3


Ilang ulit na tapik ang gumising kay Kristine, nasa loob pa rin naman siya ng sasakyan. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tapik, and there, she found Alas smiling at her.

"Problema mo?" mataray na tanong niya rito.

"Ang sungit, porket bagong gising." sagot nito sa kaniya na may nakakaasar na ngiti.

"FC ka."

"Fabulous crush mo?" mabilis na sagot nito.

"Asa."

"Asado" dugtong nito sa sinabi niya, may sira ata sa ulo ang lalaking ito. "Joke lang naman, ang sungit sungit mo sa'kin. Ganiyan ba style mo?" banat nito sa kaniya.

"Pinagsasabi mo? Asa kang crush kita, pwede ba." naiirita niyang sagot dito.

"Joke lang. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob ng nanay mo?"

Hindi na niya sinagot ang pang-iinis nito at pumara na lang dahil medyo malapit na rin naman siya, sumunod naman ang lalaki sa kaniya.

"Ba't sumusunod ka?" hinto niya sa paglalakad.

"Asa kang sumusunod ako sa'yo." pagkukunwari ni Alas.

Hindi niya ito muling pinansin at binilisan na lang ang lakad. Hindi pa man din siya nakakalayo, ay may humatak na sa braso niya.

"Teka lang, hindi ko alam kung na saan ako." nahihiyang sabi nito.

"Ba't bumaba ka?" hinarap niya ito at tinaasan ng kilay.

"Gusto ko kasing mag-sorry dahil sa kanina sa labas ng Jollibee, tsaka sa ano, yung pag-agaw ko ng upuan sa UV." he said trying to look apologetic.

"Okay, forgiven. Una na ko" talikod niya rito.

"Wait lang," takbo nito sa harap niya. "I'm Alas Mercado, 3rd year Architecture student, and you are?" he formally introduced himself to Kristine.

"Kristine Delos Santos, PNUAN." then she walked again.

"Natatae ka ba?" biro nito sa kaniya, tinaasan niya naman ito ng kilay. "Biro lang, feeling ko ayaw mo akong kasama."

"Di ba obvious?" she sarcastically said.

"Teka, may nagawa ba kong malala?" he said with a sad tone.

"Wala, pero huwag ka rin feeling close."

"Hehe, joke lang." ramdam niya na na-offend ang lalaki sa sinabi niya. Pero hindi niya na binawi ang sinabi, mas maganda na iyon para alam na ng lalaki na wala siyang balak makipag kaibigan dito.

Muli siyang naglakad dahil pagabi na rin, ngunit nagtaka siya nang sumabay sa paglalakad niya si Alas.

"Saan ang punta mo? Doon ang pabalik ng sakayan." turo niya pa sa binabaan nila kanina.

"Alam ko, ihahatid kita eh." confident na sagot nito sa kaniya.

"At sinong nagdesisyon?" again she raised her brow to Alas.

"Ako, tara na." at hinatak pa nito ang braso niya.

"Hey hey, kasasabi ko lang na huwag kang feeling close masyado" awat niya rito.

"At sino naman nagsabing pumayag ako. Hindi mapapalagay ang virus cells ko kung iiwan kita rito bigla." makulit na sabi pa nito.

"Hindi mo ba alam ang personal space, tsaka hindi kita personal na kilala, so bakit ako sasama sa iyo?" ayaw niyang magmukhang masungit, subalit hindi rin normal na pumayag siyang magpahatid basta basta sa lalaki.

Sumeryoso ang mukha nito at napatigil. "Sorry, mukhang sumobra nga ako. Sige, una na ako. Pasensya na ulit Kristine."

Hindi na siya muling nakasagot nang tumalikod na si Alas sa kaniya. Hindi niya alam kung siya ba o talagang bagsak ang balikat ng binata habang naglalakad ito pabalik ng sakayan. 

Winaksi ni Kristine ang ideyang naiisip. Tama lamang ang ginawa niya, paliwanag niya sa sarili. 

Isang linggo na lamang at tapos na ang second term. Wala naman nagbago sa pang-araw araw na buhay ni Kristine. Bukod sa nakakapagod na second term ay marami rin ang gawain nila sa organization. 

