Fancy 25
I'M really masaya today kasi opening na ng store ko, ang JEWELS. And because it's opening, all my items here are 50% off! So what are you waiting for? Come here na sa store ko, hindi lang magagandang items ang makikita niyo kundi pati rin ako na super duper mega ganda to the highest mountain everest!
"Nakaka-proud ka, Fancy. May sarili ka ng business. Pwede ka ng mag asawa!"
Yumi kissed my cheek. They are all here in my store. Syempre I'm the Abellano princess! I have a lot of customers na nga agad kasi naman, my two brothers are here. Like, they are too handsome to handle.
"Lance Abellano, pwede po bang magpa-picture?! Taga SWU po kami at sikat na sikat po kayo doon!"
I smiled and look at those students na nagpapicture kay Reid. Duh! If they know lang, may balat kaya sa pwer si Reid and that's so eww!
"Ang gwapo gwapo talaga ng Kuya mo, Fancy. Kaya ang hirap itago e. Kung pwede lang na huwag na kaming lumabas ng mansyon." Natatawang sabi ni Yumi.
"Duh! You din naman, Yumi e! Reid is nagiging super saitan kaya whenever may lumalapit sa iyong boys!"
Natawa lang din siya. Kanina pa kami dito but then, my boyfie is wala pa din. Nakakatampo na nga like hello, he's my number one supporter!
"Girls, isa isa lang! Mahina ang kalaban. Alam kong gwapo akong nilalang at may ABS na ako pero, kalma lang."
I rolled my eyes when I heard Patrick. He's mayabang pa din. Duh! I know may ABS na siya but in history, he's the epic guy who only has one AB. And it will never be forgotten.
"Nasaan na pala ang boyfriend mo, Fancy?" Tanong ni Yumi.
Ngumuso ako. "He's not here pa nga e. Tapos I can't contact his number. Like, malapit na akong mainis sa kaniya!"
"Ikaw talaga. Baka busy lang sa cafe niya."
"Hmp! I'm his priority saka sabi niya he'll come here first thing in the morning but look, it's almost lunch and he's still not here."
Madami pa ring tao and I'm sure, the two cashiers at the counter is so pagod na. Aw, I'm happy that this store is successful. Walang masasabi si Papa.
"Fancy, may bisita ka."
Tumingin ako sa entrance ng boutique and it's Blakey and Hazel.
Kumaway agad sa akin si Hazel. Ngumiti naman si Blakey.
Kinakabahan ako and I don't know why. After what happened, and alam kong hindi pa din siya tumitigil sa pangungulit sa akin. Kahapon kasi, almost maghapon niya akong tinatawagan. One time akong sumagot and he just told me that he loves me. Ang creepy na ng dating sa akin, I don't know why.
"Wow! This is so fab, fancy! Super successful ng opening ng store mo. Ang daming namimili." Sabi ni Hazel.
Sinenyasan ako ni Yumi na iiwan muna kami.
"Thanks for coming." Sabi ko.
"Mamimili na agad ako! Unang tingin palang, nakaka-excite nang pumili ng mga damit and all!" Sabi ni Hazel at tumingin tingin na sa paligid.
"Jewel..."
"Oh, thanks sa pagpunta, Blake." Sabi ko. Ayokong magtaray sa kaniya because he's still a good guy I knew.
"Can we talk for a while?" He asked.
"About?"
Ngumiti siya. "Kahapon pa kita gustong kausapin kasi... narealize ko na ang mali ko. Ang gago ko para takutin ka at alam kong nasaktan kita sa ginagawa ko. Mahal lang talaga kita, Jewel. Kaya nga, I'm ready to let you go."
Na-touch naman ako sa sinabi niya. Alam ko namang mabuting tao siya.
"But I have a favor."
I tilted my head. "Anong favor?"
"Can we go to our secret place? I want to give you a remembrance. Iyong mga regalo ko dapat sa 'yo na naroon lang sa secret place natin. Kapag naibigay ko na ang mga 'yon sa 'yo, it means I'm letting you go."
Tumango ako. Para matapos na ang lahat at maging masaya nalang ang lahat.
