5


Last day na ng term break. Maganda na sana ang araw na iyon para kay Kristine kung hindi lang nila natanggap ang balitang may pa-requirement agad para sa isa nilang subject.

Church day sana nila iyon pero heto siya at nag-stay para makapag isip ng gagawin. 

Natapos ang second term na hindi na sila muling nagkasalubong ni Alas, blessing in disguise na iyon marahil, dahil hindi niya alam paano aakto sa harap nito. Ngunit hindi naman nito pinatahimik ang messenger niya. Panay ang chat nito sa kaniya, pero kahit isa doon ay hindi niya nireplayan. 

Hindi niya rin kasi alam ang isasagot dito. 

Baliw na ata siya para mainis dito at isipin na baka galit ang lalaki dahil hindi siya nag-reply sa mga chats nito. She ignored all the messages from Alas explaining what happened back at tapsihan.

She had an idea what to do in their requirements, however, she doesn't have some of the materials. Wala rin siyang yellow pad, na kailangan para sa first day ng third term. 

Naisip niyang pumunta sa isang convenience store sa kanto nila para bumili ng mga kakailanganin. Pagdating doon ay wala na itong stock ng yellow paper o kahit anong materials na kakailanganin niya, ang alam niya na lang ay ang Waltermart at National Bookstore. Isang tricycle lang naman iyon mula sa street nila. 

Marami pang tao sa Waltermart nang makarating siya roon. 

Dumiretso siya ng National Bookstore. Nakuha na niya ang lahat ng kailangan, bumili na rin siya ng extra filler para sa g-tech niya.

Nasa may pen section pa siya nang mapadako ang tingin niya sa paper section kung saan nanggaling ang ingay mula sa mga nahulog na cartolina at iba pang drawing materials. 

Natanaw niya ang isang lalaki na nagpupulot ng mga cartolina. 

Lumapit siya sa gawi nito at isa isang pinulot ang iba pang nahulog. Nang iaabot niya na ito sa lalaki, laking gulat niya nang makita niya si Alas. 

"Here." Abot niya sa mga papel. Tatalikod na sana siya ng magsalita ito. 

"Tine sandali," habol sa kaniya nito. 

Tinignan niya ito ng nagtataka, "May problema ba tayo?" mahinang saad nito sa kaniya.

"Ha? Hindi. Busy lang ako." pagdadahilan niya

"Ah. Oo nga, sige baka naabala na kita." he said then go back to return the cartolina.

Hindi niya alam, pero she felt guilty sa tono ni Alas. Hindi kasi ito ang usual na tono ng binata kapag nagkikita sila, yung tunog nagbibiro o nang-aasar lang.

"Sige, una na ko." Tumalikod na siya nang hindi na ito nagsalita. 

Mabuti siguro kung aalis na siya roon dahil hindi niya na gusto ang pakiramdam kapag malapit siya rito. 

"Wait lang." Nagmamadali itong binalik ang mga nahulog kanina, tsaka sumabay sa kaniya. 

"Dami niyan ha, start pa lang ng term niyo 'di ba?" Tanong sa kaniya nito sabay tingin sa hawak niya. 

"Oo, may biglaang requirement eh. Ikaw?"

"Reqs din. Natapunan ng tubig 'yung ginagawa ko kanina kaya kailangan bumili ulit ng papel." Uulit na ito ng gagawin pero nakangiti pa rin? 

Kung kay Kristine iyon mangyayari, siguradong wala siyang ganang ngumiti tulad ng nakikita niya kay Alas. Parang wala lang dito na gagawa ito ulit ng bago.

Nasa cashier section na sila ng tanungin niya ito, "Bakit nakangiti ka pa eh uulit ka na nga?" 

"Kapag ba nagalit ako, babalik ba sa dati? Okay lang 'yun, nangyari na eh." sagot nito na parang wala lang.

She shrugged her shoulder then look at Alas, "At least, kapag nagalit ka kahit sandali lalabas yung nasa loob mo."

