9
Parehong walang umiimik sa kanilang dalawa ni Alas. Matapos ang nangyari kanina ay napagalitan ang mga ito ng coach nila, pati rin si Arkin ay napagalitan ni Mr. De Jesus. Akala nila ay hindi na makakarating sa faculty ang nangyari, pero nakalimutan nilang katabi lang pala ng gym ang faculty.
Bilang punishment ay hindi maglalaro si Alas sa game laban sa RTU, kaya hanggang ngayon ay busangot pa rin ang mukha nito. Katabi niya ito sa taas na bahagi ng bleacher, hindi pa rin kasi bumabalik si Charlie at Arkin mula sa clinic kaya sinamahan niya rin muna ito.
Unti unti na ring umiingay ang loob ng gym dahil halos isang oras na lang ay magsisimula na ang laro. Minsan ang mga ganitong event ang kailangan nila, lalo na sa stress na nakukuha nila sa acads. Masaya ang mga tao sa loob ng gym maliban na lang sa katabi niya.
"Hayaan mo na, friendly game pa lang naman. Ikaw din kasi pinatulan mo pa si Arkin." pag comfort niya kay Alas.
Tinignan naman siya ng binata ng nakasimangot. Natatawa siya sa sarili, bakit sa tingin niya ay gwapo pa rin ito?
"Nakakainis, unang beses mo sana 'to manonood tapos nalintikan pa. Pucha kasi si Andrei." inis pa ring sabi nito.
"Gusto mo kumain?" pag-aya niya na lang rito. Mabilis naman siyang tinignan ng binata.
"Weh? Tara, saan?" mabilis na tanong nito sa kaniya.
"Doon sa MB canteen na lang yata may tinda eh. Gusto mo pa ba lumabas?"
"H'wag na doon na lang sa canteen niyo. Tsaka 'di ba kailangan mo pa kami bantayan?" sa wakas ay ngumiti na rin ito.
"Oa naman yung bantay, pagbalik ni Charlie tsaka na tayo pumunta ah. Baka rin kasi magpunta si Sir De Jesus tapos walang makita mula sa aming tatlo."
"Sige lang. Ba't nga ba ikaw ang kasama nila? Vice-president?" tanong sa kaniya nito.
Tumingin siya sa mga tao sa loob ng gym, kaunti ang mga PNUAN na narito. Nakasuot naman siya ng event shirt at majorship lanyard nila so bakas pa rin kahit kaunti ang pagiging PNUAN niya, kahit kasama niya ang mga taga kabila.
"Hindi, secretary lang. Pero wala kasi yung vice, personal matters daw. Yung event associate naman busy sa sariling org. Kaya ito." paliwanag niya sa binata. Kung hindi lang talaga magagalit si Sir Carlo ay nasa bahay siya at natutulog.
"Nasaan ang mga kaibigan mo, dapat sila na lang sinama mo." tanong pa nito.
"Dapat kasama namin sila ni Charlie, eh kaso sa iba raw sila inassign noong head organizer. So dalawa kami nandito."
"Sus, may hidden agenda lang kamo ang president niyo, tss." inis na sagot nito sa kaniya.
"Sira, magkaibigan kami ni Charlie. Tsaka sasapakin lang siya ni Joanna 'pag nagsama iyon." biro niya rito.
"Baka ikaw lang yung tingin kaibigan." mahinang sagot nito. Bago niya pa man matanong ang sinabi nito, mabilis nitong tinuro ang daan kung nasaan ang entrance ng gym "Oh, ayan na pala yung president niyo, tara na?" Baling nito sa entrance ng gym.
Nakita niya si Charlie na kasama ang isa nilang blockmate. Nilapitan niya ito upang magpalaaam.
"Pres, kakain lang kami. Ikaw muna, promise mabilis lang." paalam niya rito.
Matagal nitong tinignan si Alas bago tumango.
"Sige, sabihan mo rin si Arkin. Nasa labas kausap si Mr. De Jesus." agad namang dumiretso ito paakyat ng bleacher kasama ang ilan nilang blockmates.
Paglabas nila ng gym ay naabutan nga nila si Arkin na kausap ang professor. Confident pa rin ito kahit na pinapagalitan na.
"Oh, buti nandyan ka Mercado. Sa susunod na marinig kong nagpang abot na naman kayong dalawa, sa OSASS na tayo magkikita ah?" seryosong sabi nito kay Alas.
"Yes po sir, pasensya na ulit." hinging paumanhin ng binata sa tabi niya. Nagbow lang siya kay Sir De Jesus bilang paggalang.
"I didn't know Ms. Delos Santos na may kakilala ka pala mula sa university namin." She wasn't sure but she feels a little sarcasm with the tone used by the professor.
Hindi naman siya nakasagot sa sinabi nito.
"Sir, kaibigan ko po si Kristine bago pa po siya ma-assigned sa event na ito. If you'll excuse us sir." seryosong sagot ni Alas sa propesor, naramdaman niya muli ang tensyon ngunit hindi na ito sa pagitan ni Alas at Arkin.
