Fancy 22

Fancy POV

NAKATULALA ako habang nakaupo sa kama ko. Hindi ako makakilos. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makaiyak dahil halos maubos na ang luha ko kakaiyak kanina mula pa nang makauwi ako dito sa mansyon.

Ilang ulit nang tumunog ang cellphone ko pero hindi ako nag-abalang tingnan iyon. Alam kong si Sydd iyon. Alam ko... at alam kong nag-aalala na siya. Mula sa hospital kung nasaan si Blake hanggang makauwi ako dito ay hindi ko pa sinagot ang tawag niya.

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Mas kinabahan ako.

Baka kasi si Sydd...

Ilang segundo lamang pagkatapos nang pagkatok ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Sydd.

He hurriedly came to me and hugged me.

Without any words, I felt confort from him. From his hug, from his presence...

Napahagulhol ako ng iyak. Ngayon ko mas naramdaman na nasasaktan ako.

"I called you so many times. Nag-alala ako, wifey."

I bit my lower lip as I'm trying to stop myself from crying. "Sydd..."

"Hey... what's wrong?" Bumitaw siya ng pagkakayakap sa akin saka ako hinarap. "I hate to see you crying."

Pinigil ko ang luha ko. I just can't stop it. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit pinapahirapan ako ng ganito. I deserve to be happy, right? Pero bakit kung kelan sinusubukan ko nang maging masaya, palaging may hadlang?

Dahil ba ito sa mga trippings ko no'n?

Hindi ako makasagot kay Sydd sa halip ay lalo lamang akong naiyak. Muli niya akong niyakap. Mas mahigpit.

"Damn, I have no idea what's going on. Nag-aalala na ako wifey. May umaway ba sa 'yo? May nagawa ba akong hindi maganda? Please tell me."

Muli akong humikbi saka bumitaw sa kaniya. I faced him with my eyes full of tears.

"Sydd... Sy...dd..."

Lumamlam ang mga mata ni Sydd. He looks worried. "Damn, wifey. Tell me please..."

"Blake..."

"What did he do? Sinaktan ka ba niya? I will fucki---"

Umiling-iling ako. Agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Sydd.

"He tried... he tried to kill his self... he tried..."

His eyes widened. "What happened? Why? Anong ginawa niya?"

Pinahid ko ang luha ko pero inunahan na ako ni Sydd. He wiped my teas and kissed my forehead. "Look at me, wifey. Calm down and tell me what exactly happened."

I cleared my throat and tried to calm myself. "I told him that you're my boyfriend and I love you..."

"Yes, I love you too, wifey." He said. "Then what?"

"He begged. Nagmakaawa siya na bigyan ko siya ng chance na patunayan sa akin na mahal niya ako. He wanted me to come back to him. Gusto niyang hayaan ko siyang iparamdam sa akin na mahal niya ako."

"Fuck," he hissed.

"I rejected him. Sinabi ko sa kaniya na mas masasaktan lang siya dahil alam ko naman sa sarili ko na ikaw ang mahal ko, Sydd."

"Mahal din kita, wifey. Mahal na mahal."

Huminga ako ng malalim. "Then he walked out. Tapos nakarecieve nalang ako ng tawag from Hazel na nasa hospital si Blake. Then I found out na nagsuicide siya. Mabuti nalang naagapan."

Sumama ang tingin ni Sydd. "Damn Blake. Why... I mean, bakit kailangan niyang pahirapan ka? Pagkatapos ka niyang pahirapan noon? Lagi mo siyang iniiyakan noon, pati ba naman ngayon, paiiyakin ka pa din niya?! That's lame!"

Alam kong nagsisimula nang magalit si Sydd. He's too seriois right now.

Tumikhim ako. "Then nung nasa hospital na ako..."

"What, wifey?"

"He talked to me again. He asked me to come back to him. At kapag..."

His jaw clenched. "At kapag hindi mo siya binalikan, magpapakamatay ulit siya? E putang'na pala ng Blake na iyan? Nasaan ang gagong iyon?" Tumayo si Sydd. Alam kong galit na siya.

"Sydd..."

"What now, wifey? Gago ba siya? Gago na nga siya noong ipagtulakan ka niya palayo noon, tapos ngayon magpapakagago na naman siya? Kailangan ko na yatang suntukin sa ulo iyon para matauhan. Damn it!"

Pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa mga kamay niya. "Sydd please..."

Huminahon naman siya agad saka muling umupo. "Tell me, wifey. Anong isinagot mo sa kaniya?"

"I chose what I think is right." Sabi ko.

