Fancy 3
Fancy POV
Hindi ko na nahabol pa ang bawat paghinga ko nang makaharap ko si Blake. Yes, it's been four years. At ngayong kaharap ko na ulit siya..shems! Hindi na kinaya ng dila ko ang mag-fancy language pa. I am shocked. Though, alam kong hindi naman imposibleng magkita ulit kami, hindi ko naman napaghandaan na ngayong gabi pala agad ang muling pagkikita namin.
"Hi, Fancy!" Bati naman ni Hazel na nakahawak sa braso ni Blake.
There is something here..
Pilit kong kinalma ang sarili ko. I don't know what to react. Hindi ko inakalang ganito kalakas ang impact sa'kin ni Blake after four years.
"Hi, Hazel. Hi B-Blake.." Bati ko saka sila nginitian.
Parang natahimik ang buong paligid na tila kaming tatlo lamang ang naririto. Kumusta na kaya sila? Matagal ding wala akong communication at balita about them.
Basta ang huli kong nalaman ay ikinasal na sila. And that's it. After that, pinutol ko na ang communication sa kanila.
"Welcome back." Nakangiting sabi ni Blake saka niya ako niyakap na ikinalaki ng mga mata ko.
Napalunok at at hindi ko alam kung magha-hyperventilate ba ako o mawawalan ng malay.
Kumalas na't lahat sa yakap si Blake ay tulala pa rin ako na feeling ko nakayakap pa rin ako hanggang sa maramdaman kong may umakbay sa'kin.
"Yo, Blake. Buti nakarating ka?"
Napatingin ako sa tabi ko. Si Sydd. Naka-akbay siya sa'kin at cool na cool syang nakangiti kina Blake. Thanks to his presence, unti unting nababawasan ang kaba sa dibdib ko.
"Yeah. I received a group message that's why." Blake answered. Gwapo pa rin siya hanggang ngayon. Parang hindi siya galing sa sakit.
Sa pagkaka-alam ko, that year na umalis ako papuntang New York, ay naka-recover din si Blake sa cancer niya. Gumaling siya dahil lumaban siya. I'm happy about it kaya ngayon, he's still alive and kicking.
Lalo akong inilapit ni Sydd sa kaniya. "Wifey, pakainin mo na sila. Maraming foods sa buffet." Anito na ngiting-ngiti.
Infairness, ang bago ni Sydd. Bagong ligo eh. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang fitted jeans at blue shirt. Simple pero may dating. Oh, bakit ko ba pinupuri ang Sydd na'to!
"A-Ah, oo." Nauutal na sagot ko bago tumingin kina Blake. "Huwag kayong mahiya. Eat everything you want. Walang limitations. Pakabusog kayo. There's a lot of vacant seats pa naman. I'll need to go inside lang. I need to get my camera." Paalam ko kahit ang totoo, hindi ko naman kailangan ng camera.
Ngumiti sina Blake and Hazel. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik din nila. Awkward ba?
"Sure. Take your time." Sabi ni Blake saka ito tumingin kay Hazel. "Let's eat, hon."
CRAAACKKK
Parang nabasag ang puso ko sa narinig ko. Hon ang endearment nila? Sweet naman.
I sighed then looked at Sydd. "Hubby, pwede mo ba akong samahan sa loob?"
Dinilatan ko siya ng 'makisakay-ka-nalang-look, at nakalolokong ngisi naman ang isinagot ng loko. Na-gets niya yata na apektado ako sa 'hon' endearment nina Blake.
"Sige, wifey. Basta mamaya na tayo gagawa ng baby after the party. Baka naman gusto mo lang ako solohin." He winks at me saka lalong hinigpitan ang pag-akbay sa'kin.
"Ang sweet niyo naman! Kayo na ba?" Tanong ni Hazel na ang lapad ng ngiti.
Tuwang-tuwa ang bruha. Hindi porket okay na kami four years ago, ay hindi ko na siya tatarayan. Psh.
Natawa lamang si Sydd. Napatingin ako kay Blake na tahimik lang. Hindi siya nag-react sa sinabi ni Sydd. Nagseselos kaya siya? Or ano kayang iniisip niya?
Gusto ko tuloy tusukin ang mata ni Sydd pero pinigilan ko ang sarili ko. For the sake of my pride. Shems!
"Sige na, Hazel. Kain na kayo do'n. Papasok na kami sa loob. Let's have chitchat nalang later." Paalam kong muli saka hinila na si Sydd papasok sa mansyon.