"Nasa loob?" naguguluhang tanong nito sa kaniya.

"Frustration, when something goes out of hand." sagot niya rito, sabay abot ng bayad sa kahera.

Diretso siyang lumabas ng NBS. Ilang sandali pa ay sumunod sa kaniya ang binata. 

"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa kaniya. 

"Hindi pa, pero uuwi na rin naman ako." she said. 

"Tara, may alam akong kainan malapit sa sakayan ng UV. Game?" aya nito sa kaniya. 

Tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone, malapit ng mag-ala sais. Kapag ganitong oras ay dapat nasa bahay na siya, isa pa, hindi siya nagpaalam.

"Hindi pwede, pagagalitan ako." tanggi niya rito.

"Mabilis lang tayo, hahatid na lang kita ulit sa inyo." pangungulit pa sa kaniya nito.

"H'wag na, mapapalayo ka na naman." tanggi niyang muli. 

"Oks lang iyon, tsaka wala pa namang text na hinahanap ka na. Dali na, umangal pangit." pagpipilit nito.

Sa isang mamihan sila nagpunta. Hindi naman maarte si Kristine, minsan na rin nilang sinubukan magkakaibigan kumain ng ganoon, pero hindi pa sa isang iyon. 

Ang kainan na tinutukoy ni Alas ay isang cart lang. Nakatayo ang mga kumakain doon, habang nasa tapat nito ang nagluluto.

Alinlangan siyang tumingin dito,"Sure kang diyan talaga?"  

"Hmm, 'di ka ba kumakain ng gan'yan?" tanong sa kaniya ng binata. "Gusto mo lipat na lang tayo?"

"Kumakain, pero hindi pa ako kumakain ng nakatayo." sagot niya rito.

"Masarap diyan kasing sarap ko," kumindat pa ito sa kaniya, "Kilala ko 'yung tindero kaya safe 'yan, don't worry."

Dumiretso sila sa roon. Halata ngang madalas si Alas doon dahil binabati ito ng mga tricycle driver na kumakain din sa paligid ng mamihan. 

"Kumusta bata? Himala at may kasama kang babae ngayon, girlfriend mo?" pang-aasar na tanong ng tindero kay Alas. 

"Nako Mang boy, iba kaya kasama niyan ni Alas noong nakaraang araw. Nako miss, ingat ka diyan." tumatawang dagdag ng isa pang driver na kakilala rin ata ni Alas.

"Mukhang matinik ka sa chiks bata ah." segunda pa ng isa. 

"Kayo ho talaga, kaibigan ko lang ho ito." natatawang sagot ni Alas sa mga ito. 

"Kristine, wag kang maniwala sa mga iyan, mahilig lang talaga sila mang-asar. Mang Andoy naman, kapag ito naniwala at nagalit sa akin 'di na ko sasakay sa tricycle mo."

"Ito naman hindi na mabiro, joke lang miss. Mabait 'yan si Alas, tsaka ngayon lang talaga iyan nagdala ng babae dito sa mamihan." sagot ng lalaki na tinawag ni Alas na Mang Andoy.

"H'wag niyo ng pansinin 'yan sila Andoy. Ito miss, may dagdag na itlog 'yan kasi first time mo rito at kaibigan ka nitong atabs namin." natatawang abot ng may-ari sa pagkain nilang dalawa. 

"Salamat po." mahinang sagot niya rito. 

Tinikman niya ang pagkain, masarap ito kumpara sa kinakainan nilang magkakaibigan sa ilalim ng LRT sa UN. 

"Kumusta? Ano kilala mo pa ba ako?" Pang-aasar na tanong sa kaniya ng binata.

"Hmm. Masarap po ah, salamat po ulit sa extra." magiliw na bati niya sa tindero sa harap.

"Ay wow, ako nagtanong kay Mang Boy sumagot." sambit ni Alas sa kaniyang tabi. "I feel so hurt. Ouch" nagdrama pa ito sa tabi niya.

May paghawak pa ito sa dibdib na akala mo ay nasasaktan talaga. 

