26

Kanina pa siya naiirita dahil naka-ilang tawag na siya ngunit hindi sumasagot si Issa sa kanila. Nag-aalala na silang apat matapos matanggap ang balita kay Luis.

Issa's call of their engagement and was a mutual decision according to Luis.

Hindi nila alam kung ano ang iniisip ng kaibigan, wala itong naikwento sa kanila. Napapansin nila na hindi nito masyadong binabanggit ang lalaki nitong mga nakalipas na linggo pero hindi nila alam na may problema na pala ang mga ito.

Bagsak ang balikat na pumasok sila sa LIO, nasa PNU sila ngayon matapos ipatawag ng bagong adviser ng STEP ang batch nila.

Sa susunod na linggo na kasi ang retirement ng adviser nila noon, that's why the new adviser of STEP is trying to set up a congratulatory party for Sir Carlo, their STEP adviser for long years.

Kumpleto ang batch ng officer nila roon, si Issa lang talaga ang wala. Sinabi na lang nila na busy si Issa sa eskwelahang pinapasukan nito.

"So, do you have any suggestion?" pagsisimulang tanong ni Harry sa kanila. Ito kasi ang president ng org nila bago sila grumaduate, while Joanna was the vice president.

"Darating ba sila Dr. Reyes sa araw ng retirement ni Sir Carlo?" tanong ni Charlie sa kanila.

May group chat na talaga sila at doon na nila napag-usapan ang ilang mga bagay, sa kaniya naka-assigned ang pag-contact sa mga prof nila na nag-retire na.

"Ah oo, pati si Ma'am Victoria ay nakausap ko na rin. Pupunta raw sila at wag daw natin sabihin dahil surprise raw iyon sabi daw ni Ma'am Marte." nakangiting kwento niya sa mga ito.

Sunod sunod namang tumango sa kaniya si Harry, they were already on good terms. "That's good. Mas maganda siguro kung i-set up na rin natin ang retirement party as a surprise." Harry said while looking at them.

Pinagtulungan nilang i-plot ang lahat ng kailangan para sa retirement party ng adviser. Masaya siya na muling bumalik sa pamantasan, sana nga lang ay nandoon si Issa para kumpleto sila.

Paalis na sana sila nang harangin siya ni Charlie.

"Tine, pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sa kaniya. She looked at Joanna and Angela, the two just nod at her and gestured that they will wait for her at the MB.

Umupo sila ni Charlie sa Talipapa, walang mga undergrad doon dahil saturday at mga graduate students lang ang may klase kapag ganoong araw.

Tinignan niya si Charlie na mukhang natetense. "May problema ba Char?"

"Ano Kristine kasi, may hindi ako nasabi sa'yo. Hindi ko kasi alam kung paano ko aaminin." kinakabahang panimula nito.

"Teka, natatakot naman ako sa sasabihin mo. Hindi ka naman siguro nakapatay ano?" biro niya rito.

Ngunit wala itong epekto kay Charlie.

"Kristine, I'm sorry. Alam ko dapat sinabi ko sa'yo kaya lang natakot akong makita na malungkot ka ulit. Sinabihan din ako ni Joanna na hindi makabubuti sa'yo ang sabihin pa, kaya nilihim ko na lang." nakayukong sagot nito sa kaniya.

"'Yung huling araw ng finishing studies natin. Inaantay ka noon ni Alas sa labas ng gate. Si Joanna talaga ang nakakita sa kaniya, naabutan ko lang silang magkausap sa labas ng gate. Hindi ko na sana sila papansinin kung hindi lang ako nilapitan ni Alas pagkaalis ni Joanna." wala siyang alam sa kahit isa sa mga sinasabi nito.

She never knew that Alas was there. At hindi rin ito binanggit sa kaniya ni Joanna.

"Nakiusap si Alas na kung pwede ay makausap ka niya. Gustong gusto ko siyang tulungan noon dahil alam kong sobrang desperado na si Alas ng araw na iyon dahil kahit ako ay hiningian na niya ng tulong. Pero inawat ako ni Joanna, ang sabi niya baka hindi mo na raw kayanin. Alam nating lahat kung gaano tayo pinapatay ng patong patong na requirements. At tingin niya ay hindi makakabuti kung madadagdagan pa ang problema mo. Sorry Tine, hindi ko gustong patagalin. Nawala na rin kasi sa isip ko, ngayon ko na lang ulit naalala." mahabang paliwanag nito.