Muli ay nag bow siya sa guro at hindi na nagsalita, bakas pa rin ang gulat sa mukha nito matapos ang sinabi ni Alas.
Dahil hindi naman siya nakasuot ng PNU shirt or uniform at tanging majorship lanyard lang ang nagsisilbing identity as a PNUAN, kahit papaano ay naging madali kay Kristine ang maglakad sa loob ng pamantasan kasama si Alas. H'wag nga lang siya pakatitigan, tulad ng grupong makakasalubong nila.
Kitang kita niya malapit sa UTMT kung saan sila dadaan, ang grupo nila Harry. Tulad ng tingin nito nang makita sila noon sa labas ng pamantasan, mas doble pa ang lalim ng tingin nito ngayon. Napansin niyang napatingin din si Alas sa kaniya kaya nginitian niya lang ito.
"Saan ka Tine?" tanong sa kaniya ni Harry sabay tingin sa kanilang dalawa ni Alas.
"Ah kakain. Nga pala, busy ba yung org niyo?" nakita niyang nagulat si Harry sa binato niyang tanong.
"Ha? Medyo, bakit?"
"Wala naman. Nga pala, nasa gym si Charlie, baka gusto niyo lang puntahan. Sige, una na kami ah." makahulugang wika niya rito.
"Tara na?" aya niya kay Alas sa harap nila Harry. Ramdam niya ang gulat sa mga mukha ng mga ito.
Nauna silang maglakad ni Alas, leaving Harry and his friend with their eyes wide open. Kung nandito lang sila Joanna, pustahan ay tawa na ito nang tawa.
At hindi nga siya nagkamali, mula sa stage ay tanaw niya ang kaibigan na pigil ang ngiting nakatingin sa kanila. Sinenyasan lang siya nito at bumalik sa ginagawa.
Pero hindi nakatakas sa mata niya ang kasama nito, mukhang hindi lang siya ay kailangan magpaliwanag.
Marami pa naman ang mabibili sa canteen, siguro ay inaasahan na rin ng mga tao rito na maraming estudyante ngayon dahil sa event. Himala nga at walang booth ng chowking na nakasanayan na kapag may event ay naroon.
"Anong sa'yo?" tanong niya kay Alas.
"Okay ka lang?" pabalik na tanong sa kaniya nito.
"Ha, oo bakit naman hindi?"
"Wala wala, nakakapanibago lang." weirdong sagot nito. "Ano ba masarap dito?"
"Hmm, nag lunch ka na ba?"
"Hehe, hindi pa eh. Nagmamadali kasi ako kanina." nahihiyang sagot nito sa kaniya.
"Halata nga. Masarap yung kanin at ulam diyan." turo niya sa unahang stall kung saan may tinda na mga ulam. "Kung malakas ka kumain, okay din yung promo roon oh. Pancit tsaka rice, your choice kung anong pansit." turo niya sa harapan na stall mula kung saan sila nakatayo.
"Ikaw, ano ba saiyo?"
"Ako, hmm burger tsaka lemonade?" Hindi niya siguradong sagot sa binata.
"Eh, unfair ako magkakanin tapos ikaw burger." parang batang sagot ni Alas.
"Busog pa kasi ako, tsaka baka mag-aya sila Joanna kumain mamya" diretso niya sa unang stall, mas trip niya ang pagkain doon kaysa doon sa kanin na may pansit.
Buy 1 take 1 na burger ang kaniya, samantala kay Alas naman ay sisig at may additional pang kanin. Bumili sila ng lemonade, siya ang nagdala ng inumin habang pinagkasya ni Alas sa kamay ang pagkain nilang dalawa.
Natatakot siya para sa pagkain dahil baka mahulog. Blessing in disguise na nakita niya si Kenny na papunta rin ng canteen. Agad niya naman itong nilapitan para humingi ng tulong.
"Hi teh hehe, pwede help?" bati niya sa kaibigan. Nagulat ito nang makita siya na may kasamang lalaki.
Dahil hindi madalas nakakasama sa kanila si Kenny, hindi nito kilala si Alas.
"Hello teh, sure. Ano yun?"
"Pahawak naman nito, balikan ko na lang sa'yo hanap lang kaming pwesto." sabay abot niya sa hawak na baso.
"Walang problema, dito lang naman ako sa canteen." kuha nito sa baso ng lemonade. Agad niya namang kinuha ang isang cup na hawak ni Alas.
"Salamat teh ah, balikan ko agad."
"Kahit h'wag na, chos. Sige sige." birong sabi ni Kenny at nakakalokong tumingin sa kanilang dalawa ni Alas.
"Ay sorry, si Alas pala kaibigan ko. Alas, si Kenny ka-blockmate at kaibigan namin nila Joanna." pakilala niya sa kasama.
