8
It's been four days since the breakfast she had with Alas last Tuesday.
Sa nakalipas na apat na araw ay naging madalang ang chats ng binata. Alam ni Kristine na may nagbago simula ng hinatid siya nito sa gate ng pamantasan pagkatapos nilang kumain. Hindi na ito ganoon kakulit sa chats, nawala na rin ang mga memes na dating sinisend nito.
Ang dating masiglang conversation nilang dalawa dala ng kakulitan ng binata ay naging dry na lang.
Ayaw niyang magtanong. Una, ano ang dahilan niya? Pangalawa ay, may karapatan ba siyang tanungin si Alas? Pangatlo, ano ang itatanong niya sa binata kapag tinanong lang siya nito pabalik.
Ayaw niyang ipakita kay Alas na apektado siya sa pagiging cold nito.
At higit sa lahat, bakit siya naapektuhan? Ano naman sa kaniya kung nawalan na ito ng enthusiasm kausap siya? Lagi namang ganoon, dati naman ay sanay na siya doon ah.
Pero aaminin niya, namimiss niya ito.
It Saturday, at wala rin naman siyang kailangan gawin. Katatapos lang ng exam nila kaya chill pa ang ilang subjects nila. Nakatapos na rin siya ng ilang presentation at 2 na lang ang kailangan niya pang iraos.
Kasalukuyan siyang nanonood ng series sa kaniyang laptop, pero dahil medyo boring ang scene ay nagiiscroll din siya sa newsfeed niya. Bigla niyang nahagip ang isang post kung saan, naka-mention si Alas. Isa iyong post ng babae na may pangalang Trixie Corpuz. Nag comment doon ang kaibigan ni Alas na si Marco. Wala itong sagot sa mention ni Marco, pero hindi nakaligtas sa kaniya ang comment ng babae.
Marco Assistio: Miss ka na rin daw ng kaibigan namin *mentioned Alas Mercado*
Trixie Corpuz: Huy Marc, siraulo ka baka umasa ako ulit sa kaibigan mo, lol.
Marco Assistio: HAHAHAHHAHAHA, lakas mo talaga master *mentioned Alas Mercado*
Dala ng curiosity, tinignan niya ang timeline ng babae. Maganda ito at same course ni Alas, hindi niya lang masyadong nakita ang ilang post dahil naka private. Pero base sa mga display pictures nito, maganda ang dalaga.
Hindi si Kristine ang tipo ng tao na nai-insecure. Since she was a kid, alam niya kung kailan at saan dapat makuntento. Never siyang nag hangad nang mas malaki o mas marami para sa kaniyang sarili. Kung ano ang ibibigay ng tao ay tinatanggap niya iyon ng hindi nagtatanong.
Ganoon din sa depinisyon ng kagandahan para sa kaniya, never niyang kinuwestiyon kung maganda siya o hindi. Alam niya sa sarili na average girl lang siya, at simula pa lang ay walang problema sa kaniya iyon.
Pero bakit iba ang nararamdaman niya matapos makita ang mga picture ng babae? Hindi niya maintindihan pero ang lungkot ng pakiramdam niya. Naiinis siya sa sarili, ano naman kung mas maganda ito sa kaniya, magkaibigan lang sila ni Alas. Magkaibigan.
Fix yourself Kristine, hindi ikaw ito.
Minabuti niya na lang na ituon ang atensyon sa pinapanood na series, mas lalo lang siyang malungkot lalo na at hindi na siya kinakausap nito.
Monday.
Ito na siguro ang pinakaunang lunes na hindi niya inireklamo. Buong weekend kasi ay wala siyang ginawa kundi magmukmok at isipin kung icha-chat niya ba si Alas, ngunit nagtatalo lang sila ng utak niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. In the end, hindi niya pa rin nachat.
Si Joanna at Issa pa lang ang naabutan niya sa loob ng klase ng dumating siya. Normal lang na ma-late si Angela sa kanilang apat, milagro kung mauna ito sa kanila.
