25

Ilang araw ang lumipas matapos ang pagkakalasing niya, ang tagpo sa mamihan ni Mang Boy, pati ang pagkakausap nila ni Alas.

Hindi pa rin sila nagkakausap magkakaibigan. Marahil ay dahil sa dami ng mga ginagawa nito. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ang birthday ng kapatid ni Issa. Wala rin siyang balita kung ano ang nangyari sa mga kaibigan.

Ngunit may isa nagbago matapos ang gabing iyon. Ang malimit na pagpansin sa kaniya ni Johann, at ang madalas nitong pagsama kay Joanna. 

Hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawa, kung may namamagitan ba sa mga ito, hindi niya rin iyon sigurado. But, one thing for sure, there's something wrong with him and Johann. 

Madilim na sa labas nang i-dismiss niya ang klase niya para sa araw na iyon. Naninibago siya dahil madalas ay sabay silang umuwi ni Johann, lalo na noong magsimula sila Alas na magtrabaho para sa reconstruction ng school building. 

Isang sigaw ang umagaw sa pansin ni Kristine noong nasa labas na siya ng paaralan. Mula ito kay Marco, mukhang hindi naman nito kasama si Alas. 

"Tara sabay ka na, pauwi ka na 'di ba?" pag-aya nito sa kaniya. Dahil gusto niyang tanungin ito sa nangyari noong gabi ng birthday ay pumayag na rin siya. 

Maaliwalas ang loob ng sasakyan ni Marco, mas malaki nga lamang ng kaunti ang sasakayan ni Alas. 

"Saan ka ba Tine?" pambasag nito sa katahimikan. 

"Malapit lang sa FTI. Bago lumagpas ng Jollibee."

Hindi niya alam kung may mali ba sa binanggit niyang lugar at natatawa ito. 

"Joke lang, alam ko."

Nagulat siya sa sagot nito. Wala siyang maalala na sinama o nadala niya ang mga kaibigan ni Alas sa lugar nila.

"Ilang beses ba naman naming sinundo si Alas sa tapat ng bahay niyo. Buti na nga lang, may isang beses na sinamahan namin siya, kung hindi, nabaliw na kami kakahanap sa kaniya." sagot nito sa nagtatanong niyang mukha. 

"Teka, sinundo? Si Alas? Hindi kita maintindihan." 

Huminga nang malalim si Marco bago diniretso ang daan sa kalsada. "Nagsimula iyon noong huling linggo ng 4th year namin. Iyon din ata ang week bago ka magthird year." 

Kung tama siya nang pagkakaalala, iyon din marahil ang linggo kung saan nila nakita nila Joanna si Alas na may kasama sa may tapat ng 7/11.

"Noong araw na iyon, umamin sa kaniya ang isa naming kaklase. Pero, mabilis din iyon binasted ni Alas. Alam mo ba, kung ang Alas bago dumating ang isang Kristine, pustahan ay pinatulan iyon ni Alas kahit hindi naman niya mahal. Ganoon iyon eh, lalo na noong third year kami. Madikit sa babae. Pero noong makilala ka niya, ang laging sagot noon kapag inaaya namin, pass daw siya kasi baka may magalit. Kahit pa, hindi mo naman alam ang nararamdaman niya. Ang sabi niya pa noon, kailangan mag ingat. Kasi, ayaw ka niyang masaktan kapag nagkataon." tumingin pa sa kaniya si Marco, hindi niya alam kung nais ba nitong palalain ang nararamdaman niya. 

"Pumunta siya sa bahay niyo noon. Hindi kami pumayag ni Isaac dahil sabi nga namin sa kaniya, dapat niyang respetuhin ang desisyon mo noon. Ang sabi niya lang noon, wala naman daw siyang gagawin. Nais niya lang isumbong sa iyo ang babaeng umamin sa kaniya. Ayaw niya raw na baka isipin mong mabilis ka niyang palitan. 

Ang isang beses ay naging madalas. Halos araw araw ng bakasyon ay tumatawag ang mama ni Alas sa amin, nagtatanong kung kasama ba namin ang anak niya. Lagi naming sinasabing oo, mapagtakpan lamang ang ginagawa ni Alas. Alam naman namin kung na saan siya eh." 

Mahaba ang pagtigil ni Marco, siya naman ay inaantay lang kung may karugtong pa ba ang sasabihin nito. Hindi siya umiiyak, tahimik lamang siyang nakikinig. 

Isa na namang supresa ang bumulaga sa kaniya. 

Tinignan siyang muli ni Marco, bakas ang lungkot sa mukha nito habang inaalala ang nakaraan. 