Nginitian lang ito ni Alas dahil sa parehong kamay ay may laman.
"Hello." Natatawang bati nito kay Alas. "Ang taray mars, kilala na nila Jo?" baling naman nito sa kaniya.
"Wala ka kaya lagi 'pag pinauusapan namin. Sige na una na kami."
Naglakad sila palabas ng canteen. Marami ring estudyante sa catwalk, ganoon din sa talipapa. Puno ang quadrangle ng PNU marahil sa event na gaganapin mamayang hapon.
"Balik na lang tayo ng gym, gusto mo? Doon may pwesto." tanong ni Alas sa gilid niya ng mapansin na walang bakante.
"Pero yung lemonade ko na kay Kenny eh." pag-alala niya sa inumin na iniwan sa kaibigan.
"Ayan na lang sayo." turo nito sa inuming hawak niya. "May tubig naman kami nila Marco."
"Hindi, first time mo sa lemonade ng PNU eh." malungkot na wika niya sa binata.
"Eh 'di hati na lang tayo. Tara na, baka hanapin ka ni Sir."
Nanghihinayang sumunod na lang siya sa binata.
Pagbalik sa gym ay mas dumoble ang dami ng tao, nagtataka siya dahil friendly game lang naman ito.
"Ganyan talaga, madalas champion ang RTU kaya inaabangan sila makalaban ng TUP. Though alam naming olats kami sa kanila." paliwanag ni Alas sa kaniya.
"Hey, bad 'yan. Di pa nga nagsisimula, talo na agad iniisip mo."
"Eh iyon talaga eh, tsaka okay lang 'di naman ako maglalaro."
"Isusumbong kita kaila Marco ah, iniisip mong matatalo sila." biro niya rito.
"Joke lang, papagalitan ako non, team captain namin yung isang iyon eh." natatawang paliwanag nito.
Doon sila pumwesto sa tabi ng mga players. Wala doon si Arkin, tanging si Charlie lang at ibang blockmates nila na lalaki.
Mabilis silang nagsimulang kumain dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laro. Nauna siyang natapos kay Alas, dahil dalawang kanin ang uubusin nito.
Dahil hindi naman ganoon kalaki ang 20 php na lemonade, kalahati lang ang nainom niya rito. Naiwan niya pa naman ang bag sa loob ng LIO kaya wala siyang dalang inumin. Napansin siguro iyon ni Alas kaya mabilis na tumayo ito at pumunta kung na saan ang mga gamit ng players.
Inabot nito ang isang inuminan at malinis na towel. Naalala niya ang inuminan na iyon.
"Malinis iyan, pati yung tubig. Sariling inuminan ko 'yan, don't worry di pa ako nakakainom diyan." sabay baba nito sa harap niya ng inuminan, nilapag naman nito ang towel sa hita niya.
"May towel at tubig ka bang gagamitin mamaya?" alinlangan niyang tanong dito.
"Oo, nasa akin yung sa'yo diba. Ayoko namang ibalik sa'yo dahil amoy pawis ko iyon. Hindi ko natanggihan kanina eh, first time mo kasing mag-alok." hindi makatinging sabi nito sabay balik sa paubos na pagkain.
"Ibabalik ko na lang sa'yo sa susunod yung towel. Hmm, daanan ko mamaya yung gamit ko sa LIO para naman mapalitan 'tong tubig mo." tukoy niya sa nainumang tumbler.
"Sige lang. Punasan mo na yung mukha mo."
Para siyang tanga, bakit natutuwa siya sa simpleng bagay lang. Normal lang naman iyon sa magkaibigan, ginagawa rin iyon ni Joanna kapag kailangan ng isa sa kanila. Inalog alog niya ang utak at inalis ang ideya na iyon sa isipan.
Ginamit niya ang towel ni Alas para ipunas sa pawis na nasa noo niya, in fairness sa gamit ng binata, amoy downy. Mama siguro nito ang naglalaba ng gamit.
Nang matapos ang binata, agad niya naman niligpit ang pinagkainan nilang dalawa. Napansin niya namang uminom si Alas sa bahagi ng baso kung saan siya uminom.
Nag-iinit ang mukhang binaling niya ang tingin sa paligid. Napansin niya si Arkin na nasa tapat ng entrance ng gym na naka tingin sa kanilang dalawa. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha nito. Nang mapansin na nakatingin din siya rito, agad na lumabas ng gym ang binata.
"Anong problema no'n?" bulong niya sa sarili.
"Bakit, may problema?" tanong sa kaniya ni Alas sabay tumingin sa direksyon kung saan siya nakatingin, na kanina lamang ay nakatayo si Arkin.
"Wala, akin na ako na magtatapon."
"Hindi na ako na, diyan lang sa labas eh. Wait lang." kuha nito sa pinagkainan nila at mabilis na tumayo.
Lumabas ito sa entrance kung saan din lumabas si Arkin kanina.