"Ha? Sino ka?" pang-aasar niya rito.

"Hoy Tine, 'di ka bagay sa artista, pangit mo gumanap." pang-aasar nito sa kaniya.

"Wala kang pakisama, pero masarap ah." 

Nagpatuloy sila sa pagkain. Hindi niya na nga napansin na kumakain siya kahit nakatayo lang sa kalsada sa gitna ng gabi. 

Pagkatapos magbayad ni Alas ay nagpasalamat ito sa tindero. 

"Salamat din, balik kayo sa susunod, sama mo ulit yang gerlpren mo." nakangiting baling sa kaniya nito. 

Nginitian niya lang din ito at nauna nang maglakad kay Alas.

"Pagpasensyahan mo na iyon si Mang Boy, ngayon lang kasi talaga iyon nakakita ng babaeng sinama ko sa mamihan. Madalas kasi sila Marco ang kasama ko." paliwanag nito sa kaniya. 

"Baka kasi sa restaurant mo dinadala?" pang-aasar niya rito. 

Gulat siyang tinignan ni Alas.

"Hoy hindi ah, ano akala mo sakin fuckboy? Wala pa kong babaeng inaayang kumain sa labas." kamot ulo nitong sagot sa kaniya.

"Yuck fuckboy. Pero thank you kanina ah." sagot niya rito sabay tingin ng diretso sa kalsada. 

Nahihiya siyang makita ni Alas na napangiti siya nito.

"Wala iyon, it's my pleasure. Sa susunod sa restaurant na."

"Hmm, matagal ka na bang kumakain doon?" tanong niya rito.

"Hindi naman, nakaraang taon pa lang. Si Marco nagdala samin don ni Isaac noong second year kami." paliwanag nito sa kaniya. 

Malapit na sila sa sakayan ng tricycle, pero diretso lang ang lakad nilang dalawa. She guessed, maglalakad siya muli pauwi ng bahay nila.

"Malapit ka lang ba dito? Kasi kung sasabihin mong mali ka lang ng baba, hindi na ako maniniwala." she said, while looking kay Alas.

"Hehe, alam mo yung tenement sa tabi ng PNR. Taga doon lang talaga ako." nakangiting sagot nito sa kaniya. 

"Ah." sagot niya habang nakatingin sa kalsada.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Dalawang kanto na lang at malapit na siya sa kanila. 

Tumikhim ang binata sa kaniyang tabi. "Hmm, magkaibigan naman na tayo 'di ba?" tanong nito sa kaniya.

"Ha? bakit mo natanong?" hindi siya makatingin dito.

"Wala lang, baka kasi gusto mo na talaga ng more than friends" he playfully said.

"Ang kapal mo ah, 'yan ba ang hindi fuckboy?" tinulak niya pa ito nang mahina. "Ikaw nga diyan ang dapat kong tanungin, if we're friends."

"Ha?" naguguluhang tingin sa kaniya nito. 

"Oh shoot, sorry roon. Sila Marco kasi, gusto sana kitang habulin noong naglakad kayo ng mga kaibigan mo kaya lang baka lalo ka lang nilang asarin. Kaya hindi ko na ginawa. That's why nagchat ako sayo pero 'di mo yata binabasa kahit isa." mahabang paliwanag nito.

Alam naman niya ang dahilan nito, pinili niya lang talaga magmaang-maangan. Ang galing mo talaga Kristine

"Napansin ko kasi na pagdating pa lang namin, nag iba na yung timpla mo lalo na nung inaasar ka ng mga kaibigan mo. Tapos narinig niyo pa yung mga sinabi nila Marco kaya pinili kong hindi ka na lang muna batiin that day." dagdag pa nito.

"Bakit ka nagpapaliwanag?" she looked at him intently. Nakita niya sa mga mata nito na sincere ito sa mga sinasabi.

"Wala lang, baka kasi kailangan niyo." Saad nito sabay tingin sa kalangitan. "People overthink things when no one is giving them explanation. At ayokong gawin mo iyon." 

