KABANATA 1: TEMPER
Kasalukuyang nagbabasa ako sa loob ng library nang marinig ko ang mabibilis na yabag ng nagtatakbuhang mga estudyante. Naririnig ko pang nagsisigaw ang mga babae at binibigkas ang pangalang rinding-rindi na akong pakinggan.
Lumingon ako sa nakasarang bintana. Naaninag ko ang mga anino ng mga dumaraan. Napabuntong-hininga na lang ako nang makalampas ang mga ito. Alam naman nila na nandirito ang library ni hindi man lang hinaan ang mga boses.
Bukod sa librarian na abala sa pagsusulat, ako lang ang nag-iisang tao rito. Breaktime na kaya ako narito at ginugugol ang natitirang oras. Ayaw kong nakikita ang mga estudyante ng paaralang ito kaya madalang lang ako pumunta sa cafeteria o sa mga lugar na madalas nilang tambayan.
Isang buwan na ang nakalipas simula nang magbukas ang eskuwelahan. Grade 10 na ako rito sa bago kong pinapasukang paaralan.
Marahan akong lumingon sa pintuan nang may magbukas noon na parang nagmamadali.
Humahangos ang isang lalaki na napatingin sa librarian maging sa akin. Hawak niya ang hinubad niyang polo dahilan para sando lang ang magsilbing panakip niya sa patpating katawan. Magulo ang necktie na nakasabit sa kanyang leeg.
Nakarinig na naman ako ng mga yabag ng nagtatakbuhang mga babae. Tumitili pa ang mga ito na parang kiniliti sa ewan. Mabilis na tumakbo papasok ang lalaki at lumapit siya sa gawi ko at sumuksok sa gilid. He knows no one will see him unless I stand out of the way dahil nasa sulok ako katabi ng malamig na pader ng library. Pilit niyang isinuksok ang sarili sa gilid ko kaya napaigtad ako.
Hindi ko naiwasan ang pag-ikot ng mga mata. Nagulo na naman ang pagbabasa ko nang dahil sa kanya.
"Lagi ka na lang hinahabol, Indigo," sarkatikong sabi ko. I flipped a page and pretend like nothing had happened.
Indigo Grey Meriz, he is one of my classmates, worst is, he is my seatmate.
The first time we met, I felt something is wrong with him. He always smiles like he was seducing girls all around him. I admit, he's charismatic and all of our girl classmates even gay really like him but for me, he's a weird alien guy.
"Help me this time, Straw." Nauntog siya sa desk kung saan nakapuwesto ang ulo niya. Tatawa sana ako kung hindi ko lang narinig ang itinawag niya sa akin. Parang bigla na lang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo.
"It's Strawberry, Indigo." Diniinan ko ang mga salitang binitawan ko saka ipinakita ang pin na nakaipit sa kaliwang dibdib para ipabasa sa kanya ang pangalang, 'Strawberry Peach Miralles'
"Ang haba kaya ng pangalang Strawberry, kaya Straw na lang," nangingising wika niya.
"Eh kung tawagin ko kaya mga chikababes mo? Ewan ko lang kung ano'ng mangyari sa 'yo."
Most of the students adore Indigo hindi lang dahil sa angkin niyang kaguwapuhan, maging sa pagiging kalmado, smooth talker at pagiging mabait sa kanila. Parang hindi siya marunong magalit, never ko siyang narinig na sumigaw dahil ako lagi ang sumisigaw sa kanya.
"Mabait 'yan si Straw, ayie." Dinutdot niya ang tagiliran ko para kilitin at hindi siya nabigo. Umusok ang ilong ko at hinampas sa kanya ang librong binabasa ko.
Bumukas ang pinto ng library, iniluwa noon ang tatlong babae na napakatitinis ng boses nang tawagin si Indigo. Makakapal ang mga kolorete nila sa mukha. Nakilala ko ang babae na nakaponytail ng sobrang taas. Akala mo maghahanda para maglaba. Siya si Jillian--isa sa mga aliparot ng section 8.
Iisang compound lang kami ni Jillian kaya nakikilala ko na siya. Noong una ko pa lang sa lugar na iyon ay lagi niya akong dinadaldal at kinakausap pero nang malaman niyang mag-aaral din ako sa school niya at section 1 pa, hindi na niya ako kinikibo.
Kahit nagkikita kami ay hindi na niya ako pinapansin. Lagi silang pumupunta sa classroom namin para lang masilayan at magpapansin kay Grey. Simula rin nang malaman niya na seatmate kami ng hinahangaan nila-dahil sa nakakalokang seating arrangement-ay lalong nag-init ang tingin niya sa akin.
Akala ko sa mga telenovela at wattpad lang may ganoon, mayroon din pala sa totoong buhay.
"Nakita mo si Indigo?" maangas ang pagkakatanong niya sa akin. Hindi ko naiwasan ang mapataas ng kilay sa kanya.
Sinulyapan ko ang libarian na tila walang pakialam kung may manggulo man sa loob. Basta abala lang siya sa pagsusulat. Bumalik ang tingin ko sa tatlong babae na ngayon ay tuluyan nang pumasok sa loob. Jillian crossed her arms over her chest. "Alam kong kilala mo siya, seatmate pa nga kayo e. Kaya 'wag kang magmaang-mangan."
I gritted my teeth in vexation. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. Tila may lihim siyang galit sa akin. Sumandal ako sa upuan, marahan kong inilapag ang librong binabasa ko sa lamesa at ginaya ang postura niya. Ipinakita ko ang half smile ko. Saglit kong sinulyapan sa ilalim ang lalaking sumira na naman ng araw ko.
