Kabanata 5

Eldrin's Point of View.


Tinatanaw ko si Patch mula sa pwesto namin sa samgyeopsal. "'wag kang giraffe par, lapitan mo." Bulong ni Kenneth at bahagya akong siniko kaya ngumiwi ako at kumain na lang.

"Panay ka buyo," aniya ko.

"Tange suggestion 'yon kanina ka pa kaya silip ng silip diyan." Sagot niya kaya bumuntong hininga na lang ako at dineadma na siya.

 Nung matapos kami ay sabay-sabay kaming naglakad papalabas pero ganon na lang kami natigilan ng makita ko si Patch na nakasakay na sa motor niya at hawak hawak ang helmet.

Ngumiti siya sa akin at sa mga kasama ko. "Until we meet again, Eldrin." Lumunok ako dahil ang astig niyang tignan.

"Oh p-par magpaalam ka na daw.." Siniko ko si Kenneth ng nakatitig ito kay Patch halatang namangha.

"I-Ikaw yung sa Milktea ng nakaraan diba?" Tanong ni Kenneth kaya tumikhim ako.

"Ah oo ako nga, Nice meeting you." Nakangiting sabi ni Patch sa kanila.

"Nice to meet you too." Nakangiting sabi ni Audrey.

"Alis na ako," wika ni Patch kaya napatango tango ako.

"Ingat ka sa daan," aniya ko at nginitian si Patch ngumiti siya pabalik.

"Ingat rin kayo," wika niya tapos muling ngumiti at sa harap namin ay sinuot niya na ang helmet niya kaya naman ng isindi niya na ang motor ay pinaandar niya na ito at ang mga kasama ko ay naiwang nakaawang ang bibig.

"Ang cool niya par!" Mabilis na sabi ni Kenneth kaya palihim akong ngumiti at umiling iling na lang.

"Ang astig niya, hindi ko inaasahan na siya pala yung rider nung nakaraan." Mahinang sabi ni Audrey at nakadungaw pa rin sa kung saan dumaan si Patch.

"Ano pangalan par? Akala ko ba hindi mo kilala?" Tanong ni Kenneth kaya luminga na ako at hinanap ang motor ko.

"Hoy snob nito." Sita niya kaya ngumisi na lang ako.

"Saan kayo nagkakilala?"

"Matagal na kayo magkakilala?"

"Hoy parang tanga 'to hindi sumasagot," wika niya kaya mahina akong natawa.

"Nakilala ko siya sa Monasterio, doon kami unang nagkita." Sagot ko tapos sumakay na sa motor ko.

"Bago pa kita yayain mag-milktea nagkita na kayo sa Monasterio?" Tanong niya, tunog chismoso.

"Yup," aniya ko at nag-pause sandali para tignan silang dalawa.

"Hindi ka nagke-kwento sa akin ah, ikaw ha." Ngumisi na lang ako at sinuot na ang helmet ko.

"Hindi ka nagtatanong," aniya ko habang nakangisi umiling iling siya tapos tumawa.

"Malapit na pasukan, Kita kits na lang sa school par." Nakangiting sabi niya at tinapik tapik ako sa balikat.

"We'll go na, Eldrin." Paalam ni Audrey kaya ngumiti ako at tumango.

"Ingat kayo."

After a week later..


Sobrang maaga akong gumising dahil unang araw ng pasukan at first year college na ako, humarap ako sa salamin upang suriin ang hitsura ko.

Napangiti ako ng maayos akong tignan.

Inabot ko ang bag ko at ang susi ng motor tapos ay lumabas na ako para maka-punta na ng school pero bago yun ay tinawagan ko muna ang kupal kong kaibigan.

Naka-ilang ring muna bago niya masagot 'yon at ang boses niya ay halatang kagigising lang. "Buti tumawag ka, anong oras na pala. Good morning." Bati niya kaya napailing iling ako.

"Ano balak mo? Gayak na."

"Wala man lang bang good morning muna diyan." Reklamo niya.

"Gumayak ka na, Papasok na ako."

"Luh ang aga-aga pa lang par! Akala ko naman maliligo ka pa lang. Excited ka par?" Sumbat niya pa kaya sumandal muna ako sa motor ko.

"Ayoko makipag-siksikan sa kuhaan ng schedule." Inunahan ko na siya.

"Sige mauna ka na sa School, Ingat par." Humikab pa siya sa pagitan ng pagsasalita.

"Ikaw rin." tugon ko at pinatay na ang tawag.


***


Nang makarating sa school ay dumeretso ako ng parking para ma-park ang motor ko sa paglilibot ay natigilan ako ng makita ang pamilyar na motor.

Bigla ay sumaya ang puso ko kaya naman sa tabi ng motor na 'yon ako nagpark. "Sa kaniya kaya ito?" Mahinang bulong ko sa sarili.