"You mean..."

I looked at his eyes. "I rejected him again. And I told him na kapag nag-suicide pa ulit siya, hinding hindi ko na siya kakausapin pa."

"And what did he say?"

"At first, binalewala niya. He still begged. But... I cried hard in front of him and told him that I really love you. That... if he really loves me, he will set me free."

Sydd smiled at me. "Wifey..."

"Siguro kung isip at nararamdaman ko ang susundin ko, baka... baka bumalik ako sa kaniya. But no, the right thing to do is to let him understand what I really feels. Na mas sasaya ako sa 'yo, kesa sa kaniya. At kung talagang mahal niya ako, mas pipiliin niyang maging masaya ako, kesa siya ang maging masaya."

"Damn him." Sumeryoso ulit ang mukha niya. "Nagparaya na siya noon tapos ngayon aagawin ka niya sa akin at tatakutin ka pa? Bakla ba siya? Hindi ko na siya matantiya, tang'na hahamunin ko iyon ng suntukan e."

"Sydd, hayaan mo na. Siguro kasi ano..."

"Ano, wifey? Sa tingin mo ba tama iyong ginawa niya sa iyo? Palagi ka nalang niyang pinapaiyak habang ako, pilit kang pinapasaya. Nakakagago na e. Hindi ba niya naisip kung gaano ka niya nasaktan noon? Tapos ngayon pipilitin ka sa bagay na ayaw mo."

"Sydd, enough."

Umiling siya. "No. I need to talk to him. Mag-uusap kami ng lalaki sa lalaki! Boyfriend mo ako at may karapatan akong sugurin siya ngayon at basagin ang mukha niya."

Pinigilan ko siya. Seryoso talaga siya. "Please, Sydd..."

"Wifey, alam mong mabilis uminit ang dugo ko kapag nakikita kong umiiyak ka. Idagdag mo pa na ang Blake na 'yon ang dahilan."

Huminga ako ng malalim saka niyakap siya para tumigil na siya at kahit papaano ay mag-chill siya. Kitang kita ko naman sa mga mata niya na galit siya.

"Ikaw ang kahinaan ko, wifey..."

Ngumiti lang ako habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Hinding hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng dahil kay Blake." Aniya saka kumalas ng yakap sa akin. He cupped my face. "Don't ever see him again. Change your fucking mobile number and block him on social media."

Bahagya akong ngumiti. "You're being possessive, Sydd."

"Do it, wifey."

"Hindi ko kailangang gawin iyon, Sydd." Sabi ko. "Ayokong iwasan siya dahil sa ginawa niya. Gusto kong ma-realize niya ang mali niya hindi dahil sa iniwasan ko siya."

He took a deep breath. He gave me peck on my lips. "Fine... your way, wifey. But please, huwag kang basta basta makikipagkita sa kaniya. Kung kailangan niyong mag-usap, kailangang kasama ako. I won't let him hurt you or threaten you again."

Tumango nalang ako para matapos na ang pag-uusap namin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

I did the right thing, right?

Ayokong masaktan si Sydd para lang sa awa ko kay Blake. Hindi ko gagawin iyon. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kong mali. At lalong hindi ako magpapadala sa mga bagay na mali.

"Did you cry a lot?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Damn." Mura niya. "Do you want ice cream?"

Ngumiti ako. "Hindi na ako bata."

"I just want you to cool down. Masyado kang na-stress kakaiyak dahil sa gagong Blake na 'yon. Let's go downstairs. Magpapabili ako kay Yaya ng ice cream sa convenience store."

Hinila niya ako patayo. Nagpadala nalang ako dahil gusto ko rin naman talagang maalis ang stress ko. Sapat naman na si Sydd pampatanggal ng stress e, bonus nalang iyong ice cream.

And as for Blake, gusto ko muna siyang kalimutan ngayon pati na ang mga ginawa niya.

📌

PABABA ako sa kusina nang may maamoy akong mabango. Mukhang nagluluto si Yaya Madonna ng masarap na dinner.

Kakatapos ko lang ayusin lahat lahat ng kailangan para sa botique ko para mai-open ko na siya. Ready naman na ang lahat dahil may taga-asikaso ako sa pwesto na nakuha ko sa mall.

Halos maghapon akong nasa library ni Papa para ayusin ang list ng orders ng mga items na magiging available sa botique ko. Dinalhan na nga lang ako kanina ni Yaya ng lunch e kasi wala na akong time para bumaba.

Nang makarating ako sa kusina ay halos manlaki ang mga mata ko nang makitang naka apron si Sydd habang may hawak na kawali. Tapos... naka topless pa. Ano ba?!

