Fancy 23

Sydd POV

AYOKONG lumabas ang bad side ko. Ayokong maging masamang tao para sa taong nananakit sa damdamin ng babaeng mahal ko dahil baka mabasag ko ang pagmumukha niya.

Nang makalapit ako sa kinatatayuan niya ay sinuntok ko siya ng isa. Isa lang naman.

"Bakla ka ba?" Tanong ko.

Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. Kulang pa 'yan sa pagpapaiyak niya sa prinsesa ng buhay ko.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, Sydd." Aniya.

"At ano? Kakausapin mo na naman si Fancy para piliting mahalin ka? Damn you, man! Sardinas ka ba, ha? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa kanya? Hindi ka na niya mahal. Gaano kahirap intindihin iyon?"

"Mahal nya ako."

Pinigilan ko ang kamao ko bago pa ulit ito dumapo sa mukha niya.

"Ilang beses bang dapat sabihin ni Fancy sa'yo na hindi ka na niya mahal? Gaano ba kahirap intindihin at paniwalaan 'yon?!"

"Sobrang hirap na parang mas gusto ko nalang mamatay. Oo, ilang beses na niyang sinabi sa akin na hindi na niya ako mahal pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing kahit kaunti, meron pa din!!

"Putangina ng puso mo dahil pinapaasa ka lang niyan! Hindi ka na mahal ni Fancy!"

"Bakit? Dahil ba ikaw na ang mahal niya, Sydd? Kaya ba ang lakas na ng loob mong humarap sa akin ngayon dahil alam mong panalo ka na?" Sinamaan niya ako ng tingin.

I gritted my teeth. "Kahit pa noong talo ako, kaya kitang harapin. Dahil hindi ako tulad mo na hindi kayang tumanggap ng pagkatalo!"

Tumawa siya. "Ano 'to laro? Hindi ito laro, Sydd. Mahal namin ni Jewel ang isa't isa. Pinaubaya ko lang siya sa 'yo noon!"

Mas ngumisi ako. "Pinaubaya? Yeah, you are fucking right, Blake. Pinaubaya mo siya sa akin. Ibig sabihin, pinakawalan mo siya at mas pinili mong masaktan siya kesa hayaan siyang manatili sa 'yo kahit alam niyang may sakit ka noon. Naiintindihan ko na binitawan mo siya dahil ayaw mo siyang mahirapan dahil sa sitwasyon mo noon. Sana ngayon kaya mo ring palayain siya dahil alam mong nahihirapan siya at nasasaktan sa ginagawa mo ngayon!"

"No. I came back alive. Nagpalakas ako para sa kaniya. Gumaling ako para sa kaniya. I did my best for her! Para makabalik sa kaniya. All I want is her. I really love her."

"Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang sumaya. Set her free." Sabi ko.

Wala akong problema kay Blake pero hangga't siya ang nagiging dahilan ng pag-iyak ni Fancy, kaaway ko na siya.

"Kaya ko siyang pasayahin!"

"You're too much, man. Hindi ka ba talaga titigil? Hindi pa ba sapat sa iyo na masaktan mo ulit si Fancy?"

"I won't stop until I get her. Una siyang naging akin, Sydd. Kaya tangina, huwag kang sagabal!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ulit siya. Isa, dalawa, tatlo, apat.

"Apat na suntok para kay Fancy. Apat na suntok 'yan na ang ibig sabihin ay Hindi Ka Niya Mahal. Tangina mo!"

Gumanti siya ng suntok. Tinamaan ako pero nailagan ko ang pangalawang suntok.

"Tangina mo din, Sydd! Akin siya!"

Nagsuntukan kami. Wala akong pakialam kung magbasagan kami ng mukha. Kung para kay Fancy, gagawin ko. Hindi ko 'to ginagaea para masolo ko at sa akin mapunta si Fancy kundi ginagawa ko 'to dahil itong gago na 'to ang nananakit kay Fancy at hindi ko itotolerate iyon.

😈

Fancy POV

KANINA pa ako pabalik balik dito sa salas. I'm waiting for Sydd dahil siya ang nakipag-usap kay Blakey. I wonder kung ano nang nangyayari. Kinakabahan ako na baka mag-away sila. Hindi naman siguro sila nagkasakitan, right?

Yes, tama. Blake is not the type na nakikipagsuntukan and si Sydd, nangako siya na hindi niya susuntukin si Blake.

Argh! I want to follow them pero...