Tumingin muli ito sa kaniya. 

"You don't need to explain things to me. I used to accept things even though no one explains about it." tanggi niya rito. 

Ayaw niyang aminin sa binata na tama ito. She over think what happened that day. Tinanong niya ang sarili kung nagalit ba ito dahil hindi siya nagreply noong gabing kinulit siya nito about sa friend request.

"Eh 'di hindi na ngayon." nakangiting sagot sa kaniya nito. "Simula ngayon, ako na ang google mo, just ask me then I'll explain everything to you." muli ay kumindat pa si Alas sa kaniya.

She shook her head while looking at Alas, hindi niya na sinagot ang sinabi nito. Hindi dahil hindi siya naniniwala, kung ayaw niyang umasa sa sinasabi nito. Mas okay na iyong, hindi niya na lang asahan ang mga mangyayari, sa ganoong palagay maiiwas niya ang sarili sa sakit.

Narating nila ang tapat ng kaniyang bahay na hindi na muli nag-uusap. 

"Ah, mag ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit." nahihiyang paalam niya rito.

"You're welcome. H'wag mo na ulit akong i-inbox ah." biro nito sa kaniya.

"Sira, oo hindi na." she smiled.

"Hehe, sige ingat." paalam nito sabay lakad paalis. 

Pagpasok ni Kristine sa loob ay nakasalubong niya ang kaniyang kuya na nakangiti lang sa kaniya. Hindi na niya ito pinansin dahil alam niyang aasarin lang siya nito.

Dumiretso siya sa kaniyang silid, nagpaalam lang siya na hindi na sasabay kumain dahil busog pa siya. Mas lalo tuloy lumaki ang ngiti ng kaniyang kuya dahil sa kaniyang sinabi. Hindi naman nagtanong ang mga ito ng dahilan. 

Inayos niya ang kaniyang mga binili at saka nahiga sa kama. Binuksan niya ang chat nila ni Alas, halos umabot sa bente ang mga messages mula dito. Ang pinaka latest ay ang isang meme na busog na spongebob. 

Nag react siya ng haha sa mga meme na sinend nito. Ilang minuto pa ay lumabas ang green label sa picture nito.

Alas Mercado: Hey, nakauwi na ko. Thank you sa pagsama.

"Ako dapat mag thank you." 

Alas Mercado: Ano sulit ba?

"Yep, tinapatan yung mamihan sa ilalim ng LRT."  hiniga niya na ang sarili sa kama. Napagod din siya sa ginawa nilang paglalakad kanina.

Alas Mercado: Kumakain ka rin roon?

Kung nakikita lang ni Kristine si Alas ngayon, iisipin niyang nanlaki na naman ang mga mata nito.

"Yep, minsan bago kami umuwi kapag may sobrang oras. Kapag 5 pm ang uwian, tusok tusok na lang"

Alas Mercado: Grabe, big revelation ito!!!!!!!

Marami pa silang napag-usapan noong gabi na iyon. Masyadong ma-kwento si Alas, para sa isang normal na lalaki ay napakadaldal nito. Halos karamihan ng kwento nito ay ang mga kalokahan na ginagawa nito kasama ng mga kaibigan.

Tingin niya ay hindi naman ganoong maloko ang binata. Base sa mga kwento nito, madalas na lumalabas sila ng mga kaibigan nito kapag gagawa ng requirements o hindi naman kaya ay kakain lang sa labas. 

Sa tingin niya, adventurous na tao si Alas. Marami itong napuntahan na lugar base sa kwento nito. According to him, kailangan niya ng mga building na maaaring gamitin bilang basis sa kaniyang ginagawang mga plates. 

Na-curious naman siya dahil sa kwento nito ay parang napakaganda ng mga drawing nito. Hindi niya man nasabi kay Alas, pero nangako ito na ipapakita nito minsan ang isa sa mga gawa. 

"I really enjoyed being with you, salamat Kristine."

That's the last message she received before she dozed into sleep.

----------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top