Pagwawakas
"Ma'am, paano po ba natin malalaman kung para tayo sa isang tao?" tanong ng estudyante ni Kristine sa kaniya. Ang topic kasi nila sa araw na iyon ay ang pakikipag-relasyon.
"Depende. Kasi class, minsan ang akala nating para sa atin ay hindi pa pala." sagot niya sa mga ito. Natahimik naman ang mga estudyante niya sa kaniyang sinabi.
"Tulad na lang kung paano ka umasa sa isang taong matagal mo na nagugutushan. Para sa'yo kayo na talaga ang para sa isa't isa. Minahal mo kasi siya ng napakatagal na panahon, kaya naisip mo na hindi ka na makakapagmahal ng ibang tao muli. Na siya lang ang tanging para sa'yo. Pero hindi pala. May darating pa pala ngunit hindi mo nakikita, kasi masyadong sarado ang isip mo sa taong nasa harap mo lang."
Buong buhay ni Issa ay naniwala itong ang bestfriend na ang makakasama sa habang buhay. Nakita niya kung paano nito mahalin ang bestfriend nito, na dumating sa puntong nakalimutan na nito ang sarili. Pati ang mga tao sa paligid nito na nag-nanais makapasok sa buhay ng dalaga.
"Minsan, may mga taong binibigay sa atin upang pasayahin tayo, tulungan tayong mag-grow sa mga desisyon natin sa buhay. Ito yung mga taong nakasama lang natin para turuan tayo ng leksyon, ngunit hindi mananatali sa buhay natin dahil, hindi pala sila ang para sa atin." dagdag niya pa.
Si Angela ang tipo ng kaibigan niya na wala sa hulog ang mga desisyon sa buhay, madalas go with the flow lang ito, pero nang makilala nito ang taong labis nitong nasaktan, nasaksihan niya rin ang unti unting paglago ng pagkatao ni Angela, pero ang taong nagpamulat dito ng mga bagay na hindi pa alam ng dalaga, ay hindi rin ang tao para sa kaniya.
"Pwede rin na, may makikilala tayo na sasamahan tayo sa lahat ng bagay na gusto natin. Tuturuan tayo mag-explore ng mga bagay na natatakot tayong gawin. Iisipin natin, baka sila na 'yung para sa atin, kasi through ups and downs ay kasama natin sila. Pero mali pala, sumama lang pala sila sa atin para tulungan tayong magbukas ng mga pinto sa ating buhay, pero hindi rin pala sila para sa atin." paliwanag niyang muli.
Palagi siyang nag-aalala kay Joanna, ito kasi ang pinaka close niya sa lahat. Nandoon si Joanna noong mga araw na muntik na siyang sumuko, sila nila Issa. Pero hindi ito kailanman nagreklamo sa kanila. Hindi nila kailanman nakita si Joanna na nagreklamo, ngunit nakita nila ang kaibigan kung paano unti unting nagbukas ng sarili dahil sa taong tumulong dito. Pero tulad ni Issa at Angela, hindi rin pala ito ang para sa kaibigan.
Tinignan niya ang mukha ng bawat estudyante niya, taimtim itong nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Meron din naman na, mas pinipili ang pagiging magkaibigan dahil yun ang tingin nila na magpapanatili sa kanilang dalawa. Para sa mga taong iyon, okay na sila sa ideyang magtatagal ang kanilang relasyon dahil magkaibigan sila. Iyon ang mga taong, mas pinipili ang safe zone dahil ayaw nilang i-risk ang walang katiyakan. Tanggap nila na hindi sila ang taong para sa mahal nila, kaya ang lugar ng pagiging kaibigan ang option nila upang manatali nang matagal sa buhay ng mga taong mahal nila."
Sa ilang taon nilang magkasama ni Johann sa eskwelahan, ni kailanman sumagi sa isip niya na maaaring mahulog ito sa kaniya. Lubos siyang nalulungkot para sa pagkakaibigan nilang dalawa, mahal niya si Johann pero hindi katulad ng pagmamahal na kaya nitong ibigay sa kaninya.
"Class, maaaring ang mga taong kasama niyo ngayon ay hindi niyo na makakasama sa susunod na bukas. Maaaring ang taong mahal mo ngayon ay hindi mo na mahal sa hinaharap. Ang gusto ko lang malaman niyo ay walang katiyakan ang mga bagay. Pati na ang sagot sa kung sino nga ba ang para sa'yo. Ang sabi nila, malalaman mo ang bagay na iyon kapag tinignan mo ang taong mahal mo sa kaniyang mga mata, kapag nakikita mo sa kaniyang mga mata ang hinaharap. Pero posibleng mali rin ako." tumawa siya nang pagak sa harap ng mga estudyante niya.
"Alam niyo kung bakit? Dahil ikaw, kayo lamang ang tanging makakapagsabi kung siya na ba ang para sa'yo. Kapag nakikita mo ang sarili mong mananatali sa tabi niya sa bawat hirap, sakit, kasiyahan, kalungkutan, tagumpay, at iba pang mga bagay. Ikaw at kayong dalawa ang tanging makakapagsabi na para na kayo sa isa't isa. Dahil sa huli, kayo rin naman ang magpapatunay ng bagay na iyon."
Unti unting ngumiti ang mga estudyante niya. Ang iba ay nagsimulang asarin ang mga may karelasyon sa loob ng klase. Ang ilan naman ay mukhang pinag-iisipan ang mga sinabi niya.
