Kabanata 2

Eldrin's Point of View.


Kinaumagahan ay maaga akong naghanda dahil balak kong Umakyat ng bundok, Sinuot ko ang jacket ko at sunod ay ang gloves tapos lumabas na ng bahay dala-dala ang helmet ko. Sumakay na ako sa motor ko at nagsuot na ng helmet. 

Nang mapaandar ang motor ko ay nagfocus lang ako sa daan, Lumipas ang ilang minuto ng byahe ay binagalan ko ang patakbo ng mapansin ko ang isang pamilyar na motor at ang helmet na nasa daan katabi ng motor. 

'Emergency?'

Hinanap ng mata ko ang may-ari ng motor ngunit nakatalikod sa gawi ko ang babae na nakaupo sa gilid. Bumuntong hininga ako at tsaka marahan na nagparke sa gilid hindi kalayuan sa motor ng babae at bumusina. Pinatay ko ang motor at inalis ang suot na helmet.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang babae na ito, umawang ang labi ko ng magtama ang mata namin. Lumunok muna ako bago tuluyang lumapit sa kaniya. 

"Anong problema miss?" Tanong ko at tumigil sa harap ng kaniyang motor na iyong nasa pagitan naming dalawa. 

"N-Nasiraan kasi ata ako pero hindi ko alam kung ano yung sira," mahinang sagot niya kaya huminga ako ng malalim at sinuri siya muli.

"Ah oka--"

"I-Ikaw yung nagbigay ng bulaklak sa akin sa monasterio hindi ba?" Nang itanong niya yon ay pasimple kong nakagat ang ibabang labi.

'Huwag niya sanang tanungin kung bakit..'

"Ah natatandaan mo pa pala ako." Mahinang sabi ko at iniiwas ang tingin.

"Feel ko pa rin yung soul mo." Matipid kong sagot na ikinatigil niya bahagya pa siyang natawa at tsaka muli akong tinignan.

"Tulungan mo muna ako bago mo i-feel yung soul ko," wika niya kaya palihim akong ngumiti.

"Okay sige, titignan ko kung ano yung sira." Sagot ko at tsaka ko inalis ang suot suot na gloves.

"Hindi ito ang pangalawang beses na nakita mo ako, 'di ba?" Tanong ko habang hinahanap ang sira ng kaniyang  motor nakatayo lang siya sa bandang harapan ko.

"Huh?" Gulat niyang tanong kaya sinulyapan ko siya.

"You saw me yesterday, sa parking lot ng Milktea-han." Panimula ko na halatang ikinailang niya.

"A-Ah.." Tugon niya kaya naman itinuon ko muli ang atensyon sa kaniyang motor.

"Saan punta mo?" Muli kong tanong kumpleto rin kasi ang suot niya tulad ko.

"Sa Monasterio.." Nahihiya niyang sagot.

"By the way bakit ka pumupunta sa Monasterio?" Pansin ko ang titig niya sa akin ngunit naghintay lamang ako ng sagot.

"It's my comfort place." Sa paunang sagot niya ay tinignan ko siya.

Ang mga mata niya ay nakatuon sa kaniyang motor, hinawakan niya ang kaniyang motor at matipid na ngumiti. "Pag ramdam ko na hindi ako ayos, sa monasterio ko binabagsak lahat ng bigat ng nararamdaman ko." Sagot niya at mahinang natawa.

"Huwag kang mawirduhan sa akin--"

"Hindi naman, Parehas lang tayo ng rason." Sagot ko upang hindi rin iba ang isipin niya.

"I-Ikaw rin?" Tanong niya halatang nagtataka.

"Sabagay hindi mo nga ginawang ngumiti ng i-abot mo yung flower." Dagdag niya kaya ngumisi na lang ako.

"Sorry about that," wika ko at tinignan muna ang motor niya.

"Seryoso kang tao 'no?" Tanong niya kaya sinulyapan ko siya muli.

"Bakit?" Taka ko namang tugon.

"Well tulad nga ng sabi mo, hindi ito yung pangalawang beses na nakita kita. Nang makita kita kahapon mukha ka talagang masungit." Lumabi ako sa kaniyang sinabi at tinitigan muna siya.

"Mas weird kasi ata kung parati akong nakangiti hindi ba?" Muli sa sinabi ko ay natawa siya.