"Good morning mga teh." bati niya sa mga ito.
"Hehe, morning. Puyat?" sagot sa kaniya ni Joanna. "Lalim ng eyebags ah."
"Baka may kalate night talk ka na ulit ha mars." pang-aasar naman ni Issa.
"Luh, ewan ko sa inyo. 'Di lang nakatulog nang maayos." paliwanag niya.
"Bakit? Nag-usap na kayo ni Alas?" tanong muli ni Joanna.
"Hindi, huling chat niya yung nagpaalam na mas magiging busy daw sa practice eh. Noong gabi pa iyon nung araw na nag breakfast kami." kwento niya rito. Ito naman talaga ang huling usap nilang dalawa, maliban na lang sa parte na nagpaalam ito.
"Hala, oo nga pala. Nood tayo SCUAA ah. Host yata ang TUP ngayong taon ng basketball. Player si Alas doon diba?" pag-aya ni Issa.
"Teka Tine, remember, he's busy naman since the last week you were talking diba? Pero nagcha-chat pa rin siya sa'yo. Sure ka bang walang problema?" naiinis siya sa pagiging observant ni Joanna, pinamukha pa tuloy nito sa kaniya na ayaw lang siyang kausap ni Alas.
"Wala, focus daw sabi ng coach nila. Kailangan raw nilang manalo eh." sagot niya rito.
"Eh 'di maganda, panoorin natin siya maglaro. Ang alam ko yung Mr. and Ms. SCUAA, PNU ang maghohost 'di ba? Pati yung opening ceremony?" kahit kailan talaga pagdating sa balita sa loob ng pamantasan ay unang una ang kaibigan niyang si Issa.
"Sa Wednesday 'yon gaganapin eh. Ano punta tayo?" dagdag pa nito.
"Tutulog ako non eh." pagtanggi niya.
"Hala ang kj naman mars, dali na. Maganda raw yung pambato ng campus nila Alas. Trixie ata name nung nanalo sa kanilang Ms. Intrams."
Napatigil siya nang marinig ang pamilyar na pangalan. Mas lalo tuloy ayaw niyang pumunta, kung sa picture pa lang ay nalungkot na siya dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na mainggit dito, paano pa kung makita niya ito sa personal.
"Alam mo Tine, dapat talaga sumali ka eh. Sayang tangkad at ganda mo eh." out of nowhere na banggit ni Joanna.
"Nako, asa ka diyan. Diba nga si Sir Ramos na nag-alok sa kaniya, umayaw pa rin. Lakas mo talaga sa part na 'yun mars." gatong naman ni Issa.
"Pang presentation lang ang beauty ko mars, tsaka nakakahiya 'no."
"Hala, napaka nega mo teh ha. Sabagay, ako rin eh pang presentation lang, minsan kulang pa kapag subject ni madam." birong sagot ni Joanna.
Ilang oras pa ay nagsimula na ang klase nila, hindi nakapasok si Angela sa unang klase dahil late na raw ito nagising, sa parteng iyon ay sanay na rin sila. Hindi first time ni Angela mag cut ng first class eh.
Hawak niya ang cellphone at inaantay ang chat ni Joanna kung na saan ito. Kasalukuyan siyang nasa MB at tinatanaw sa kumpol ng maraming tao na nasa quadrangle ang kaibigan.
"Mars, nasa talipapa kami, 2 pa raw magiistart. Back up daw ang STEP sabi ni Sir Ramos for event, daan ka raw munang LIO. Sorry talaga sa sudden chat mars, si Charlie kasi, ikaw na naman pinambala eh." Joanna chatted at her after a minute.
Hindi niya sigurado kung ano na naman ang ginawa ng president ng org nila pero hindi niya na agad ito nagugustuhan.
Dumiretso na lang siya sa LIO upang daanan ang adviser ng org nila.
"Good morning. Si Sir Carlo po?" bati niya pagpasok.
"Kristine, tara pasok ka." bungad sa kaniya ng adviser.
