chapter 30: death always finds a clean soul
💜Cxyra's POV💜
Ouch I'm hurt, kanina pa kita hinahanap kain na tayo. Sabi ni Drake
Hindi pa tapos yung mga tanong ko tungkol sa'yo ha, madami pa akong tanong. Sabi ko
Edi simulan mo na para kunti nalang pagdating natin sa canteen. Sabi nya
May past relationships ka na ba? Curious kong tanong
Nah, i don't have a past a relationship and i never had one before i call them dates. Sabi ni Drake
So babaero ka din pala? Hoy ikaw ha! Ilang babae na pinaiyak mo ha? Naiinis kong tanong
Naiinis kasi talaga ako sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi paglaruan ang feelings ng girls, after nila matikman ang isa lilipat nanaman sila sa iba, after kang paki kiligin maghahanap nanaman ng ibang aberyahin.
Luh! Di ah, required lang kasi ni dad na isama ako sa business meetings nya at doon din ang mga anak ng mga kasama nyang businessmans so pumipili lang ako doon ng date na makakasama ko for the whole day. Bakit selos ka? Tanong ni Drake
No I'm not, naiinis lang talaga ako sa lalaking katulad mo, akala nyo ang mga babae ay some kind of putahe na pagkatapos nyong tikman pagsasawaan nyo din tapos maghahanap nanaman kayo ng bago. Sabi ko
Bakit? May mga ganun din naman klase ng babae ah, papakiligin ka tapos iiwan ka din sa huli, kahit mabait at loyal ka pa gwapo pa din ang pipiliin nila. Sabi ni Drake na parang May pinaghuhugutan
Ganyan naman talaga kayo eh, akala nyo ipinagpapalit kayo pero ang totoo pinagseselos lang kayo para maipakita naming kaya naming mabuhay kahit wala kayo sa buhay namin . Sagot ko
Eh alam nyo naman na masasaktan kami Jan sa simpleng pag papaselos nyo eh tapos ipinamumukha nyo pa talaga sa amin. Bakit kailangan nyo pa ipakita? Kulang ba ang pagmamahal na ibinibigay namin para magtanim kayo ng sama ng loob at maghanap ng gwapong papakiligin nyo din tapos ginagamit nyo lang pala! Sabi nyo lalaki ang naglalaro ng feelings, yung inaasta nyo ba di paglalaro ng feelings ang tawag Jan? Sabi nito na naiirita na sakin.
uyyy! Ang lovebirds namin nag-aaway. Sabi ni Clarisse habang Naka akbay ang dalwang kamay sa amin ni Drake.
Cxyra huwag mo sasaktan ang bestfriend ko ha. Sabi ni Jake
Sasagot pa sana ako ng May biglang sumigaw, kung di ako nagkakamali yung mga tumatakbo na sa field ang sumigaw no'n galing sila sa gym i guess
Guysss!! Call ma'am carla, sir boomer, or principal hades nalang. Boy 1
Yung governor ng freshmens natagpuan sa club room ng penelton dance troupe, she's...she's... She's dead. Girl 1
What? Sabay naming sabi, gulat din ang ibang students na nasa canteen
Hinahanap sya ng troupe leader namin tapos nakita nalang nya na nakahiga ang body nito sa CR. Girl2
What happened to my cousin? Tanong ng tumatakbong si Anthony
Where's the body? Tanong ni calisha
Doon sa gym sa room ng dance club pres' girl 1
Sumunod kaming lahat sa kanila or should i say yung mga interesado. Pumasok kami sa gym, pumasok ulit sa backstage tapos pumasok sa isang malaking room sa May right side akala ko huling pinto na yun pero meron nanamang stairs tapos inakyat namin yun saka pumasok sa pinaka tuktok na malaking room nakita namin ang umiiyak na leader ng dance troupe na si rania.
Rania step away from the body please. Sabi ni calisha
What d-do y-you mean? This is m-my sister y-you bitch! Bakit m-mo ko papaalisin?putol-putol na sigaw ng umiiyak na si rania
Ate ran! What happened? Tanong ni Anthony na lumuhod at pinapatahan si rania
Call kuya clerk, Anthony. I don't know I was just looking for her kasi sabi ko kanina maglu-lunch muna tapos saka nalang kami mag-practice pero di ko sya nakita sa canteen kaya bumalik ako dito tapos ito na. Sabi ni rania na umiiyak pa din.
Oh sige i'll call kuya. Sabi ni Anthony bago kinuha ang phone
Students step away from the corpse, the police are coming. Sabi ni ma'am Carla ang student council coordinator
Ms.Fortalejo go to the guards tell them no one leaves and enter this school until the police arrives. Sabi ni principal hades
Yes principal. Sabi ni calisha bago umalis
Principal i called rose's elder brother he's a private investigator/ detective, he's coming to see her sister. Sabi ni Anthony
O-M-G i know roses is a bitch but what the heck? Sinong gumawa nito? Di pa nga naso-solve yung kaso ni harmony si Rose nanaman. Anthony is already panicking i didn't knew Rose is her cousin.
Students get out! Mga chismoso, chismosa kayo go back to your respective classrooms and don't go out unless your teacher says so. Press the fire alarm if you see someome suspicious on the way back. Sabi ni ma'am Carla
Lumabas na kami sa room at pumunta sa kanya-kanyang classrooms maingay ang classroom dahil sa bulong-bulungan tungkol sa pagkamatay ni Rose.
