6


Kasalukuyang nasa Library si Kristine nang makatanggap siya ng chat mula kay Alas.

Naging madalas na ang pag-uusap nilang dalawa. Palaging si Alas ang nauunang ma-send sa kaniya ng message. Kung kumain na ba siya, mga ginagawa niya, mga tinatapos na gawain, sa maikling panahon, marami siyang nalaman sa binata. 

After the night na kumain sila sa mamihan ay hindi na sila muling nagkita ni Alas, kapwa busy din sila sa mga gawain sa kani-kanilang pamantasan.

Alas Mercado: Saan ka? Nasa university ka na ba?

Dahil wala rin namang ginagawa, mabilis siyang nagtipa ng mensahe para rito.

"Yep. Nasa library lang ako." 

Alas Mercado: Early bird ka masyado teacher, mamayang 9 pa klase mo, 'di ba?

"Oo, pero baka ma-traffic eh." 

Alas Mercado: Nag breakfast ka na ba? Kain tayo 

"Ha? Wala ka bang klase?" 

Naguluhan siysa biglaang pag-aya nito

Alas Mercado: Meron, pero 10 pa. Maaga rin akong pumasok dahil nagpatulong sila Isaac sa isa naming deadline today.

Gusto niyang mang kumain kasama ito, nahihiya siya na maistorbo ito sa gagawin. 

"Hmm, wag na. Tapusin niyo na muna yung ginagawa niyo." 

Alas Mercado: Kaya na nila Isaac yun. Hintayin kita sa gate niyo ah, bye

Dahil nag-off na ito, alam niyang seryoso ito sa sinabi.

Tumayo na rin siya at naglipit ng gamit, may 2 oras pa naman siya bago ang kanilang klase sa Assessment. Wala rin namang kailangan reviewhin kaya ayos lang kung umalis siya. 

Nakasalubong niya ang iba niyang mga ka-blockmates sa talipapa. Nakita niya roon si Joanna kasama ang mga grupo nito para sa presentation ng kaibigan mamaya. 

Nagpaalam ito sa mga ka-grupo at agad na tinungo siya.

"Teh, saan punta?" tanong nito sa kaniya.

"Ha, ano lalabas lang. Kakain." hindi siya makatingin sa kaibigan. 

Hindi niya pa rin nasasabi sa mga kaibigan ang madalas nilang pag-uusap ni Alas. Ngunit alam naman niyang nakahahalata ang mga ito.

"Sa labas? Ba't hindi na lang sa canteen?" nakangising tanong nito sa kaniya.

"He, yung ngiting 'yan, alam kong alam mo naman." nahihiyang sagot ni Kristine sa kaibigan. 

"Dalaga ka na nga mars. Gusto mo ba iwan mo muna yung gamit mo sakin? Nakakahiya naman kay TUP boy baka buhatin 'yan." nang-aasar na ngiti nito sa kaniya. 

"Ewan ko sa'yo teh." naiiling na sagot niya rito. "Hmm, sige, pero pwede bang h'wag mo muna sabihin kaila Issa? Ako na lang bahala mag sabi." sabay abot nito ng bag sa kaibigan.

"Oo naman, it's not my story to tell teh. Tsaka, ikaw lang naman inaantay ng mga iyon mag-kwento." Paliwanag nito. "Sige na, bilisan mo na at baka nag-aantay na si TUP boy sa labas. Ingat kayo ha" 

Matapos magpaalam sa kaibigan ay dumiretso na siya palabas. 

Pagkalabas niya ng MB ay natanaw niya na agad si Alas sa labas ng gate. May kaasaran pa ito sa kabilang kalsada, marahil ay kakilala. 

Nakayukong nilapitan niya ito. Agad naman siyang nakita ng binata.  

"Huy, saan tayo?" kamot ulong tanong sa kaniya ng bata. 

Napansin niyang medyo lukot ang uniform ng binata, magulo rin ang buhok nito. Pero kahit ganoon ay hindi nawawala ang ngiti sa labi nito. 

