Tampo


Chapter 1: Tampo

Kiara

Kanina pa ako kinukulit ni Gino na pansinin siya Pero ayoko. Galit parin ako sa kanya kasi iiwan niya ako. Ayoko siyang kausap kaya naman nagbabasa nalang ako ng libro ang kaso ang ingay naman nitong si Gino salita siya ng salita dito sa harapan ko. Kaya diko na tuloy maintindihan yung binabasa ko.

"Oy pansinin mo naman ako." Kalabit niya sakin. Hindi ko naman siya pinansin patuloy parin ako sa pagbabasa at siya naman sa pagsasalita niya ng kung ano-ano na diko naman maintindihan.

"Sige na.... Alam mo bang meron akong surprise sayo." Sabi pa niya sakin. Surprise? For sure bananaque at camote que lang naman yung sina sabi niyang surprise. Eh kumain na ako non kanina. Di porket paborito ko yon magpapauto na agad ako sa kanya. Galit parin ako kasi parati nalang so Diana yung nasa isip niya! "Si Diana mabait, matalino, masipag, matiyaga, madiskarte." Lahat na yata ng salitang "MA!" na kay Diana na! Isa rin siyang "Ma- Mang aagaw ng kaibigan!" 

"Hey!" Kalabit sakin ni Gino. "Tulala kana dyan. Ano na namang nasa isip mo?" Curious na tanong niya sakin.

Pero diko parin siya pinapansin. Bahala na nga siya sa buhay niya manonood nalang kaya ako ng sineskwela mas meron pa akong matutunan don kesa pansinin siya.

"Kiakia bakit ba galit ka parin sakin?" Tanong ulit niya. "Alam mo kapag hindi mo ako pinansin lilipat na talaga ako sa school ni Diana." Banta naman niya sakin.

Diana! Siya na naman. Bakit ba parati nalang siya napapasama sa usapan naming dalawa!? "Umalis kana nga lang!" Inis kong sambit sa kanya.

Ano bang meron sa Diana na yon at parati nalang siya.

"Ayan galit kana naman wala naman akong ginagawa ng masama." Sambit niya sakin. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Umalis kana kasi!" Tulala ko sa kanya palabas ng room ko.

"Bakit ba kasi?" Takang tanong naman niya sakin. "If you want talaga don kana lang mag-aral! I don't care!!" Sigaw ko sabay bagsak ng pinto.

"I hate him....."

Naiiyak kong sambit. Ayoko na siyang maging bestfriend. Parati nalang si Diana! Kinalimutan na niya ako..

____

Gino

"Gino anong ginagawa mo dyan?" Gulat na tanong sakin ni Tita Jelay ng makita niya akong naka upo sa likod ng pintuan.

"Pinalabas po kasi ako ni Kiakia diko naman po alam Kong bakit po." Subong ko naman kay Tita Jelay.

Nailing naman niyang tinulungan akong makatayo saka siya na ang kumatok sa pinto ng kwarto ni Kiara.

"Kiara open the door." Sambit ni Tita Jelay habang kumakatok sa pinto.

Agad namang binuksan ni Kiara ang pinto ng kwarto niya. "Why, Mom? Tanong nito kay Tita Jelay.

"Bakit mo ginawa yon kay Gino?" Galit na tanong rito ni Tita Jelay. "Alam mo bang masama yang ginagawa mo sa kanya. Hindi porket na hindi mo gusto ang gusto niyang gawin gaganonin muna agad siya. Bad yon Kiara! You stop acting like a spoiled brat! Pasalamat ka nga dahil kahit na ganyan ka nandyan parin siya at hindi ka niya iniiwanan kaya stop doing that to him. Sermon ni Tita Jelay rito.

"That's not true, Mom! Iiwan niya ako sinabi niya yon mismo kanina!" Sagot naman ni Kiara kay Tita Jelay.

"Hindi parin tama yung ginawa mong pagpapalabas sa kanya. Pumunta siya rito para makasama ka at para di kana magtampo sa kanya tapos yan lang ang gagawin mo sa kanya. Mali ka parin Kiara, so say sorry to Gino." Utos ng Tita Jelay kay Kiakia.

"No! Ayoko.." Umiiling na sambit ni Kiara.

"Ano ayaw mo! Say sorry to him!" May diing utos ni Tita Jelay rito. Tumingin naman sakin si Kiakia habang umiiyak. Naawa naman ako sa kanya.

"Ayoko..." Sambit ulit niya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Say sorry to him!" Galit na sambit ni Tita Jelay. "Magsosorry ka na nga lang ayaw mo pa. May kasalanan ka kaya magsorry ka hindi pwede ayaw mo at hindi!" Pilit na utos ni Tita Jelay.

Umiyak naman ng umiyak si Kiakia habang pinagsasabihan siya ng Tita Jelay.

___

Next..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top