28
Nagulat si Alas nang hampasin siya ni Kristine, kita niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata ng dalaga, "Sabi sa'yo 'di ba? Gawin mo yung bagay na makakatulong sa'yo para sa pangarap mo 'di ba?" naiiyak na wika nito sa kaniya.
"Ikaw 'yung pangarap ko Tine." pinunasan niya ang mga luha ng dalaga gamit ang mga kamay, "Ikaw 'yung pinakamahalagang bagay na mayroon ako at paulit ulit kong gustong makuha kahit sa susunod kong buhay."
Hinawakan niya ang kamay ni Kristine, natatawa siya, dahil sa alak nito sa katawan hindi natatago ng dalaga ang tunay na nararamdaman nito.
"Kristine, ikaw ang paulit ulit kong dadalhin sa lugar na ito. Patutunayan ko kay mama at sa kaniya na ikaw ang babae para sa'kin at hindi iyon mababago ng ilang panahong lumipas. Pwede bang akin ka na Kristine, 'yung alam kong maisisigaw ko sa mundo na akin ka at sa iyo ako?"
Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Kristine, hindi niya mapigilan ang mapangiti nang dahan dahan itong tumango. Hinatak niya ang dalaga at niyakap ito nang mahigpit, ang plano niya ay ngayon na mag-propose sa dalaga, ngunit ayaw niya itong mabigla.
Gusto niyang ipatikim kahit papaano kay Kristine ang boyfriend-girlfriend relationship, kahit pa masyado na silang matanda para sa ganoong bagay.
Kasalukuyang tulog si Kristine sa loob ng sasakyan niya, dala ng alak at pag-iyak kanina ay nakatulog ito bago pa sila makarating sa apartment niya. Doon niya naisip iuwi ito dahil hindi niya alam kung paano ipapasok si Kristine sa loob ng apartment ni Issa.
Maliit lang ang kwarto niyang iyon, kasya para sa dalawang tao. Hindi iyon ang lugar na naisip niya para sa kanilang dalawa ni Kristine, gusto niyang ibigay ang buhay na dapat para sa dalaga.
Nilapag niya sa loob ng kaniyang silid si Kristine, tulog na tulog ito at hindi man lang nagising sa pagbuhat niya. Tumunog ang cellphone niya at lumabas doon ang pangalan ni Isaac.
"Ano na, kumusta proposal mo? Tinanggap ba niya?" sunod sunod na tanong kaibigan.
"Hindi pa, change of plans. Kita tayo bukas." sagot niya rito.
Pinatay niya rin ang tawag matapos i-kwento sa binata ang plano niya. Naisip niyang gawin ang plano ng isang bagsakan.
Naabutan niyang tulala si Marco sa opisina nito, tatlo ang silid sa firm nila. Para sa kaniya, kay Marco at Isaac. Gusto niya kasing pantay silang tatlo magkakaibigan, ayaw niyang isipin ng mga ito na siya ang pinakamataas dahil siya lang ang may opisina.
"Ano, buhay ka pa pala? Tagal mong 'di pumasok eh." sita niya rito.
"Pre, h'wag ngayon. Masakit pa ang ulo ko." pag-iwas sa kaniya ni Marco.
Hinampas niya ito ng neck pillow na nasa ibabaw ng lamesa ng binata, "Tigilan mo nga ko Marco, alam mo ang dapat gawin pero mas pinipili mong idaan sa bote ang problema mo." sermon niya.
"Oo na master, pero h'wag muna talaga ngayon." hawak nito sa sentido, "Ba't ka pala nandito?" tanong nito.
"Patulong doon sa binili kong lote. Hindi ko natanong si Kristine kagabi, lasing eh." nahihiyang kwento niya rito.
Tinawanan lang siya ni Marco, "Mahina ka talaga master hanggang ngayon. So anong matutulong ko?"
Narinig niya ang pagbukas ng opisina ni Marco, niluwa noon si Isaac na may dalang mga materials galing sa National Bookstore.
"NBS Marco oh." pang-aasar ni Isaac sa kaibigan, binato lang ito ni Marco ng lapis. "Joke lang, pikon nito. Oh pre, ito na pinabili mo. Ano ba ang plano mo?"