"Marami ka bang ginagawa?" Kristine asked while looking intently at Alas's face.

"Hehe, medyo lang. Pero 'di pa rin ako kumakain kaya ayos lang. Wait, kung nag breakfast ka na, pwede namang ako na lang mag-isa baka naabala kita." he shyly said.

"Nangonsensya ka na eh, may choice pa ba ko?" sagot niya rito. "SM lang alam ko, pero 'di pa yun bukas."

"Mcdo gusto mo?"

"Okay lang."

"Sige, tara." 

Diretso silang naglakad sa kahabaan ng PNU. May mga estudyante silang nakakasalubong na napapatingin din sa kanilang dalawa. A PNUAN together with a student from TUP is not a usual scene for some students in their university. 

Napansin naman ni Alas ang pagiging uncomfortable niya. Kaya nagsimula ito ng topic para sa kanilang dalawa.

"May dalawa pang plates na hindi natatapos sila Marco kaya maaga kaming pumasok kanina, paano kasi puro ML." pagsisimula ni Alas.

"Eh ikaw? Tapos mo na yung iyo?" tanong niya rito.

"Yes Ma'am, naaawa lang ako sa dalawang tukmol kaya tumulong na rin ako." one thing that she also saw in Alas, he always offer help kahit kanino. Lalo na kung libre naman ito. 

"So na saan sila Marco ngayon? Dapat inaya mo baka hindi pa rin sila kumakain." 

"Ayoko nga, nagsasawa na ko sa mukha ng dalawang iyon. Tsaka gusto rin kita makasama, ang tagal na nung huli nating kain." she saw Alas face turned into red. 

Kristine was taken aback after what Alas said.

"Baliw ka talaga." she responded after a minute.

"See that, dapat nakangiti ka sa umaga para maganda ang araw." turo pa nito sa mukha niya. 

"Ewan ko sayo Alas, puro ka kalokohan." natatawang niyang sagot dito. 

Patawid na sana sila sa kabilang kalsada nang makasalubong ni Kristine ang ilan sa mga ka-blockmates niya. 

Gulat ang mga matang nakatingin ang mga ito sa kanila ni Alas. Nararamdaman niya sa mga tingin ng mga ito na mamaya ay pag-uusapan na siya sa klase. 

"Hi Kristine, saan ka punta?" tanong sa kaniya ni Harry, ka-blockmate niya.

"Ha, diyan lang kakain." sagot niya rito.

"Ah, sige ingat kayo." at tinignan pa nito ang kaniyang kasama.

Hindi na niya ito pinansin at nagsimula na lang tumawid sa pedestrian.

Bago pa man sila makarating ng Mcdo, ay nagsalita na si Alas.

"Gusto mo h'wag na lang natin ituloy? Pwede naman akong kumain sa loob ng campus." 

"Ha bakit?" takang tanong ni Kristine sa binata.

"Eh, baka hindi ka na kumportable dahil nakita tayo ng mga blockmates mo." seryosong tingin sa kaniya ni Alas.

"Ah 'yun, alam naman ni Joanna na kasama kita."

"So hindi ka nga kumportable?" tigil lakad nitong tanong sa kaniya.

"Ayos lang ako Alas. Kahit naman bumalik ako ngayon, magtatanong pa rin ang mga iyon. Kaya tara na, gutom ka na 'di ba?" kumbinsi niya rito.

"Ikaw bahala." napansin niyang nawala ang mga ngiti sa mukha ng binata. 

Hindi siya kumportable hindi dahil sa grupo ni Harry na nakakita sa kanila, the reason why she feel uncomfortable ay dahil kasama niya si Alas. Unang beses ni Kristine kumain ng agahan sa labas kasama ang isang lalaki. Gusto niyang sabihin ito sa binata pero natatakot naman siyang asarin lang din siya nito.

Noong isang araw kasi, bigla niyang napindot ang video call sa messenger. Hindi niya iyon sinasadya. 

