Epilogue
"Mula noon, hanggang magpakailanman, mamahalin kita, Fancy Jewel Abellano."
Napangiti ako habang inaalala ang mga salitang sinabi sa akin ni Sydd noong kasal namin. Hindi ko tapaga maiwasan alalahanin iyon sa tuwing nakikita ko ang wedding picture namin na naka-hang dito sa living room ng bahay namin.
May sarili na kaming bahay pero same subdivision lang ng mansyon namin so malapit pa rin kami kina Reid. Sina Reid at Yumi kasi, sila talaga iyong tumira sa mansyon namin since si Dad, palaging nasa abroad for business and may bahay naman kami doon. But I'm not sure. According to Patrick nagkabalikan na sila ni Tita Jamie---Patrick's mom. Well, hindi naman kami against kasi alam naming deserve pa rin ni Papa na sumaya kahit matanda na siya saka okay naman ang relation namin to Tita Jamie so wala talagang problema.
"Mama! Mama!"
Dumako ang tingin ko sa mga tsikiting na tumatakbo papalapit sa akin. My 7 years old daughter and a 5 years old son.
"What is it?" I asked.
"Mama! Si Ate Sydney po nisunog 'yung truck kong toy. Susumbong ko siya kay Papa! Bad siya! Bad katulad ni Patricia patpatin!"
Sinamaan ko ng tingin ang aking panganay na spoiled brat. Nakakatawa lang na mas naging spoiled pa siya kay Sydd kesa sa akin.
I know marami akong kalokohan noong teen palang ako but I changed. I'm a mother now, I'm a wife and I'm not a demonyita anymore but I think, it runs in my blood.
"His toy is so pangit naman kasi, Mama e! I told him na magpa-buy nalang ulit siya kay Papa kasi he has a lot of pera kaya!"
Bukod sa pagiging maldita, pati pagiging conyo ay nakuha ng panganay kong ito.
"Sydney, don't do that again. Say sorry to your little brother." Utos ko.
"Ayoko po, Mama! Ayaw ko pong tanggapin ang sorry niyang Ate kong hindi naman maganda!" Sigaw ng anak ko.
Pinagtaasan ng kilay ni Sydney ang kapatid niya.
"Alam mo Flinn Calyx, you're so arte! Hindi ka naman din gwapo. Duh!"
"Kamukha ko kaya si Papa! Tanong mo si Mama kung hindi gwapo si Papa. Mama oh!"
Sumasakit ang ulo ko sa mga anak ko. Ngayon ko mas naiintindihan kung gaano sumakit ang ulo ni Papa at ng mga Kuya ko sa akin.
"Duh! Sumbungero like you're magka-cry cry na? Go to Mateo kabayo!"
"Isusumbong talaga kita kay Jaxson, inaasar mo siyang kabayo! Magsama kayo ni Patricia patpatin. Hindi naman kayo magaganda tapos nakita ko kayo nagli-listik!" Sabi ni Flinn saka tumingin sa akin. "Right, Mom?"
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang anak ko.
Pero anong listik?
Tumawa si Sydney. "Like omg! Kamukha ko kaya si Mama so basically, you're saying na Mama is not maganda. And FYI, it's lipstick and not listik! Do you have boo boo brain ba?"
"Stop na kids." Sabi ko. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanila.
"Mama sorry. Si Ate Sydney lang po ang hindi maganda. Maganda ka po, Mama."
Sakto namang bumukas ang pinto.
"Papa!"
"Papa!"
Magkaibang magkaiba sila ng ugali pero pagdating sa Papa nila, pareho silang maka tatay. Bukod kasi sa pagta-trabaho ni Sydd sa mga business ay hindi niya hinahayaang mawalan siya ng oras para sa amin.
Lumapit siya sa akin habang bitbit ang dalawa.
"Wifey, kinulit ka na naman ba ng dalawang bulilit na 'to?" Tanong niya saka ako hinalikan sa labi.
"Kausapin mo ang mga 'yan. Sumasakit na naman ang ulo ko." Sabi ko saka umupo na sa sofa.
"Now you know the feeling, wifey. Having these little devils." Ngumisi si Sydd. "And another one soon." Saka siya kumindat.