Nilingon niya si Marco, "Pupunta sila Joanna dito, kaya mo naman 'di ba?" pag-imporma niya rito.
Tinawanan lang siya nito, "Bakit ba kasi kaibigan pa siya ng jowa mo? Puchang buhay 'to oh."
Frustrated na napahawak ang binata sa ulo at napasandal sa upuan nito.
"Pare, hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Paano ba? Gustong gusto ko na siya mawala sa buhay ko pero ito siya paulit ulit na bumabalik" basag na boses na wika ng kaibigan niya.
"Parang uhog ba pre?" biro ni Isaac.
Binato ito muli ni Marco, "Bwisit ka, wala kang dulot."
Muli silang napatingin sa pintuan ng may kumatok dito, napatingin silang dalawa ni Isaac kay Marco bago siya lumapit para buksan ito.
"Pasok, medyo magulo lang. Kay Marco kasi ito eh." he smiled then looked at Marco, "Sinama ko na sila, no choice eh."
"Wow pre, sige bahala ka na sa bahay mo ah." pikon na sagot sa kaniya ni Marco.
"Ano ba yan, pumunta ba kami dito para panoorin ang away niyo?" iritang sabi ni Issa sa kanila.
Naupo ang tatlo sa couch sa loob ng opisan ni Marco, silang dalawa naman ay nasa upuan sa harap ng lamesa nito.
Tumayo siya para ipaliwanag sa mga kaibigan ang plano niya, "Doon sa subdivision namin napili kong gawin yung proposal, cliche ba?" nahihiyang tanong niya sa mga ito.
"Bakit doon? Akala ko sa Manila Cathedral ang memorable place niyong dalawa?" Joanna asked.
"Hehe, nahiya ako kagabi eh."
"Ay wow, dinadaga ka pala. Eh, ano naman meron sa subdivision niyo?" tanong ni Issa.
"Doon ako unang umamin tsaka nabasted pre, ano okay na? Gusto pa ipaalala eh." tinawanan lang siya ni Issa sa kaniyang sagot.
"Hindi ka ba natatakot na ireject ka ulit ni Kristine?" nagulat silang lahat sa biglaang pagsasalita ni Angela, tahimik lang ito at hindi nakatingin sa kanila.
"Walang ganyanan 'Gel, pinapakaba mo ako eh." he laughed awkwardly.
"At least pre sinubukan mo, kung iwan ka niya ulit siya na ang may mali. Kaysa naman yung maduwag ka na lang 'di ba?" pagpaparinig ni Marco.
"Pero kung iwan ka man niya, baka may dahilan si Kristine 'di ba? Baka kasi may mali sa'yo, baka may mali kang ginawa kaya ka niya ire-reject." sagot muli ni Angela.
"Kung may ginawa ka pre, dapat sabihin niya sa'yo ng harapan, hindi yung tatakbuhan ka bigla. Parang tanga 'yung ganoon." ganting sagot ni Marco.
Tumayo na si Joanna at tinarayan ang dalawa, "Si Kristine at Alas pa ba ang pinag-uusapan natin dito? Kasi baka pati ang personal niyong problema ay pinapasok niyo na?"
"Pinagsasabi mo Jo, wala kong problema. Ba't ko naman poproblemahin si Marco, 'di ba Marco?" sarkastikong tanong ni Angela sa binata.
"Oo nga, at wala naman din akong pakialam."
Nakita nila ang natahimik ang dalaga, bakas sa mukha nito ang sakit mula sa sinabi ni Marco.
Wala nang nagsalita sa dalawa matapos ang usapang iyon. Nakikipagkulitan si Marco sa kaniya ngunit ilang beses nitong tinatapunan ng tingin ang dalaga.
"So settled na ang lahat? May tanong pa ba kayo?" tanong sa kanila ni Joanna matapos nitong ibigay ang mga trabaho nila.
Dalawa sila ni Joanna ang nakaisip ng get-up ng proposal niya, bestfriend ito ni Kristine kaya may tiwala siya sa mga pinagsasabi nito.