"Okay, then let's go tomorrow." Sabi ko.
Ngumiti naman siya. "I'll look around. Congrats in your store."
I smiled and nodded at him.
Hinayaan ko siyang magtingin tingin. Lumapit ako kina Reid dahil kinawayan ako ni Yumi na lumapit sa kanila.
"I want to punch that kiddo." Sabi agad ni Reid.
Hinampas siya ni Yumi. "Ano ka ba, hubby! Wala namang ginagawang masama ang tao e."
I rolled my eyes.
"He threatened this little devil!" Sabi ni Reid.
"Aba loko pala 'yang Blake na 'yan ah! Suntukin ko sa panga 'yan." Sabi ni Patrick.
"Tumigil nga kayo. Like GRRR kayo! He's being good na naman sa akin e." Sabi ko.
"Dapat lang! Kung hindi igo-good job ko 'yan." Sabi ni Patrick.
"I'm gonna punch him straight to his fucking face once he hurt you again, little devil." Sabi ni Reid.
I know how protective they are to me and yes, they are like that talaga, so harsh!
"Hubby! Napaka mo!"
"What?"
"Ewan ko sa 'yo! Nagsusungit ka na naman. Akala mo, makakatabi ka sa akin mamayang gabi? Doon ka tumabi kay James!"
"Yon! Iki-kiss kita mamaya bro."
"Fuck you." Sabi niya kay Patrick and then he looked at Yumi. "Wife, sorry na."
Tumawa lang kami ni Patrick. Napatingin ako kay Hazel na kumakaway sa akin.
Lumapit ako sa kanila na nasa counter.
"Fancy, look at these!" Sabi niya habang hawak ang ilang paperbags. "Ang sarap magshopping dito sa store mo! Baka maging tambayan ko na 'to and dito nalang ako palagi bibili."
Ngumiti ako. "Thank you, Hazel!"
"You're welcome. And look oh, kahit si Blake, namili rin kasi ang gaganda ng quality ng clothes here."
"Thank you!" Sabi ko kay Blake.
"We're going na, Fancy. May dadaanan pa kasi kami ni Blake.
Tumango ako.
"Jewel..." he said na parang pinapaalala niya iyong bukas.
I nodded then waved my goodbye to them.
Tiningnan ko ang kabuuan ng store ko, there are still madaming tao and nakakatuwa.
But again, I remembered my boyfie.
Kinuha ko ang phone ko sa pouch ko and then I dialled his number.
Nag-ring na iyon sa wakas. Unlike kanina, hindi ko makontak. I'm so naiinis na talaga!
He picked up the call. "Dragon Sydd! You're nakakainis na ha! You told me pupunta ka dito but you never called me or even text me! Nakaka GRRRR ka na!"
"Mas nakaka GRR ka, girl. Busy kami ni Sydd so please huwag kang istorbo? Alam mo, hindi ko alam kung bakit pinagtitiyagaan ka pa ni Sydd kahit ayaw naman talaga niya sa 'yo. Kung sabagay. Pagtitiyagaan ka talaga niya because it's for business. Kapag nga naman naging asawa ka ni Sydd, mas titibay ang company nila by the help of your family."
It'a boobie girl.
"If you think maniniwala ako sa 'yo, then duh! Hindi mo ako maloloko. Huwag mong siraan si Sydd sa akin kung ayaw mong mukha mo ang sirain ko." I said.
"Okay, its up to you. Ah, anyway, kaya nga pala hindi makakapunta si Sydd ngayon sa opening mo, kasi it's our anniversary and he promised me that we'll fly to Japan tonight."
There is something na tumusok sa dibdib ko. No! I won't believe her.
"Say what you want to say. You're still the boobie girl with booboo brain. Bye bitch!"
I ended the call. May bahagi sa akin na ayaw maniwala, may bahagi naman na naniniwala.
How could she answer Sydd's phone if they aren't together? And...
Napailing ako. I don't want to think anything bad about him. I trust him.
"Fancy, are you okay? Para kang natulala." Sabi ni Yumi.
"Uh, Yumi can I go out muna? Pupuntahan ko lang si Sydd?"