"Ah, 'yong seatmate ko bang si Indigo? 'Yong kaklase kong guwapo na mabango pa? 'Yong lalaki na nahahawakan ko ang kamay kapag nanghihiram siya ng ballpen sa akin? Siya na lagi akong pinatatawa everytime na nakasimangot ako?" sarkastikong sabi ko.
Sinadya kong inggitin siya para makita ang matatalim niyang tingin kahit sa totoo lang gusto ko nang sumuka sa mga pinagsasabi kong kasinungalingan. We never had that kind of conversation. I always nagged Indigo for everything he do and say.
Never kong napansin kung nagpabango si Indigo. Kahit nanghihiram siya sa akin ng ballpen, hindi ko siya pinapahiram at higit sa lahat, kahit pinapatawa niya ako ay hindi ko magawang tumawa sa mga pangit at nakaka-boring niyang kuwento.
Nang magtagumpay ako, I smiled widely.
"Hindi ko siya nakita," dagdag ko saka ipinagpatuloy pagbabasa.
Nakita ko sa peripheral vision si Indigo na nagpipigil ng tawa. Binigyan niya ako ng mahinang hampas sa bandang tuhod kaya gumanti ako ng mahinang tadyak.
Tumama ito sa dibdib niya. He grunted silently which made the corners of my mouth twitched.
"Simple lang ang tanong ko, ang dami mong sinabi," narinig kong sabi niya pero hindi ko na sila tinapunan ng tingin.
I hold my book and read it again, pretending I do not care. I heard she slammed the door and started to shout Digo's name again.
"Lumabas ka na, or you want me to drag you out?"
Pagapang na lumabas si Indigo. Bago siya tuluyang makalabas ay naramdaman kong umangat ang skirt ko. Pagtingin ko ay sinilip niya pala ang panloob ko.
Natatarantang hinampas ko sa kanya ang libro. He fell on the floor but instead of getting mad. He rolled over like a crazy monkey.
"Soen!" he laughed teasingly. His hands were on his tummy.
Namumula ang mukha ko sa pinaghalong inis at pagkapahiya. Nakalimutan ko pala na maluwag ang butas ng shorts ko kaya nakita niya ang undergarment sa loob! Kainis!
"Manyak!"
Sa tanang buhay ko, ngayon lang may naglakas ng loob mag-angat ng palda ko. Hindi ko alam ang gagawin. Tatakbo ba ako sa pagkapahiya? Iiyak ba ako? O tatadyakan ko itong nasa harap ko hanggang sa ma-satisfy ako?
Ah, tama. Tadyakan ko na lang siya.
"Punyeta ka!" sigaw ko saka tumayo at walang habas na tinadyak-tadyakan siya sa tiyan. Umaaray siya pero tatawa na naman uli kaya lalo akong nabuwisit at lalo pang nilakasan ang pagsipa.
Bakit kaya ganito ang trato niya sa akin? Pero kapag sa iba naming kaklase ang bait-bait niya? Nakakagigil.
"Miss, Miralles, tigilan mo na 'yan." Napalingon ako sa malumanay na salita ng librarian. Mahinahon lang siya lagi magsalita. Mapapatunayang malinis ang tainga mo kapag narinig mo siya dahil sa sobrang hina ng boses niya, halos siya lang ang nakakarinig.
"Lumabas kayong dalawa," utos niya saka itinuro ang pintuan. "Tapos na ang breaktime."
Bago ko tanggalin ang paa ko sa kanya, sinamaan ko muna siya ng tingin at akmang sisipain ang mukha niya.
Naiinis talaga ako kapag nakikita siya. Kung bakit ba kasi kailangan pa kaming maging magkaklase.
Nagmamadaling nagtungo ako sa pintuan hawak pa rin ang libro na hiniram ko pero pinigil ako ng librarian dahil sa nagpasaway ako sa loob, hindi niya raw ako pahihiramin. Paboritong libro ko pa naman itong Percy Jackson series tapos hindi ko mahihiram nang dahil sa kalokohan ni Indigo.
Bagsak ang mga balikat na lumabas ako.
Nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino siya dahil sa pagsipol pa lang niya, kilalang-kilala ko na.
Nagmamadali akong pumunta sa locker area sa may pasilyo at binuksan ang sa akin. Kinuha ko ang libro, ballpen at notebook na gagamitin ko sa susunod na klase.
"Straw, pahiram naman ng ballpen para mahawakan mo ang malambot kong kamay." Narinig ko ang nakakaloko niyang tawa kaya naman agad kong sinara ang locker. I saw him leaning on the locker beside mine.
Inirapan ko siya. "Ulol." Naglakad na ako patungo sa room namin.
"You're late in my class," bungad ni Teacher Jane sa amin. Nagkaklasena pala siya.
"Sorry po." Hindi sinasadyang magkasabay kami ng paghingi ng sorry ni Indigo kaya nagkatinginan kami. Agad akong umirap sa kanya.
Dumeretso na ako sa may upuan. Agad kong inayos ang mga gamit ko. I suddenly stopped when he pulled the chair and sat beside me. Oo nga pala, magkatabi ngapala kami.
"Can you move a little? Masyado tayong dikit," wika ko. We share thesame table. One table per two persons.
Umusog naman siya nang kaunti kaya nakahinga ako. Kasalukuyan akong nagsusulat nang maramdaman ko ang pagbangga ng tuhod niya sa akin. Nalihis tuloy ang sulat ko kaya nasulatan bigla ito ng mahabang linya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nagmaang-maangan lang siya na nagkibit-balikat.
I bit my lower lip in frustration. Nakakapang-init ng ulo katabi itong lalaking ito.
-----end of Chapter 1
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top