I'm actually eight months pregnant at malapit na akong manganak sa pangatlo namin. Grabe, palagi lang akong narito sa bahay tapos sakit pa sa ulo itong mga tsikiting ko.
"Kids, makinig kayo kay Papa. Hindi ba sabi ko sa inyo ayos lang maging makulit dahil bata kayo pero hindi ba sabi ko huwag niyong pasasakitin ang ulo ng Mama niyo? She's carrying your little brother. It's hard for her."
Natahimik ang dalawang bata. Nakakaloka dahil pagdating kay Sydd, takot sila at nakikinig kahit pa mas close sila. Samantalang ako 'tong demonyita, hindi man lang matakot sa akin.
"Sorry, Papa. I won't do that again. Hindi ko na po papasakitin ang ulo ni Mama. Kapag po inaway ulit ako ni Ate Sydney, itatali ko nalang po siya doon sa puno ng manga."
Nasapo ko ang noo ko.
"Like you can do it. Duh! You're so liit pa kaya."
"Magpapatulong naman kaya ako kay Jaxson. Akala mo ba!"
At nagsimula na naman silang magsagutan. Alam ko ang nararamdaman ni Mandy-monyita dahil sakit din niya sa ulo ang panganay niya. Kami pa talaga ang na-stress e kami 'tong pinagmanahan.
Ngayon ko masasabi na, yes we already know the feeling.
"Kids, kids! Anong sabi ko?"
"Sorry, Papa. Hindi na po ako magkukulit kay Mama."
"Sorry din, Papa. I don't want to stress Mama naman talaga e. Kaso Calyxto is so sumbungero!"
"My name is not Calyxto!"
"Whatever!"
Napailing nalang ako. Wala na talagang pag-asa ang mga anak ko. Ang kukulit nila! Ganito ba kaya ako noong bata ako? I guess not.
"Sydney Carel and Flinn Calyx, listen. Both of you are going to be a big brother and a big sister. So please act like one. Anong mangyayari kapag lumabas na ang baby brother niyo? You will still act like that? Is that what you learn from school? Is that what you learn from me and your Mama?"
Natahimik na naman ang dalawa. Sydd is a great father to our kids. Wala na akong masabi pa sa kaniya dahil bukod doon, the best husband din siya. Imagine itong dalawang tsikiting na inaasikaso niya pag-uwi, tapos pati ako naaasikaso pa rin niya. Ganoon siya ka-responsible. Kaya nga habang tumatagal, mas minamahal ko pa siya ng lubos.
"Sorry, Papa." Sabay na sabi ng dalawa.
"Tell that to you Mama." Utos ni Sydd.
Lumapit naman sa akin ang dalawa at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko.
"Sorry, Mama."
"Good. Now, ayoko na maririnig na nagsisinghalan na naman kayong dalawa. If you will, you know what will happen." Sabi ni Sydd.
Natahimik ang dalawa. Alam naman nila kapag nagbanta na ng ganyan ang Papa nila. Ano ba ang parusang makukuha nila? Simple lang naman. They will stay at the mansion for whole week. Hindi dahil ayaw nila doon kundi dahil silang magpipinsan ay takot lahat kay Reid like he's not nakakatakot kaya! Noong teenager palang ako, kayang kaya kong suwayin iyong satan brother ko na iyon.
"No, Papa. I don't want to be at the mansion po. I want to be here with you and Mama." Sabi ni Flinn.
"Me too, Papa. I won't ever stay there kasi it's creepy! I don't really want!" Sabi naman ni Sydney.
Kahit naman ganito kakulit ang mga anak namin ni Sydd, mahal na mahal ko sila.
Sa loob ng ilang taong pagsasama namin ni Sydd, wala kaming naging problema bukod sa mga simpleng tampuhan lang na naaayos naman agad.
Nakakatuwa nga kasi nakabuo kami ng maganda at masayang pamilya. Saka masarap sa pakiramdam na wala akong iniisip na problema, iyong lahat masaya lang.
Tumunog ang doorbell.
"Ako na, wifey." Sabi ni Sydd saka binuksan ang pinto.
Napangiti ako nang mapatingin sa mga bagong dating.
"Red!" Sigaw ni Flinn saka sinalubong ang mga bisita namin.