Bro bakit si crush pa? Boy 2
Kaya nga napaka galing na leader ni Rose eh! Girl 1
Baka May baliw syang kaaway. Girl 2
Sino bang Naka alitan nya this past few days? Boy 2
Si cxyra. Narinig ko'ng malakas na bulong at sabay turo ni girl 3
Tsssk. Nagbubulong na nga lang yung maririnig ko pa...tanga
Oo nga diba nagkasagutan sila ni Rose kahapon. Boy 3
Huyyyy mga chismoso at chismosa tigilan nyo nga si cxyra, she has nothing to do with this. Sabi ni Clarisse na napansin ang pagpipigil ko ng kamao
Oo nga! And you don't even have proofs, yet you're already concluding theories. Sabi naman ni Zai
Palagi nyo nalang pinagkakaisahan si cxyra May galit ba kayo? Tanong ni zage
Kaya nga! Cxyra doesn't know anything dahil magkasama kami kanina ni cxyra, sinundo ko sya sa HQ ng kuya nya. Sabi ni Drake
Huyyy tigilan nyo nga si cxyra do you know how your words can easily affect cxyra's way of thinking? Seryosong tanong ni Jake
Oh my god i live to tell the tale kung paano naging seryoso si jake... It's a miracle, di ko mapigilan na mamangha sa pagseseryoso nya
What the fuss about? Tanong ni menheart na kakarating lang nagpatawag kasi ng meeting para sa mga mayors to instruct them what to do.
Wala...alam naman naming kakampihan nyo si cxyra dahil kaibigan nyo sya eh. Sabi ni girl 1
I am fair and equal to all of you as your class mayor, that's why im asking tungkol saan ang pinag-aawayan nyo. Sabi ni menheart
They're accusing cxyra na sya daw ang May gawa no'n kay Rose. Sabi ni Clarisse
Well do you have proof? If not then this conversation is over because it's no use to argue about a certain topic without any proof stating that it's true. Sabi ni menheart
Nagsibalikan ang lahat sa kani-kanalang usapan...haysst mga chismoso at chismosa talaga wala ng ibang ginawa kundi mang-judge ng tao mga mai-issue masyado.
Calling the attention of ms. Cxyra Guerrero please come to the principals office for the principal wants to talk to you...again Calling the attention of ms. Cxyra Guerrero please come to the principals office for the principal wants to talk to you... Natahimik ang lahat ng magsalita ang speaker na napapaloob sa room namin.
Bakit naman ako kailangan ng principal?
Lumabas ako sa room at bumaba na sa stairs nagtungo na ako sa principals office sa gilid ng student council office, pagbukas ko palang ng doorknob nakatingin na silang lahat sakin...yes silang lahat mismo.
Cxyra take a seat please. Sabi ni principal hades
What's this fuss about? Tanong ko at umupo sa tabi ni kuya di ko alam bakit andito sya pero its a good thing dahil alam kong di ako pababayaan ni kuya.
Isa ka sa mga nakaaway ni ms. Sandoval bago nangyari ang pagpatay, detective Sandoval rose's brother just wants a statement from you. Sabi ni principal hades
Like i said principal my sister was in my HQ when that happened we were talking inside then she went to the canteen with her bestfriend to have lunch. Sabi ni kuya
I want to hear statements from her kid not from you. Detective Sandoval said
My brother already told you what you want to hear. Walang emosyon kong sabi
Where were you before lunch? Tanong ni detective na tila ba kinikilatas ako ng mabuti at kunting mali lang ay mapapansin nya
Our math teacher didn't show up so i went to my happy place. This time bored na ang tono ng pagsagot ko
And where exactly is that? Tanong ni detective
Sa likod ng gym that place for visitors, nakatulog ako doon habang Naka earphones kaya i don't know a thing nagising lang ako ng biglang nawalan ng power dahilan para mamatay lahat ng electric fan sa paligid. Sagot ko na bored na bored na talaga
Power shutdown? How long was it? Tanong ni detective
Ewan ko umalis ako agad doon para magpalamig sa HQ ni kuya at mag-usap na din. Sabi ko na nag yawn pa
Kung walang kuryente papaanong nagawa mong magpalamig sa HQ ng kuya mo? Tanong nanaman ni detective
May sariling power source at generator ang HQ namin my dad pays all expenses including the power, water, and food supplies sa loob ng building na yun. Sagot ni kuya Dom
Mr. Montaro please send some staffs to the electric cooperative to investigate about the said "power shutdown" a while ago.i don't believe that it's a coincidence. Sabi nya at diniinan ang power shutdown sa sentence saka tumingin sakin
May we go now? Taning ko
Wait where exactly is that happy place of yours again? Tanong ni detective
Sa likod nga ng gym. Naiinis kong sagot
Ms. Guerrero you are aware that ms. Sandoval was killed inside the gym right? Did you notice something strange when you were at the gym? Tanong ng investigator.
************************************
Cliffhanger!!! Heyoooooo wazzzzzzzup madlang pepsssssssss action and thrill ang starting guys😉 sana huwag nyo sukuan ang story. Please leave a comment about what you've thinked about this chapter and don't forget to vote for crazy things i do for you. Lovelots mwah💜💜💜
-Fharniee😍😘💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top