Kabanata 4

Eldrin's Point of View.


Tahimik lang siyang nakatitig sa akin kaya huminga ako ng malalim. "Sobrang dilim nang gabi na 'yon, Tanging ilaw lang ng motor ko ang nagsisilbing liwanag. Umuulan na no'n, madulas yung daan." Tumigil ako sandali sa pagkwento dahil nagdadala ito ng kakaibang dulot sa dibdib ko.

Matagal na pero pinalulungkot pa rin ako.. "If hindi mo pa kayang i-kwento naiintindihan ko--"

"I guess kung itatago ko pa rin ito, mas ikukulong ako nito sa kalungkutan." Mahina kong sabi at bumuntong hininga dahil pakiramdam ko ay sa tuwing naalala ko mas natatakot ako.

"S-Sige." Tugon niya lang.

"Nung bata ako sobrang saya ko sa tuwing umuulan, nakakaligo ako sa ulan. Ang saya saya pero ngayon sa tuwing umuulan," tumigil ako at huminga ng malalim.

"Ibinabalik lang ako sa araw ng aksidente, sobrang nakakatakot at nakakalungkot." Mahinang sabi ko at napayuko at ng tignan siya ay pinilit kong ngumiti.

"Hmm nakikinig ako.." Mahinang sabi niya pa.

"Umuulan no'n, Binilisan ko." Napatitig siya sa akin.

"Pero may motor pala na walang ilaw, iniwasan ko dahilan para sumalpok ako sa kung saan. Sobrang bilis nang pangyayari, parang pagkapikit ko at pagmulat ko na lang ay naaksidente na ako." Pagkwento ko pa.

"Pag motor talaga sobrang fifty fifty ng buhay mo, sa tuwing babyahe ka parang yung isang paa mo ay nasa hukay. Sa kalsada minsan kasalanan mo, madalas kasalanan ng iba." Maayos niyang sabi habang nakatingin sa mismong wishing well.

"Kahit anong ingat mo, kung hindi maingay yung mga nasa kalsada kasama mo nakakatakot." Dagdag niya, nakatitig sa kaniya akong tumango.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin, parehas kaming nakatitig sa magandang tanawin upang kumalma siguro.

Ngunit hindi 'yon ang nangyari sa akin, ang nangyari sa akin ay binabalikan ko na naman ang nakaraan ko ng hindi ko namamalayan. Matapos nung aksidente may isang babae pa nga akong naaninag.

Sobrang natataranta siya, natakot siguro ng makita akong na-aksidente. Hindi pa nga niya naalis ang helmet niya sa sobrang taranta, siya rin siguro ang tumawag ng ambulansya ng mga oras na yon kaya pagkagising ko matapos no'n ay nasa ospital na ako.

Kaya ngayon sa tuwing umuulan ay breakdown kaagad ang nararamdaman ko, nakakatakot. 

After fifteen minutes of staying quiet biglang tumunog ang cellphone ni Patch kaya tinignan ko lamang siyang naka-tingin sa kaniyang cellphone. "Sagutin ko lang," wika niya at bahagyang lumayo.

Hindi naman ako nakinig kaya bumuntong hininga na lang ako at matapos ang minuto ay bumalik na siya sa akin. "I think I have to go now.." Mahinang sabi niya kaya naman tumango tango ako.

"Sabay na tayo," aniya ko sa kaniya kaya naman tumango tango siya at itinago na ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at tsaka kami nagsabay mag-lakad.

Sa paglalakad papunta sa parking ay muli niya akong nginitian. Sumakay na kami sa motor ng bawat isa, isusuot ko na sana ang helmet. "Until we meet again, Eldrin." Maayos at nakangiti niyang sabi kaya ngumiti rin ako.

"It's nice meeting you, Patch. Thank you." Muli siyang ngumiti at tinapik ako sa braso.

"It's nice meeting you too, See you." Nakangiti niyang sabi tapos ay nag-suot na ng helmet kaya ganun rin ako.

Nang paandarin niya ang kaniyang motor ay sumunod ako, ngayon ay tanging mga tunog na lang ng motor namin ang naririnig. Mukhang nagmamadali rin kasi siya kaya naman hindi na ako nagsalita pa at itinuon na lang ang atensyon ko sa daan.

***

Naka-upo lang ako sa kama dahil makulimlim sa labas at umuulan, inabot ko ang cellphone ko upang humanap ng magandang kanta upang kumalma ako. Pumunta ako sa playlist ko at basta na lang pinindot ang shuffle play.

Ibinaba ko ang cellphone at isinandal ang ulo sa nagpatong patong na unan.

"It doesn't seem to make sense~"

"Everything was going well~"

Nalingon ko ang cellphone ko ng ang music no'n ngayon ay Parallel Universe ni Clara Benin.

"Guess that was just the surface 'cause underneath I couldn't tell, No I couldn't I couldn't tell~"

Pinakinggan ko na lamang ang music na tumutugtog ngayon, then suddenly I remember patch.

