Kabanata 1

Eldrin's Point of View.


Wala mang gana ay mas pinili kong tumungo sa lugar kung saan gumagaan ang nararamdaman ko sa tuwing nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib o kalungkutan. Hindi ko na rin kasi maiwasang hindi mag-isip ng mag-isip sa mga maaring mangyari.

Pagkababa ng motor ay sinalubong ako ng malamig at preskong hangin, hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay bahagya ng naibsan ang bigat ng damdamin ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

'Ano kayang magandang kanta para sa nararamdaman ko ngayon?'

Naglakad ako kasabay ng pagkuha ko ng cellphone ko sa bulsa at tumingin sa buong paligid, sobrang kumalma ang isip at puso ko ng sandaling makita ko ang buong kagandahan ng lugar. Hindi naman ito ang unang beses na napuntahan ko ito ngunit ganun pa rin hindi nakakasawa.

Habang lumilinga linga ay nadaanan ng mata ko ang isang babaeng tahimik na nakatayo rin at tinititigan ang buong kapaligiran, parang ninanamnam niya ang bawat kagandahan ng lugar. Napailing na lang ako at bahagyang ngumisi.

Nagpatuloy na akong maglakad upang mas makahinga pa ng maluwag at mas malinawan sa mga bagay-bagay, natanaw ko ang ilog.  Napakaganda dito dahil bundok siya at sobrang lamig. Bumaba ako at humanap ng pepwedeng upuan. Minsan kasi naka-motor ako kung tumungo rito.

Isa rin sa mga hilig kong puntahan dito ay ang simbahan, tinitigan ko ang harap nito napakaganda. May mga tao rin na tumutungo rito marami rami sila may magbabarkada, may isang pamilya at may magnobyo't nobya.

Monasterio de Tarlac..

Habang tinatahak ang daan ay nakita ko ang bulaklak, pasimple akong tumigil upang titigan ito. Ang kamay ko ay inabot ang ilan sa mga 'yon upang pumitas, ipinagbabawal yun ngunit wala na akong magagawa. Nakuha ko na.

Makalipas ang ilang minutong paglilibot ay muli akong natigilan ng makita ang babae na ngayon ay nakadungaw sa wishing well at halatang abala siya sa ginagawa kaya bahagya akong lumapit. Lumingon pa ako sa bawat paligid upang tignan kung sino ang mga tao ngunit kami lang.

'Malungkot ba ang isang 'to?'

Pinagkrus ko ang mga braso at pinanood siyang simulan ang kaniyang mahinang pag-awit, at dahil mahina yun humakbang pa ako papalapit habang hawak-hawak ang bongabilya na bulaklak sa kamay ko. 

"Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling, At nung  dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli--"

Humakbang ako papalapit sa kaniya at ang hawak kong bulaklak ay inabot ko, sa paglingon niya ay nagulat pa siya at bahagyang napahakbang paatras upang mas makaharap ako ng buo. "A-Ano 'yan?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Puno man ng pag-aalangan ay tinanggap niya iyon at tinignan tapos ay tiningala niya ako at tinignan sa mata. "I feel your soul," wika ko at sinuri ang kabuuan ng kaniyang mukha.

Kitang kita ang pagkabigla ng kaniyang mukha sa sinabi ko, pinilit kong hindi ngumiti at tinignan lamang ang reaksyon niya. Bahagya pa na lumaki ang mata niya kaya patago kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang ngisi. "H-Hindi k-ko alam ang sasabihin." Nauutal pa niyang sabi at tumingin sa paligid.

Huminga ako ng malalim tapos tumango lang at tsaka ako umatras ng dalawang hakbang at tinalikuran na siya, napailing iling na lamang ako habang nakangisi. Maka-alis na nga, maayos naman na ang mood ko.


***


Naalimpungatan ako mula sa pagkakadapa ng tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ng kama kung kaya't inabot ko ito upang tignan kung sino ang tumatawag. Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag ng kaibigan ko.

"Hmm?" Panimula ko.

"Tulog ka?" Tanong nito pabalik.

"Oo, sleep talking siguro ngayon." Pilosopo kong sagot na mukhang mas ikinatuwa pa niya.

"Bangon na diyan HAHAHAHAHA!" Napailing na kang ako at bumangon tapos isinandal ang likod ko sa magkakapatong na unan.

"Ba't ba?" Tanong ko sa kaniya at kinusot ang kanang mata ko.

"Milktea?" Sa sinabi niya ay mahina akong natawa.

"Sige sige, maliligo lang ako. Kita na lang tayo do'n sino ba kasama?" Takang sabi ko at tumayo na upang humanap ng masusuot.

"Basta punta ka na lang. Ingat." Sumbat niya.

"Gege." Matapos no'n ay pinatay ko na ang tawag at inabot ang twalya.

Nagstretch muna ako ng katawan bago tuluyang maligo dahil halos kagigising ko lang naman sa pagkaka-idlip. Matapos maligo ay nagbihis na ako at nagpatuyo ng mga buhok. Matapos mag-ayos ay nakatanggapako ng text mula sa kaibigan ko na gagayak na siya kung kaya't nilingon ko ang lagayan ng helmet at inabot 'yon.

Magmo-motor na lang ako, inayos ko na ang motor ko at sumakay na rito. Pagkasakay ay sinuot ko na rin ang helmet ko at sinindi na ang makina. Pinaandar ko na ito upang makarating na sa venue.