"Sure, may problem ba?"
"Wala sana? But... huwag mo nalang banggitin kina Reid and Patrick na it's about Sydd. I'll just check him."
Tumango siya. "Kami na ang bahala dito sa store mo. Go."
"Thanks."
Lumabas ako ng store nang hindi napapansin nina Reid and Patrick because they are talking to some of their fangirls na nagpapa-picture. Si Yumi na ang bahalang magsinungaling kapag hinanap nila ako.
Mabilis akong pumunta sa parking lot at sumakay sa car ko.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako but I hope that boobie girl is just lying. Sydd is the most honest person I know kaya alam kong hindi totoo ang mga sinabi ng boobie girl na iyon.
Huminga ako ng malalim. Nag-concentrate ako sa pagda-drive kahit palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko.
What if totoo iyong sinabi ni boobie girl?
What if...
No! That's impossible. Mahal ako ni Sydd at hindi siya ganoong tao para lokohin ako. Kahit I'm super brat and all, ramdam kong totoo siya sa akin.
Malapit na ako sa Dev's Cafe at mas lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko. I admit, natatakot ako na baka totoo iyong sinabi ni boobie girl.
Nang matanaw ko ang cafe ay huminga ako ng malalim. I'm a strong woman at hindi ako basta basta natatakot sa mga ganito. I can stand on my own kahit pa masaktan ako.
I parked my car sa gilid ng park dito malapit sa Dev's cafe. Ayokong magpark sa mismong cafe because I know, makikita agad ako ni Dragon Sydd. I want to surprise him. I want to know what he's really up to.
Naglakad ako palaput sa Dev's cafe. May mga customers since it's malapit sa schools, park and it's in the city.
Pumasok ako doon. Hinanap agad ng mga mata ko si Sydd and there he is.
Smiling at....
Huminga ako ng malalim.
"Thank you so much!"
Napatingin sa akin si Sydd nang makaalis ang mga kausap niya. Nagulat pa siya at biglang tumakbo papalapit sa akin.
"Wifey!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Did you see that group of people? Three of them wanted to purchase a branch of Dev's Cafe. I really wanted to go to your store pero basta nalang sila dumating kanina. Alam kong nagtatampo ka. Sorry, sorry wifey. Pupunta naman ako e, male-late lang talaga ako because o---"
I kissed him.
Walang kabog pa, hinalikan ko lang siya because I'm happy. I'm happy dahil hindi ako nagkamaling magtiwala sa kaniya. I knew it! He's a good guy.
Nang bumalik ako sa realidad ay narinig ko ang hiyawan. Ohmyholychuvaners! Ang dami nga palang tao dito!
"Wifey... fuck, you just damn it. You just hit my malanding button."
"What?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong halikan ni Dragon Sydd! Ohmyshakeshakefries!
Nakakahiya! Like, ang dami daming tao dito! Huhu. Bakit ko kasi siya hinalikan? Masyado lang naman akong natuwa e.
Kumalas siya sa akin. Ang lapad lapad ng ngiti niya.
"More, more!"
My pisngi is so red na, I'm sure!
"Hinalikan mo kasi ako, wofey e. E'di bilang ganti, hinalikan din kita." Nag-peace sign pa siya.
Ang gwapo niya tuloy lalo! KYAAAAAAA!
"Kasi... kasi argh! Nakakainis ka talaga! Where's your phone?!"
Para siyang biglang may naalala. "Oh damn, naka-charge ang phone ko sa counter. Wait wifey. I'll get it then let's go to your store."
Naalala ko ang babaeng may booboo brain and yes, she's at the counter glaring at me.
Lumapit ako doon.
"Oh, hi! I'm here nga pala to make sundo my boyfie. You know, he really loves me talaga e."
Mas sumama ang tingin niya sa akin. "Akalain mo ngang pupunta ka pa dito para lang i-check si Sydd?"
"Oops, bakit iiyak ka na? Like you're not nakakaawa naman. You looked like a... a... dinosaur! Haha!"
"Wifey."
Tumingin ako kay Sydd. "Let's go?"