"Good morning Sir. Hanap niyo raw po ako?"
"Ah oo, Charlie said that you and your team can help sa organizer ng opening program. Kinulang daw sila so kinailangan nila ng tao, and as a courtesy dahil galing sa FBESS ang pambato ng PNU sa SCUAA, STEP lend a hand to help. You're free naman 'di ba?" Kahit naman sabihin ni Kristine na hindi ay wala na siyang magagawa. Hahanapin niya na lang si Charlie mamaya dahil sa ginawa nito.
"Ah yes Sir, ano po bang gagawin?"
Pinaliwanag ng adviser ang mga dapat gawin at kung kanino siya lalapit, agad naman niyang naintindihan ang mga sinabi nito.
"So, I'll see you after the event. Wear this shirt na lang so the organizer will recognize you. Salamat Kristine." sabay abot nito ng isang polo shirt na itim.
Bumalik muna siya ng MB para magbihis at tumungo na sa talipapa. Nakita niya roon si Joanna na sinisigawan si Charlie. Napatakbo naman siya dahil sa nangyayari.
"Huy, anong ginagawa niyo? Pag kayo narinig ni Sir Carlo, hindi kaya malayo ang LIO at nasa harap pa kayo ng faculty." awat niya sa dalawa.
"Parang sira kasi 'to si Charlie, wala daw kasi siyang maisip kaya tayo yung nirecommend kay sir. Baliw ka? Lumayo layo ka sakin Charlie, masasapak talaga kita." galit na sigaw ni Joanna.
"Tine sorry, ikaw kasi una kong naisip dahil busy yung vice president natin. Eh 'di no choice ako kung hindi ilapag sa secretary." paliwanag ng binata.
"Bakit hindi yung Events Associate ang sinabi mo? Sila Harry 'yun diba?" iritang tanong ni Joanna ulit dito.
"Busy daw si Harry sa ACT eh. Pasensya na talaga, tutulong naman ako. Dalawa tayong parang head na galing sa STEP." napansin niya na suot nito ang shirt na kapareho ng binigay ng adviser nila.
"Ewan ko sa'yo Charlie. Kailangan daw natin hanapin si Mr. De Jesus mula sa TUP sa kanila daw tayo naka-assign." paliwanag niya rito.
"Ah oo, nasabi na ni Sir kanina. Tara na ba? Nakita ko na si Sir De Jesus kanina, pero sabi ko hahanapin lang kita para sabay tayong ma-orient."
"Mars, ikaw sama ka ba? Baka kailangan ng maraming tao eh." aya niya kay Joanna.
"Sige, pero susunod na lang ako. Sabay na kami nila Issa."
"Okay, kita na lang tayo mamaya." paalam niya rito. "Tara na."
Pinuntahan nila ni Charlie ang faculty ng IPHERDS dahil naroon daw ang professor na hinahanap nila. Maraming estudyante ang nasa gym, halos ang iba rito ay galing sa ibang university.
"Akala ko sa quadrangle gaganapin ang opening program para mas open dahil sa fireworks display after the ceremony?" tanong niya kay Charlie.
"Oo, pero may friendly game daw ang basketball team ng TUP tsaka RTU eh. Kaya maraming tao ngayon dito sa gym." paliwanag naman nito. Sabay naman silang pumasok sa loob ng faculty.
"Good afternoon po. Kami po yung taga FBESS na tutulong sa event." pagbati ni Charlie sa professor na kaharap.
"Oh, good afternoon din. Thank you sa pagpunta. Mamayang 2 pm ang start ng opening program. Pasensya na kulang kasi kami ng tao mula sa TUP kaya kailangan namin ng back up." hinging paumanhin ng guro. Nahiya naman silang dalawa ni Charlie dahil kahit mukhang bouncer ang professor ay ito pa ang nag-sorry.
"No worries sir, masaya po kami na makatulong." sagot niya rito at ngumiti.