Matapos ang mahabang katahimikan, muli itong nagsalita "Hanggang isang araw, tumawag siya. Sunduin daw namin siya sa inyo, hindi niya na raw kaya. Kinabahan kami noon ni Isaac. Tatlong buwan. Tatlong buwan halos araw araw nasa labas ng bahay niyo si Alas. Palagay nga namin ay kilala na siya ng tindahan sa tapat ninyo eh."

"Sinabi niya ba ang dahilan?" nag-aalinlangang tanong niya rito.

"Hindi. Naisip niya lang daw na kailangan niyang buuin ang sarili para sa iyo. Pero Kristine, kilala namin si Alas eh, hindi naman iyon susuko."

Inalala ni Kristine ang huling araw ng bakasyon niya. Binabalikan kung may nangyari bang na sasapat na dahilan para magdesisyon si Alas ng ganoon. 

"Hindi ko alam Marco." pagsuko niya rito. Hindi niya matandaan ang mga nangyari noong buwan na iyon. 

"Ayos lang Tine, nakwento ko lang naman." wika nito sa kaniya. "Narito na pala tayo. It was good to talk with you again Kristine."

Hindi siya sigurado kung tama lang ba ang nasa isip niyang gagawin. Hindi niya alam kung ito ba ang tamang gawin para sa kanilang dalawa ni Alas. 

"Hmm, Marco... Pwedeng last na? Pahatid naman sa bahay nila Alas oh." 

Walang bakas na gulat sa mukha ni Marco, mukhang inaasahan nito ang desisyon niya matapos ang mahabang pagkwento nito kanina. 


Mabilis na pinatakbo ni Marco ang sasakyan papunta sa tenement, kung saan ang bahay nila Alas. 

Nang makarating ay hindi alam ni Kristine kung paano ito tatawagin. Natangay ata ng hangin ang tapang sa katawan niya. 

Tinawanan siya ni Marco bago nagpasyang ito ang kumatok sa pinto nila Alas. Ilang sandali pa ay may isang bata ang nagbukas ng pinto. 

Hawig na hawig nito si Alas, "Hello po, sino ka po?" tanong nito sa kaniya.

Palagay niya ay nasa limang o anim na taon ito base sa pananalita nito.

"Hi kulet. Ang kuya pogi na saan?" pag-agaw ng pansin dito ni Marco

"Kuya pogi, ikaw paya yaan." nabubulol na saad bati nito. "Loob bahay kuya pogi, usap sila mama."

"Tawag mo dali, sabihin mo dito girlfriend niya." utos nito. Matalim na tinignan niya lang ito, ang loko, tinatawanan lang siya. 

Narinig niya ang sigaw ng bata sa loob ng bahay, dahil dito parang gusto na umuwi ni Kristine. 

"Kuyaaaa pogiiiiiiii... giwlfwend mo waw labas."

"Anong girlfrie....." naputol ang sasabihin nito nang makita siya sa labas ng pinto.

Hatak hatak ng bata ang kamay ni Alas. Nakasuot lang ito ng white sando at boxer short. Parang gustong matawa ni Kristine dahil sa ayos ni Alas, pero bago niya pa gawin iyon, inunahan na siya ni Marco.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alas matapos nitong magbihis. Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay nila Alas. 

Katamtaman ang laki ng bahay ng pamilya nito. Pagpasok ng pinto ay bubungad ang sala. Sa gilid nito ay ang daan patungo sa kusina na natatakpan ng semented wall kung na saan ang kusina.

Umalis na si Marco kanina, habang ang bata kanina ay nasa isang upuan paharap sa kaniya. Gusto niyang seryosohin ang tanong ni Alas, pero naagaw ang atensyon niya sa cuteness ng batang nasa harap. 

Mukhang napansin naman iyon ni Alas kaya tinawag nito ang mama nito. Halos dumiretso siya ng upo nang tignan siya ng ina ng binata. Napahinga siya nang maluwag nang ngumiti ito nang sincere sa kaniya. 

"Ayan wala na si Lance, pwede mo na sigurong sagutin ang tanong ko kanina." pagsusungit nito. Mukhang bumalik na naman ang period ng binata.

"Hmm, ano. Kasi si Marco eh." kinakabahang wika niya. "Wait lang naman, huwag mo ako pagalitan. Uuwi na lang ako" banta niya nang mapansin ang kunot nitong noo. 

Bumuntong hininga si Alas bago tumingin sa kaniyang muli, "Anong meron Kristine? Sabihin mo na, para maihatid na kita dahil madilim na rin. Mag-aalala ang papa mo sa'yo." wika nito sa malumanay na boses.

Huminga siya nang malalim bago nagsimulang magsalita. Ito na ang chance ni Kristine, kung pakakawalan niya itong muli, hindi na niya alam kung kailan siya magkakaroon ulit ng lakas ng loob. 