"Sabagay, creepy nga 'yon." Ngumisi na lang ako muli.

"Kung ganon may problema ka ngayon?" Sa tanong niya ay nagtataka ko siyang tinignan.

"Why?" Balik tanong ko.

"I guess kung hindi ako nagkakamali, Iisa tayo ng pupuntahan." Napatango ako ng maintindihan ang kaniyang sinabi.

"I feel  free kasi pag pumupunta ako sa monasterio, nagagawa kong kalimutan ang lahat." Maayos kong sagot, hindi ko inaasahan na makakausap ko na siya ngayon.

"Ahh ganon pala 'yon." Interisado niyang sagot.

"Ah nakita ko na yung sira ng motor mo," wika ko at tinignan ang cable. Nakisilip rin siya ngunit hindi ganon kalapit.

"May electrical ta-- aray!" Agad kong nai-angat at naiwagayway ang kamay ng makuryente ako ngunit ng magkatinginan kaming dalawa ay gulat na gulat siya.

Sandali kaming natahimik ngunit ng muling magkatinginan ay natawa na siya dahilan para matawa rin ako habang umiiling iling. Ganito talaga pag cable ang usapan may posibilidad na makuryente ka.

"Ang layo mo naman, ba't tinamaan ako." Natatawa kong sabi sandali siyang natigilan tapos tinignan ako.

"Gumaganon ka ah." Natatawang sabi niya kaya ngumisi na lang ako at tsaka ako bumalik sa motor ko upang kumuha ng tape.

Habang naglalakad pabalik ay huminga ako ng malalim at ibinaba muna ang zipper ng jacket ko hanggang dibdib lang, may suot naman ako sa loob kaya ayos lang. Pinanood niya naman akong ayusin 'yon nang sandaling maayos ko ay inayos ko na muli ang sarili ko.

"Okay na po?" Tinignan ko siya sa kaniyang tanong tapos tipid na nginitian.

"Thank youuu! Kanina pa kasi ako naghihintay ng tutulong sa akin pero ikaw lang yung huminto." Ngumiti ako sa kaniya.

"Nakita ko kasi yung helmet mo nasa sahig kaya naisip ko baka may emergency ka," wika ko ngumiti naman siya sa akin.

"Gusto mo sabay na tayo umakyat?" Sa tanong niya ay alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ideya na iyon.

"Ayos lang naman sa akin, Sa'yo ayos ba?" Balik tanong ko mabilis naman siyang tumango tango kaya tipid akong ngumiti at sinuot na ang gloves ko.

"Let's go.." Aniya ko at sumenyas kaya bumalik na ako sa motor ko at sinuot ang helmet.

Muli niya akong sinulyapan habang nakasakay na siya kaya naman tinanguan ko siya ng makita kong sa salamin niya na ako tinitignan, pinaandar ko na ang motor ko at ganoon rin siya kaya naman nagsabay kami.

Nang papalapit na kami ay binagalan namin ang patakbo dahil dama rin naming parehas ang lamig ng simoy ng hangin. "Sobrang lamig ba?" Tanong ko bahagya niya lang akong nilingon.

"Yeah, malamig." Sagot niya.

Sobrang bagal ng patakbo naming dalawa, sa sobrang bagal no'n ay kaya naming sulyapan ang isa't isa hindi ko inaasahan na magkikita pa pala kaming dalawa sana ay wag niyang tanungin kung bakit ko siya binigyan ng bulaklak.

'Dahil wala talaga akong maisasagot..'

I just felt her soul that's all, I guess.

"Malapit na tayo, Saan unang stop mo parati?" Tanong niya sa akin kaya huminga ako ng malalim.

"Simbahan." Matipid kong sagot.

"Ooh mabuti naman, ganon rin ako eh." Sagot niya tumango na lang ako at patuloy pa rin na nagpatakbo ng sakto lamang ang bagal.

Nang matunton na namin ang parking lot ay nagparke muna kami dahil papasok kami ng simbahan. Nang tumigil na ay nag-alis muna ako ng Helmet at ganon rin siya. "Sobrang lamig dito 'no, hindi mo pa napupuntahan yung pinakamagandang pwesto nakakagaan na kagaad sa damdamin." Kwento niya pa kaya tipid akong ngumiti at tumango na lang.