Tumayo si Marco sa upuan nito at iritang tinignan si Joanna, "Teka, ba't kaming dalawa ni Angela ang kailangan mag set-up ng ilaw? Ba't hindi na lang kami ni Isaac?" reklamo niya rito.
"Pre, hindi ko naman alam na may sepanx ka pala sa'kin ah." natatawang asar ni Isaac sa kaibigan.
"Lul, lalaki ka kasi kaya dapat dalawa tayo."
"Bakit, tingin mo hindi ko kaya? Gender discrimination ka pala eh." pikon na sagot ni Angela.
"Ano ba kayong dalawa, kung may issue kayo pag-usapan niyo ng sarili niyo pwede ba? H'wag niyong dalhin dito at masasapak ko kayo." naiinis na sita ni Issa sa kanila.
"Pre, 'Gel, favor lang. Bigay niyo na sa'kin 'to. Set aside niyo muna personal issues niyong dalawa." He said, trying to please the two.
"H'wag ako kausapin mo Alas, alam mong tutulong ako dahil kaibigan ko ang involved dito. Kung may pakikiusapan ka, hindi ako iyon. Issa, antayin ko na lang kayo sa labas." tumayo ito at diretsong lumabas ng silid.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan dahil sa dalawa, ayaw niyang makipag-away kay Marco. Tinapik lang ni Issa ang likod niya at sumunod na sa kaibigan. Hindi nito kinausap si Marco, si Joanna naman ay tinanguan lang ang binata.
Nang makaalis ang mga babae ay hinarap ni Alas ang kaibigan, "Pre, yung issue niyo ni 'Gel wag niyong dalhin dito. Pakiusap lang."
"Sorry, hindi ko lang mapigilan. Para kasing ako yung may kasalanan." frustrated na sagot nito sa kaniya.
Nilapitan ito ni Isaac at tinapik sa likod ang kaibigan, "Gets ka namin pre, pero tama si Issa kanina. Pag-usapan niyo ni Angela ang problema, hindi yung ganiyan na para kayong mga bata."
Napailing siya sa lagay ng kaibigan, hindi niya alam kung paano ito matutulungan, kung kahit sarili nito ay ayaw kumilos.
Kinailangan niyang umuwi upang makausap ang mama niya, simula kasi noong maitayo nila ang firm, bumukod na rin siya. Umuuwi siya paminsan-minsan, gaya na lamang noong gabing dumating si Kristine sa bahay nila. Ayos na sila ng kaniyang ama ngunit hindi na siya sanay sa presensya nito sa loob ng bahay.
Naabutan niya itong nanonood sa sala, "Nandito ka pala, kumain ka na ba?" tanong sa kaniya ng ama.
"Oho, may kailangan lang ho akong kunin." paliwanag niya rito. Didiretso na sana siya ng muli itong nagsalita.
"Narinig ko sa mama mo na papakasalan mo na raw ang nobya mo, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Siya iyong babaeng dumalaw rito noong nakaraan 'di ba?"
Lumapit siya rito at hinarap ang ama, "Bakit ho? May problema ho ba kayo kay Kristine?"
"Hindi sa ganoon, ayoko lang na pumasok ka sa relasyon na hindi pa kayo parehong handa. Mabigat ang pagpapakasal, hindi iyon horror house na kapag natakot ka ay aatras ka na lang." paliwanag sa kaniya ng ama.
"Mahal ko ho si Kristine, at hindi ho kami tutulad sa inyo ni mama na atras abante ang desisyon sa buhay. At kung sakali man na magsawa siya sa akin, paulit ulit ko hong ipapakita sa kaniya na mahal ko siya at hindi ko ho siya kayang talikuran."
"Anak hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa amin ng mama mo?"
"Hindi ho 'pa, pero h'wag niyo hong sabihin sa akin ang pagkakamali ninyo ni mama. Magkaiba ho tayo at hindi ko ho gagawin ang bagay na iyon sa pamilya ko."
Nilapitan siya ng ama at tinapik sa balikat, "Malaki ka na nga, proud ako sa narating mo. Ingatan mo ang pamilyang bubuuin mo anak." seryosong paalala ng ama.
"Makakaasa kayo." taas noo'ng wika nito sa ama.
-----------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top