Hindi niya alam kung lubos iyong nauunawaan ng mga mag-aaral niya. Ngunit, umaasa siyang pagdating ng araw ay maiisip ng mga ito kung ano ang dapat gawin sa punto na iyon ng kanilang buhay.
"So class, wag niyong kalimutan ang assignment niyo para bukas. Magdala ng family picture para sa activity natin bukas, maliwanag? Mag-iingat kayo sa pag-uwi." paalam niya sa mga ito.
Isa-isang nagsitayuan ang mga bata at nagpaalam sa kaniya. Siya naman ay nagbura ng sulat sa pisara at nagligpit ng mga gamit.
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa kaniya ni Alas. Nasa loob sila ng sasakyan nito, sinundo siya nito matapos ang huling klase niya kanina.
"Pwede bili na lang tayo ng pagkain, tapos sa iba na lang tayo kumain?" nahihiya niyang tanong rito.
"Ha? 'Di kita gets love." natatawang tanong nito sa kaniya.
"Basta, drivethru na lang tayo sa Jollibee then sabihin ko sa'yo saan tayo." then she smiled at him.
Nauna siyang lumabas kay Alas pagkarating nila sa subdivision. Napili niyang bisitahin ang lugar kung saan nag-proposed sa kaniya ang binata.
Natatawang lumabas si Alas sa kotse nito bitbit ang binili nila sa drivethru. "Hindi ko gets trip mo Tine."
"Ako rin eh, tara." hinatak niya ito sa lugar kung saan sila naupo noon. It was the same spot where Alas confessed his love.
Naglatag siya ng sapin doon at umupo, nakangiting ginaya siya ni Alas. Nilabas nito ang pagkain nila habang siya ay nakatingin lang sa tanawin. Kitang kita pa rin doon ang liwanag na nagmumula sa siyudad ng Taguig.
"Noong araw na sinabi mong mahal mo ako, sobrang pigil ko noon na tumili." she said still not looking to Alas.
Nilingon niya ito at kita niya ang gulat at kalituhan sa mukha ng binata, "Kinikilig kasi ako, isipin mo si Alas Mercado gusto ako. Sino ba naman ako para magustuhan ng tulad mo?"
"Kristine." pagpigil nito sa sinasabi niya.
"Gustong gusto kong sabihin sa'yo na mahal din kita noon. Na tulad mo, ganoon din ang nararamdaman ko. Gusto kong magpaka-selfish nang araw na iyon, na kahit alam kong sasaktan kita sa huli, ayos lang basta makasama kita." kwento niya pa.
Hinawakan ni Alas ang mga kamay niya, "Ano bang sinasabi mo?" tanong nito.
"Noong sinabi ko sa'yong lumayo ka, na bumitaw ka na at kalimutan ako. Gusto ko noon sampalin ang sarili ko, dahil alam kong kahit anong layo mo, kahit anong sabi ko sa'yo na kalimutan natin ang isa't isa, sarili ko lang ang niloloko ko dahil kahit ako ay hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon."
"Noong araw na nakita ko kayo nung Alexis na magkayakap, nagtatalo ang isip at puso ko noon. Gustong gusto ng isip ko maniwala na nakalimutan mo na nga ako, na masaya ka na nga talaga. Pero yung puso ko iba naman ang sinasabi, kasi ito parang ako. Ikaw lang ang pinaniniwalaan." she smiled at Alas.
Nakangiti sa kaniya ang binata, wala itong sinasabi at nakikinig lang sa kaniya.
Muli siyang tumingin sa ilaw mula sa city lights, "Matagal na panahon ang nawala sa atin, may gabing umaasa ako na babalik ka. May mga araw na sinasabi ko sa sarili kong h'wag na lang umasa, ayoko ng masaktan ng paulit ulit. Ngunit, alam mo iyon. Ikaw yung gusto nito eh." she said while pointing her heart.
"Pero ngayon Tine, hindi na." tumabi sa kaniya si Alas at hinawakan ang mga kamay niya. "Sa bawat araw na dadaan, kasama mo ako. Hindi mo na kailangan isipin ang bawat bukas na mag-isa, hindi mo na kailangan mag-alala na ikaw lang mag-isa ang haharap sa bawat problema. Dahil simula ngayon, we will face everything together. I can't guarantee you na hindi tayo magtatalo, may mga bagay na hindi natin maiintindihan ng sabay, pero I can assure you, hindi natin palilipasin ang gabi na magkaaway. Dahil ayokong matulog tayo ng may sama ng loob sa isa't isa. Magkakamali tayo, pero sabay natin iyon itatama. Ikaw at ako na ngayon Tine."
She looked at Alas and held his face, she touched every feature of his face. "Alam mo bang nakakainis ka?" she asked that make Alas laughed.
"Bakit naman?"
"Kasi inagawan mo ako ng upuan sa UV."
"Sorry na ulit." natatawa nitong sagot sa kaniya.
She looked at his eyes, "Alas."
"Hmm?"
Muli niyang hinawakan ang mukha nito. She looked directly at Alas's lips, she wasn't sure if she was doing the right thing.
Maingat niyang dinampi ang labi sa labi ni Alas, she closed her eyes while touching his lips. It was quick but she felt the softness and sweetness of Alas's lips.
"Mahal kita Alas." she said after their kiss.
Tomorrow may be different. But one thing I know and I'm sure of, you're always my certainty in this world full of doubts.
Let's reach the stars together my architect,
Love,
Kristine.
--------------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top