"Salamat talaga. So here's what you're going to do. You just need to gather all the students from our university, which is TUP. Ask for their permit or if they have a ticket and then guide them sa designated place nila. Makikita niyo naman sa quadrangle yung color coding per university. Make sure na lahat ng TUP students ay nasa designated area lang nila before the event's end. Is that clear?" paliwanag nito. "If anyone disagrees, ask for their name and collect their IDs. Also, do the same thing when someone does a commotion or a scene."
Sinabi pa nito ang bilang ng estudyante na maaaring pumunta. Nagbilin pa ito ng ilang bagay, bago ito magtanong kung naintindihan ba nilang dalawa. Matapos nito ay nagpaalam na rin sila sa professor.
Naunang lumabas si Kristine, sakto ay nakasalubong niya ang mga players ng TUP. Una niyang nakita si Marco.
"Huy miss PNUAN, nonood ka ng game? Marco nga pala." pagpapakilala nito at napakamot sa ulo. Naalala niya na hindi pa pala niya formal na nakikilala ang mga kaibigan ni Alas, nakilala niya lang ito base sa kwento ng binata.
Samantala ang iba nitong kasama ay nauna nang pumasok.
"Ah oo. Kristine na lang, ang sagwa ng miss PNUAN." nahihiyang sagot niya rito. Nasa likod naman niya si Charlie na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.
Lumapit sa kaniya si Marco at bumulong.
"Hehe, miss PNUAN. Jowa mo? Lalim makatingin eh." sambit nito sabay tingin kay Charlie na nakatingin lang sa kanila.
"Hindi ah, president ng org namin. May task kami for the event, h'wag mo na lang pansinin." sagot niya rito. Tiningnan niya naman si Charlie na nagkibit balikat lang sa kaniya.
"Buti naman, ilang araw ng broken si Master eh. Nag-away ba kayo?" pambubuko nito sa binata.
Bago pa siya makasagot ay dumating si Alas na hinihingal pa at puno ng pawis.
"Master, ba't ngayon ka lang? Yari ka na kay coach." bungad ni Marco sa kaibigan.
Nakatingin lang siya sa dumating na binata. Ngayon niya na lang ulit ito nakita matapos ang nangyari sa Mcdo. Gulat itong tumingin sa gawi niya, maybe not expecting that they will see each other in this kind of situation.
"Sorry, na saan si coach?" sagot nito sa kaibigan. In just a minute, bigla na lang naging awkward ang paligid. Napansin niya naman na parang wala itong dalang pamunas.
"Hmm, towel?" nahihiyang abot niya rito, buti na lang ay hindi panyo ang dala niya. Expected niya rin kasi na hardcore ang init para sa araw na iyon.
Tinanggap naman ito ng binata. "Salamat, ano pala ginagawa mo rito?" cold na tanong sa kaniya nito.
O nag-iimagine ka na naman Kristine?
"Event organizer." biglang sagot ni Charlie sa likod niya. Dahil doon ay napatingin silang tatlo dito.
"Hindi kita tinatanong pre, sorry." iritadong sagot ni Alas kay Charlie. "Salamat sa towel, balik ko na lang sayo. Manonood ka ba?" muli ay tinignan siya nito.
"Hmm, sige lang. Oo, siguro? We are tasked to handle the students. Pero kailangan muna namin hanapin si Mr. Andrei." alinlangang sagot niya sa binata.
Pagkabanggit niya ng pangalan ay nagkatinginan si Alas at Marco.
"Bakit mo hinahanap si Arkin?" muli ay bumalik ang iritasyon sa boses ni Alas.
"Siya raw kasi ang kasama namin nito ni Charlie na mag guide sa students mamaya." paliwanag niya rito.
"Ah, Kristine. Baka nasa quadrangle si Arkin, bida bida yun kaya pustahan kahit di siya taga PNU nakikisali yun." Hindi niya alam pero may bahid ng inis sa boses ni Marco nang banggitin nito ang lalaki.
"Sige, mauna na kami. Good luck sa game niyo, galingan niyo ah." nakangiting sabi niya sa dalawa.