Kung hindi pa nagsimulang maupo ang mga tao sa bleachers ay hindi niya mapapansin na halos sampung minuto na bago lumabas si Alas. Susundan niya na sana ito nang makita na seryoso ang mukha nito na pumasok sa loob ng gym.
Tahimik itong naupo sa tabi niya.
"May nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala, may masamang hangin lang sa labas."
"You mean fart? umutot ka sa labas?" inosenteng tanong niya rito.
Nabigla naman ang binata sa tanong niya, ilang segundo pa ay tumawa ito nang tumawa.
"Parang ewan, nagtatanong nang maayos eh." naiinis na wika niya sa binatang tinatawanan lang siya. Napansin naman ni Alas na seryoso siya sa sinabi, kaya pinilit nitong itigil ang tawa.
"Joke lang, joke lang." pagpipigil nito ng tawa.
"Bahala ka nga." kaysa mainis ay nilibot niya na lang ang tingin sa mga estudyanteng nakasuot ng lanyard ng TUP.
Wala namang problema dahil lahat ng ito ay nasa side lang kung saan nakapwesto ang flag ng TUP sa stage sa loob ng gym. Hinanap ng mata niya si Charlie, nakita niya naman ito na kasama ni Arkin sa kabilang dulo ng bleachers. Nagkatinginan sila ni Charlie, at tango lamang ang sinagot nito sa kaniya.
Umupo muli siya sa tabi ni Alas, tahimik na ito at mukhang malalim ang iniisip.
Gusto niya sanang itanong ulit dito kung ano ang problema pero ayaw niya ring makulitan ito sa kaniya.
Ilang sandali pa ay nag-start na ang game. Kasama sa first five sila Marco at Isaac. Tinignan naman niya si Alas na tahimik pa rin sa gilid niya.
"Friendly game lang, friendly game lang." rinig niyang bulong nito sa sarili.
"Huy." mahinang tawag niya rito. Nilingon naman siya ng binata, bakas sa mukha nito na malungkot dahil hindi makakapaglaro.
"Okay lang malungkot, pero h'wag mo masyadong sisihin ang sarili ha" mahinahon niyang pakiusap dito.
Seryoso lang siyang tinignan ng binata at ngumiti rin pagtapos.
"Sige na hindi na." umiling iling pa ito. Mas dumami ang tao sa side nila kaya naman napausog siya kay Alas at halos dikit na dikit na siya rito.
Kinakabahan siya dahil baka paglingon niya ay sobrang lapit ng mukha nito. Nararamdaman niya rin na biglang naging tense ang katawan nito nang umusog siya dahil sa tumabing binata sa gilid niya.
Maganda ang start ng game, una mang naka score ang team ng RTU mabilis naman itong nahahabol ng team nila Marco. Palitan si Marco, Isaac at isa pang lalaki na may katamtaman na taas na taga bawi ng score. Ngunit, sadyang malakas nga talaga siguro ang RTU. Lalo na yung player na nakasuot ng jersey #5. Halos magkakasunod na three points ang bitbit nito.
Natapos ang second quarter na natambakan ng 15 points ang team nila Alas. Nahirapang makabawi sila Marco dahil sa mga three point shoots noong naka #5. Ramdam niya ang kaba ng katabi buong first and second quarter, kaya kahit siya ay nagulat ng tawagin ito ng coach nila mula sa baba ng bleachers.
Agad na tumayo si Alas, lumapit ito sa railings. Rinig niya na nili-lift ng coach ang punishment ng binata, kita niya ang mabilis na pagrehistro ng ngiti sa mukha ni Alas nang tumingin ito sa kaniya matapos sabihan ng coach na magpalit ng jersey.
Napansin niya ang nang-aasar na ngiti nila Marco at Isaac na tumingin din kung saan siya nakapwesto. Nilapitan siya ni Alas matapos kausapin ng coach.
"Hawakan mo muna 'to. Bihis lang ako." sabay abot nito sa hinubad na wristwatch, ID at cellphone.
"Sige, goodluck" nahihiya siyang yumuko dahil ramdam niyang nakatingin sa kanila ang halos karamihan sa estudyante ng TUP. Suot niya pa naman ang lanyard ng major nila kaya pustahan alam na ng mga ito na hindi siya blockmate or schoolmate ng binata.
Nang makaalis si Alas ay mabilis siyang tinanong ng dalaga na katabi lang nito kanina.
"Hi ate, girlfriend ka ni Alas?" usisa nito sa kaniya.
"Ha, hindi. Magkaibigan lang kami." nahihiyang tanggi niya rito.
"'Di ba kasama ka roon sa naka task sa amin? 'Yung sinabi daw ni Arkin kanina?" dagdag pa ng katabi nitong babae.
"Ah oo, kasama ko yung president ng org namin. Don't worry, mamaya pa naman iyon pag-start ng opening program sa quadrangle." hiyang tanong niya rito. Nagpanggap siya na may tinitignan sa cellphone dahil nahihiya siya kausap ang mga ito.
