Fancy 28

Blake POV

"You have no right to hurt our princess. Damn you, kid." Sabi ni Lance Abellano saka niya inihanda ang kamao niya. Siguradong ilang suntok ang matatanggap ko ngayon. 

"Kami, hindi namin pinapaiyak yun tapos ikaw na kutong-lupa ka..tch!" Sabi naman ni James Abellano. 

They are protective brothers and I understand them. 

"I have my reason." Sabi ko. "Mas mabuti ng masaktan siya ngayon kesa masaktan siya habambuhay."

Lumapit saken si Lance at hinigit ako sa collar ng polo ko. "Anong sabi mo, ha?!"

"Wala."

Napaupo ako sa sahig nang suntukin niya ako. Kitang-kita sa mga mata nila ang galit. Yeah, I hurt their princess but I have reasons. 

"Gago ka pala eh!" Sigaw ni James saka ako sinuntok. 

Two punches. Not bad. I deserved this. 

Nandito kami sa likod ng highschool building kaya wala namang makakakita ng ginagawa nila sa'ken. It's okay with me. Kulang pa ang suntok nila sa sakit na ibinigay ko kay Jewel. Damn. 

"Sasabihin ko sa inyo ang reasons ko.." Sabi ko. Mas mabuting malaman na nila tutal sila ang pumo-protekta kay Jewel.

"Spill it." Sabi ni Lance na masama ang tingin sa'ken. 

I will tell them.  

-

Fancy POV

"Hey, Reid and Patrick. Anong napag-usapan nyo ni Blake? Anong ginawa nyo sa kaniya?" Tanong ko. 

Nandito na ako sa mansyon. I can't stay in school na kanina kaya I decided na umuwi na. Then, ngayon lang umuwi si Reid at Patrick and I have no idea kung anong ginawa nila kay Blake. I know them. Baka sinaktan nila si Blake. 

"I punched him." Sagot ni Reid. 

"Oh my god! Why!" Sigaw ko. 

"I punched him, too." Sabi naman ni Patrick. 

Sumimangot ako. "You, two brothers. Bakit nyo sinuntok si Blake?"

"He deserved it." Sabay nilang sagot. 

"No."

Tumalim ang tingin ni Reid saken. What happened ba? Ang sama naman makatingin. 

"I'll talk to Papa about your arranged marriage."

Nanlaki ang mata ko. "Arranged marriage? What? Who? When? How? Why? Which? Where? Answer me!"

"Soon." Sagot ni Reid saka ako nilampasan. Kasunod si Patrick. 

Hinabol ko sila. "Tell me please! Bakit may arranged marriage? And bakit nag-decide ka ng ganon, Reid?" I can't accept that. Ipapakasal ako? At si Reid pa ang magsa-suggest kay Papa? No!

"I just want you to be happy." Sabi ni Reid. 

"Hindi ako sasaya kung i-a-arranged marriage ako! Ayokong makasal sa di ko mahal at di ko kilala!" I'm starting to cry. Si Blakey lang ang gusto ko. Siya lang. Umaasa pa rin ako na magkaka-ayos kami. 

"Look at me, Fancy. Am I not happy with my wife? Arranged marriage kami. We didn't know wach other and we're opposite but we learn to love each other. And now, we're happy. So much happy." Paliwanag ni Reid. 

Natahimik ako. Yeah, I forgot. Kasi si Reid, he's really happy with Yumi. 

"Because Yumi is different!"

"No. Just accept it. Arranged marriage is not bad at all." Sagot nya saka muling tumalikod at tuluyan ng umakyat sa taas. 

Hell! Ayokong ma-arranged marriage. Ayaw! Ayaw! Bakit nila ginagawa sa'ken 'to? Can't I choose my man to marry? Kailangan bang lagi nilang pairalin ang arranged marriage? Goodddd! World of business. I hate this! I hate Reid! Argh. 

--

"Wifey, kain ka pa."

Napangiti ako kay Sydd. He's acting sweet and weird lately. I mean, 'di na niya ako inaasar at binubwisit. He's always serious na. 

Tumango ako saka kinain ang nilagay niyang foods sa plate ko. 

"You looked good together." Nakangiting sabi ni Yumi na kaharap namin. Kumpleto kase kami dito sa dining table. 

Ako, Sydd, Patrick, Reid and Yumi. 

I pouted my lip. "Yumi naman eh. Kumakain tayo." Sabi ko. Bigla akong nahiya. 

"You know what, Ate Yumi? Matagal ko ng alam na bagay kami ni wifey. Wahaha!" Sabi naman ni Sydd na ikinatawa nila. 

Seriously? Tumawa sila?

"By the way, bubwit. Magaan sa pakiramdam ngayon na makausap ka." Sabi pa ni Yumi. 

"Ha?"

"Tuwid ka na kasi magsalita. Nakakapanibago pero at least wala ng nose bleeding." Natatawang sabi niya. 

"Wife. Tch. Ang lakas mo tumawa." Suway ni Reid. 

Nakasimangot at poker face lang ako sa kanila. So what kung tuwid na ako magsalita? One of these day, magkakaroon din ng comeback ang fancy language. 

