Kabanata 3
Eldrin's Point of View.
Pinanonood ko lang siya habang nakapikit, Oras na kasi niya para mag-wish. Napangiti ako ng makita ko pa siyang bahagyang sumilip ngunit ng mapansin ako ay muling pumikit.
Then suddenly a thought hit me...
Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng isang babae na tulad niya sa favorite ko na lugar, Hindi ko inaasahan na magiging masaya ako after five years na sobrang lungkot ko. Ikinulong kasi ata ako sa malungkot kong nakaraan.
Ang buong akala ko inaasahan ko na ang lahat ngunit ang babae na ito na kayang alagaan ang sarili niya, mas matapang pa nga sa akin. Mas matapang pa siya sa soul ko.
"Hoy.." Agad akong ginising ng boses niya ngunit hindi ko na siya kailangan pang lingunin dahil nakatitig na ako sa kaniya.
"Baka umalis naman yung soul ko at pumunta sa soul mo Mr.Soul." Nakangiti niyang sabi dahilan para umawang ang labi ko at huminga ng malalim.
"B-Bakit?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Masyado ka ng namumuro kakatitig sa akin, kung soul stealer ka lang kanina pa nasa sa'yo ang soul ko." Umawang lalo ang labi ko at mahinang natawa ngunit ganun ako natigilan na sa pangalawang beses na dadapo sa kaniya ang atensyon ko.
Biglang humangin ng malakas at kasabay no'n ay ang paghangin ng buhok niya at ang pagpikit niya. Lumunok ako dahil naramdaman ko ang kakaibang karera ng mga kabayo sa dibdib ko.
Bumagal ang lahat sa paligid ko at tila isang camera ang mata ko sa kaniya lamang natuon ang buong atensyon ko ngunit bigla akong natigilan ng ilahad niya ang kamay sa harapan ko.
Ngumiti siya sobrang tunay at sobrang perpekto ng mga ngiti na 'yon sa paningin ko. "I'm Patricia Quiambao." Napalunok ako at tinignan ang nakalahad niyang palad.
Bago pa man niya bawiin yun ay tumikhim ako at inabot ang palad niya. "Eldrin," wika ko at nakipag-shake hands.
"Eldrin?" Napalunok ako tapos tumango.
"Eldrin Granada," wika ko tapos tipid na ngumiti ngunit nangunot ang kaniyang noo.
"Your last name sound so familiar pero never mind." Sabi niya at ngumiti na tapos mabilis kong binitiwan ang kamay niya ng tumikhim siya habang napatingin don.
Tumikhim ako at napahawak sa sariling batok dahil bigla akong nabalisa at nakaramdam ng hiya. "Now I'm confused, Kung mahiyain ka ba o masungit." Sinulyapan ko naman siya sa sinabi.
"Why are you so curious?" Sa tanong ko ay siya ang nag-iwas tingin tapos alanganin na ngumiti.
"H-Hindi ah." Tanggi niya kaya ngumisi ako at nang-aasar siyang tinignan.
"Sobrang ganda ng Monasterio hindi ba?" Nakangiti niyang tanong at luminga sa buong paligid.
"Sa sobrang ganda niya pakiramdam ko hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na ito kahit sa pangalawang buhay." Pinanood ko lamang siyang ngitian ang bawat magandang sulok ng Monasterio.
'Sobrang ganda nga.'
Nakagat ko ang ibabang labi ng maramdaman ang kaba na dulot sa akin ng sariling dibdib.
'Ba't ba naging ganito ako sa kaniya? pero hindi ko naman masabi ang totoo sa kaniya.'
"Have you ever tried meeting someone you don't even know pero hindi siya maalis sa isip mo?" Natigilan ako ng mahina niyang sabihin 'yon habang nakatitig sa magandang tanawin.
"I guess so?" Matipid kong sagot.
"I just realized that after years of that incident hindi ko pa rin makalimutan yung isang tao." Nangunot ang noo ko at nagtaka kung sino ang tinutukoy niya pero hindi naman ako dapat magtanong.
"Pero hayaan na hindi ko naman dapat iniisip 'to. Nakakatuwa lang na ngayon ay hindi na ako nag-iisa sa lugar na 'to. I've got a friend and it's you." Pipigilan ko sana ang ngiti pero nauna niya ng nakita.
"Kiligin ka naman." Sita niya kaya natawa ako at umiling iling na lang.