"Akala ko nga hindi na ako makakapunta ngayong araw dahil sa sira ng motor ko, but thanks to you." Dagdag pa niya kaya sandali akong sumandal sa motor ko para tignan lang siya.

"W-Why?" Gulat niyang tanong.

"Hindi pa natin kilala ang isa't isa pero ang daldal mo pala 'no?" Nakangiting sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya pero agad rin na nakabawi at tumikhim.

"H-Hindi ka naman mukhang masamang tao." Mahinang sabi niya at sinuri ang kabuuan ko.

"Papaano ka nakakasigurado?" Sa tanong ko ay gusto kong matawa sa reaksyon niya.

"Kasi feel ko rin yung soul mo, ayos na?" Sumbat niya kaya natawa ako.

"Feel mo?" Kwestyon ko tunog nang-aasar.

"Alam mo? tara na sa loob." Anyaya niya at nag-iwas tingin tapos nagpa-unang maglakad papunta sa simbahan kaya ngumisi ako at sumunod.

'I just met this person yet she's being nice, instant.'

Matapos naming magdasal ay nag-iisip ako kung saan kami sunod na pupunta. "Wishing well tayo?" Sa tanong niya ay tango lang ang sinagot ko.

Dumeretso kami sa wishing well pero habang nasa daan ay kumukuha ng litrato ang kasama ko nang makarating ay Itinuon ko ang atensyon sa mismong wishing well ngunit agad akong natigilan ng mapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ka naka-wish ng nakaraan dahil sa akin 'no?" Maayos niyang tanong kaya nag-iwas tingin ako at lumabi na lang.

"Sorry."

"Hindi kailangan ng sorry, Pwede naman akong magwish pa ulit." Sagot ko tapos tinutukoy yung wishing well sa harap namin.

"Do you wish the same wish everytime you wish on this well?" Umawang ang labi ko sa tanong niya.

"Daming wish ah." Agad siyang natawa sa sagot ko.

"Do you wish the same wish?" Tanong niya ulit kaya tinitigan ko siya.

"Yes." Matipid kong sagot.

"Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Depende naman." Sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Why don't you make a wish? right now." Suhestyon niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Should I say it out loud?" Tanong ko pero tinitigan niya muna ako nag-iisip ng isasagot.

"Kahit ano," sagot niya kaya tumango ako.

Pumikit ako sandali upang humiling pero bago yun kinuha ko ang coin sa bulsa ko pagkahiling ko ay hinagis ko na yung coin. "Aray ko ha!" Agad akong napamulat ng marinig siya.

Hawak hawak niya ang ulo tapos matalim ang tingin sa akin kaya napalunok ako. "Ang galing mo maghagis, Umabot sa akin." Natawa ako kaya natakpan ko ang bibig.

"Sorry." Natatawa kong sabi.

"Grabe ang sincereee." Gitil niya kaya mas natawa ako. 

"Yung coin na yung nag-adjust e, Ikaw daw kasi yung wish ko." Nang-aasar kong sabi kasabay ng pagngisi.

"E-Edi wow!" Sumbat niya kaya mas natawa ako.

"That was epic," mahinang tawa ko pa.

"Epic fail, ang galing eh sa ulo ko pa sumakto ayan na nga yung wishing well." Sagot niya kaya mas natawa ako at tsaka muling kumuha ng barya sa bulsa ko at maayos na hinagis yon at sumakto na ngayon.

"Gusto mo malaman kung ano yung wish ko?" Tanong ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako.

"Bakit hindi?" Ngumisi ako at tsaka pinagkrus ang mga braso.

"Ang wish ko sana magbago at maging masaya na yung soul mo, kasi pwede soulmate kita?" Umawang ang labi niya sa sagot ko tapos napailing iling habang natatawa.

"Alam mo Iba ka rin 'no? pagkatapos tumama ng barya mo sa ulo ko psh.." Natawa ako ng sandaling ipaalala niya 'yon.

"But thank you for joining me here.." Dagdag niya kaya tinitigan ko siya tapos tipid na nginitian.

'Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya.'

√√√


@/n: Ito na po ang pinaka-hihintaaay niyo sa uulitin wag mahiya magcomment HAHAHAHA keep safee Ilalagay ko na lang po sa ibaba ang Crush niyong author 😂

Blocklistman

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top