Tumango siya saka ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa bewang ko.
Ohmygulaysapakbet!
"Chloe, ikaw na muna ang bahala dito hanggang mamayang closing time. Hindi na ako makakadaan dito." Sabi niya kay boobie girl.
Bigla agad nabago ang expression ng mukha niya from dinosaur to a monkey.
"Okay, Sydd! Ako na ang bahala dito."
Plastic! Mapagpanggap! She's like a witch, duh! Akala niya basta ko lang palalampasin ang ginawa niya?!
Kahit papaano ay natakot din ako sa sinabi niya kanina at kinabahan! Bakit hindi siya mag-writer? She's too good at making story.
Umalis na kami ni Sydd saka lumabas ng cafe. Humanda sa akin ang boobie girl na 'yan!
"Wifey, sorry talaga. Napapunta ka pa tuloy dito. Where's your car?" Tanong ni Sydd.
I bit my lower lip. "Uh, doon ko siya na-park sa may..." itinuro ko kung nasaan ang sasakyan ko.
"Silly. Hinuhuli mo ba ako, wifey? Akala mo may babae ako? Ikaw lang ang babae ko, okay? Kahit ayawan ka ng lahat, andito ako at hinding hindi ka aayawan."
Ohmy... he is making me mega kilig!
"Kotse mo na ang gamitin natin wifey. Ako na ang magda-drive. I'll sleep at your room tonight."
My eyes formed a heart shape!
"Wait, wait but..."
"May basbas na ako ni Kuya Lance kaya pwede na akong matulog sa kwarto mo, wifey."
Eee! Kase naman! I like it din! Waaaaaa!
Sumakay na kami sa kotse ko then he started the engine.
"Pero wifey bakit bigla mo nalang akong hinalikan kanina? Akala ko bida na tayo sa movie e."
I bit my lower lip. Nakakahiya! Like ohmylips!
"I... I just..."
"I like it, wifey. Putangina kinilig ako. Gusto ko na ngang magsisigaw."
Napalunok ako. "Don't be feeler nga! I'm just... just trying to kiss you in public lang naman."
He chuckles. "Lalo akong nai-inlove sa 'yo, wifey."
"Anyway, pumunta sa store sina Blake kanina with Hazel."
"Ano? Anong ginawa ng bakla na 'yon? Ginugulo ka ba niya? Gusto yatang masuntok ko ulit."
"Dragon Sydd! You're so harsh!"
"What? Sabi nga ni Kuya Lance, kapag may asungot, just kill them. Buti nga suntok lang ang gagawin ko sa Blake na 'yon."
Binatukan ko siya. "You talaga!"
Tumawa lamg siya. "But how's your store? Sorry talaga wifey kung hindi agad ako nakapunta."
"Success, I think. Ang daming namimili. Paano naman kasi, hakot customers din sina Reid and Patrick. Isama mo pa si Yumi."
"Paano pa kapag andon na ako, wifey?" Tanong niya.
"Don't be feeler nga!"
Natawa naang siya saka pinagpatuloy ang pagda-drive.
Nakahinga na ako ng maluwag. It's just that, hindi ko alam kung anong magagawa ko o mangyayari kung totoo iyong sinabi ni boobie girl over the phone kanina. Kaya pala nagamit niya ang phone ni Dragon Sydd kasi naka-charge sa counter. Pakialamera talaga!
Humanda talaga siya sa akin. Hindi pa ako tapos sa kaniya.
"Sydd..."
"Yes, wifey, I love you "
KYAAAA! Bakit kasi ganoon!
"Do you really love me? I mean... you're not cheating on me? Hindi mo ako niloloko like I'm gonna putol your kaligayan if you do."
Tumawa ng malakas si Sydd. "Hurting you is not included in my vocabulary, wifey. Hindi na baleng ako ang masaktan, huwag lang ikaw. At lokohin ka? Gago ba ako para lokohin ang taong mahal na mahal ko? Hindi ako naghintay ng matagal para lang lokohin ka. I waited for you because I want you for the rest of my life."
KYAAAAAA! Sisigaw na talaga ako because my heart is nagjumpy jump na sa kilig!