Hindi niya alam ang dapat maramdaman, totoo ba ang sinasabi nito? Pinaglihiman ba talaga siya ni Joanna?

Magulo ang isip na hinarap niya si Charlie, "Anong karapatan niyong pagdesisyunan ang buhay ko? Anong karapatan niyong sabihin kung ano ang dapat at ano ang hindi?" mahina ngunit puno ng inis na wika niya rito.

Alam niyang posibleng lumabas ang bagong adviser ng STEP dahil sa ginagawa niya. Pero, hindi niya maitago ang inis na nararamdaman, kahit pa sabihin na ayos na sila ni Alas ngayon, hindi pa rin niya maiwasang makunsensya muli. 

"Bakit Tine, kung sinabi namin, ano ang gagawin mo?" galing iyon sa likod niya, at nandoon si Joanna na seryosong nakatingin sa kaniya.

"Grabe Jo, sa'yo ko sinabi ang lahat. Never kong pinakialaman ang mga desisyon mo sa buhay, kahit alam kong nasasaktan mo na ang ibang tao. Pero, eto? Anong karapatan mong itago ang bagay na ito sa'kin?" inis na wika niya sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala na of all people, ito pa ang makakaisip na maglihim sa kaniya. 

Inawat naman sila ni Angela, ngunit mabilis niyang iniwas ang sarili dito.

"Don't tell me alam mo rin 'Gel?" sita niya rito.

"Hoy, labas ako sa kalokohan ni Joanna. H'wag mo akong idamay."

"Jo, ano sumagot ka?" tanong niya muli sa kaibigan.

Hinila siya nito paupo sa talipapa. Masungit nitong tinignan si Charlie tapos ay hinarap siya.

"Nakalimutan mo na ba? Halos hindi mo na makilala ang sarili mo matapos mong umuwi galing sa graduation nila Alas, hindi kita tinanong dahil alam kong ayaw mo na pag-usapan ang bagay na iyon. Pero ano ang nangyari? Sunod sunod ang bagsak na exam mo 'di ba? Halos lahat ng presentations mo sabaw ang ginagawa mo sa harap. Inabot ng ilang araw bago mo narealize na ang tanga tanga mo pala. Then unti unti nakakabangon ka na, pero eto bumabalik na naman si Alas. Anong gusto mong gawin ko mars, hayaan kang durugin ulit ang sarili mo? Now, tell me. Kung sinabi ko sa'yo iyon, anong gagawin mo?"

Sapat ba ang dahilan ng kaibigan niya? Labis siyang nasaktan noong araw na iyon, at alam niyang muli siyang madudurog kung magpapakita nga si Alas kung sakali.

Pero, hindi. Naisip niya, kahit papaano ay maiibsan ang sakit na nararamdaman niya noon. Marahil, hindi nabuo ang matagal na paniniwala niya na nagawa siyang kalimutan ni Alas sa mabilis na panahon. 

Naiiyak niya itong tinignan, "Pero Jo. Sana hindi mo ganito pinatagal. Para namang akong bombang ginulat. Hanggang kailan mo ililihim sa akin? Paano kung hindi pa tayo babalik dito at makakausap si Charlie, hindi ko na malalaman, ganoon ba?"

Gusto niyang mainis nang tumawa ito. Parang wala lang sa kaibigan ang sikretong matagal nitong tinago. 

"Tangiks, hindi ko na rin kasi naisip. Nawala na sa utak ko, nakita na kasi kitang masaya. Parang okay ka na, though I know that every day that passed, namimiss mo pa rin si Alas. Pero, for the past years, hindi naman natin alam kung na saan siya 'di ba? I'm sorry mars sa paglilihim sa'yo, alam mong wala kong ibang gusto kung hindi maging masaya ka 'di ba? Sorry talaga." Joanna said asking for her forgiveness.

May mangyayari pa ba kung magagalit siya rito? Masyado niyang mahal si Joanna para ikagalit pa ang bagay na alam niyang siya lang din ang gustong protektahan ng kaibigan.