Nagloloko ang cellphone niya ng mga oras na iyon, binaba niya naman iyon agad at sinabi na namali lang siya ng pindot. Pero knowing Alas, pagkatapos niyang gawin iyon ay ito ang nangulit na mag video call silang dalawa. Napapayag siya ng kakulitan nito, ngunit laking pagsisi niya dahil buong pag-uusap nila ay sinisingit nito ang pagtawag niya. 

Kaunti pa lang ang tao sa loob ng Mcdo noong pumasok sila, halos karamihan ay mga estudyante galing Adamson. Napili niyang humanap ng bakanteng lamesa habang nasa counter si Alas. Doon sa bahagi kung saan hindi masyadong kita.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Alas habang dala ang isang tray na may laman na pancake at isang chicken fillet. 

"Sorry, ako na yung nag decide, hindi ka kasi sumunod. Pumili ka na lang then akin yung hindi mo gusto." sabi nito at umupo sa tabi niya.

"'Yung pancake na lang ang akin. Kailangan mo ng heavy meal, ang tamlay ng mukha mo." inalis niya ang pagkain sa tray at nilagay ang chicken fillet sa harapan ni Alas. 

"Seryoso ba? Nako mababawasan ang mga fans ko." tumatawang hinawakan nito ang ilalim ng mata. 

"Sorry kanina, I didn't felt uncomfortable dahil ikaw yung kasama ko." pagbalik niya ng usapan kanina.

"Ayos lang, naiintindihan ko." muli, bumalik ang lungkot sa mga mata nito matapos niyang ibalik ang nangyari kanina.

"Naiintindihan, eh ba't malungkot 'yung mukha mo?" siniglahan niya ang boses para kahit papaano ay malighten man lang ang mood ng binata.

"Hindi ko rin alam. Kumain na lang tayo." 

Gusto niyang intindihin si Alas pero hindi niya naman alam kung bakit naging malungkot na lang ito. Noong nagkita naman sila ay masigla ito kahit mukhang pagod na ang mukha. 

Malapit ng maubos ang pagkain nila ng binitiwan ni Alas ang hawak na tinidor at humarap kay Kristine.

"Okay sorry sorry. It's just that, parang napipilitan ka lang kasama ako. I didn't mean to offend you pero, Kristine kung hindi ka komportable sa akin, ayos lang. Mas okay sa akin ang hindi ka napipilitan at kung saan ka komportable" 

Nagulat siya sa inasta ni Alas, hindi niya alam na ganito na pala ang nararamdaman ng binata. Oo, madalas ay ito lang ang kwento nang kwento sa kanilang dalawa sa chat, maiikling sagot palagi ang binibigay niya rito. Pero, hindi iyon dahil sa ayaw niya sa binata kung hindi, hindi niya lang alam kung ano ang dapat gawin.

"Sorry." maikling sagot niya rito.

"Just be honest with me, ayos ka lang ba?" matapang na tanong ng binata sa kaniya.

"Oo naman, sasama ba ako sayo rito kung hindi?" nakasimangot na sagot niya rito.

Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito, at hindi niya rin masisi ang binata. After all, siya pa nga ang iniisip nito. 

"I get it, okay sorry. Hmm, thanks for being honest with me." his voice was still monotone. "Tapos ka na ba? Tara na, baka ma-late ka." 

Kanina pa naman siya tapos, kaya inayos niya lang ang pinagkainan nila at sumunod na kay Alas na naglalakad na palabas ng Mcdo. Tinignan lang siya nito pagtapos ay naunang lumabas.

Hanggang pagbalik ng pamantasan ay hindi na ito nagsalita. Hinatid siya nito hanggang sa tapat ng gate ng PNU, tango at ngiti lang ang ginawa nito pagkatapos ay dumiretso na ng lakad.

Pagpasok niya ng campus, dumiretso siya agad sa Talipapa dahil siguradong naroon pa si Joanna dala ang gamit niya. Ayaw niya rin pahirapan ang kaibigan na magdala pa nito.

