Fancy 6

Fancy POV

I'm confident naman but I can't pigil may sarili na kabahan. I'm makikipagkita lang naman kay Blakey. After...ugh. We'll meet each other, alone. We're dalawa lang and no Hazel and Sydd muna. Geez, bakit kaya gusto niyang makita ako? Gagawin na nga kaya niya akong ninang? Oh my, I can't imagine na buntis si Hazel and I can't imagine na they did that 'thing' na. I kennat!

I wore my simple cotton dress. It's not sleeveless type. Super simple lang. I don't want Blakey to think na I'm nagpapaganda to him 'no. Psh.

"Saan ang tungo? Malalim na ang gabi."

I'm umirap to Patrick. He's here pala and it's nakakasuka that he's speaking a deep tagalog.

"I'm going somewhere lang." I answered.

"Date?" He teased.

Date? "No way! It's just a simple gala lang 'no. You know, na-miss ko ang Philippines. I forgot the itsura na ng ibang place here so.."

"Oo na. Defensive mo, bubwit. Dami mong sinasabi." He's natatawa pa. Arghh. He loves making me asar talaga.

"Don't call me bubwit na. I'm not maliit na 'no. I'm a lady now." I make paikot my eyeballs to him.

He laughed again. "Lady daw. Oo na, lady devil."

Sinimangutan ko siya. "Don't talk to me na nga, Patrick. You're so arghhh!"

He's tumawa lang ulit at nilampasan na ako. I'm umirap. Defensive ba ako? Of course, it's not a good idea na sabihin to him na I'm makikipagkita kay Blakey. Like OMG. Baka kung ano ang isipin niya. Baka isipin pa niya na I'm inlove pa din kay Blakey. I'm nagparaya na 'no. And..ah, basta!

I'm lumakad na palabas ng mansyon. I walk like a real Goddess, well, I'm goddess naman talaga eh. That boobie girl named Chloe? She's my kuko lang. Psh. Akala niya I'm tapos na to her? Duh. No one mess up with the little devil. She have no rights to act like that to me. Who is she ba? She's magmayabang if she have fanpage! Psh. She's not even famous. She's not even maganda! She have big boobs lang. Make it saksak sa atay niya. Hmp.

Sumakay ako sa kotse ko. I started the car engine and checked my phone.

Na-confirmed ko that the one who texted me is Blakey because after that text, he called. He just said that he's Blakey. Then he ended the call. I saved his number. It's not masama naman 'diba? After all, we're still magkaibigan pa rin naman. I don't know but I have aaminin. There is some ugat na nag-dug dug here sa dibdib ko and it bothers me. Why kaya?

From : Blake Smith
I'm already here. See you later, Jewel :)

Why I'm napangiti nalang basta? And I have no idea naman if anong pag-uusapan namin eh. Is it about them? Or me, being the ninang of their first child. Oh my talaga!

I'm nagda-drive na and I can't stop thinking about Blakey. Is he really happy with Hazel? Is he..really a married man?

I sighed. I overthink things, naiisip ko lagi 'yung magkaka-baby na sila ni Hazel. Pero I know, in myself, that I'm against with that. I don't know why. Sometimes, I can't understand my feelings. It's so malabo and cannot be reached talaga minsan.

My phone is biglang tumunog. And it's Sydd.

"Hello?" I answered while busy driving. I'm using a headset para it's safe na makipag-usap ako through phone kahit nagda-drive.

"Where are you?"

He's always making me hanap. "Why?"

"I'm asking you, where are you? Narito ako sa mansyon niyo. Umalis ka daw. Nakabihis at mukhang makikipag-date sabi ni Kuya James."

I rolled my eyes. Patrick is so GRRR talaga! He's teasing Sydd. He's nakaka-stress. "I just want to hang out."

"Alone? Sinong ka-date mo?"

Sydd talked like my boyfriend. Seriously.

"I have no ka-date."

"Wifey." He said seriously.

"What?" I can't tell him na I'm makikipagkita kay Blakey. I'm sure, he's susunod. Knowing Sydd? He's so seloso kaya kahit he knows naman na Blakey is married na to Hazel.

"Who's your date?"

"Sydd, wala nga akong ka-date. Why so kulit?" I let out a sigh.

"Nagbihis ka ng maganda sabi ni Kuya James. Nagpapaganda ka sa iba. Alam mo namang iniingatan kita saka ayokong may ibang lalaking nagagandahan sa'yo. Tch."

He's being possessive. It's nakakainis but something in my dibdib is saying dug dug..

I'm kinikilig ba kay Sydd that he's being possessive to me?