Hindi na sila muling nagkita ni Alas. Hindi rin naman sila friends sa Facebook kaya hindi niya rin alam ang nangyayari rito. Minsan ay nagtanong si Angela kung nagkausap ba sila o nagkita silang muli. 

Gusto na sumabit ni Kristine sa gulong ng UV para lang makauwi. Kanina pa siyang 5:30 sa tapat ng Rizal Park, ngunit hindi pa rin siya nakakasakay. Pagod na pagod siya ngayong araw, at ang gusto niya lamang ay magpahinga na. 

Rush hour ng mga oras na iyon kaya wala rin magawa si Kristine dahil sabayan ng uwi ng mga taong galing sa trabaho. Naisip niya ang mag jeep na lang ngunit malayo kasi ang babaan noon sa kanila. 

Inabala na lamang ni Kristine ang sarili sa panonood ng mga batang naglalaro sa loob ng Rizal Park. Bago pa maisipan ni Kristine na makisali sa mga ito, isang mahinang tapik ang nagpatigil sa kaniya. 

"Maiiwan ka na ng UV" tinignan niya ang pinanggilan ng boses. Turo turo ng lalaki ang UV na nagtatawag ng ibang pasahero, mukhang bagong byahe ito. 

"Ano sasakay ka ba?" tanong muli ni Alas sa kaniya. 

Hindi na siya nagbalak pang sagutin ito at dumiretso na lamang sa loob ng sasakyan. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alas. 

Pababa na sana siya sa street malapit sa kanila, nang makareceive siya ng text galing sa ate niya. 

"Daan ka muna ng National Bookstore, bumili ka raw ng isang ream ng colored at bond paper, emergency raw sabi ni Kuya" 

Alam ni Kristine na ang pinakamalapit na National Bookstore ay sa FTI pa. Walang 'mang choice ay hindi na pumara si Kristine para bumaba. Napansin naman niya ang pagtingin sa kaniya ni Alas. 

Mukhang may nais itong sabihin ngunit nag-aalangan dahil baka magalit siyang muli. Tinaasan niya lang ito ng kilay nang magtama ang tingin nilang dalawa. 

Noong nasa FTI na, ay naunang bumaba si Kristine. Agad siyang pumasok sa Waltermart dahil malapit na magsara iyon. 

Dumiretso siya sa NBS para bilhin ang nasa text ng ate niya. Mabilis lamang siyang natapos at agad na lumabas ng NBS. 

Pagkalabas niya ng Waltermart ay isang Alas ang bumungad sa kaniya. Napatingin ito sa plastic na bitbit niya, mukhang nagkaroon ng sagot ang tanong nito kanina. 

"Anong ginagawa mo rito?" basag niya sa katahimikan nilang dalawa. 

Napakamot ng ulo ang binata bago nahihiyang tumingin sa kaniya, "Ano.. Delikado kasi rito, tsaka parang nagmamadali ka kanina kaya nagdesisyon na akong hintayin ka" paliwanag nito.

"Inutusan ako ng kuya ko na bumili nito." pakita niya sa plastic na dala-dala. 

"Ah.." 

"Sige, uuwi na ako" paalam niya rito at akmang lalagpasan ito. 

"Ano.. ayos lang ba kung ihatid na kita? Delikado kasi rito, baka mapano ka." alanganing alok nito sa dalaga.

Hindi alam ni Kristine kung papayag siya sa alok ni Alas. Kaya naman niyang umuwi, ngunit hindi niya alam bakit nagtatalo ang isip niya. 

"So anong year mo na?" pambasag ni Alas sa kanina pang tahimik na atmosphere sa kanilang dalawa.

Sa huli, ay pumayag siyang magpahatid dito kapalit ng pangako sa sarili na hindi na niya muling kakausapin ang lalaki sa susunod na magkita sila. 

"2nd year." maikling sagot niya.

"Anong major mo?" excited na tanong nito.

"Values."

Napahinto ito ng lakad at nanlalaki ang matang tinignan siya, "Wow, sa sungit mong 'yan pumasa ka ng values."

"Anong tingin mo sa sarili mo?" pambabara niya rito.

"Masyado akong gwapo para sa ganyang subject." pagyayabang nito.

"So what are you trying to say?" pagpatol niya rito.

"Wala, ba't yan? Bakit hindi english o kaya math, filipino, science. Mga ganoong subject." paglalakad nito muli.