"Hindi na ako tatakbo Alas." nakangiti ngunit kinakabahan na saad niya rito.

Sapat na siguro ang ilang taon na natakot siya, na pinigilan ang sarili at ang nararamdaman niya. Wala na siyang nakikitang sapat na dahilan para umiwas pa kay Alas.

Mukhang nabigla si Alas sa sinabi nito. Halos mahulog pa ito sa kinauupuan.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" pagklaro nito sa sinabi niya kanina. 

"Nakakapagod pala na talikuran yung nararamdaman. Sawa na akong ilang beses ideny ang nararamdaman ko. Handa na ako Alas." matapang niyang wika rito.

"Paano kung ako naman ang pagod na?" 

Hindi niya iyon inaasahan. Paano nga kung si Alas na pala ang napagod, ano ang gagawin niya?

Tumayo siya sa kinauupuan. Hindi niya nga naisip ang bagay na iyon. Masyado siyang naging kampante na kahit ilang beses niyang itulak si Alas, ay siya at siya pa rin ang gusto nito. Dahil sa ginawa ay napatayo rin si Alas sa kinauupuan.

"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong nito.

Ngumiti siya sa binata "Naiintindihan kita. Pasensya na, ang tapang kong pumunta rito, without knowing the possibility that you're tired to pursue me."

"Ganoon lang iyon kadali, tinanong lang kita na kung paano kung ako naman ang pagod na, susuko ka na agad?" may himig ng pagtatampo sa boses nito.

Naguguluhan si Kristine sa inasal nito, pero sa loob loob niya, iba ang nararamdaman niya "Ha? Uuwi lang ako para bigyan ka ng panahon mag-isip. Tsaka hehe, gabi na rin." awkward na turo nito sa labas ng bintana nila Alas. 

Mabilis na hinatak ni Alas ang kamay ni Kristine. Hindi na siya nakapag salita nang yakapin siya ng binata. Parang lalabas ang puso ni Kristine sa labis na bilis ng tibok nito. 

"Hindi na kailangan. Hindi ako kailanman mapapagod sa'yo Kristine." wika nito habang nakatitig sa mga mata niya.

Muli siya nitong niyakap at hinalikan sa noo, "Grabe, ang tagal kong gustong gawin sa'yo 'to. Ang tagal mong nagpabebe eh."

Natatawang kinurot niya ito sa tagiliran. "Hehe, sorry na." bumitaw siya sa yakap nito at nakangiting tinignan ang binata.

"Pwedeng last hug na lang? Promise yakap lang." ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kaniya.

Hindi na siya nag-inarte at siya na ang yumakap dito, sobrang haba ng panahon na nasayang sa kanilang dalawa.

Inabot ni Joanna ang shake sa kaniya at natatawang tumabi ito sa kaniya. It was Saturday at nagkakayayaan silang magkakaibigan. Wala nga lang si Issa dahil kasama nito ang boyfriend.

"Wala bang thank you diyan mula sa inyong dalawa, grabe dahil sa akin may love life na kayo ngayon." Joanna said after sipping her shake. Ilang linggo rin ang nakalipas matapos ang ginawa nito sa kanila ni Angela noong gabi ng birthday ng kapatid ni Issa.

"Loka, gusto kitang sapakin ngayon dahil sa ginawa mo. Hindi nakatulong Jo, lalo na yung dare mo Tine." badtrip na sagot sa kanila ni Angela.

"Hep, baka nakakalimutan mo yung truth na tinanong mo, hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Johann dahil doon. Siya na nga pinili ko, nag-iinarte pa." sagot niya sa mga ito.

Tinawanan naman siya ni Joanna, ang alam niya ito ang naghatid kay Johann nung gabing iyon. "Tingin mo talaga 'yun ang dahilan ng hindi niya pagpansin sa'yo?" tanong nito sa kaniya.

"Tangiks Jo, dense yang kaibigan mo kaya hindi niya mage-gets." Angela looked seriously at her, "Si Johann ang pinili mo sa truth na iyon, pero sino ang naghatid sa iyo pauwi? Sino ang kaharutan mo sa texts at ang sino ngayon ang sumusundo na sa'yo?" sunod sunod na tanong ni Angela.

She looked at her two friends, still not getting what they're trying to say.

"Si Alas?" maikling ngunit may alanganing sagot niya.

"That's it, 'yun ang rason my friend." sagot sa kaniya ni Angela sabay balik nito sa iniinom na shake.

"Galit si Johann kay Alas? Bakit? Okay naman si Alas sa kaniya kahit hindi siya nito madalas kinakausap." sagot niya sa mga ito.