"Seriously? I'm not nagpapaganda sa iba because I'm maganda naman talaga. Psh. You're nagpapaniwala agad kay Patrick. You know naman that he's so epal like GRRR! He's making you inis lang. I'm fine. Okay? You make uwi na."

"Pupuntahan kita. I won't let you alone."

He's really makulit. I cannot! Hindi pwede. It's me and Blake. It's US. Kakasabi ko lang kanina, no Hazel and Sydd for the meantime.

"Sydd."

"Wifey. Nag-aalala ako."

"Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Matanda na ako. Duh! Sydd naman. What do you think of me, bata?"

"But.."

I'm huminga ng deep. "Trust me, I'll be fine. I'll call you later okay? Just let me alone muna ngayon."

I heard him sighed. "Alright. But promise me one thing."

"Okay. What is it?"

"Kiss mo ako."

My eyes are nanlaki. Sydd is so ano talaga. "Kiss?! And why?"

"Basta. Tch. Sige na, ingat ka. Papakasalan pa kita."

I pouted my lip. Nagwawala din naman ang ilang kilig cells ko. I admit. Dragon Sydd is sooooooo, something.

"Okay. Bye!" Paalam ko.

"Bye, wifey. I love you."

Nasamid ako. He's arghh! It has effect on me. I'm over reacting na ba? It's just a simple three words but I want to, ahhhh! I want to make tili talaga. I'm kinikilig yata talaga.

I ended the call then tinanggal ko na ang headset sa ear ko. Sydd talks like my boyfriend. He really cares for me. Makulit nga lang sometimes. But then, napagtitiisan naman. Haha!

It's already gabi na but still, it's maliwanag sa labas. Nakaka-miss din talaga ang Pinas. It's been a while.

We're magkikita ni Blake sa park. I thought pa nga, we're magkikita sa...you know, I don't know nga kung nag-e-exist pa 'yun.

Our secret place..

Pero may asawa na siya. It's not right to think about it na. I'm sure it's gone na. Bakit ko nga ba iniisip pa iyon? Umaasa pa ba ako? No..no.

Natanaw ko na ang park. I'm kinakabahan na naman. Thinking about "him", it's really has an effect on me. We're mag-uusap pa ALONE. Why, oh why?

I parked my car sa gilid ng street. I love the different colors of lights here in the park. There's still maraming tao pa rin pala kahit it's gabi na.

I'm bumaba sa car ko and huminga ng deep. This is it. Act naturally, Fancy..

Lumakad na ako papunta sa park. I looked for Blake but I can't see him so I texted him na lang if where is he.

I'm nagta-type palang when someone hugged me from behind. My eyes are nanlaki talaga.

Kinakabahan ako. I don't know who is this but my pakiramdam is malakas. Why..

I tried to make kawala to him but his yakap is humigpit.

"Please, let's stay like this, for a while."

And with that voice, I know now. It's Blake and damn, why is it my tears suddenly fall?

Ang lakas ng epekto sa akin. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang maramdaman ang yakap niya, kakaiba. Iba kumpara sa nararamdaman ko kapag nakikita o nakakaharap ko lang siya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"I miss you, Jewel.." He whispered.

Lalo pang nanlaki ang mga mata ko habang malayang tumutulo ang luha ko. Bakit ako umiiyak? Wala namang nakakaiyak. Parang may sariling isip ang mga mata ko kaya ako naiiyak.

"B-Blake.."

"Ssshh.." Aniya. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil yakap niya ako mula sa likod ko, ramdam ko, tumtulo ang luha niya..sa may balikat ko. At ang tibok ng puso niya, bakit ganoon kalakas?

Mamaya ko nalang sasagutin sa sarili ko ang mga kasagutan na iyan. Sa ngayon, ibibigay ko muna ang gusto ni Blake. Nanatili siyang nakayakap sa likod ko habang ako, makapigil hininga habang patuloy na tumutulo ang luha.

-

"I don't know how to start. I'm stunned. I'm speechless because you're here in front of me." Blake said.

Nakaupo kami dito sa isa sa bench sa park. Magkatabi kami habang pareho kaming may hawak na starbucks coffee. Kanina, pagkatapos ng moment namin na tinatawag na, 'yakap sa likod scene' ay niyakap niya ako paharap saka niya ako niyayang umupo dito sa bench pagkatapos ay saglit siyang nagpaalam para bumili ng coffee sa starbucks na nasa kabilang street lang. So now, magsisimula na kaming mag-usap.