Tumawa ng malakas si Sydd. "Nakita mo 'yon? Nagulantang yata si Blake sa sinabi ko. Haha!"
Nag-pokerface ako. "Letse ka talaga! Itatanim na kita eh."
"Sus! Sabihin mo, kinakabahan ka lang at nawawala sa concetration dahil kay Blake. Tch. Masakit dito ah." Tinuro niya ang dibdib niya. "Pero naiintindihan ko naman, wifey."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Bakit nga ba nawawala ang concentration ko? At lalong, bakit ako kinakabahan sa harap ni Blake? Wala na naman eh. Wala na dito..
"Sorry.."
Ngumiti ng malapad si Sydd. "Ano ka ba, wifey? Okay lang. Haha! Pero what's with hubby ha? Damn it. Kinilig ako dun, putek!"
Napa-pokerface na naman ako. "H'wag kang feeler!"
"I know. Nainggit kalang sa 'hon' nila eh. Haha! Pero h'wag mo na ulit ako tatawaging hubby." Seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? That was just a--"
"Baka 'di ko mapigilan ang sarili kong yayain ka ng magpakasal."
I. AM. SPEECHLESS.
"Tara na nga! Kunin mo na camera mo. You need to capture pictures." Aniya. "You know what? Para ka palang camera, wifey. Because you captured my heart..so deep. And hopefully soon, ma-develop na." Seryoso muling sabi niya saka ako hinila paakyat sa taas.
Nagpahila nalang ako dahil nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang sinasabi ni Sydd? Geez! Kaloka!
-
Blake POV
"Stunned?"
Tumingin ako kay Hazel. We're here at the table with our foods. Kauupo lamang namin and honestly, I'm waiting for Jewel.
"Gumanda siya lalo. She looks like a model." Patuloy ni Hazel.
I smiled bitterly. "Yes. I'm stunned. She's the most gorgeous woman in my eyes."
"Hindi ba nagbago ang isip mo? You know, talk with her and sabihin mo sa kaniya na.."
"No. Hindi pa rin no'n nabago ang isip ko. I know she's happy now. I don't want to hurt her again." Uminom ako ng grape juice saka tumingin sa di-kalayuan kung saan palapit sa amin sina Jewel at Sydd.
Walang nabago..
Walang nabawas..
Walang kapalit..
She still..
"Kain lang ng kain. Libre 'yan." Sabi ni Sydd paglapit sa mesa namin.
Jewel is looking at me smiling. Damn, I'm still into her.
"Mukha ngang masasarap eh." Sagot ni Hazel.
Naupo si Jewel sa tabi ko and I was like, 'fck this feeling'
"Kukuha lang ako ng pagkain natin. Makipag-kwentuhan ka muna kina Blake. I'm sure marami kayong mapagku-kwentuhan." Sabi ni Sydd saka tumango sa'kin.
"So how's the life in New York? It's been four years. I'm sure, graduate ka na." Panimula ni Hazel.
I'm like an idiot. I can't even utter a word. Damn it. Kanina, ang taas ng confidence ko then now, where's my fcking confidence?
"New York pa din." She laughed. "Yes, graduate na ako. And you know, I'm planning to have a business here."
"Really? Wow. So what kind of business?"
Para akong anino dito. Tch. Paano ba ako makikisali sa conversation nila?
"Fashion designer ang natapos ko. So, I'm planning to build my own botique."
Parang amaze na amaze si Hazel. Makikisali na ba ako sa usapan nila? Girls. Tch.
"Nakaka-excite naman! I'm sure lagi akong mamimili sa botique mo!"
"Oh, thank you. That's the first thing na aasikasuhin ko after this comeback party." Nakangiting sagot ni Jewel.
Hindi pa rin ako makasali sa conversation nila. Damn. Uminom muna ako ng grape juice. Mauubos na 'to, 'di pa din ako nagsasalita. Si Sydd wala pa din. 'Di tuloy ako makasali sa dalawa.
"Actually, dati gusto ko din maging fashion designer pero nabago dahil alam mo na, kapag nasa mundo ng business. No choice. Buti ka nga eh. Kahit nasa Top 2 richest family in the Philippines ang Abellano dahil sa business niyo, hindi ka pinilit na sa kompanya niyo mag-trabaho."
Jewel rolled her eyes. "Hay naku, at first 'yun ang gusto ni Papa. 'Diba nga Business Management ang course ko sa SWU? Pero no'ng pumunta na akong New York, pinilit ko si Papa na payagan na ako."