"At bakit hindi rin values? Are you belittling my major?" nakapamewang niyang tanong. Hindi niya gusto ang nais palabasin ng lalaki. 

"Hala hindi ah, hindi ganoon ibig kong sabihin." pagtatanggi nito.

"Okay lang, sanay naman kami sa stereotypes na nakukuha namin sa ibang major or courses."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Alas dahil sa sinabi niya, "Sorry, I didn't mean to offend you"

Totoo naman ang sinabi niya. Lahat ng taong pinagsasabihan niya ng major niya ay ganoon ang tingin, so hindi na rin siya magugulat kung pati ito ay ganoon din ang pananaw sa major niya. 

"Sorry... I didn't mean to offend you. Pure curiosity ang tanong ko kanina, pero hindi naman kita masisisi kung naramdaman mo iyan." sagot nito sa mahinang boses.

Malalim ang pinakawalan na buntong hininga ni Kristine dahil sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya. 

Namayani muli ang katahimikan sa kanilang dalawa. Parehong ayaw magsalita matapos ang nangyari kanina.

Napadaan sila sa nagtitinda ng barbecue malapit sa kanto bago ang bahay nila Kristine. Mga anim na bahay pa ang lalakarin mula roon papunta sa kanila. Dapat kanina pa siya nasa bahay, kung hindi lang makupad maglakad si Alas at pahinto hinto.

"Gusto mo?" tanong nito sa kaniya at nilipat ang tingin sa barbecue stand.

"Gabi na, uuwi ka pa sa inyo." paalala niya rito.

"Ayos lamang, wala naman akong klase kinabukasan." hindi na nito inantay na makasagot siya. 

Apat na isaw at dalawang barbecue meat ang inorder ni Alas para sa kanila, bumili rin ito ng softdrinks at inabot sa kaniya ang plastic ng royal.

"Ayan, maganda ka kapag nakangiti, hindi yun parang lagi mo akong bubugahan ng apoy." muling alaska nito sa kaniya.

"'Yung mga hirit na ganyan ang nakakapag painit kasi ng ulo." tinuro niya ito gamit ang kinagatang stick. May naiwan pa doon na bituka ng manok.

They finish the remaining barbecue at muling naglakad pauwi.

Nang nasa tapat na sila ng bahay ni Kristine ay muling nagsalita si Alas.

"Friends naman na tayo 'di ba?" nakakamot ulong tanong nito.

"Bakit?"

"Anong bakit? Nilibre na kita ng isaw, dapat friends na tayo. Pero okay lang, baka more than friends pala ang gusto mo." Tinaas pa nito ang magkabilang kilay.

Kung makapag biro ito ay parang walang nangyaring awkwardness sa kanila kanina. 

"Ewan ko sa'yo, umuwi ka na nga." 

"Joke lang, pero Tine. Friends na tayo ah. Later na lang sa more than friends." paalala pa nito sa kaniya.

Tinanguan niya lang ito at pumasok na sa loob ng bahay nila. Nakasalubong niya ang kuya niya na may nakakalokong ngiting tinignan siya tapos ay tumingin sa pinto nila.

Inabot niya rito ang inutos nitong mga colored paper at bond paper. 

"Nako, sa pagkakatanda ko mga papel lang ang pinabili ko sa'yo, bakit may kasamang taga hatid?" nagpatay malisya lang siya sa sinabi nito. "Okay lang, kunwari walang narinig. Patay malisya ka ineng"

Natatawang pinalo niya ito nang pabiro. Close sila ng kuya niya compare sa ate niya na isang nurse sa PGH. Both teacher kasi ang course nila ng kuya niya kaya mas nagkakasundo sila.

She received a friend request from Facebook while she's busy doing her notes.

Hindi niya iyon agad inaccept. She doesn't want to give Alas the idea that she's agreeing with the friendship that he offers. She doesn't want to look cheap. 

Kahit hinatid na siya ng binata at sinamahan kumain ng barbecue ay hindi naman agad ibig sabihin noon na kailangan niya na iyon kaibiganin, ayaw niya ng sakit sa ulo dahil mukhang iyon ang dala ng isang Alas Mercado.

With the looks of the guy, mukhang delikado ang sarili niya. At isa pa, pinangako niya sa sarili na iyon na ang huli nilang pagkikita. 

————————//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top