Naiinis niyang tinignan ito habang si Joanna at Angela ay nagpipigil ng tawa sa kaniya. Alam ng mga itong hindi niya kayang tiisin si Joanna.

Maaaring kaya niyang magalit nang matagal sa iba, pero hindi kay Joanna. Hindi sa taong halos isakripisyo ang lahat para sa kanilang tatlo noong taon bago sila grumaduate. 

"H'wag mo kong tawanan, hindi tayo bati. Nakakainis ka." nag-iinarte niyang sagot dito.

Niyakap naman siya ng dalawa, she looked at Charlie who's smiling at the three of them. Sayang at wala si Issa sa araw na iyon.

"Sorry na talaga teh, at least ngayon 'di ba, okay naman na kayo ni Alas. Ang harot niyo na nga eh." pang-aasar pa sa kaniya nito.

"Wow, so kayo pa rin talaga?" nakangiting bati sa kaniya ni Charlie.

Nahihiyang ngumiti siya rito pabalik. She wasn't sure what to answer to Charlie's question. Even her are not sure what the real score between her and Alas.

"Masaya ako para sa'yo Kristine."

Sinugod nila ang apartment ni Issa ngunit nabigo rin silang makita doon ang kaibigan. Angela was so frustrated because even her doesn't have any idea what's going on with her best friend.

Nilapitan niya ito dahil nakikita na niya ang nagbabadyang luha nito. "'Gel, ayos lang yun si Issa, h'wag kang mag-alala. Baliw baliw man ang isang 'yun pero 'di naman 'yun gagawa ng hindi maganda." pag-alo niya rito.

"Oo nga, tsaka ikaw lang naman may lakas nang loob dito sa ganoong bagay." pang-aasar dito ni Joanna.

Ngumiti lang sa kaniya si Angela nang mapait. Ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone niya, Alas was calling her. Nagpaalam siya kay Angela na sasagutin iyon sandali, nandoon naman si Joanna para alalayan ang kaibigan.

"Hello?" bati niya rito.

"Hi Tine, saan ka?" tanong sa kaniya nito. Medyo maingay ang background nito kaya mukhang nasa trabaho ang binata.

"Kasama ko sila Jo, hinahanap namin si Issa eh."

"Ha? Bakit, nawawala?"

"Hmm, hindi naman. May nangyari lang, kwento ko sa'yo pag nagkita tayo. Ba't ka pala napatawag?" she missed Alas's voice.

"Wala lang, namiss kita eh." why does she feel that Alas was smiling on the other line?

"Ewan ko sa'yo. Puro ka kalokohan." natatawang sagot niya rito.

"Ay wow ah, bakit 'di mo ko namiss?" tanong nito sa kaniya.

Sasagot na sana siya dito nang biglang hatakin ni Joanna ang cellphone niya, "Hoy mamaya na 'yan, puro ka harot Mercado. Naghahanap kami ng nawawalang babae, mamaya mo na landiin ang kaibigan ko." inabot nito ang cellphone sa kaniya. "At ikaw madam, mamaya na po ang love life pwede? Alam na namin ang lugar kung na saan si Issa. Tara na."

Iniwan siya ni Joanna matapos noon at sumakay na sa kotse nito. Kanina pa nasa loob noon si Angela. Binalik naman niya ang sarili sa telepono.

"Sige na Tine, gagalit na si monster." natatawang sabi ni Alas, "Kain tayo mamaya ah, may sasabihin ako eh."

Dapat na ba siyang kabahan sa sasabihin nito, why does she feel something wrong will happen? Inalis niya sa isip ang ideya, maayos sila ni Alas. Wala siyang dapat problemahin.

Nagpaalam na siya sa binata at mabilis na sumunod sa sasakyan ng kaibigan.

"Jo, I think kailangan natin bigyan ng enough time si Issa? What if, sa atin naman siya magalit?" nag-alalang tanong niya rito.

