Beginning
[1995 - the 8 yrs old Kiara]
Kiara
"Gino nakakainis kana!" Sambit ko sa kanya.
"Ha? Bakit naman?" Tanong niya sakin. Sumimangot naman ako sa kanya.
"Naiinis ako sayo, bakit ba kasi don mo pa gustong mag-aral!?" Galit na tanong ko sa kanya.
Kumamot naman siya ng kanyang ulo. "Kasi nga don rin nag-aaral yung crush kong si Diana." Diana! Parati nalang siya. "Diana siya nalang parati!" Naiiyak na walkout ko.
Ayoko na kay Gino hindi ko na siya bestfriend. Don nalang siya sa Diana niya! "Mommy..." Umiiyak na Takao ko sa mommy ko. "I hate Gino iiwan na niya ako." Sombong ko sa Kay Mommy.
"Hey! Hindi naman kita iiwan ah." Sabi naman ni Gino na sumunod rin pala sakin.
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Iiwan mo ko! Diba sabi mo doon kana mag-aaral sa school ng Diana na yon!" Sumbat ko sa kanya. "Mommy..."
"Tahana, Sweetheart hindi ka iiwan ni Gino lilipat lang naman siya ng school Pero friends parin naman kayong dalawa." Paliwanag naman sakin ni Mommy.
"No! Iiwan niya ko!" Giit ko naman.
"Hindi nga sabi." Giit rin ni Gino. "Lilipat lang ako ng school pero ikaw, parin yung bestfriend ko. Saka maglalaro parin naman tayong dalawa pagweekend." Paliwanag niya sakin.
"Ayoko! That's impossible! Nandon si Diana for sure makakalimutan muna ako kapag magkasama na kayong dalawa." Sambit ko.
"No! Paano naman mangyayari yon e ikaw yung bestfriend ko." Umiiling namang sambit niya.
"Sweetheart, tama na yan lilipat lang si Gino hindi ka niya iiwan." Awat naman ni Mommy sakin.
Naiinis naman akong nagpunta sa hagdan saka humarap sa kanilang dalawa. "Ayoko! Kapag lumipat ka ng school hindi nakita bestfriend at wag kana ring pumunta dito sa bahay namin." Sambit ko ka sa kanya saka tumakbo pa akyat.
"Pasensya kana dyan sa bestfriend mo masyado kasing spoiled yon." Rinig kong Sambit ni Mommy kay Gino. "Hayaan mo at kakausapin ko siya mamaya. Saka wag kang makikinig sa kanya kung doon mo talagang gustong mag-aral don ka mag-aral hayaan muna si Kiara lilipas rin ang inis nyan sayo." Sabi niya pa kay Gino.
"I hate you, Mommy!" Bulong ko.
Ano bang meron sa Diana na yon at kailangan pa talaga ni Gino lumipat sa school niya. Hindi naman siya maganda mukha nga siyang tomboy at lalo na yung ugali niya para nga siya ng lalaki e.
Nakakainis siya inaagaw niya si Gino sakin. I hate her!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top