"Ikaw, wifey. Kailan mo ako tatawaging hubby?"
I felt my cheeks blushed! Arghh! He's mega nakakainis sa pagpapakilig!
"Why ba?! I don't want to make gaya nga si Yumi! Diba hubby ang tawag niya kay Reid?!"
Tumawa siya. "Then what do you want to call me?"
"Buko?"
"What the fuck, wifey?!"
I laughed. "I'm just kidding. I heard it from Yaya Madonna lang habang kausap ang kalandian niya like ang bantot ng buko, right. Hmmm..."
"Then what?"
"Hmm, I don't know e? I'm nasanay na to call you Dragon Sydd."
"Okay, wifey. Makakaisip din tayo ng pwede mong itawag sa akin para sweet." He winked at me.
Nakarating na kami dito sa mall. Then bumaba na kami to go to my store.
"I'm proud of you, wifey. Pareho na tayong may business ngayon. Pareho pa tayong hindi humawak or nagtrabaho sa mga company ng pamilya natin."
I smiled. "Thank you, Dragon Sydd."
"Pwede na talaga tayong magpakasal at bumuo ng pamilya."
Eeeee! Enebe!
Nakarating kami sa store at sinalubong agad kami ni Yumi.
"My gosh, Fancy. Halos mag-sold out na agad ang ibang stocks ng items mo dito. Ganoon ka-sikat ang store mo."
"Ang wifey ko pa ba, Ate Yumi?"
"Yo, kiddo." Bati ni Reid kay Sydd.
"Kuya Lance. Sorry late ako, may inasikaso pa akong mga kliyente." Paliwanag niya.
"Ayos na 'yong kliyente ang asikasuhin mo basta hindi ibang babae kung ayaw mong iuntog kita sa ABS ko." Sabi ni Patrick.
Like pinagmamalaki niya talaga ang ABS niya. Duh!
"That's good. Pareho kayo ni little devil na may kaniya kaniyang business na." Sabi ni Reid.
"Oh my! Siya si Sydd Agoncillo 'di ba? Siya 'yung famous sa facebook na may ari ng Dev's cafe kasi super duper gwapo niya and ang cool niyang barista!"
I arched my eyebrow when I heard a group of students na biglang lumapit kay Dragon Sydd.
"Pwede po bang magpa-picture?!"
"Sikat si boyfie mo, Fancy." Biro ni Yumi.
My head is umiinit na like I want to sunog their hair. Where's my lighter ba?
"Waaaa! Super gwapo niyo po talaga!"
May ilan pang girls na naglapitan like, gosh!
"Uyyy, nagseselos ang bata." Pang-aasar ni Patrick.
"Pull their hair if you want, little devil. That's your man." Sabi ni Reid
"Mananabunot na iyan!" Sabi naman ni Yumi.
Omo! They are all bad influence!
But then...
Lumapit ako kay Sydd then hinila ko siya sa braso. "Baby, nauuhaw ako. I want something to drink."
BABY WHUUTTT?
"Oh, wifey, anong gusto mong inumin?" Tanong agad ni Sydd sa akin saka tumingin sa mga malalanding babae! "Girls, sorry ha, aasikasuhin ko muna ang girlfriend ko."
Para akong mahihimatay like oh my gosh! Sydd naman e!
Nag alisan naman sila at hinarap ako ni Sydd. "Wifey, tangina kinilig ako."
I frowned. "What? Kinilig ka sa mga babae na 'yon?!"
"You called me baby. Damn. I just... damn it. Ang sarap lang sa pandinig."
E kasi...
"Just call me baby, okay?"
Basta nalang ako napatango saka niya ako hinila.
"What do you want to drink?"
"You."
"What the fuck, wifey. Tama na baka iuwi na kita at makagawa pa tayo ng little devils."
Napangiti nalang ako. I'm so mataray and all but when I'm with Sydd, para akong nagiging bata na madaling kiligin.
Siya na talaga. Siya na ang gusto kong makasama. Hindi dahil napapasaya niya ako kundi dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko na ang lalaking naghintay sa pagbabakik ko noong hanapin ko ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top