Tinignan niya si Angela at malungkot pa rin ang expression nito. "Mars, tingin ko tama si Tine eh. Kilala mo yun si Issa, kapag galit yun nakakalimutan noon ang mundo. Kailangan niya muna siguro mapag-isa. Oo, natatakot ako sa maaaring gawin niya, pero hindi naman ganoon kakitid ang utak ng isang 'yun. Tatawagan niya naman tayo kapag ready na siya, 'di ba?" tumingin ito sa kanila.

Angela's word was trying to convince the three of them. Ang totoo, natatakot sila para sa kaibigan, alam nila kung gaano nito kamahal ang bestfriend. Wala nga silang nagawa noong college days nila eh. Kaya nga hindi nila maintindihan ngayon kung bakit tinapos nito ang pakikipagrelasyon sa binata. 

"I never thought Issa can call of their engagement. Masyado noong mahal si Martinez, tagal niyang nagpatanga doon tapos ganito lang ang ending nila. Gusto kong sapakin si Issa kasi kaibigan niya tayo pero wala tayong alam sa ginagawa niya sa buhay pag-ibig niya." naiiyak na kwento ni Angela.

"Naalala niyo ba yung lalaking sumundo sa kaniya noong uminom tayo before graduation? I think he's from the same school with Martinez eh." she can't remember anything about what Joanna's trying to say.

Oh geez, lasing na lasing nga pala siya ng araw na iyon.

"Sorry mars, wala kong knows sa kwentong iyan. Spill mo na lang lahat." natatawa niyang sabi dito. Nasa loob pa rin sila ng kotse, siya ang nasa front seat habang si Angela ang nasa likod.

"Well, hindi ko personally kilala ang lalaki. Pero sa napansin ko, lagi siyang nandoon kung kailan nawawala si Issa sa sarili. Ang akala ko nga pupunta siya noong proposal kay Issa eh, pero the tea is, hindi rin alam ni Issa kung bakit hindi nagpunta si mysterious guy noong araw na iyon." kwento nito.

Napansin din nila ang pagiging off ni Issa noong gabing iyon, parang hindi ito masayang masaya sa nangyayari. Like, Issa's expecting someone to come.

"Hindi ko gets teh, so anong connect nitong mysterious guy sa problema ni Issa?" naguguluhang tanong ni Angela.

"Ewan ko rin eh. Tingin ko kasama lang ni Issa ngayon ang lalaking iyon." makahulugang sabi nito. "Oh, hatid ko ba kayo sa bahay niyo?" pagbabago nito sa usapan.

"Wait lang, ikaw kahit kailan ang hilig mong magbigay ng palaisipan eh." naiinis na palo ni Angela sa kaibigan.

"Aray ang sakit ah, aba hindi ko naman alam ang buong kwento. Sisihin mo bestfriend mo, napaka masikreto." inis na sagot ni Joanna dito.

"Hintayin na lang natin mag-kwento si Issa, itabi niyo muna ang mga tanong niyo at kapag handa na si bakla doon niyo bombahin ng ganiyan, okay?" pag-awat niya sa dalawa.

Nagmake face lang si Joanna at Angela sa isa't isa. Kahit kailan talaga ay parang bata pa rin mag-asaran ang mga kaibigan niya.

Her supposedly date with Alas was canceled that night. Tumawag ito sa kaniya para sabihin na nagkaroon ng problema sa opisina nito, nagta-tantrums daw si Marco. Hindi niya alam kung seryoso ang binata sa sinabi nito, pero sa tingin niya ay nagtalo lang ang dalawa.

She chose to stayed at home and finish some of her daily learning plans. Kailangan niya pa palang kausapin si Johann, hindi naman pwedeng habang buhay ay iwasan siya ng lalaki.

She considered Johann as one of her close friends, next to the four. Kakaunti lang din naman ang mga kaibigan niya at ayaw niyang mabawasan pa iyon.

Masyadong marami ang nangyayari para kay Kristine, hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya kahit kasama na niya si Alas, habang ang mga tao sa paligid niya ay nasasaktan.

She knows that Angela's keeping the pain inside her. Alam niyang nasasaktan ito at kahit gustuhin niyang tulungan ang kaibigan sa issue nito with Marco, pakiramdam niya mas lalo lang silang nagugulo.