Tumayo ako saka nakipagbeso kay Hazel.
"Brad, buti napadalaw kayo? Tuloy na tuloy na ba kayo sa States?" Tanong ni Sydd kay Blake.
"Yes. We'll stay there because of my sick mother." Sagot naman ni Blake saka tumingin sa akin. "Jewel. You're still stunning with your big baby bump."
Ngumiti ako at bumeso sa kaniya. "Thanks pero 'di ba sabi ko naman sa 'yo, sundan niyo na si Red."
Ang tinutukoy ko ay ang kanilang 4 years old son. Yes, Blake and Hazel ended up together and had a kid.
Masaya ako para sa kanila lalo na kay Blake na sa wakas, pinakawalan na niya ako sa puso niya at binuksan niya para kay Hazel. Now that we're all happy, wala na akong ibang mahihiling pa.
"Feeling ko nga, buntis na ako." Tumatawamg sabi ni Hazel.
Umupo kami sa salas. Hinayaan kong maglaro sina Flinn at Red. Habang si Sydney naman ay nakaupo lang sa sofa at naglalaro sa iPad niya.
Madalas pumunta sina Blake dito sa bahay namin para lang mag-bonding kami. Nakakatuwa nga e. Bukod sa naging maayos na ang lahat at lahat kami ay may kaniya kanya ng pamilya, naging magkakaibigan pa kami.
Even Sydd and Blake were in good terms na. Hindi na sila katulad dati na parang aso't pusankung mag-away.
Well, ganoon yata talaga kapag tumatanda na. Ito na siguro iyonf tinatawag na adulting. Iyong sa halip na puro issue and away, why not spread good vibes nalang and be nice to each other. Na para bang gusto mo, masaya lang. Iyong ganito lang.
Ah, remember my bestfriend? Si Daniella, she's now happily married na rin dahil sa arranged marriage but good thing, mahal naman niya si guy. And may anak na din sila.
Si boobie girl na mainit ang dugo ko noon, natanggap na rin niya na kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ni Sydd kaya mula noong magpakasal kami ni Sydd, umali siya at bumalik sa Paris para i-pursue ang dream niyang maging model and she did. But now, she's also happily married.
It's just happy na lahat ng tao na noon ay kaaway ko lang, lahat masaya na. No hard feelings. I'm happy din na masaya sila.
"Jewel, I want Red for Sydney. Bata palang sila pero gusto ko na silang i-reto sa isa't isa."
Natawa nalang kami ni Hazel sa sinabi ni Blake.
"Duh! Mama I don't want pula! I like pink. I hate him i super hate him to the highest maximum volume!"
Nagtawanan kami sa reaksyon ni Sydney. Kilala ko ang anak kong 'yan. Pa-iPad iPad lang 'yan pero may pagka-tsismosa ang batang 'yan. Ilang beses na ngang nag-away iyong katulong namin at katulong nina Mandy-monyita dahil sa mga fale news na sinasabi ni Sydney. Juskong bata 'yan! Hindi ko alam ang trip!
"Wifey, what do you want to drink? Papatimplahan ko ng juice sina Blake." Tanong sa akin ni Sydd.
"Waermelon shake, hubby." Sagot ko.
Ngumiti naman siya saka ako hinalikan sa labi.
"Sydd, makakapaghintay 'yan." Pang-aasar ni Blake.
"Wala e. I can't get enough with this devil." Tatawa tawang sabi ni Sydd. "Because I'm fucking crazy inlove with this devil."
Wala na, nagtawanan nalang kami. Napuno ng tawanan, kwentuhan at asaran ang paligid. This is what I like. Iyong happy lang.
Ang masayang pamilya na ipinangako sa akin ni Sydd ay natupad. Kaya nga wala na akong mahihiling pa.
Being with my kids, Sydney Carel and Flinn Calyx Abellano Agoncillo will always be my daily dose of happiness.
And being with my husband, Sydd Caleb Agoncillo will always be my daily dose of kilig, love and everything.
And me, Fancy Jewel Abellano Agoncillo is now signing off as the little devil. Because I am now the queen mother devil.
Natawa ako sa naisip ko. But kidding aside, I am now a responsible mother to my children and a loving wife to my husband.
Little devil no more.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top