"Wifey, kahit dinudugo ang ilong ko sa laguage mo, mahal pa din kita. Boom!"

Lalo akong nag-poker-faced. Mga tao talaga dito sa mansyon. Psh!

"Fancy, get ready. Uuwi si Papa bukas. I called him about what I've told you."

Sumimangot ulit ako. "No, Reid. No." Sagot ko. 

"Sa ayaw at gusto mo, kelangan mong sumunod." Seryosong sabi ni Reid. 

"Psh! Whatever." Sabi ko saka tumayo na. "I'm done."

Nakakainis. Bakit ba seryoso sila na ipasok ako sa isang arranged marriage? It's not funny. Ayokong ma-arranged! Paano nalang kung masamang tao ang i-a-arranged nila? Hay! Basta ayoko! Ayoko! At hindi nila ako mapipilit. Swear!

Tumambay muna ako dito sa may pool area. I want to refreshen my mind. I don't know what to do. Hindi ko alam kung makakausap ko pa si Blake. Pagkatapos siyang suntukin ng dalawa kong Kuya! 

I sighed. "Love is so complicated." I whispered. 

"But if I'm the one you love, love will never be complicated."

Napalingon ako sa katabi ko. Kararating lang ni Sydd. What he said is touching. But sad to say, hindi ko siya mahal. I like him, yes. But love? No. My love belongs to Blake. Only for him. 

"Mushroom kaba? Basta ka nalang sumusulpot dyan."

"Naks! Banat ba 'yan wifey? Tch."

Ngumiti lang ako out of nowhere. Yesterday, I was crying so hard. But now, ewan ko parang gumaan ng kaunti ang loob ko. Mahal ko pa din si Blake kahit sinasaktan niya ako. Hindi 'yun basta basta matatanggal. 

"Oh, natahimik ka?" Tanong ni Sydd. 

Umiling ako. "Wala lang."

"I want to ask you something."

"Go on."

"You must really hurt. Am I right?"

Tumango ako. 

"Tumuwid kase salita mo. Agad agad, nawala yung fancy language mo. Affected talaga ang buong pagkatao mo sa sakit na binigay ng gagong Blake na yon."

"Hindi sya gago." Mabilis kong apela. 

"Gago siya. Gago siya para saktan ang babaeng mahal ko."

Biglang kumabog ang didbdib ko sa sinabi ni Sydd. "A-ano?"

Ngumisi siya. "I don't care if you'll get mad at me. But I swear, hindi ko na siya hahayaang saktan ka ulit."

"Sydd!"

"Tanggapin mo na kasi, Fancy Jewel Abellano. Hindi kayo para sa isa't isa."

Nainis ako bigla. "You're wrong."

"Yan kasi hirap sayo, Fancy Jewel. Masyado kang naka-focus sa iisang lalaki kaya naniniwala ka na kayo ang para sa isa't isa. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ang paniniwala natin. At hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin. Matuto kang tumingin sa paligid mo. Habang sinasaktan ka niya, may isa o higit pang taong willing punasan ang luha mo. Damn." Seryosong sabi ni Sydd saka tumayo na. 

"Sydd."

"Think, Fancy. Hindi lang si Blake ang lalaki sa mundo. Ang love, hindi 'yan tulad ng klase na may favoritism. Dapat maging fair ka. Kasi minsan, kung sino yung hindi mo napapansin, yun pala yung mas karapat-dapat." Sabi pa nya saka tuluyan na akong iniwan dito sa pool area. 

He's serious. At naguluhan ako sa mga sinabi niya. At the same time, may na-realize. Ang gulo. Why! 

-

Tahimik lang ako dito sa classroom. Wala akong gana makipag-usap kay Daniella kahit kanina pa nya ako dinadaldal. At si Sydd naman, nakakapanibago yung katahimikan niya. 

Tumitingin tingin ako kay Blake. He's quiet too pero kinakausap siya ng bitch. She wants yellow bottle again, huh? Psh. 

Hanggang mapatitig ako kay Blake. He's the man of my dreams. Mula noon, siya na talaga ang gusto ko. Sa dami ng lalaking nagpalipad-hangin sa'ken, walang nakakuha ng atensyon ko. Just him. Si Blake lang. Noon crush ko lang siya at masaya na ako na napapansin niya kahit magtatanong lang siya about class. But then, nagkaroon ako ng priveledge na makasama siya at makausap ng mas matagal. Ang swerte ko na diba. Kasi hindi lahat ng crush natin, napapasakamay natin. But I'm lucky. Until he told me that he loves me. May hug na. May kiss pa. So much happiness. Gaano ka-saya? Imagine, yung bias mo, napansin ka. Na iniisip mo na imposible pero nangyari. Ganon ang feeling. 

Nanlaki ang mata ko nang magtama ang tingin namin. God! Bigla siyang tumingin sa'ken. Emotionless and I saw sadness on his eyes. Why Blakey? You keep on hurting me pero bakit nakikita ko sa'yo na nahihirapan ka din? I want to know your reason for hurting me. Handa akong makinig. Kasi, mahal kita. Mahal na mahal, Blake Zed Smith. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2015