Ganoon din kay Joanna, ito man ang tumatayong pinakamalakas sa kanilang apat, pero alam niya ang bigat na dinadala nito. Ni hindi nga nito mapiling maging masaya sa sariling buhay kahit pa nagawa na nito ang gusto ng mga magulang, hanggang ngayon hindi pa rin makawala ang kaibigan sa kadena ng mga ito.

Then now, Issa's having her own issues. Ni hindi niya alam paano ba matutulungan ang kaibigan. Kahit siya ang nagsabi na bigyan ng oras si Issa, gustong gusto niya na puntahan ito. Hindi niya alam kung kaya ba ng kaibigan ang nangyayari dito ngayon.

Hindi ba pwedeng maging masaya na lang. Pakiramdam ni Kristine, hindi niya deserve ang kasiyahan kasama si Alas.

Parang hindi niya na lamang gugustuhin maging masaya kung ang mga kaibigan niya ay nasasaktan sa kaniya kaniyang buhay ng mga ito.

Kakalabas niya lang sa opisina ng principal ng school nila. Tinanong niya kasi rito kung alam ba nito ang dahilan ng ilang araw na hindi pagpasok ni Johann. Nag-file raw ng 1 week sick leave si Johann, wala siyang alam kung may sakit ba talaga ito o ginamit lang iyon na dahilan ng lalaki.

Nag-aalala na siya para rito. Si Johann ang kasama niya noong nagsisimula pa lang siya, si Johann din ang kasama niya noong nakuha niya ang masteral degree as a guidance counselor. Theology ang masteral na kinuha nito, pero pareho silang sa Adamson nag-take ng masters degree. 

She can't imagine that their friendship for 5 years will go this way. Kailangan niyang makausap ang lalaki. 

Hindi pa rin sila nagkikita ni Alas, madalas naman itong tumawag sa kaniya ngunit sadyang busy ang binata sa trabaho nito. Nagkaroon pa raw ito ng problema kay Marco. Gusto sana niyang tanungin si Angela kaya lang baka pati ang kaibigan ay problemahin pa ito. 

Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kay Issa, magta-tatlong araw na simula nang nawala ito. Malapit na rin ang retirement party na inoorganize nila at hindi nila gustong pati roon ay wala ang kaibigan.

She was still inside the classroom, she wants to rest for a while. Sobrang pagod siya sa araw na iyon, pinasukan niya na rin kasi ang mga klase ni Johann. Ilang araw na kasing walang nagtuturo sa mga bata at hindi niya alam kung hanggang kailan pa iyon aabutin.

Advisory class ni Johann ang tinuruan niya kanina, naaawa siya sa ilang mga estudyante nito sa tuwing nagtatanong kung kailan papasok ang guro. Mahal na mahal ng mga estudyante ang binata, hindi kasi ito kasing istrikto ng ibang teacher. Kaya nga kahit Values ang subject na tinuturo nito ay gustong gusto iyon pasukan ng mga bata, because Johann is a good teacher. 

Nakuha ang atensyon niya ng isang pigura na pumasok sa likod ng classroom. It was Johann. Nakasuot lang ito ng khaki shorts at white v-neck shirt. Sa ayos nito, mukhang dumaan lang yata ang binata. 

Mabilis siyang tumayo na ikinagulat ni Johann. 

"Kristine." gulat na bati nito. "Hmm, anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw ang anong ginagawa, bakit hindi ka pumapasok? Mukhang wala ka namang sakit ah." naiinis na sagot niya rito.

"Ah dinaan ko lang yung resignation letter ko." hindi niya inaasahan ang sagot nito. 

Nilapitan niya ang binata, tumawa lang ito sa kaniyang reaksyon. Naglakad lakad ito sa loob ng silid. "Wala na kong dahilan para manatili pa rito eh, matagal ng plano 'to. I'll fly to State para sa doctoral degree ko." kwento nito. 

Inayos pa ni Johann ang ilang nagulong upuan sa silid. Hindi inaasahan ni Kristine ang mga sagot ng binata. 

Aalis si Johann? Iiwan siya nito?

"Bakit? Anong walang dahilan, ang mga estudyante mo hindi ba sila sapat na dahilan? Ako?" hindi niya sinasadya ang huling linya ngunit pinili niyang hindi iyon bawiin.