Nang makarating ay inalis ko na ang helmet ko at nilusot sa kamay ko upang hindi ko mabitiwan. Sumandal muna ako sa motor at kinuha ang cellphone ko. 

'Dapat nandidito na siya..'

Habang nakatingin sa cellphone ko ay natigilan ako ng mapansin ang isang babae na nakasakay sa motor niya at nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko dahil naka helmet siya at mata niya lang ang kita ko.

'Problema nito?'

Napatingin naman ako sa motor niya at muli ko siyang sinulyapan at dahil nagtataka na ako ay tumayo na ako ng maayos ay naglakad na papasok sa loob ng Milktea-han.

Naupo na ako at muli kong sinulyapan ang tumitingin sa akin kanin a ngunit wala na siya doon yung motor na lang niya. "Weird.." Bulong ko at inilapag ang helmet ko sa ibabaw ng mesa.

Tumikhim ako at napalingon sa entrance ng cafe agad nila akong nginitian. "Kayong dalawa lang ni Audrey?" Tanong ko kay kenneth.

"Yup, sinundo ko pa kasi siya sa kanila para hindi gastos sa pamasahe." Sagot ni Kenneth kaya tumango na lang ako at inalis ang helmet ko sa ibabaw ng mesa. 

"Order na, kanina pa ako nauuhaw." Reklamo ko at isinandal ang likod ko sa glass wall na katabi lang ng kinauupuan ko.

"Flavor?" tanong kaagad ni Audrey.

"Matik, Red Velvet yan." Natatawang sabi pa ni Kenneth kaya naman napailing iling na lang ako.

"Red Velvet ah, Sa'yo ano?" Kwestyon naman ni Audrey kay Kenneth.

"Go ako sa Cream cheese oreo.." Sagot niya at naupo sa tabi ko.

"Musta par? parang ang tagal natin hindi nagkita ah?" Siniko ko si Kenneth ng sumandal pa ito sa braso ko.

"Nababakla ka na naman." Sumbat ko na ikinatawa niya.

"Ganda ng pormahan natin par ah hindi mo ba ako pupuriin?" Tumawa lang ako at sinuri ang kabuuan niya.

"Maayos," matipid kong wika.

"Kingina. Tamad na tamad ka magsalita?" Nilingon ko ang labasan ngunit kahit ang motor ng babaeng tumitingin sa akin ay wala na kung kaya't umiling ako upang sagutin si Kenneth.

Lumipas ang ilang minuto ay panay lang ako isip kung saan ako pupunta pagkatapos nito. "Oy Eldrin nalunod ka na ata sa lalim ng iniisip mo. Oh Red Velvet mo." Natatawang sabi ni Audrey at inabot ang para sa akin.

"Ano ba yang iniisip mo?" Tanong naman ni Kenneth.

"Wala par," aniya ko at tinikman na ang inumin ko.

"Hindi ka nagsasawa?" Tanong ni Audrey.

"Sa'n?"

"Luh syempre sa iniinom mo. Paulit ulit e." Sagot niya kaya umiling ako bilang sagot.

"Ang tahimik mo par, may problema ka?" Segunda ni Kenneth.

"Wala, Stroll bukas?" Pag-aya ko pa sa kaniya upang may kasama ako.

"Hindi ako available bukas par, may lakad kami." Nangunot ang noo ko at tinignan ang dal'wa.

"Kayo?" Paglilinaw ko.

"Tange hindi, kami ng family ko. Kung lalakad kami niyan saan naman," aniya ni kenneth kaya alanganin akong tumawa.

"Akala ko kayo e," wika ko pa at ngumisi.

"Wala." Sagot ni Audrey at kinuhanan ng litrato ang kaniyang iniinom.

"Pero ang astig ng babae kanina 'no? Gago mukhang bihasa ren 'yon sa pagmomotor." Nang sabihin yun ni Kenneth ay itinuon ko sa kaniya ang atensyon.

"Ah yung babae na nakasakay sa motor niya kanina?" Tukoy ni Audrey.

"Saan?" Curious kong tanong.

"Diyan sa harap, ayan kasi wala kang pakialam sa paligid mo." Nangungutyang sabi ni Kenneth kaya nginiwian ko siya.

"Pwede namang sagutin na lang." Dismayado kong sagot.

"Ganda par, sayang." Iniiwas ko sa kaniya ang tingin at ininom na lang ang milktea ko.

'Mas matamis pa 'to sa relasyon niyo.'

"Hindi ka naman nag-sayang ng gas para sa milktea 'no par?" Daldal pa ni Kenneth.

"Hindi, walang sayang pag ininom mo rin naman at kung ikaw rin ang nakinabang." Sagot ko.

"Pinakamahaba niyang sinabi ngayong nakausap natin siya." Sinamaan ko ng tingin si Kenneth sa kaniyang sinabi.

"Uminom ka ng maraming tubig." Bilin ko sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"Wow! Ano ginawa mong kasalanan par? Concern ka ata sa aki--"

"Kakadaldal mo madedehydrate ka." Pambabara ko sa imahinasyon niya na ikinasama ng mukha niya.

"Kaya wala kang girlfriend gago." Tinawanan ko lang siya sa tinuran at pinagpag ang legs ko lalo na ng parang may kung anong insekto ang dumapo doon, nakashorts lang kasi ako at simpleng shirt na itim.


√√√

@/n: Again wag kayo mahiya HAHAHAHA sige lang comment lang ilalagay ko ulet sa baba yung kasama ko nagsulat hihi enjoy!

Blocklistman

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top