"Mam Pansi, you is ikot ikot lang and me is hilo hilo na. Why you are so worry?"

Mas sumakit ang ulo ko kay Yaya Madonna. "Don't mind me, Yaya. Matulog ka na baho ko pa  gupitin ang pilikmata mo gamit ang nail cutter."

"Waaa! Takot na me. Sleep na me. Goodnight Mam Pansi!"

Huminga ako ng malalim. Inhale, exhale. I don't know what to think na like, what is happening na ba!

It's been two hours pero wala pa din si Sydd. Parang ang tagal naman nilang mag-usap.

"Iha, ano ang bumabagabag sa iyo sa kalaliman ng gabi?"

I rolled my eyes.

"Patrick, can you stop that? Nose bleed na ako sa deep tagalog mo. Ugh, my head hurts! I don't even want to hear you speaking."

"Aba, talaga naman. Kapag ikaw ang nagsasalita ng conyo, nagrereklamo ba ako? Matindi ang babaeng ire."

"My gosh, Patrick! I want to be alone, okay?"

"Ano bang nangyayari? Para kang sinilihan sa pwet. Hindi ka mapakali."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't mind me okay? Saka doon ka na nga sa Mandy-monyita mo! I thought naalala ka na ulit niya? You want me to pukpok her ulo para makalimutan ka ulit niya?"

He glared at me. "Magtigil ka, Fancy Jewel kung ayaw mong isumbong kita kay bro na nagsolo kayo ni Sydd sa kwarto mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? No way! We never do that! Walang nangyari sa amin! Argh!"

Sumama pa lalo ang tingin ni Patrick sa akin. "Sabi ko lang nagsolo kayo sa kwarto mo. Anong sinasabi mong walang nangyari sa inyo at hindi niyo ginawa? Ha? Ano 'yon? Ikaw na babae ka isusumbong talaga kita kay bro at kay Papa." Aniya saka diretsong lumabas ng mansyon.

Argh! "I hate you, Patrick! Mabaog ka sana!"

Padabog akong umupo sa sofa. Bakit kasi wala pa si Sydd!?

I looked at my phone. Nakailang missed calls na ako kay Sydd at Blake pero wala sa kanila ang sumasagot. Ano bang pinag-uusapan pa nila para tumagal ng ganito?

Ipinatong ko sa center table ang cellphone ko. I'm patiently waiting for a text from them. Lumalakas pa ang kabog ng dibdib ko. Hindi na ako mapakali dahil baka may nangyati ng masama sa kanila.

Nagbeep ang cellphone ko. Halos magjumpy jump ang puso ko dahil aa gulat at kaba. Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang message.

From: +639079876543
Kumusta na kau jan. Ito na ang bagong roaming num ko. May pdala akong package jan sa isnag linggo. Palodn u muna ako kahit 100 lang.

Arghh! Binato ko ang cellphone ko kung saan. What the hell?! What was that? Bakit ba ang lakas ng trip ng mga tao ngayon? My gosh! Ayoko na sa earth!

"Wifey..."

Nanlaki ang mata ko at napatayo nang marinig ang boses ni Sydd. Nilingon ko agad sya sa may pinto pero lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Jewel..."

What happened?! Bakit bugbog sarado ang dalawang 'to? Blake and Sydd. They are both lying on the floor, for french fries sake!

"Pasalamat ang dalawang 'to, hindi ko na sila binangasan."

Napatunghay ako at nakita kong nakatayo si Patrick sa harap namin.

"Patrick?"

"Pauwi na ako sa condo ko kaso nadaanan ko sila sa may park. Hindi ko dapat papansinin pero aba naririnig ko ang sigawan nilang dalawa. Akin si Fancy! Akin si Jewel! Aba pota, sila ba nag ire sa 'yo at kinakanya ka. Kaya ayan, inawat ko at dinala ko sila dito pareho. Ikaw ang may kasalanan niyan dahil ikaw ang dahilan ng pag-aaway nila kaya ikaw ang gumamot sa dalawang 'yan. Tch. Nadumihan tuloy ang kotse ko."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. So all this time, iyong oras na inaantay ko, nagbubugbugan nanpala sila? And if it's not for Patrick, baka magpatayan na sila.

Puro sugo ang labi nila pareho pati mukha. Ohmyholyfries.

"Sorry, wifey..."

"Sorry, Jewel..."

Napasabunot ako. My gosh! Aalalayan ko na sana si Blake dahil siya iyong malapit sa akin pero sumigaw agad si Sydd.

