Fancy 34
Fancy POV
I'm tulala and I don't know how to react. Sydd just kissed me! Ohmyshakeshakefries! I kennat! What..what..
"Let's go downstairs, wifey. Baka hanapin na tayong prof." He said then he make alis na sa harap ko. I'm napalunok and I'm tulala pa rin.
I'm alone na but I'm speechless. Diba dapat, I'm magalit because no one dares to kiss me. Only Blake. But now, why? Sydd is giving me this kind of electricity na I can't paliwanag talaga. I'm naguguluhan na and my utak is parang pretzel knots na.
Do I look like a statue na? Eh, I'm natulala talaga and I can't move eh.
I'm napatingin sa pinto ng rooftop where Sydd is lumabas na. He makes me iwan talaga dito after he kissing me. I'm napahawak sa may dibdib ko. It's making kabog like there's a drummer here.
It says, 'dug dug'.
Ohmy! This is frustrating. I can't figure it out. I'll talk to Sydd tomorrow about this. I hate making isip like this. I'm nahihirapan eh.
-
Blake POV
I love her. But I can't fight for her. Tangna! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ginagawa ko ang lahat para iwasan siya! Para magpanggap na okay kami ni Hazel--but, damn! It's hard.
Ayokong nasasaktan si Jewel. Masakit sa'ken 'yung turing niya sa'ken ngayon na parang stranger lang ako. She hates me. And I deserved that.
"Blake! Let's go to bar! Sige na. Let's party!" Sigaw ni Hazel. Kanina pa niya ako inaaya sa bar. Parang walang pasok bukas. Tch. Isa pa, iniingatan ko ang health ko.
Hindi ko na sinagot si Hazel. Gets na niya 'yun. Na ayoko at hindi pwede.
Nahiga ako sa kama ko. Aware na ako sa sakit ko. Sakit na maaari akong mamatay. Naagapan naman eh. Pinagamot nina Mama. Nagte-take ako ng gamot pero heto at lalong lumala. Tangina! Kung kelang masaya na ako kay Jewel kahit sunday affair lang ang meron kami, saka naman ako tinraydor ng katawan ko.
I have cancer. Alam kong hindi pa kita sa pisikal kong anyo ang palatandaan pero deep inside me, I'm fragile. I'm weak. And fvck, I know one of these day, magiging bedridden na ako at lalabas na ang symptoms na may cancer ako. Manghihina ako. And I know, masasaktan si Jewel 'pag nakita niya ako sa stage na 'yun! Damn!
Kinausap ako ng family doctor namin. And sinabi niya na within two weeks, kailangan ko na munang mamalagi sa hospital para sa treatment. That's why inaayos ko na ang papers ko sa SWU. Mags-stop ako sa pag-aaral. Mananatili ako sa hospital habang lumalaban. Alam kong kung anu-anong ituturok nila sa'ken para lang mailigtas ako, para maagapan ako pero alam kong mamamatay lang din ako.
Fvck. Hindi ko kayang manatili sa tabi ni Jewel pagkatapos ay iiwan ko din lang siya kung sakaling mamatay ako. May treatment, pero maaari akong mamatay. Ayokong mag-take risk. Magsasaya kami ni Jewel tapos magugulat nalang kami pareho na mamamatay nako? No. I can't do that.
Gusto kong sumaya si Jewel. Gusto kong matigil 'yung feelings niya sa'ken habang kaya pa niya. Ayokong magsisi siya na ako ang minahal niya. Mahal na mahal ko si Jewel and I can sacrifice my happiness for her.
Di bale ng saktan ko siya ngayon. Dahil 'pag dumating sa point na kailangan ko siyang iwan, mas masasaktan siya at wala na ako no'n para i-comfort sya. That's why I came up to this solution na itigil na kung anong meron sa'men.
Sabi ng doctor, hindi nila mape-predict kung hanggang kelan ang buhay ng isang cancer patient. Makikita lang nila iyon sa pisikal kong anyo. Kung nanghihina na ako, pahina ng pahina o ano pa. Ayokong isipin 'yun. Ayoko pero handa ako sa mangyayari.
"Blake!"
Tumayo ako at pinagbuksan si Hazel. "You're disturbing mo! Leave me alone! Kung gusto mong pumunta ng bar, go with yourself." I slammed the door and go back to my bed.
Kung hawak ko lang sana ang buhay ko. Kung wala lang sana akong cancer, hindi ko iiwan si Jewel. Mananatili ako sa tabi niya at handa akong ipaglaban siya sa pamilya ko kahit may fiance ako. Pero hindi eh. Tangna kasing katawan 'to, traydor.
Naaalala ko nang kausapin ako ng Abellano brothers.
Flashback
"You hurt our little sister. Hindi ko palalampasin 'to." Sabi ni Lance saka ako sinuntok. Tinanggap ko iyon kahit masakit.
Nanatili akong nakatayo sa harap nila.
"Pinaiyak mo ang kapatid namin. At lalong hindi ko palalampasin 'yun." Sabi ni James saka niya ako sinuntok.
Two punch. And damn, I deserved that. They're just protecting their little sister. Kasalanan ko naman dahil sabi nga nila, sinaktan at pinaiyak ko si Jewel.
"Anong problema mong gago ka at sinaktan mo si Fancy?" Sigaw ni James.
