ayaw ko pang umuwi.

Binuksan ko na ang bag at kinuha ang libro na bagong bili ko. Inamoy ko muna ito. Napakabango ng amoy ng papel kapag bago.

Bubuklatin ko pa lang sana nang may marinig akong iyak. Tila siya sinasaktan dahil sa mga impit na naririnig ko.

"Haven't I told you not to mingle with Bryle? Sino ka ba sa tingin mo, ha?" matinis na wika ng babae. Hindi ko man sila nakikita, kilala ko naman kung kanino ang boses na iyon.

Pinilit ko silang hindi mapakinggan at nagsimula nang magbasa. Iwinawaglit ko ang mga iyak at mga hampas ng kung ano na naririnig ko.

"Sabi ko sa 'yo, gawin mo ang essay ko 'di ba? Nasaan na?" Panibagong boses ng babae ang narinig ko kasabay ng malakas na tunog. Sa palagay ko, sinampal nito ang kung sino man.

"This disease doesn't have a cure," bigla ko na lang nasabi na siyang nagpagitla sa akin.

Nagsimulang manginig ang pagkakahawak ko sa libro. I tried to stop myself but those memories were still haunting me.

Nabitawan ko ang aking libro, bumagsak ito sa may lupa. Namilipit ako  dahil sa kirot na lumulukob sa loob ko. Pilit kong pinupukpok ang aking dibdib dahil tila pinipiga ang puso ko.

Hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Habang naririnig ko ang pagpapahirap nila, dahan-dahang bumabalik  ang lahat ng nakaraan.

"Puwede bang tigilan niyo ako? Wala naman akong ginawang masama sa inyo," sa wakas ay narinig kong sabi ng inaabuso nila.

Hinagilap ko sila ng tingin habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng hininga. Hindi ko alam kung napapansin nila ako but I'm trying my best not to make a sound.

I rummaged my bag a get my bottled water and that thing. I forcefully opened, grab a little and put it in my mouth, then drank plenty of water until there's no left.

"Kapag nakikita kita, iyon ang kasalanan mo," tila nandidiring wika niya; ni Jillian.

Napatda ako matapos sumubsob sa upuan. Naalala ko na naman. Why is my past still haunting me?

Pumikit ako ngunit napadilat din agad nang marinig ko ang sariling boses.
"Whenever I see you, you are like a knife that stabs me from behind."

Pinilit kong sumandal muli. Hinagod ko taas-baba ang dibdib ko saka nagpakawala ng nakakadismayang paghinga. Do I need to suffer even more? Just one mistake and my life was completely ruined. But, do I need to stay this way for the rest of my life?

"Tama na, please!"

"Sinabi ko naman sa 'yo na pag-aari na kita kaya hindi ka puwedeng tumanggi sa lahat ng gusto ko!"

Puno ng inis na nagmartsa ako kung saan naroon ang ingay. Hindi ko na matiis ang naririnig ko. Kailangan ko na silang pigilan.

Pagkarating ko sa dulo ng garden, nakita ko sila snagtatagonatatakpan sila ng malalagong halaman ng greenhouse.

"You are my slave!" Naabutan ko si Jillian na hila-hila sa buhok ang kawawang estudyante. Nasa gilid naman ang tatlo pa niyang kasama na kapwa rin babae. Tila natutuwa pa sa ginagawa ng kaibigan.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng kaibigan ni Jillian nang marahas ko siyang sabunutan.

Jillian grunted. Sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Ibinalibag ko siya palayo sa babaeng sinasaktan niya.

Muntik na siyang matumba kung hindi lang naitukod ang paa niya nang mariin. She gave a furious glare. Naging alerto ako sa paligid dahil nasa likod ko ang mga kasama niya pero humakbang sila papunta sa likuran ni Jillian.

Tiningnan ko sila isa-isa. Bunch of crazy clowns.

"Ikaw!" turo sa akin ni Jillian. Nagulo ang kanyang iniingatang buhok. "Epal ka talaga sa buhay ko!"

Nai-imagine ko ang usok na lumalabas sa ilong ni Jillian.

I crossed my arms and sly a smile. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili? You pick weak people to be your toy."

"Hoy, transferee!" Natuon ang tingin ko sa babaeng nakapigtail ng buhok. "H'wag ka ngang mangialam dito."