"Wifey uunahin mo pa talaga 'yan!"

"Ako ang first love e!"

"Tang'na mo!"

"Tang'na mo din!"

Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi pa ba sila tapos mag away?

"Aw! Aray!"

"Ouch, damn!"

Napatingin ako kay Patrick na pinalo ng naka-roll na magazine ang ulo nung dalawa.

"Kayong dalawa magtigil kayo. Hindi pa ba kayo tapos mag-away? Gusto niyo bang kami ni bro ang bumugbog sa inyo ha? Masyado kayong mag-away dahil sa kapatid ko, hindi naman 'yan maganda."

Sinamaan ko ng tingin si Patrick.

"Tulo laway pa 'yan kapag natutulog. At mabaho ang utot niyan."

"Patrick you're so ew! Ano ba!"

Itinayo ni Patrick ang dalawa at inalalayan na makalakad. Ipinasok niya sa salas saka iniupo sa malaking sofa.

"Tumahimik na kayong dalawa. Gagamutin kayo ng kapatid ko o babangasan ko pa kayo?"

"Yes boss!" Sabay na sagot nung dalawa.

"Little devil, gamutin mo na 'yang dalawa na 'yan."

Tumango ako. "Thanks, Patrick. At least you helped them."

"Tch. Pasalamat ang mga 'yan dahil wala pa si bro. Kung hindi, hindi na 'yan makakatuntong dito. Aalis na ako."

Umalis na si Patrick at naiwan kaming tatlo. Pumunta agad ako sa may medicine cabinet malapit sa kusina saka kumuha ng pang first aid.

"Ang sakit nito, wifey. Ahh hindi ko na kaya ang sakit."

"Mamamatay na yata ako sa sakit, Jewel."

Seriously? "Kayong dalawa, hindi ba kayo titigil? Gagamutin ko kayo pareho kaya pwede bang tumahimik na kayong dalawa? Bago pa ako maging demonyita at sabunutan kayong dalawa."

Para namang tuta na natahimik ang dalawa.

Kumuha ako ng wipes saka pinahid ang mga dugo nila s amukha. Pagkatapos ay kumuha ako ng cotton buds at nilagyan ng cream para sa sugat.

Inuna ko si Sydd. Hindi dahil siya ang boyfriend ko. But because sa alphabetical, mas nauna siya. Psh.

Nang matapos ako sa kaniya ay sinunod ko si Blake. Tahimik lang silang dalawa pero pero pakonti konti ay nahuhuli ko silang nag aaway sa tingin.

"Now it's done." Sabi ko saka tumayo sa harap nila. "Sinong may sabi sa inyong magbugbugan kayo?!" Sigaw ko.

Minsan lang nila ako makitang ganitong galit. Matakot na sila. Because my anger will reach the mountain everest.

Walang sumagot sa kanila.

Inulit kk ang tanong ko. "Sinong nagsabi sa inyong magbugbugan kayo! Isa!"

"Ang sitwasyon, wifey. Damn."

Sinamaan ko ng tingin si Sydd. "Sitwasyon?!"

"Sinuntok niya ako. Gumanti lang ako. At naggantihan kami." Sagot naman ni Blake.

I massaged my temple. "Sydd sabi mo---"

"Nadala ako ng damdamin ko, wifey! He provoked me! Tangina kasi ng Blake na 'yan, bading!"

"Tangina, mas bakla ka!"

Mas pinakalma ko ang sarili ko. "Both of you, out!" Sabi ko. "Ginamot ko na ang sugat niyo, ngayon, umuwi na kayo. Uwi!"

"Wifey..."

"Jewel..."

Hindi ko sila kinakaya. Hindi ko talaga kinakaya ang mga katwiran nila.

"Or should I call my brother Reid?"

Mabilis silang tumayo. Kaya naman pala. Kanina parang mga lumpasay na hindi mo maintindihan tapos nakakatayo naman pala.

"Wifey..."

"Bukas tayo mag-uusap, Sydd. Let me take a rest." Sabi ko.

Tumango lamang siya saka umalis na kasunod ni Blake. Subukan lang nilang mag-away ulit.

Napaka-childish nilang dalawa. Hindi ko alam kung magagalit ako o mabubwisit sa ginawa nila. Oo, sabihin na nating ako ang dahilan ng pag-aaway nila pero hindi naman kailangang humantong sa bugbugan.

Argh, humanda si Sydd bukas.


Sino bang mas tama? Up or down?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top