Saktong nag-chat sila Issa, tapos na sa ginagawa ang mga ito at papunta na rin daw sa gym.
Kanina pa ang chat na iyon kaya siguradong nasa loob na ito ng gym.
Pagtingin niya sa katapat na bleacher kung saan may mga nakaupong PNUAN ay nakita niya ang mga kaibigan na nakangiting kumakaway sa kaniya. Alam niyang nakita ng mga ito ang eksena kanina. Sinenyasan lang siya ni Angela na mag-antay ito sa pwesto niya, at sila ang lilipat.
Sa pinakataas na bahagi ng bleachers ay hindi masyadong siksikan at kasya pa silang apat kaya doon siya lumipat dala ang mga gamit ni Alas.
Bumungad sa kaniya ang pang-asar na ngiti nila Issa.
"Hi mars, busyng busy ah? Kumusta ang pagiging head ng security team ng TUP?" nang-aasar na bati sa kaniya ni Angela.
"Hoy marinig ka, baliw ka talaga. Okay lang, may gulong nangyari pero ayos naman. Andoon sila Charlie oh, kasama yung iba nating blockmates tsaka yung USC president ng kabila." turo niya kay Charlie na nakaupo sa tabi ni Arkin.
"Ako lang 'to mars ah, pero walang friend yung president nila? Kanina ko pa nakikitang mag-isa eh, kung wala sila Charlie loner na 'yan." sagot ni Angela.
"Bakit, sasamahan mo ba?" asar dito ni Joanna.
"Weh epal. Porket dinalhan ka ng pagkain ni Sebastian kanina? Kainis 'to." ganti nito kay Joanna, napatingin naman siya sa kaibigan.
"Oh wag ka makatingin ng ganyan, gutom lang ako kaya ko tinanggap. Tsaka hindi ako ang may kasama dito maglunch. 'Yung isa diyan 'di na raw binalikan yung lemonade kay Kenny." pagpaparinig nito sa kaniya.
"Hoy grabe ka naman, wala kasing pwesto sa catwalk at Talipapa kanina. Tapos nasa UTMT sila Harry kaya dito na lang kami kumain sa gym, alam niyo namang malayo kapag babalik pa ulit ng MB." mahabang paliwanag niya.
"Nakanang, dalaga na siya nag-eexplain na." asar muli sa kaniya ni Angela. Sinundan iyon ng tawa ng dalawa niya pang kaibigan.
Wala siyang nagawa sa mga sunod sunod na asar sa kaniya ng mga ito.
Muling bumalik ang players sa gitna ng court. Pansin niyang naroon na rin si Alas at seryosong nakikinig sa coach nito.
"Naks, first time makikita ang bb niya na maglaro." muli ay nang-aasar na wika ni Angela sa tabi niya.
"Anong bb, ewan ko sa'yo teh. Malungkot 'yan kanina kasi muntik nang 'di maglaro dahil sa eksena nilang dalawa ni Arkin kanina." paliwanag niya rito.
"Oh? bakit anong nangyari?" curious na tanong ni Issa. Nilapit pa nito ang mukha sa kaniya habang mahinang bumulong.
"Galing, pagdating talaga sa tsimis 'no Issa?" pang-iinis ni Joanna rito.
"He, so what's the tea mars?" ulit nito.
"May hindi yata sila pagkakaintindihan ni Alas kanina, hindi napigilan ni Alas at nasuntok siya. Nalaman ni coach pati ni Sir De Jesus, iyong professor in-charge sa kanila, kaya pareho silang napagalitan." kwento niya sa nangyari kanina.
"Ano pinag-awayan? Ikaw?" inosenteng tanong ulit ni Issa.
"Ha, hindi ah. Hindi ko na tinanong kay Alas dahil mukhang galit talaga siya kanina." tanggi niya rito.
Nang magsimula ang game, wala ng nagsalita sa kanilang apat. Unang bola ay hawak ni Isaac, mas naging seryoso ito dahil sa score na hahabulin.
Mabilis na dinala nito sa side ang bola, at ipinasa sa kasamang malapit sa ring. Naipasok naman nito ang bola para sa unang score ng TUP sa third quarter. Mabilis ang galaw ng RTU, lalo na yung lalaking naka #5. Pakiramdam niya ay ito ang captain ng team dahil sa galing nito.
Pero seryoso nga yata si Alas na makabawi mula sa kalaban dahil mabilis nitong naagaw ang bola ng malapit na sa ring ang lalaki. Hindi rin kasi nito pinasa ang bola sa co-player na libre sana.
Dire-diretso si Alas na binalik ang bola, huminto ito five feet from the basket at shinoot ang bola. Three points!
Iyon ang unang puntos ni Alas, dahil doon ay nag-ingay ang mga tao sa loob ng gym. Hindi siya sigurado kung friendly game pa ba iyon, pero ganito ang feeling niya kapag nanonood ng laro nila Ricci.