"Paano kung gusto ko?" sarkastiko kong tanong habang pinagmamasdan sila. They're just weak students pretending to be strong.

"Huh!" singhap ni Jillian.

Naramdaman ko na may kamay na humila ng uniform ko mula sa likod. Nagtatakang lumingon ako aa babaeng nanginginig. "Please, ate. H'wag mo na silang patulan. Umalis na lang tayo rito."

Puno ng takot at pangamba ang itsura niya. paulit-ulit siyang umiiling at hinihila ang damit ko.
"Sino nagsabing aalis ka? Hindi pa tayo tapos!" bulyaw ni Jillian kaya hindi ko nasagot ang babae. Matatalim ang tingin kong bumaling kay Jillian.
"And who are you to dictate her? She's not your slave."

"Anak siya ng katulong namin. Which means, ganoon din siya just like her mother." Pinagdidiinan niya na lalong ikinainis ko.

"Now I know why you're in last section. You dumbass." Gusto ko nang hawakan at pilipitin ang braso niya hanggang sa mabali pero dahil siya si Jillian; na madaling mapikon, paglalaruan ko na lang siya gamit ang mga salita.
"What did you just say?!" Marahang kumuyom ang kamao niya
"Kung hindi ka ba naman tanga, bakit mo naman iisiping pag-aari mo siya? If you analyze it, katulong mo ang mama niya. So, that means, hindi siya ang nagtatrabaho sa 'yo kahit pa sabihin mong siya ang anak."
Magsasalita pa sana siya pero muli akong nagsalita.
"Second, her mom's job is in your house, nag-iisip ka bang tanga ka? Ang responsibilidad lang ng mama ay ang bahay niyo at hindi ang buong buhay niyo."

"Pera ko ang ibinabayad niya sa tuition even her food! That's our money."

"Third," pagpapatuloy ko. "Ang perang ibinibigay niyo ay pinagtrabahuan ng mama niya. Dugo at pawis ang puhunan niya roon. Dapat lang na magbayad kayo." Lumapit ako sa kanya. Mariiin kong dinutdot ang sentido niyar pero marahas niyang hinawi ang kamay ko.
"Isaksak mo 'yan sa nangangalawang mong utak."
Matatalim na tingin lang ang ipinukol niya sa akin saka mabilis na humakbang paatras.
"Sana naliwanagan kayo sa sinabi ko," baling ko sa iba pa niyang mga kasama na tila naestatwa sa ginawa ko.

"May araw ka rin sa akin." Puno ng galit ang mga mata ni Jillian na nakatingin sa babaeng nasa likod ko bago nilingon ang mga kasama.  "Come on!"

Nagmartsa sila palayo. Nakaramdam ako ng kasiyahan nang makitang nagpatalo siya ngayon. Jillian is fierce and a spoiled brat but she can't stand me.

"Everywhere I go; there are still people like them," bulong ko bago nagpakawala ng buntong-hininga.

"What did you just do?!" rinig kong bulyaw niya mula sa likuran kaya humarap ako sa kanya.

I looked at her from head to toe. Hinatak ko mula sa kanyang dibdib ang name pin niya. It says, 'Aella Ramirez'

"What? Aren't you thankful?" tanong ko habang nakataas-kilay.

Hinawi niya ang kamay ko para matanggal sa pin niya. Nangingilid ang mga luhang hinawi niya ang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.

"Pinalala mo lang ang sitwasyon. Tuloy, lagi na nila akong pagdidiskitahan and worst, baka pahirapan pa nila si mama. Thanks for your help," sarkastiko niyang sisi. Pinunasan niya mukha gamit ang palad. Pinulot niya ang kulay asul na bag saka nagmartsa.

"So, ganoon na lang 'yon? Hahayaan mo silang apihin ka? Alam mo ba kung bakit may mga ganoong tao? Dahil hinahayaan niyo silang tapakan kayo. Grow up, you fool." Tumigil siya sa paglalakad. Ang palda niya ay nababahiran ng lupa dahil siguro sa pagsubsob niya kanina, gusut na gusot ang kulay itim niyang chaleco. Ang kanyang puting polo ay puno ng kulay itim na dumi.

"You will never understand me. I have someone I should protect, this is my way of protecting them. Please, don't get involve with me again," makahulugan niyang sagot bago ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng greenhouse.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Who's protecting who? If you can't protect yourself, you can't protect someone either.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top