Ohmyholychuvaners!

"Mam Pansi, me is talagang na-fall na kay cutie. Not just cutie but hottie na siya mam. My garter is nalagot na talaga!"

I rolled my eyes. Ang ganda ng pwesto ni Yaya Madonna habang pinapanood si Sydd.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Pinagluluto ng dinner ang asawa ko." Sagot niya. Kumindat pa siya saka pinatay ang stove.

Like... kinilig ako bigla to the highest mountain everest!

Napalunok ako nang tanggalin niya ang apron niya. Kinuha niya ang white sando niyang nakasampay sa dining chair saka isinuot iyon.

"Sit down, wifey. Let's eat. You worked too much." Dire diretso siya sa pagsasalita kaya naupo na ako sa harap niya.

Naloloka ako sa kinikilos niya.

Hindi pa man ako nakakasagot ay muli siyang nagsalita.

"You don't need to work too much. Kaya na naman kitang buhayin, wifey." Aniya habang pinaglalagyan ako ng pagkain sa plato ko.

"Pe---"

"Alam kong pangarap mo ang magkaroon ng fashion boutique. I will support you with that. But don't pressure yourself. Take your time, wifey." Dugtong niya saka pinagsalin ako ng juice sa baso ko.

Nagluto siya ng steak at mukhang masarap. Amoy palang e.

"You talked like we're getting married." Biro ko. Masyado kasi siyang mature mag-isip tapos ang advance ng utak.

"Why not, wifey? Handa na naman akong pakasalan ka. Ikaw, handa ka na ba?"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. GRRRR! Kailangan, maging pranka?!

Tumawa siya. "Sorry wifey, nabigla ka ba? Drink this." Inalalayan niya akong uminom ng juice.

Huminga ako ng malalim. "Can we just eat, dragon Sydd?"

Tumango siya. "Alright, I'm sorry." Nakangiti niyang sabi.

"Anyway thanks for cooking for me. I appreciate this." Sabi ko pa.

"That's the least I can do para naman mabawasan ang pagod mo sa pagiging busy maghapon, wifey. Halos hindi mo man lang ako kinumusta e."

I looked at him. Oo nga pala, hindi ko man lang siya natawagan or nai-message. Basta ang alam ko lang ay tinawagan niya ako kaninan umaga then I told him na magiging busy ako. That's it.

"Sorry." Nag-peace sign ako sa kaniya.

"I deserve a kiss." He pouted his lips.

My gosh! Nakakainis bakit ang gwapo niya at ang cute pa!?

"I will think about it." Natatawang sagot ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Ang sarap magluto ni Sydd. Nasa kaniya na yata ang lahat ng katangian na gugustuhin ng mga babae e.

Sweet, gwapo, maalaga, maalalahanin, masarap magluto, masarap ang abs... eeee? I mean, hot siya at may abs!

"Wifey, your phone is ringing."

Nawala ako sa pag-iisip. Bitbit ko pala ang phone ko pababa. I looked at it under the dining table at napatigil ako nang makita ang pangalan sa screen.

Blake calling...

"Who is it?" Tanong ni Sydd.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung sasagutin ko ang tawag ni Blake. What if emergency? What if may ginawa na naman siyanh mali? What if...

"Him again. Damn him."

Napatingin ako kay Sydd na nakatayo na pala at nakita na kung sino ang tumatawag sa akin. Hinablot niya ang phone ko. Hindi na ako nakapag-react.

He answered it.

"Yes, asshole, magkita tayo sa park malapit sa Dev's Cafe ngayong gabi. Let's talk. Lalaki sa lalaki." Aniya saka pinatay ang tawag.

I gulped. Mag-uusap sila?

"Stay here." Aniya.

Tumayo ako saka hinawakan siya sa braso niya. "Sydd..."

"Hindi tama na tinatawagan niya ang girlfriend ko dis oras ng gabi."

"Sydd, please..."

He kissed me. "I promise, hindi ko babasagin ang mukha niya."

"Sydd naman e."

"Let me, wifey. Let me show him na ako ang mahal mo at ako ang pinili mo."

Mabilis niyang natanggal ang kamay ko sa braso niya. Hinapit niya ako saka muling hinalikan.

"Let me tell him na akin ka. Akin ka lang, wifey."

Para akong nahipnotismo sa sinabi niyang iyon. Umalis na siya ay natulala nalang ako.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa pag-uusap nila ni Blake pero... shake shake fries, ang puso ko naglululundag sa kilig!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top