"Napapayag mo siya agad?"
Tumawa si Jewel. Oh damn, my heart is melting.
"Of course not! Tinakot ko si Papa. Sabi ko, kung 'di niya ako papayagan na maging fashion designer, magpapa-buntis nalang ako at mag-aasawa ng maaga."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Jewel. Fck. Is she serious with that?
"Hey, are you okay?" Tanong agad ni Hazel na tumatawa.
"I'm okay." Sagot ko agad. I cleared my throat. At inayos ang upo ko.
Muling tumingin si Hazel kay Jewel. Jewel is looking at Hazel too. Damn, pinaggigitnaan nila ako.
"Ang cool no'n! Grabe ka talaga, Fancy."
Uminom ulit ako ng juice. Natutuyuan ako ng laway.
"Well.." Jewel proudly said. "Kayo, kumusta ang married life?"
Muntik ko nang maibuga ang juice na ininom ko. Fck!
"Ah, okay naman, Fancy!" Mabilis na sagot ni Hazel.
Saved by her. Tch. Dumating na rin si Sydd na may dalang pagkain. Fck it. Inetresado ba siyang malaman ang tungkol sa'min ni Hazel? That married life?
"Wifey, sorry natagalan. Humingi pa ng gwapo tips ang isa nating ka-batch eh. Wahaha!" Sabi ni Sydd. He's always like that--being cool.
"As if naman, you're so gwapo talaga! Psh." Pagtataray ni Jewel.
Naupo na si Sydd sa tabi ni Jewel. Then inilagay niya sa harap ni Jewel ang plato nito na may mga pagkain. Are they in a relationship? Or are they engage? Married? Damn, I want to know but how. I can't ask them.
"Ubusin mo 'yan para tumaba ka naman." Sabi ni Sydd kay Fancy.
"Oh, sweet niyo naman." Sabi ni Hazel. Tch. Kumain na ako habang nakikinig sa kanila.
"No! We're not sweet!" Sabi agad ni Jewel.
"Kunwari ka pa talaga, wifey eh. Sweet tayo. 'Di ka lang aware kasi manhid ka. Haha!"
"What?" Sigaw ni Jewel.
"Wala! Sabi ko ang ganda mo talaga. A-anakan na kita bukas." Biro ni Sydd. He's laughing so hard.
Hinampas ni Jewel si Sydd sa balikat. "Bunganga mo, Sydd! I'll make it zipper eh!"
What was that? Nagtatawanan sila pero 'di ako natatawa. Tch. I'm curious about their status.
"Naalala ko bigla, 'di ba conyo ka? Parang nawala na yata?" Tanong ni Hazel. Yeah, I noticed it, too.
"Akala niyo lang 'yun! Pero lilinawin ko lang. Hindi conyo ang tawag 'pag si wifey. That's the famous fancy language. Alien pa din siya. May mga pagkakataon lang na kelangan niyang maging normal. Haha!" Kasunod niyon ang tawa ni Sydd.
Fancy language. May gano'n pala.
Binatukan ni Jewel si Sydd. "Ikaw talaga, Sydd!"
Tumawa ulit sila. "Ang cool! Haha! Fancy language!" Sabi ni Hazel.
Tuwang tuwa sila ah. 'Di man lang napansin na andito ako at hindi nakikitawa. Tch.
"How about you, Blake. How are you?" Sumeryoso ang mukha ni Jewel and she's looking at me.
Para akong na-estatwa but damn, I need to speak. Kanina pa ako tahimik dito. I want to know some things about her too.
"I'm fine. I'm perfectly fine, Jewel. And for now, I'm busy with my father's company. I'm the Vice President." Sagot ko. Damn, parang ang pormal ko. Fck.
"Really? Wow. So, how about your..you know.."
I get it. "Wala na akong cancer, Jewel. Treated already and I thank God for that."
I saw sadness in her eyes. "Thanks, God." She said. "And mabuti nalang, andiyan si Hazel sa tabi mo, all the way. I'm sure, dahil sa kaniya kaya ka gumaling."
Kung alam mo lang..
You were my inspiration that time. I hate myself for letting you go. That's why I fought. But after saving my own life, months passed and I realized that I'm not the right man for her.
There is someone I know that would make her happy. Iyong hindi siya masasaktan tulad ng ginawa ko noon.
I looked at Sydd. He's looking at Jewel and I could see his love for her. It's sincere and true.
"Masyado kayong seryoso! Mabuti pa, enjoy na natin ang pagkain. Then later, let's have a drink!" Sabi ni Sydd.