"Ayi, mukhang may mananalo mamaya. Sige salamat Kristine, una na rin kami dahil may aattend pa ng misa ni coach." birong saad nito sabay akbay kay Alas na nakatingin lang sa kaniya ng seryoso.
Inaya niya na si Charlie at nang makatalikod ay narinig niya si Alas na parang may binubulong kay Marco.
"Sino ba yung asungot na yun? Makatingin kala mo lalamunin ako ampucha."
"President daw ng org, pero mukhang may tama yata. Patay ka"
Alam niyang narinig din iyon ni Charlie, ngunit hindi naman ito nagsalita.
Tirik na tirik ang araw dahil alas onse pa lang ng tanghali. Nararamdaman niya na ang mga pawis sa noo ngunit naalala niyang na kay Alas pala ang towel niya.
Nakita nila sila Joanna na nasa quadrangle at nagseset up kasama ang ilan pang estudyante.
"Mars nandito ka na pala, kumusta?" bungad na tanong sa kaniya ni Issa.
"Na-assigned kami sa kabila eh, hinahanap pa namin yung USC president daw nila."
"Ah, baka 'yun yata 'yun oh. 'Yung kanina pang kausap nung professor sa P.E. Tanong mo." sabay turo nito sa isang lalaki na nasa stage kasama ang isang prof.
"Sige mars, wait lang ah. Charlie tara." aya niya sa binata na kanina pa tahimik.
Agad naman nilang nilapitan ang lalaki.
"Excuse me. Good afternoon po, ikaw po ba si Mr. Arkin Andrei from TUP?" magalang na bati niya sa mga ito.
"Ah yes." sagot nito.
Nagpaalam ito sa propesor na kausap bago sila binalingan. "How may I help you?"
Si Charlie ang kumausap at nagpaliwanag ng sinabi sa kanila ni Sir De Jesus kanina.
"All clear. So 2 tayo mag-iistart?" tanong nito sa kanila.
"Well, not necessarily. Much better kung simulan natin sa gym, we need to discretely inform the students from your university the rules set by Sir De Jesus." paliwanag niya rito. "Kung 2 pm pa tayo magsisimula, masyado ng maraming tao, it will be difficult to control."
"Then what are you suggesting to do?" tanong nito sa kaniya na may malokong ngiti.
"Stick with the plan pa rin sir, but we will do something ahead of it. It will be easier for us to handle the students if we're going to that sir. After all, we are not under your university so hindi natin sigurado ang 100% na pagsunod nila, especially sa'min dalawa ni Charlie." she calmly explained.
"I didn't see that as a problem Ms. Delos Santos, kasama niyo naman ako so susunod sila sa atin." confident na sabi nito.
"I also don't see a problem considering that factor sir." firm niyang sagot dito.
"I agree with her sir. Kung busy kayo, pwede naman kaming dalawa na lang ng secretary ko ang gumawa." seryosong sang-ayon ni Charlie sa tabi niya.
Nagkatinginan sila ni Charlie ng ngumisi lang ito sa kanilang dalawa. Ayaw niya mainis sa lalaki pero iba ang dating ng actions nito sa kaniya. Naalala niya tuloy ang sinabi ni Marco na "bida bida" raw ito.
"Okay. Then let's go to the gym?" hindi nawawala ang ngisi sa mukha ng binata.
Taas noo pa itong naunang maglakad sa kanilang dalawa ni Charlie. Hindi na lang sila umimik pa at sumunod na lang sa binata.
Pagdating nila ng gym ay nasa kalahati na rin ang tao. Pinaghalong mga estudyante mula sa tatlong university.
Nakita niya ang team nila Alas na nasa pintuan malapit sa faculty ng IPHERDS kung saan sila nagkasalubong kanina. Sa tabi ng mga ito ay ang ilang mga students. Doon dumiretso si Arkin at sumunod na lang silang dalawa.
Hindi nila inasahan na bigla itong maga-announce sa mga ka-eskwela.