Tinawanan lang siya ng dalawa, "Manhid ka nga talaga. Hindi iyon ang rason, nagseselos siya kay Alas." paliwanag muli ni Angela.

"Ito na lang kasi hirap na hirap ka na eh," natatawang hinarap siya ni Joanna. "Gusto ka ni Johann mars, kung sakaling hindi mo pa alam ah. Masakit para sa kaniya na siya ang pinili mo sa truth sa game na iyon, at mas masakit sa kaniya na kahit siya ang pinili mo sa hypothetical question na iyon, ang totoo si Alas at si Alas pa rin ang pipiliin mo sa realidad. At pinatutunayan iyon ng nangyayari sa inyo ngayon."

Gulat siyang tumingin sa mga kaibigan, "Kailan pa?"

"Well, sabi niya simula noong unang beses ka niyang inasar. Bulok nga ng da-moves ng loko eh."

She never knew. Hindi naman kasi niya naisip na iba na ang dahilan ng mga pang-aasar na banat nito. Para sa kaniya, maloko lang si Johann, pero iba na pala ang ibig sabihin nito. 

Joanna and Angela looked worried at her, "Mars, hindi mo naman kasalanan na hindi mo kayang ibalik ang feelings niya. Just let Johann heal himself, just give him time. Hindi ka naman matitiis no'n eh." Joanna said while holding her hand.

She received a text from Alas that he was going to fetch her. Ngumiti naman nang mapang-asar ang dalawa niyang kaibigan noong sabihin niya ito.

"Sana lahat sinusundo 'di ba?" pahaging ni Angela ng dumating si Alas matapos ang ilang minuto.

"Tawagan ko ba 'Gel?" mapang-asar na sabi ni Alas dito.

"Lul ka, umalis na nga kayo at nakakaalibadbad kayong tignan." tinawanan lang nilang dalawa ang kaibigan.

Alas was holding her hand while he's driving. Lalabas silang dalawa at hindi niya alam kung saan ang tungo nito. They already outside NCR, and she thought, they were heading to Batangas.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" she asked to start a conversation.

"Hmm, clear ang schedule ko for today. Minsan lang 'to eh." ngiting sagot sa kaniya nito.

After that night, Alas became extra sweet. Ang dalas na nitong mag text ng mga sweet messages, natutuwa rin siya sa tuwing nangungulit itong makipag-video call sa kaniya. Kung siya ang tatanungin, masaya siya sa takbo ng relasyon nila ni Alas, though hindi niya alam kung ano nga ba sila.

Takot siyang itanong kay Alas ang estado nilang dalawa. Alam man niya na mahal nila ang isa't isa, but she also wants to take things slowly.

Masaya 'yung ganito lang din naman sila kahit papaano. Marami pa silang kailangan ayusin, katulad na lang ng issue niya kay Johann.

Her attention was caught by a sudden kiss at the top of her palm. Natatawa tinignan naman niya si Alas, "Anong iniisip mo?" tanong nito sa kaniya.

"Ah, wala. Hmm, okay naman si Johann sa'yo 'di ba?" she asked.

Matagal siyang tinignan ni Alas bago ito sumagot, "Umamin na ba siya sa'yo?" 

Nagulat man ay mabilis rin siyang nakabawi sa tanong nito.

"Hindi naman, si Joanna ang nagsabi. Hindi ko naman din kasi alam, eh 'di sana umpisa pa lang nilinaw ko na." malungkot na sagot niya rito.

"It's not you fault Tine. Hindi rin naman kasalanan ni Johann, pati siya sigurado hindi niya gusto na sisihin mo ang sarili mo." malumanay na sagot ni Alas.

Alam naman niya iyon, maloko si Johann ngunit alam niyang mabait ito.

"Kausapin mo na lang siya sa panahon na alam mong handa na siya. Magkaibigan kayo at alam kong pinapahalagahan niya ang bagay na 'yon." dagdag pa nito.

She just don't know what to say to Johann. Kaibigan niya ito at hindi niya alam kung kaya niyang makita itong masaktan.

"Ano ba yan, nakakaselos ah. Ako ang kasama mo pero iba ang nasa isip mo." Alas dramatically said.

But she knew that he was trying to lift her mood.

"Mahal kita." she unhesitatingly said.

She saw the sudden change of emotion from Alas. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin sa mga oras na iyon, it just came out to her unexpectedly.

Alam niyang hindi lang siya at si Johann ang naiipit dahil sa sitwasyon, alam niyang kahit papaano ay nasasaktan si Alas.

Johann was there for her for almost how many years, and she knew that Alas was worried about that.

Alas gave her a sincere smile then he kissed the top of her palm again.

"Mas mahal kita Kristine."

----------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top