Mas dumami na ang bilang ng mga ka-blockmates niya na naroon, nakita niya rin sila Harry na nasa katabing lamesa lang nila Joanna.

"Mars." bati niya sa kaibigan.

"Oh, nakabalik ka agad? Asan si Alas?" nagtatakang wika nito. Siguro dahil wala pang halos isang oras siyang nawala. Napansin niyang napatingin ang grupo nila Harry sa kanilang magkaibigan ng tanungin siya ni Joanna.

"Oh bakit teh, makatingin ka? Interesado?" mataray na sita ni Joanna dito.

"Huy mars, ang aga aga nakikipag-away ka." 

Nahihiya namang nginitian niya ang grupo ni Harry. Sa lahat ng mga ka-blockmates nila, ito ang hindi ka-vibes ni Joanna. Simula kasi noong nabara ito ng kaibigan noong 1st term nila, palagi na itong nagtataray kapag si Joanna ang presenter. Kung siya, wala siyang problema kay Harry dahil hindi pa naman siya pinapakitaan nito ng hindi maganda, hindi niya lang ngayon sigurado, pagkatapos siyang makita ng mga ito kasama si Alas kanina.

"Oh mabalik nga tayo, bakit nandito ka agad? May nangyari ba?" pag-aalalang tanong nito.

"Wala, busy si Alas kaya kailangan niyang bumalik agad." 

"Eh bakit mukhang gutom pa rin yang mukha mo? Ano ngang nangyari?" pag-uulit na  tanong sa kaniya ng kaibigan. 

"Mamaya na lang. Dumating na ba sila Issa?" paglilihis niya ng usapan.

"Oo, dumaan dito kanina. Baka nasa library na, kasama nila si Kenny kanina eh." sagot sa kaniya nito at binalik ang atensyon sa mga ka-grupo. 

Nagpaalam siya sa kaibigan na pupunta ng library. Ang totoo ay hindi niya matagalan ang tingin ng grupo ni Harry kaya pinili niyang iwan na lang ang kaibigan at pumunta sa library, tutal ay busy din naman ito sa presentation mamaya.

Naabutan niya sila Issa pero hindi naman si Kenny ang kasama ng dalawa. Buti na lang at hindi niya inaya si Joanna dahil pustahan ay magtatalo na naman ang dalawang kaibigan. Kasama kasi nila Issa ang grupo nila Sebastian.

Paglapit niya sa lamesa ay saktong paalis na rin ang mga ito. Ngumiti lang siya rito bilang pagbati. Nagulat naman si Issa nang mapansin siya, habang ngumiti lang sa kaniya si Angela na nasa tabi nito.

"Ano 'yun?" tukoy niya sa umalis na binata.

"Wala. Saan ka pala galing?" nahahalata niya sa tono ng kaibigan na may tinatago ito.

"Ano nga iyon? Alam niyong ayaw ni Joanna na makita iyon na kasama niyo 'di ba?" pagpipilit niya pa.

"Kaibigan din namin iyon Tine, tsaka si Jo lang ang may problema sa kanila labas kami doon ni Angela, 'di ba?" siko pa nito sa katabi. Si Angela naman ay tila hindi alam ang sinasabi ng kaibigan.

"Ha? Aba, ikaw yung kausap kanina. Labas ako diyan." pagtatanggi nito.

"Ah ganoon? Laglagan tayo dito 'Gel?" iritadong sagot ng kaibigan.

Hindi na gustong dagdagan pa ni Kristine ang pagkasira ng umaga niya, kaya mahinahon niyang hinarap ang kaibigan.

"Teh, kumalma ka nga, nagtanong lang ako. Ba't ganyan ka maka-react?" 

"Sorry..." huminga pa ito nang malalim bago muling sumagot. "Pero mars, gets ko yung inis ni Joanna sa grupo nila Sebastian, pero intindihin niyo rin naman ako. Hindi lang siya ang may kaibigan doon." kahit papaano ay huminahon na ang boses ng kaibigan.