Napansin niyang nakatingin sa kaniya si Alas matapos nitong i-shoot ang bola, at dahil doon mas nauna pang kiligin ang mga kaibigan niya. Ngiti lang ang sinagot niya sa binata, mabilis naman nitong binalik ang atensyon sa laro.
"Huy, nakakahiya kayo. Baka nakakalimutan niyong hindi team natin ang naglalaro." awat niya sa mga ito. Ang lalakas kasi ng sigaw ng mga ito, lalo na si Issa.
"Okay lang mars, naka civilian naman tayo. Gusto mo hiram tayo lanyard sa kanila? O gusto mo suotin mo na lang yung ID ni Alas para kunwari taga TUP ka na rin?" kinikilig na wika ni Angela sa tabi niya.
"Para kayong sira." dahil sa pagbanggit nito ng lanyard ng binata, napatingin naman siya sa ID nito. Iba rin, kahit sa ID ay gwapo ito.
"Crush mo na?" biglaang tanong ni Joanna sa tabi niya.
"Isa ka pa." natatawang sagot niya sa kaibigan at muling binalik ang atensyon sa laro.
Nasa kamay ulit nung jersey #5 ang bola at nasa harap nito si Alas bilang depensa. Ramdam niya ang tensyon sa paligid ng gym, lalo na sa dalawang binata. Seryoso ang mukha ng lalaking may hawak na bola samantalang nakangiti naman si Alas. Parang kanina lang ay di maiguhit ang mukha nito dahil hindi makakalaro, pero ngayon, sayang saya ang loko.
Akala niya siya lang ang nakapansin pero pati rin yata ang coach ng RTU dahil nagpatawag ito ng time out matapos ilang beses maagaw ng team nila Alas ang bola. Dahil doon ay naabutan na ito ng team ng binata at lamang pa ng dalawa.
Ganito rin ang napapanood niya sa basketball game ng UAAP. Hindi talaga siya nanonood ng game kapag SCUAA dahil balita niyang hindi naman daw magagaling ang naglalaro. Pero based on what she's watching, marami naman na magaling na players from a state university. Marami sanang pwedeng pagpasahan yung captain ng RTU kung hindi lang nito sinasarili ang bola.
Mabilis na natapos ang third quarter, marami sa puntos ng team nila Alas ay mula sa binata, ngayon ay lamang na sila ng 6 na puntos laban sa RTU. Pansin niyang pagod na si Marco at Isaac dahil mula first quarter ay naglalaro na ito, kaya inasahan niyang hindi na ito papasok sa 4th quarter.
Dahil malapit ng mag 2, mabilis lang na sumunod ang 4th quarter. Tama nga siya at pinagpahinga ang dalawang kaibigan ni Alas. Isang mas matangkad na lalaki ang pinalit at ang isa ay kasing tangkad lang din ni Marco.
Ang bola ay nasa team ng RTU, napansin niya na lahat ng player mula rito ay bago na maliban na lang sa captain nito, yung naka jersey na #5. Inassume niya na talaga na ito ang captain base sa paraan ng paglalaro nito.
Mas uminit ang tagpo sa gitna ng court, mabilis kasing naagaw ni Alas ang bola mula sa lalaki, dala na rin siguro ng pagod nito. Isang time out na lang ang natitira sa RTU, pwede pa nila iyon gamitin kung papalitan nila ang lalaki.
Dire-diretso na sana ang pag-shoot ni Alas ng bola kung hindi ito sinadyang pigilan ng lalaki. Dahil unstable ang posisyon ni Alas, bumagsak ito matapos bitawan ang bola. Pero siguro swerte ang binata o malapit lang talaga ito sa ring, ay nashoot ang binitawan nitong bola.
Ngunit rinig na rinig ang lakas ng pintig ng puso niya, nang malakas ding bumagsak si Alas sa sahig ng court. Malambot kahit papaano ang sahig ng gym ng PNU pero alam niyang masasaktan pa rin ang binata. Tinawagan naman ng foul ng referee yung lalaking naka #5.
Kinakabahan siyang panoorin habang inaalalayan ng ibang players si Alas patayo. Mabuti na lang at hindi matindi ang pagbagsak nito.
Alas was given two more free throws, both of those were successful. Ramdam niyang mananalo si Alas sa friendly game na ito, at tatawanan niya ito dahil sa sinabi nito kanina na matatalo sila.
Ginamit ng coach ng RTU ang huli nilang time out, ginamit din ito ng kabilang team upang i-secure ang lamang sa score nila. Bago bumalik ay muli siyang tinignan ni Alas, sumaludo ito sa kaniya bago siya nginitian. Marami ang nakakita noon, kahit pa yung coach nito. Tumingin lang din ito sa kaniya, at bilang respeto ay nag bow siya dito.
Napangiwi siya ng kurutin siya ni Angela sa gilid.