"He was my brightest star
In the night I couldn't ignore
'Cause when he plays his guitar
He knows exactly where to go
He takes the lead and I follow~"

Pero hindi ko naman alam ang contact number niya, even her social media accounts. Hindi ko nga alam kung papaano ko siya makikita ulit, bakit ba hindi ko nagawang tanungin? masyado akong nawili sa presensya niya.

"Aimlessly I follow~"

***


Makalipas ang ilang araw ay nag-aya na naman ang mga kaibigan ko  mag-milktea kaya hindi na ako tumanggi dahil nabubugnot rin ako sa bahay. Papunta ako sa lugar na yun at bigla ay na-excite ako dahil naalala ko nakita ko nga pala siya noon.

Binilisan ko ang takbo ngunit nag-ingat pa rin ako, nang makarating ay luminga linga ako baka sakaling makita ko ang motor niya sa parking ng milktea pero wala e. Bumuntong hininga ako at tumambay muna sa motor ko.

Papasok na sana ako sa loob ngunit tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan ang tumatawag at agad na sinagot yun ng si kenneth ang nakita kong pangalan. "Oh?" Simula ko.

"Nagbago plano, alam mo yung malapit na samgyeopsal dito rin lang sa area?" Tanong niya kaya naman wala pa ay napatango na ako.

"Punta na ako diyan?" Tanong ko.

"Ayaw mo edi wag--"

"Tinatanong ka ng maayos, andiyan na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo par, punta ka na." Sagot niya sa kabilang linya kaya lumabi ako at pinatay na ang tawag.

Muli akong sumakay sa motor ko at sinuot ang helmet upang makatungo na sa kanila agad. Nang makarating sa parking lot ng samgyeopsal ay basta basta na lang akong pumasok sa loob.

Nang matanaw sila ay tipid akong ngumiti at naglakad papalapit sa kanila habang naglalakad ay natigilan ako ng may babaeng umaatras habang may dala-dala kaya umatras muna ako para hindi niya ako masagi.

"A-Ay--" Mabilis kong hinawakan ang dalawang siko niya ng dumulas siya.

"Careful.." mahinang sabi ko at inayos siya sa pagkakatayo.

"Sorry sorry dapat nag-iingat ako-- Eldrin?" Mabilis kong tinignan ito at ganoon na lang ang pag-guhit ng ngiti sa labi ko ng mapagtanto.

"Patch ikaw pala." Nakangiti kong sabi.

Umayos naman siya ng tayo at ngumiti. "I didn't expect to see you here, May kasama ka ba?" Tanong niya tapos tinignan ang likuran ko.

"Nasa dulo sila, ikaw ba?" Tanong ko, hindi maalis ang ngiti sa labi.

"Ah oo yung mga pinsan ko." Nakangiting sagot niya.

"Ingat ka baka madulas ka, wala ng Eldrin na sasalo sa'yo." Pagbanat ko muli na ikinatawa niya.

"Alam mo ang korni mo pa rin, osya sige na baka hinihintay ka na nila." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako.

"Thanks, Ingat ka." Nakangiting sabi ko rin muli lang siyang ngumiti at naglakad na pero bigla kong naalala wala akong contact niya mabilis ko siyang nilingon ulit at hinawakan sa braso.

Nagulat naman siya. "M-May nakalimutan ka?" Tanong niya.

"Papaano kita maco-contact ulit?" Tanong ko, natawa naman siya tapos tumango tango.

"Bigay ko na lang number ko, wait." Mabilis niyang sabi at ibinaba ang tray na hawak tapos ay inilahad ang kamay kaya naman inabot ko ang cellphone ko sa kaniya.

Nung magring ang cellphone niya ay ngumiti siya at binalik na yun sa akin. "Ayan, Ingat." 

"Salamat Patch." Nakangiti kong sabi at hinintay siyang talikuran ako kaya naman naglakad na ako papunta sa kaibigan ko at ganon na lang nang-aasar ang tingin nila kaya inalis ko ang ngiti sa labi.

"It's a friend." Mabilis kong sagot.

"Friend pala ha.." Nang-aasar na sabi ni Kenneth kaya inis akong naupo sa tabi niya.

"Ikaw ha." Nginiwian ko si Audrey ng gatungan pa niya ang pang-aasar ni Kenneth.

"Umorder na kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit hindi mo yayain si ka-IBIGAN mo par?" Nilingon ko si Kenneth.

"Hindi ka tatahimik par? gusto mo subuan kita ng samgyeop?" Alanganin siyang tumawa tapos umiling iling.

"Ito naman oh hindi na mabiro, order na." Senyas ni Kenneth kay Audrey ngingisi ngisi naman na tumayo si Audrey kaya umayos ako ng upo at sinave ang number ni Patch sa contacts ko.

'Mabuti naman nakuha ko na yung number niya...'


√√√

@/n: Sa muli feel free to comment anything you want as long as it's not below the belt hihi enjoy! Keep safe
ilalagay ko pong muli si Blocklistman sa ibaba

Blocklistman

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top