"Kaibigan lang ba?" tanong ni Angela sa gilid nito, diretso lang ang tingin nito sa papel na hawak.

"Anong gusto mong palabasin 'Gel?" sagot ni Issa sa kaibigan. 

Hindi sumagot si Angela at tumingin lang ito sa kaniya.

Huminga muna ng malalim si Kristine bago kumprontahin ang kaibigan.

"Issa, aminin mo nga. May something ba sa inyo ni Sebastian?" hamong tanong ni Kristine sa kaibigan.

Alam niyang hindi lang si Angela ang nakakapansin noon, maski siya ay napapansin na rin ang kaibigan na magiliw palagi kapag nakikita ang lalaki sa pamantasan. Pero hindi niya na lang iyon binibigyan ng malisya, dahil alam naman nilang lahat kung ano ang meron kay Sebastian at Joanna. Sabihin man nito na wala na rito ang nangyari, alam nilang naghahanap pa rin ito ng paliwanag mula sa mga taong nanloko rito. 

Malalim na buntong hininga ang sinukli sa kanila ni Issa. Hindi na nito kailangan sumagot, alam na nila kung ano ang gustong iparating nito.

Matapos iyon, ay hindi na talaga sumagot ang dalaga. Tinignan ni Kristine si Angela na nakadukdok pa rin sa papel nito, nakayuko lang ito at hindi nagbabasa. Samantala, si Issa ay nakatingin sa malayo.

15 minutes bago mag time ay dumating si Joanna.

"Sino namatay?" biro nitong tanong sa kanila. Pareho nilang tinignan ni Angela si Issa na hindi makatingin sa kadarating lang na kaibigan. 

"Huy, napipi kayo? Issa sinabi mo na sa kanila?" nagtataka silang tumingin kay Joanna. Alam na nito ang feelings ng kaibigan?

"Alam mo na Jo?" tanong ni Angela.

"Hehe, oo. Ayos lang naman iyon. Matagal na yung nangyari kaya it's time to move on." sagot nito sa kanila.

Naguguluhan siya, okay lang sa kaibigan na may gusto ito sa lalaking dating nanakit sa kaniya?

"Alam mo ba yung sinasabi mo Jo?" seryosong tanong ni Kristine sa kaibigan pagtapos ay tumingin ito kay Issa na naguguluhang nakatingin naman kay Joanna.

"Teka nga, ano ba yung tinutukoy niyo? Mamaya magkaiba naman pala tayo ng kwento." Ngayon pati ito ay naguguluhan na rin sa kanila. "Ay mga teh, mamaya na pala ang chismis. Mala-late na tayo."

Nauna itong naglakad pababa ng hagdan sa kanila, muli ay tinignan nila si Issa ngunit nagkibit balikat lang din ito, senyales na kahit siya ay naguguluhan. 


Pagkarating nila ng MB, may tao pa sa loob ng room kung saan sila magkaklase. Dumiretso naman si Joanna sa mga ka-grupo kaya nagkaroon sila ng oras para tanungin si Issa.

"Sinabi mo kay Joanna, paano niya nalaman?" panimulang tanong ni Angela.

"Okay ka lang ba? At wala kong sinabi na gusto ko si Sebastian." bakas sa boses nito ang iritasyon sa tanong ng kaibigan.

"Wag kayong mag-away dalawa, hindi tayo sigurado kung iyon ang tinutukoy ni Jo. At Issa, matalino ka, sort out your feelings. Hindi natin ito dapat pagtalunan." pagpapakalma niya sa mga kaibigan.

Saktong palabas naman ang mga estudyante sa loob ng room, kaya naghanda na sila papasok.

Bago pa makapasok si Kristine, nabato siya sa huling sinabi ng kaibigan.

"I'm not the one who needs to sort some feelings. You know that."


----------------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top