Kinakabahan ako to the point na hindi ko keri na mag-fancy language dahil halo halo na ang pumapasok sa isip ko na maaari naming pag-usapan. Pagkatapos ng ikinilos niya kanina? Doon ko din napagtantong, hindi pa ako moved on sa kaniya. I still have feelings to him. Hindi naman kasi agad maaalis iyon. Mas pinili lang ng puso kong hayaan na si Blake sa ibang babae, na alam kong makakapagpasaya sa kaniya. I trusted Hazel dahil alam kong mahal niya si Blake at mas maaalagaan niya ito.

"Stunned?" Kumunot ang noo ko.

"You're drop-dead gorgeous, Jewel. You're a full grown woman."

Nagba-blush ako. Naman! Blake, bakit mo ako pinupuri ng ganito.

"Ah." Kunwari'y balewala lang sa akin ang papuri niya pero kinikilig ako. "So, bakit nga pala gusto mong mag-meet tayo ngayon? Anong pag-uusapan?" Mabagal kong sabi. Pure tagalog muna ako, pero I'm sure, kapag hindi na kinaya ang kilig cells na nagwawala sa katawan ko, mapapa-fancy language na naman ako.

"It's funny but, I just want to see you. Alone."

"Ha?" Nag-pretzel knots na ang noo ko.

"I just want to hug you, feel your existence.. I just missed you, Jewel."

Kilig alert. Ang kilig cells, kakawala na sa katawan ko. Ohmyshakeshakefries! I have bipolar na puso. I'm kinikilig kay Blake but I have something for Sydd. Oh no. Is it possible that I have feelings sa dalawang magkaibang tao?

"W-What do you mean? I thought, you're gonna tell me to be the ninang of your anak." I said. I'm serious. 'Yan talaga ang naisip ko.

Tumawa siya ng bahagya. Na-miss ko ang tawang iyon ni Blake. Mukhang fully recovered na nga siya sa sakit niya. He's okay now. He's better. And I'm happy for him. Nakabuti nga siguro ang pag-alis ko before.

"Paano ka magiging ninang ng magiging anak ko?" Tanong niya.

"K-Kasi, ano, friend mo ako saka 'di ba sabi ko gawin mo akong ninang ng magiging anak mo?" Pinilit kong maging normal. Kalma lang.

"Is it legal na maging ninang ng isang bata ang sarili niya nanay?"

Nag-pretzel knots ulit ang noo ko. Logic yata 'yung sinabi niya. Loading ako. "'Di ko gets."

He smiled at me. "Never mind. Anyway, hindi ka magiging ninang dahil wala pa akong anak." He said.

Tumango-tango ako. Kumakalma na ang sistema ko. Nag-uusap na kami ng normal, na parang magkaibigan. Gano'n.

"Basta, gawin mo akong ninang ha?" Ulit ko. Wala lang talaga akong masabi. Nakakailang kasi eh. After ilang years, ngayon lang kami nagkaharap ng ganito. 'Yung kaming dalawa lang talaga ang magkasama at nag-uusap. Walang ibang taong involve.

Tumawa lamang siya. "Gusto mo talagang maging ninang ng anak ko."

"Oo naman! Ano ka ba."

"How's your life in New York?"

"Okay naman. Nakapagtapos na nga ako at plano kong magpatayo ng fashion boutique dito sa Pilipinas para magamit ko naman ang napag-aralan ko."

"That would be great." He said then sipped his coffee. "Goodluck sa plano mo. I know you can do it."

"Thanks." I said. "Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo?"

"Managing our company." He simply answered.

"About your condition, okay ka na ba? Magaling ka na?" Hindi ko na napigilang itanong. "Sorry for asking. Gusto ko lang malaman."

"I'm fine. Magaling na ako. You know, I fought for my life. Hindi pa ako handang mawala sa mundo."

"Good for you. I'm glad to know that you're really fine now."

Ang seryoso namin masyado at hindi ko inakala na magkakausap kami ng ganito. Simple lang. Normal.

"Yeah." Nakangiting sabi niya.

Nakaka-blanko ng utak ang pakikipag-usap kay Blake. "So, pwede na bang malaman kung anong gusto mong pag-usapan? I mean, you asked me to meet you here."

"Uhm, Jewel.."

"Yes?" Tumingin ako sa kaniya na nasa tabi ko. Nakatingin din pala siya sa akin. Kahit madilim na ay kitang-kita ko ang mukha niya dahil maliwanag ang buwan. At hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi.

"I still...."

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Kalmado na ako kanina pero heto at nagsisimula na namang mag-rambil ang kung ano sa dibdib ko para kabahan ako ng ganito.

"...love you."

I froze for a moment saka ko nabitawan ang hawak kong strabucks coffee.

What did he say?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top