"Hello guys, sorry to disturb you, but I just want to inform everyone, that Sir De Jesus assigned me together with these two people from PNU to guide you during the whole event. Anyone who will leave our designated area during the event will be given a sanction. We will confiscate your IDs. You know sir De Jesus naman 'di ba? Alright, pakikalat na lang din sa iba. Are we clear?" balita nito sa mga ka-eskwela.
Siya lang ba o tunog mayabang talaga ang isang ito?
"Sinasabi niya ba na under niya tayo?" bulong sa kaniya ni Charlie.
"Bahala siya." sagot niya sa kasama. "Hello po, kung may tanong po kayo. Lapit lang po kayo sa'min, pasensya na po sa istorbo. Thank you ulit" mahinang sabi niya sa mga ito at nginitian niya na lang ang mga estudyanteng nakasimangot dahil sa biglaang singit ni Arkin kanina.
"She's Ms. Delos Santos guys, she will be with me during the whole event." dagdag pa nito sabay pakilala sa kaniya.
Nahihiyang ngumiti at nag-bow siya sa mga estudyante.
"Narinig namin Andrei, dami mong sabi eh." nagulat siya ng magsalita si Alas mula sa pwesto nito. Nasa isang hilera kasi sila kasama ang players, siguro ay nasa twenty pa lang ang students na kasama ng mga ito, karamihan dito ay mga lalaki. Sa tabi ni Alas ay si Marco at Isaac na natatawang nakatingin sa kanila.
"Then it's good Mercado. Good luck on your game, by the way." pang-asar na sagot nito sa binata.
Nararamdaman niyang may namumuong tensyon sa dalawa. Kaya inaya niya na si Charlie sa pinakatuktok na bahagi ng bleachers.
"Ang yabang kasi, parang timang naman." seryosong sabi ni Charlie nang makaupo sila. Samantalang si Arkin naman ay lumapit sa mga players.
"Hayaan mo na lang."
"Hello miss, anong major niyo?" tanong sa kaniya ng isang lalaki.
"Values po. Pasensya na pala sa ginawa ng president niyo kanina, dapat talaga discreet lang ang announcement na iyon eh." nahihiya niyang sagot dito.
"Sanay na kami doon. H'wag ka mag-alala, mamaya sa buong event mabubwisit ka na rin." natatawang sagot sa kaniya ng binata.
Napatingin naman siya kay Charlie na nakatingin lang sa malayo. Kakwentuhan niya ang binata mula sa TUP nang makarinig sila ng ingay mula sa gawi nila Alas.
"Gag* subukan mo para makita mo kung anong gagawin ko sa'yo." galit na sigaw ni Alas matapos suntukin si Arkin.
Mabilis silang bumaba ni Charlie, halos buong gym ay nakatingin na sa kanila ngayon. Mabuti na lang ay wala ang coach nila Alas.
"I'm not scared Mercado, you know that I always have my ways." pang-asar na sagot ng binata habang hawak ang panga nito.
Muli sanang aamba si Alas kung hindi lang niya ito napigilan. Malapit lang ang gym sa faculty ng IPHERDS, mas lalo silang malalagot kapag lumala pa ang gulo.
"Tama na nga ano ba. Charlie dalhin mo na lang si Mr. Andrei sa clinic, ako na bahala dito." utos niya rito.
Hinawi naman ni Arkin si Charlie nang balakin nito na tulungan siyang makatayo.
"Bakit Mercado, natatakot ka ba? Ano ba siya sa'yo?" sabay tingin sa kaniya nito. Siya naman ay naguguluhan sa kung ano ba ang pinagtalunan ng dalawa.
Hinawakan lang siya sa pulso ng binata, at matalim na tumingin kay Arkin.
"H'wag kang tsismoso, akin siya. So back off dude."
--------------------//
AN: Hello from Alas and Kristine :)) See the picture on the media
Hi, this one for you guys. Thank you sinnerssnow, AylDinglasan at user45945311.
bella_amante, thanks again for the cover.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top