"Bakit ako ba ang first ever friend mo dito sa Monasterio?" Tanong ko pa, sigurado akong marami siyang naging kaibigan dito.
Mabait siya at approachable.
"Oo ikaw lang, hindi naman kasi dumalaw ang mga tao rito nang may katulad ng rason ko. Ikaw lang talaga." Pag-uulit niya habang nililinaw kaya tumango ako at nag-iwas tingin ppara ngumiti.
'AYOS...'
"Do you always travel alone?" Tanong niya sa akin.
"Ah by the way Eldrin--"
"Tawagin mo ako ulit," mahinang wika ko habang naka-tingin sa kaniya.
Halata namang nagtaka siya ngunit tumikhim. "E-Eldrin." Mahinang tugon niya kaya ngumiti ako.
"Ano 'yon patch?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Wow may nickname na ba ako sa'yo?" Tanong ni Patch sa akin kaya nakangisi akong tumango.
"Uhm Oo?" Alanganin kong sagot.
"Bakit naman Patch? I mean other calls me Pat, sa'yo kakaiba e." Maayos na sabi niya at sumandal sa kung saan.
"Patch kasi I want to catch you." Umawang ang labi niya sa sinabi ko hanggang sa ngumisi siya at humalagapak ng tawa.
"Alam mo kanina ka pa Hahahahahaha!" Ngumisi na lang ako at napa-iling sa sinabi niya.
"Patch.." Pagtawag ko muli sa kaniya dahilan para tignan niya ako ngunit pinagkrus niya na ang mga braso.
"Bakit?"
"Catch me," wika ko pero tumawa siyang muli kaya natawa na rin ako.
"Okay, I'll catch your soul." Napalunok ako sa sagot niya, ngumisi ako dahil hindi ko inaasahan ang isasagot niya.
"You're easy to cope up, I'm enjoying." nakangiting sabi ko pero mahinang tawa ang tugon niya.
"Nag-eenjoy rin ako, sobra. I mean masaya naman ako every time na nakaka-apak ako sa Monasterio but this time mas masaya. Ikaw ba naman may kasama na, may kasama kang tumawa at may ka-kwentuhan." Mahabang sabi niya kaya ngumiti ako.
"This place became my comfort zone hindi ko inaasahan na may katulad rin pala ako, It's unexpected." Nakangiting sabi pa niya, mangha na mangha pa rin sa kagandahan ng monasterio.
"Have you ever been in a situation where you think this place is so beautiful to the point that you fell in love with it's own beauty?" Napatitig ako sa mga mata niya ng itanong niya sa akin yon.
"Yes, pero hindi lang naman sa dahilan na maganda siya. Maraming rason kung bakit ang Monasterio na 'to ang pinaka-paborito kong lugar." Sagot ko at ngumiti.
"Sabagay.." Tugon niya.
Nang tumahimik siya ay sinusulyap sulyapan ko lang siya.
'Ngayon lang ako nakatagpo ng babae na sobrang palaban, sobrang walang arte sa katawan, yun bang kaya akong sabayan sa lahat ng trip ko mapa-motor man, pag-akyat sa bundok, o sa kantahan.'
"Bakit hindi ko makita yung soul mo?" Natigilan ako kaagad sa kaniyang tanong.
"Ba't parang nagtatago?" Hindi ko inalis ang titig sa kaniya ng dagdagan niya ang tanong.
Bigla ay nanumbalik sa akin ng mabilisan ang nangyari a year ago, ang takot at pangamba ay muli akong binalot ngunit pinilit kong ngitian si Patch. "Matagal ng nakatago yan Patch, simula nung na-aksidente ako..." Matipid at mapait kong sagot.
Nakita ko naman kaagad ang gulat sa kaniyang mata. "N-Naaksidente ka?" Tanong niya.
"That was years ago..." Mahina kong sagot at iniiwas ang tingin tapos ay tinitigan ko na lang ang tanawin upang bahagyang kumalma ang puso ko, pati na ang isip ko sa kakaisip sa nangyari noon.
√√√
@/n: Sa uulitin Huwag mahiyang mag-comment HAHAHAHA nakakarami na kayo e kabanata 3 pa lang tayo guys chill sa muli imemention ko po ang kasama nating sumulat at nagplano sa librong ito
Kung may crush ng bayan may crush rin pala ng buong Luxians HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top