"Aray, masakit kaya."
"Sorry mars, kinikilig lang kami. Paawat naman kasi yung bebe mo oh." nag-sorry ito pero tumatawa pa rin sa kaniya.
"Ang cheesy noong bebe ha, kayo talaga"
"Hala hala, akala mo naman hindi namin nakikita yung ngitian niyo, hoy nandito kami." Napangiti na naman siya dahil sa sinabi ng kaibigan.
Pilit niya mang itago ang ngiti sa mga labi, kusang lumalabas ito. Hindi niya na rin mapigilan na hindi matuwa sa mga nangyayari.
"Hala hala, hoy ibalik mo si Kristine, nawawala ang kaibigan namin." alog sa kaniya ni Joanna.
"Ha? May mali ba?" seryoso niyang sagot.
"Wala teh, wala." seryosong sagot din sa kaniya ng kaibigan.
30 seconds bago maubos ang oras ng 4th quarter, nasa kabilang team ang bola. 2 points na lang ang lamang nila Alas dahil sa pagpasok ng bagong player na pumalit sa captain ng RTU, nabawi nito ang ilang points na lamang kanina. Kapag na-shoot iyon, magkakaroon ng overtime.
Pero mabilis ang kilos ni Alas, hindi niya masundan ang bawat galaw nito. Kinakabahan siya dahil baka matawagan ng foul ang binata, but Alas was good. In one swift moved, nabawi nito ang bola at mabilis na tumakbo sa kabilang side.
Lahat ng tao ay napatayo dahil sa ginawa ng binata, 15 seconds na lang. Muli, three point shot ang nais pakawalan ng binata.
Pero bago ito tumalon, huminto ito na parang walang oras na dapat habulin. Ngumiti muna ito at tumingin sa gawi niya, pagkatapos noon ay nakangiting binitawan ng binata ang bola.
Buzzer beater ang shoot na iyon ni Alas kaya lahat ng tao sa side nila ay nag-ingay, kasama pa ang ilang PNUAN na nanonood ng laro. Kahit ang mga kaibigan niya ay nagtatalon sa tuwa, siya nabato na ata dahil sa ngiti na bigay ng binata.
Kung hindi pa ata siya aalugin ni Angela ay hindi siya makakabalik, hindi niya napansin na mahigpit na pala ang hawak niya sa lanyard ng binata, buti na lang at nasa bulsa niya ang cellphone nito dahil baka nasira niya na ito.
Dahil sa announcement galing sa stage, unti unting naubos ang tao sa gym. Agad naman niyang hinanap sila Charlie, hindi niya na ito nakita marahil ay nauna na itong makalabas.
Bumaba silang magkakaibigan para lumapit sa team nila Alas, masaya ang mga ito sa pagkapanalo, lalo na si Marco at Isaac. Iaabot niya sana ang gamit ng binata.
Nang malapit na sila ay napansin niyang napahinto ang mga ito sa mini celebration. Una niyang napansin ang coach nito na nakatingin sa kanila.
"Congratulations po." she politely said.
"Thank you, ikaw ata ang lucky charm ng player namin eh." pang-aasar na sagot nito.
Dahil dito ay tumawa ang mga player na kasama nila, nakisali pa ang mga kaibigan niya.
"Coach, h'wag ganyan mahiyain yang lucky charm ni Master." gatong pa ni Marco.
Binatukan ito ni Alas, at lumapit sa kaniya. "Sabay na tayo sa paglabas, wait lang." Nagpaalam ito sa coach nila at kinuha ang gamit.
"Coach, kita na lang ho tayo sa event mamaya. Bro, sabay kayo?" tanong nito sa mga kaibigan.
"Hindi na bro, seize the moment. Salamat, kita na lang tayo sa event, bihis lang kami." Nag handshake pa muna ang tatlo bago sila lumabas ni Alas.
Dahil kasama niya ang mga kaibigan, pinakilala niya na rin ang mga ito kay Alas.
"Joanna, Issa, Angela, mga kaibigan ko. Guys, si Alas."
"At last, hindi na lang kwento si Alas." pang-aasar ni Angela.
"Hello. So nakukwento pala ako?" at dinatungan pa ng binata ang pang-aasar sa kaniya. Tinarayan niya lang ito at tumawa naman ang binata.
"Ay teka po, hindi po kami na-orient na may ganitong scene. Mars, mauuna na kami, kasi we can't stand it anymore." pigil kilig na sabi ni Issa.
"Ha, teka sabay na ko. Baka hinahanap na ako nila Charlie, ako yung nagsabi kanina na we should focus sa task eh." kinakabahan siya at baka malaman ni Sir Carlo at Sir De Jesus ang ginagawa niya.
"Kami na bahala teh, tsaka di ka ilalaglag nun ni Charlie, takot lang nun sa'yo. Samahan mo si Alas, kayo na lang sabay pumunta sa quadrangle." mabilis na turan ni Joanna at nagmadali pang naglakad ang tatlo.