"Tama! Tama!" Sagot agad ni Hazel.
Okay na sa'kin na malaman na mag-stay si Jewel dito sa Pilipinas dahil sabi nga niya, magtatayo siya ng botique. So mapapadalas ba ang pagkikita namin? Am I expecting for that? Is there a reason para magkita kami lagi or kahit paminsan-minsan? We're friends, right? Wala namang masama kung minsan, yayain ko siyang lumabas.
I smiled at Jewel and she smiled back. Gumaan ang pakiramdam ko. Hindi dapat ako mahiya o matahimik. I need to be confident katulad kanina pagdating ko. I shouldn't act this way.
I think, we're okay? But..how about my heart?
Natahimik kaming apat at naging abala sa mga pagkain namin. Hindi ko maiwasang mapatingin kina Sydd at Jewel. They are sweet, yes. Binabalatan ni Sydd ang hipon na nasa plato ni Jewel.
"Are you okay, Blake?"
I looked at Hazel. "I am."
She smiled weakly. "I know it's hard for you, but give yourself a chance. You deserve to be happy." She said. I don't know what's her point.
Hindi na ako sumagot. I just focus on my food.
"Sydd!" Sigaw bigla ni Hazel. "Samahan mo naman ako sandali sa kotse namin ni Blake. Papabuhat ko 'yung regalo namin for Fancy. Medyo mabigat 'yun eh. Para i-diretso mo na rin sa kwarto niya."
What?
"Sure!" Sagot agad ni Sydd. Ubos na rin naman ang pagkain sa plato niya and he's just waiting for Fancy to finish.
"Bakit may gift?" Tanong ni Fancy.
"Welcome back gift iyon for you. Siyempre, four birthdays mo din ang hindi namin napuntahan ni Blake so we prepared a gift. Sana magustuhan mo. Check it on your room nalang later ha?"
Ngumiti si Jewel. "Well, thanks!
Umalis na ang dalawa and damn, naiwan kami ni Jewel dito sa table. Ano bang iniisip ni Hazel? Nananadya siya. Tch.
"Marami pang foods do'n, Blake." Sabi ni Jewel.
I almost had a goosebumps. Fck. What is this. I'm acting like a gay.
"I'm full." I smiled at her. "By the way, are you..planning to get married?" Di ko alam kung bakit ito ang natanong ko. Shit.
"Married? With whom? Why?"
"With Sydd, of course." I answered. How about me? Oh damn. Why am I acting like this.
I drink juice again. Mabubusog na ako kakainom.
She looks at me confused. "Hindi pa 'no! Magfo-focus muna ako sa business na gagawin ko and wala pa naman sa isip ko ang kasal kasal na 'yan. Kayo ni Hazel, wala pa ba kayong balak mag-anak?"
Muntik ko na namang maibuga ang ininom kong juice. "A-Ah, like you, I'm not ready for that--I mean, we're not ready for that thing. Busy pa ako sa kompanya."
"I see." She smiled while eating her food. "Can't wait to see little Blake's."
Naubo ako. Fck it.
"Are you okay?" Agad na tanong niya. "Here." Inabot niya sa akin ang baso ng tubig.
Kinuha ko iyon but then, accidentally nahawakan ko ang kamay niya and there, we're stucked in the moment.
Parang may kuryente akong naramdaman sa sistema ko. Damn, what is this. I can't help myself staring at her with my blank face but there's something that..
Nawala ako sa pag-iisip nang biglang bumitaw si Jewel. "A-Ah, inumin mo na 'yan." Sabi nya.
Dahan-dahan akong tumango. Then I drink the water. I need to calm myself. My system is not working properly.
"Okay ka na?" Tanong niya. She looks worried.
Tumango ako. "I'm fine. Thanks."
Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Tumungo ako.
"B-Blake.."
Nag-angat ako ng tingin. "Yes, Jewel?"
Mukha siyang 'di mapakali. Napansin kong tapos na din siyang kumain. Magkahawak ang dalawa niyang kamay na parang pinapakalma niya ang sarili niya.
"A-Ano.."
"What?" Sasabihin ba niyang na-miss niya ako? Or sasabihin ba niyang may feelings pa rin siya sa'kin? Para akong baklang nag-a-assume. Tch.
Pero malay mo. She looked tense.
She took a deep breath then looked at my eyes. "Kunin mo akong ninang kapag nagka-anak na kayo ha!" She said
And my jaw dropped. What the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top