Ngunit naalala ko upang mapatunayan ay yung wire na inayos ko noon kaya naman pasimple kong chineck 'yon at ng makita ay napangiti ako tapos mabilis na pumasok sa loob ng School.

Kukuha muna ako ng schedule tapos hahanapin ko siya, hinanap ko ang bulletin board sa hallway at kahit na marami rami ang student doon ay dumeretso ako. 

Hawak ko ang cellphone ko ay gumilid naman yung iba na tumitingin doon kaya binuksan ko ang camera upang kuhanan ang schedule na nakadikit rito. Nang matapos ay tinignan nila ako kaya tumikhim ako at bahagyang lumayo sa kanila.

Pagkaharap ko sa kabilang bulletin board ay natigilan ako ng makita kung sino ang nakatingin sa akin. Nang ngumiti  siya ay napangiti ako kaya naman naglakad ako papalapit sa kaniya. "Dito ka rin pala nag-aaral, Mr.Soul." Nakangiting sabi niya kaya naman tumango ako.

"Yup," matipid kong sagot tapos sinulyapan siya.

"Anong oras klase mo?" Tanong ko mabilis naman niyang tinignan ang cellphone niya.

"9:30 A.M pa, Ikaw ba?" Tanong niya pabalik.

"Well parehas lang tayo," aniya ko at sinabayan siyang maglakad.

"Gusto mo mag milktea?" Tanong ni Patch kaya ngumisi ako.

"Yayayain mo ba ako?" Nangunot ang kaniyang noo tapos tinignan ako.

"Ayaw mo?" Natawa ako at umiling.

"Game ako," wika ko tapos ibinulsa ang cellphone ko.

"How about your friends?" Kwestyon niya kaya matipid akong ngumiti.

"Mamaya nandito na rin sila, Mauna na tayo do'n." Sagot ko kaya tumango tango naman siya at ngumiti tapos ay inayos ang suot suot niyang bag.

Naglakad kami papunta sa parking at gano'n na lang siguro siya nagtataka ng iisang daan kami pumunta. "Nasaan yung motor mo?" Tanong ni Patch.

"Diyan lang," matipid kong wika tapos pasimple siyang sinulyapan.

"Nakakapanliit naman yung height mo." Mahina akong natawa tapos umiling na lang sa sinabi niya.

"Matangkad ka naman na." Sagot ko at doon siya natawa ng lubusan.

"Hindi nga e, ayon yung moto-- Alam mo ng nandito ako 'no?" Hinarap niya ako habang nakapamewang matapos makita ang motor namin na magkatabi.

"Well the wind whispered.. It says your soul is in the same university I'm studying." Nakangisi kong sabi na ikinatawa niya.

"You mean, Na-feel mo na naman yung soul ko?" Nakangiti niyang kwestyon.

"Uhm Yeah, I can feel your soul kahit nasaan ka pa." Natawa siyang muli tapos nauna ng naglakad papalapit sa kaniyang motor kaya sumunod ako.

"Ang pogi ng motor mo," pag-puri niya kaya ngumisi ako.

"Ang ganda ng motor mo." Tugon ko pa sa kaniya.

 "Tara na?" Tanong niya kaya tumango ako at sumakay na rin sa motor ko ganon rin naman siya sa sarili niyang motor.

Nang makarating kami sa Milktea-han ay bumaba na ako at hinintay si Patch. "Tara," yaya niya tapos ay dala-dala ang helmet na pumasok sa loob at dahil nauna siya ay siya rin ang namili ng uupuan.

Ng makaupo ay tinignan ko siya. "Anong order mo?" Nilingon niya ako.

"Red Velvet?" Mabilis kong hula, nagbabakasakali lang.

Pero nanlaki ang mata niya at hindi ako makapaniwalang tinitigan. "B-Bakit mo alam?" Natawa ako ng yon ang sabihin niya.

"Are you a mind reader or what?" Ngumisi ako sa tanong niya.

"I feel your soul." Natatawa kong sabi na ikinaawang ng kaniyang labi.

"Soul feeler? soul reader?" Nakangiti niyang tanong kaya nagkibit balikat ako.

"It's my favorite.." Mahinang sabi ko.

Nakita naman ang pagtataka sa kaniyang mukha. "'yong?" Tanong niya.

'Payong..'

"Red Velvet, Order na ako ah." Nakangiting sabi ko pa tapos tumayo na para maka-order.

"Wait yung baya--"

"I'm on it." Nakangiti kong sagot sa kaniya.


√√√

@/n: Update for today, sorry po kung ngayon lang ulit Busy po kasi dahil may klase na at gano'n rin po si Mr.Blocklistman nataon pa pong may sakit siya ayon lang keep safe everyone God bless

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top