Tinignan siya ni Johann, kita niya ang sakit sa mga mata nito. "Ikaw? Bakit Tine, ano ba tayo?" mapait na tanong nito sa kaniya. 

"Johann." mahinang sagot niya.

Umupo si Johann sa teachers desk, niligpit nito ang ilang gamit niya. "Noong una kitang makita ang sabi ko sa sarili ko, I will never fall for a girl like you. Ang suplada mo kaya, tapos ang sungit pa. Parang hindi Values teacher." natatawa nitong wika sa kaniya, still not looking at her. "Pero, as days passed, napatunayan kong mali pala ang sarili ko. Unti unti nagbabago ang tingin ko sa'yo, gustong gusto kitang makita araw-araw. Na kahit Sabado at Linggo gusto ko na rin hilingin na magkaroon ng pasok." 

"Noong sinabi mo sa akin na may balak kang mag-masteral sa Adamson, doon lang din ako nagkaroon ng plano sa buhay ko. Dati, sapat na sa akin ang isang Values teacher, pero every time I see you, sabi ko sa sarili ko, hindi ko deserve ang isang babaeng may mataas na pangarap sa sarili. That's why I started to make my dreams. Kaya lang ako lang pala ang umaasang kasama ka sa mga pangarap na iyon Kristine." kita niya ang luhang bumagsak sa mga mata nito.

Nasasaktan siya, hindi niya kailanman gustong makita si Johann na ganito. Na nasasaktan dahil sa kaniya.

"Johann, I'm sorry." hindi niya magalaw ang mga paa palapit dito.

"No Tine, wala kang kasalanan. Ako itong nahulog sa'yo kahit wala kang ginagawa. Ako itong nakita ang kagandahan sa'yo kahit hindi mo iyon gustong ipakita sa'kin. Ako itong minahal ang bawat bagay na tungkol sa'yo kahit hindi mo sinabing gawin ko. Alam mo bang ang bawat minutong kasama ka sa eskwelahang ito ang pinakamasayang alalaang babaunin ko sa pag-alis ko rito?" tumingin ito sa kaniya, puno ng luha ang mga mata ng lalaki.

Bakit ba palagi na lang niyang nasasaktan ang mga tao sa paligid niya?

"Kailangan mo ba talagang umalis?" tanong niya rito na naiiyak na rin.

"Kailangan kong iahon ang sarili ko Tine, kung mananatili ako rito, hindi ko mapipigilan ang sarili kong mahalin ka nang paulit ulit. Gusto kitang makita sa araw araw, gusto kong makita ang mga ngiti mo, ang tawa at saya mo sa tuwing nagtuturo ka, gustong gusto kong makasama ka sa bawat seminar, program o activity. Pero kailangan ko rin iligtas ang sarili ko Tine. Ayokong makita mo ako na may awa sa mga mata." tumayo ang binata at lumapit sa kaniya. 

Inabot nito ang panyo mula sa bulsa, "Promise me to be happy Kristine. Hindi man ako ang dahilan ng kasiyahan mo, ngunit sapat na sa akin ang makitang masaya ka. Huwag kang mag-alala, sa susunod natin pagkikita, hindi ka nito mahal" wika nito habang tinuturo ang parte ng puso nito.

Binitawan ni Johann ang panyo sa mga kamay niya at diretso itong lumabas ng silid. Nanatili siyang nakatayo, ni hindi niya magawang habulin si Johann. Pakiramdam niya ay mas lalo niya lang iyon masasaktan kung gagawin niya iyon. 

Para siyang posteng naestatwa sa kinatatayuan. Ilang minuto na rin ang lumipas noong makaalis si Johann, pero heto at nakatayo pa rin siya sa loob ng silid. 

Hindi niya magawang maisip kung saan ba siya nagkamali, o kung may pagkukulang ba siya kaya nangyari ang mga bagay na ito. Hindi niya gustong umalis si Johann, hindi niya gusto na mabawasan ng kaibigan. 

Pero, mukhang ang bitawan at hayaan ito ang tanging paraan para makatulong siya sa kaibigan. Para kahit papaano ay may magawa siya upang maibsan ang sakit na nararamdaman nito, na siya rin ang dahilan. 


---------------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top