Wala na siyang nagawa nang iwan na siya ng mga kaibigan.
"Tara na? Bibilisan ko na lang magpalit." aya sa kaniya ng binata.
"Sige, lagay mo na kaya ito sa bag mo?" sabay pakita niya sa wristwatch at lanyard nito. "Wala sakin yung bag ko kaya baka mahulog ko."
Kinuha ni Alas ang lanyard sa kamay niya at sinuot sa kaniya, habang ang wristwatch nito ay sinuot sa pulso niya. Hindi siya mahilig magsuot ng relo dahil nagkakaroon iyon ng bakas, hindi nagiging pantay ang kulay ng pulso niya at nalalaman niya pang umiitim siya.
"Ayan, eh 'di, hindi mahuhulog, kukunin ko mamaya pagtapos ko magbihis baka mawala eh." walang nagawang nakatingin siya sa ginawa nito, tsaka tumango na lang rito.
Dumiretso sila sa MB dahil doon may pinaka malapit na restroom para sa lalaki. Habang nasa loob si Alas ay nagpunta siya ng canteen para kumuha ng tubig sa fountain.
Saktong pagbalik niya ay nag-aantay na si Alas, inabot niya ang inuminan dito at dumiretso sila sa designated area para sa TUP.
Hindi niya makakasama sila Joanna dahil mayroong sariling area for PNU. Nagpaalam siya sandali kay Alas para hanapin si Charlie, iniwan niya ito na kausap na sila Isaac at Marco.
Nakita niya sa tabi ng bintana ng hallway ng MB si Charlie kasama si Arkin.
"Sorry natagalan. Nakuha niyo na yung mga permit nila at ticket?" tanong niya sa mga ito.
Matagal siyang tinignan ng dalawa, napansin niyang tumitig ito sa leeg niya kaya napatingin din siya doon. Nakalimutan niyang ibalik ang lanyard kay Alas kaya dalawa tuloy ang suot niya. Dahil sa ginawa niya, ay inalis ng dalawa ang tingin sa kaniya.
"Oo, pero hindi pa lahat. Tutal rectangle ang position ng area natin, let's do what you said earlier Kristine. Let's divide the three of us. Ako na sa harapan, kukunin ko na rin ang permit nila doon and taga-bantay narin. Ikaw Kristine, sa gitnang parte. Habang si Arkin ang sa dulo. Okay lang ba?" paliwanag ni Charlie, at binalingan nito si Arkin na tahimik lang na nakikinig.
"Sure. Simulan na natin." seryosong saad nito, at nauna nang maglakad.
Nang makabalik ay sinumulan nilang kolektahin ang mga permit stub ng bawat estudyante. Napansin niyang tapos na rin makuha nila Arkin ang nasa harap at likod. Tumayo siya sa gilid ng mga estudyante. Hindi lahat ay nakaupo. Dahil nasa gilid na parte sila ng quadrangle, ay halos lahat sa kanila ay nakatayo rin. Maya maya pa ay lumapit sa kaniya si Alas.
"Sila Marco?" bungad niya rito.
"Ayun oh, 'di makagalaw sa kasama mo eh." tinignan naman niya sila Marco at Isaac. Nagtutulakan ang dalawa, siguro ay nagtuturuan kung sino ang unang tatayo.
Isa isang rumampa ang mga candidates para sa Mr. and Ms. SCUAA. Dahil sa mga nangyari ngayong araw ay nakalimutan niya na kasali pala yung babaeng kung saan nasa mentioned post si Alas.
"Kilala mo siya 'di ba? Ang ganda ah." kunwari niyang tanong rito. Napansin niyang busy sa paglalaro si Alas sa gilid niya at hindi naman nanonood.
"Huy, 'di ka naman pala nanonood eh." abala niya rito.
"Shh, wait lang. Kupal si Marco, pabuhat eh." hindi nakatinging sagot nito.
"Ha? anong pabuhat?" nagugulahang tanong niya.
"Dito oh, potek susuntukin ko 'to mamaya eh." tinuro pa nito gamit ang nguso ang game na nilalaro. "Wait lang talaga Tine." tingin nito sa kaniya.
Blessing in disguise ba na hindi nanonood si Alas?
Hindi niya man gustong sabihin ay natutuwa siyang wala itong interes manood, kahit pa mukhang kilala naman nito ang babae sa mention post at kasama ngayon sa Mr. and Ms. SCUAA.
Muli niyang tinignan ang binata nang matagal, napapangiti siya sa reaksyon ng mukha nito dahil sa nilalaro. Binalik niya ang tingin sa dalaga na kinumpara niya pa ang sarili.
Ang isang bahagi ng utak niya, kinukumbinsi na huwag mainsecure sa taong nasa harap. Wala namang pakialam si Alas dito, 'di ba?
—————//
AN: Hello again from Kristine and Alas :))
Happy reading :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top