Umiling ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pero naglakas loob ako. "Mahal ko si Jewel kaya ko siya nasaktan.."
"Fvck that love of yours, kiddo! Sawa ka na ba sa buhay mo? Mahal mo pero sinaktan mo?" Sigaw ni Lance.
Wala ng dahilan para ilihim ko sa kanila. They need to know my reason.
"M-May cancer ako. At hindi ko alam kung mamamatay ako o hindi. Hindi ko na hawak ang kapalaran ko. At ayokong dumating sa punto na kailangan kong iwan si Jewel. Masasaktan lang siya lalo at ayokong mangyari yun! Mas gugustuhin ko siyang masaktan na ngayon. Mas gugustuhin kong magalit nalang siya sa'ken. Ayoko ng mas lumalim pa ang pagmamahal niya sa'ken and in the end, bigla ko siyang iiwan. Hindi ko 'yun hahayaang mangyari."
Umiiyak ako. Masakit sa'ken. Masakit para sa'ken ang kalagayan ko at ayoko na nasasaktan si Jewel. Doble ang sakit niyon sa'ken. Damn it.
"Are you serious, man?!" Tanong ni James.
"Do I look like I'm kidding? Hindi ko sasaktan si Jewel kung wala akong mabigat na dahilan.
"Why don't you tell her your condition?" Tanong ni Lance.
I fake a smile. "Ayokong kaawaan niya ako. Mas lalo lang siyang masasaktan 'pag nalaman niya. Mas mabuti ng ganito. Nasaktan siya, nagalit saken, magmo-move-on and there, she will be happy. I know there's someone who can make her happy. And unfornatuntely, that's not me."
"I can't believe this." Komento ni Lance.
"Please, 'wag niyong sasabihin kay Jewel. Tama na 'yung ang alam niya ay may fiance ako at hindi ko siya kayang ipaglaban. Sinabi ko na din sa kanya na 'di ko na siya mahal. Kaya 'wag nyo sanang sasabihin ang tungkol sa sakit ko."
Tumango ang dalawa. Magaan din sa pakiramdam na may mapagsabihan nito.
Tinapik nila ako sa balikat. "Thanks for saving our little sister's heart." Makahulugang sabi ni Lance saka sila umalis at iniwan ako.
End of flashback
Damn. Kahit si Hazel ay walang alam sa sakit ko. Pamilya ko lang. Kahit sa bahay siya nakatira, hindi naman pina-uusapan 'yung ng basta basta lang.
Si Jewel..
She's back for being the little devil. Madami siyang trippings. Gusto kong magalit sa kanya pero nare-realize ko na kaya siya nagkaka-gano'n ay dahil sinaktan ko siya. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Ako lang.
Ngayo'y kuntento na ako na nakikita si Jewel. Sana sa mga susunod pang araw, bago ako mawala, sana makita ko siyang masaya. 'Yung hindi fake. Yung totoong kasiyahan at sana mahanap na niya ang lalaking para sa kanya.
I wish all the best for her. That's how I love her.
-
Fancy POV
Looking at my room's door. I'm not mapakali. I don't know if I'm lalabas na or not. I'm kianakabahan that Sydd is there outside. Yes, syempre he's there outside. He's nakatira dito eh.
But..
It's his fault he! He kissed me! So now, I'm nahihiya and I don't know how to face him na. It's like GRRR!
Huminga ako ng malalim and I'm humawak sa dorr knob and there I opened the door. Breath in, breath out. I'm ready. I'm okay. This is wala lang! Yes. I need to make him balewala and act like there's no nangyari kagabi between us.
Arghh! I'm gonna bunot his hair sa ilong talaga eh. He's so nakakainis!
Bumaba ako sa hagdan and there. Sa minamalas nga naman, Sydd is in the living room and he's nakatingin to me. He's smiling pa! Geez! My heart is reacting again and it's not nakakatuwa na talaga.
"Goodmorning wifey. Let's eat breakfast. Hinintay talaga kita para sabay na tayo."
I cleared my throat. My puso..why?! Why is it ganito?
"O-Okay." Where's my tapang? Dapat, I'm making bunot his hair sa ilong na eh!
He smiled again and he makes sabay sa'ken papuntang dining area.
"Sabay ka sa'ken pagpasok ha? Sa kotse ko. 'Wag ka ng magpahatid sa driver mo." Sabi ni Sydd and there we're umupo na sa dining table.
Dug dug..
This 'dug dug' is nakakainis na! I'm gonna tapos that to pluto na! It's always here oh, sa dibdib ko.
"I don't want nga." I just said that to gain confidence. I can't act normal na 'pag kaharap si Sydd.
He smiled at me. And that smile is nakakainis! My heart is...waaaa! I kennat talaga. I'm naguguluhan na talaga. It was like, I'm not in myself anymore. There's something here talaga eh. Na kakaiba.
"Tch. Sa ayaw at gusto mo, sa'ken ka sasabay. Alright, wifey?"
"And who are you ba para sumakay ako sayo? Don't be feeler nga! I have driver. We have car so I don't need to make sabay sa'yo."
"Who am I? I'm the guy who kissed you last night."
My eyes are nanlaki sa sinabi nyan. I'm gaining confidence na nga so I can act normal tapos he will make it paalala to me? He's GRRR!
"And the guy who would love you forever."
I'm...I'm..speechless. Again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top