22


Isang text ang natanggap ni Kristine mula sa mga kaibigan, lalabas sila ngayong araw para pag-usapan ang birthday party ng kapatid ni Issa. Hiningi kasi ni Issa ang tulong nila.

They agreed to meet in SM Manila, just like old habits. She received a text from Angela na nasa Tambayan ni Pedro na raw sila, sa lahat kasi ng fast food sa SM ay iyon na ang pinakatahimik na nakainan nila.

Naabutan niya na kumpleto na ang tatlo at siya na lang ang inaantay.

"Hello mga teh, sorry late." she said while taking her seat.

"Duh, medyo sanay na kami. Since after graduation late ka na lagi." natatawang biro sa kaniya ni Issa.

"Busy lang. Tsaka sino kaya ang hindi madalas magpakita dahil naglalagari?" pang-aasar niya rito. "Anyway, naka-order na kayo?"

"Yep, sinama ka na rin namin." Angela answered her.

"Okay, so ano ang plano?" she asked while looking at Issa who's busy texting on her phone.
"Ano mars, baka pwedeng mamaya na 'yan ano? Miss na miss?" puna niya rito.

Ngumiti naman ang kaibigan at tinago ang cellphone nito, "Sorry na. He just said "Hello" pala."

"So ano na nga? Does your sister already have a theme for her debut?" Joanna asked while fixing their foods.

While Issa's speaking, she distributed the utensils sa mga plato ng mga ito. "Namiss ko 'to hahaha, namiss ko ang college life." Issa said while smiling.

"Ako rin, nakakamiss ma-stress sa klase ni madam." Angela said while reminiscing their college days.

"Chicken and royals mga teh ang pinaka namiss ko." Joanna said while looking at her food.

"Huy teh, ano na nga pala balak mo? magtuturo ka pa ba?" tanong ni Issa sa kaibigan.

"Hindi ko pa alam." sagot nito sa mahinang boses. "Kahit naman kasi lisensyado na ako, kailangan kong magfocus sa bar exam? Ngayong taon na iyon" Joanna said trying to change the topic.

Habang kumakain ay isa-isa nilang nilatag ang mga maaaring gamitin para sa gaganaping birthday. Attentive rin si Angela dahil estudyante nito ang kapatid ng kaibigan. Sa senior high school kasi nagtuturo ang kaibigan, sa isang private school.

Nang matapos sila kumain ay kumpleto na rin ang arrangements ng party, all they need is the approval ng kapatid ni Issa. Because this was their only free time, sinagad na ng apat ang pag-stay sa mall.

"So, nabalitaan namin kay Johann na may dumating daw na architect sa school niyo Tine." mapang-asar na kwento ni Joanna habang nasa loob sila ng department store.

She remembered back then, they are just playing with the items inside the department store, none of them have a spare money to buy anything they like. But now, she's looking at Angela busy finding a make-up kit, while Issa is looking for a new set of skin care, and Joanna is still beside her. She's happy that after all years the four of them are still friends.

"Huy teh?" kuha ni Joanna ng atensyon niya. "Okay ka lang?"

"Oo naman. Si Johann talaga napakadaldal. Sila Marco kasi ang assigned architect ni Mayor para sa school." sagot niya sa tanong nito.

"How was he?" tanong nito not looking at her.

"Mukhang okay."

"Eh ikaw?" Joanna looked at her eyes directly.

"Oo naman. Bakit naman hindi? Wala naman na akong dapat pang problemahin sa kaniya. Hindi naman ito ang unang beses na magkita kami." tukoy nito sa una nilang pagkikita ni Alas, noong araw ng engagement party ni Issa. 

"Sure ka ba?" paninigurado nito. 

"Oo nga, wala naman kaming dapat pag-usapan. We all moved on Joanna." sagot niya rito matapos ay sumunod kung na saan sila Issa.

As possible as she can, ayaw niya ng isipin pa ang pagkikita nila ni Alas. Nagbago na ang binata, as what she saw sa ugali nito, hindi na ito ang Alas na nakilala niya.

And maybe, its not the same Alas that she loves.

Its almost 2 pm when the four of them decided to part ways. May kaniya kaniya rin kasing dapat asikasuhin ang mga kaibigan. Hindi na tulad ng dati na requirements lang na kailangan ipasa kinabukasan or sa Google classroom ang inisiip nila, now all of them have different sets of obligations.

Wala siya sa mood para umuwi nang maaga kaya naisip niyang dumaan muna sa Intramuros, 'yun lang naman ang alam niyang lugar na masarap puntahan along Manila.

She visited Manila Cathedral, hindi tulad ng huling punta niya rito ay pumasok siya ngayon sa loob ng simbahan.

Pakiramdam niya kasi ay ang bigat bigat ng loob niya, she didn't know the reason, or maybe she just doesn't want to recognize it.

She offered a little prayer, after that she decided to go home. Hindi rin siya pwedeng magpa-abot ng gabi dahil marami pa siyang dapat gawin.

Before she left the cathedral, she saw Alas with the same girl back when they were college. Ito rin ang babaeng kasama nila sa project. Ngayon napatunayan na niyang, they all moved on.

No, Alas already moved on.


Its been a week nang magsimula ang renovation ng building sa school nila Kristine. Laging nandoon si Alas kaya as much as possible ay hindi siya lumalabas ng guidance office. Ganoon pa rin naman ang takbo ng buhay niya, guguluhin siya ni Johann, magtuturo siya, paminsan minsan ay makakausap niya si Marco bago ito umuwi.

Ngayon ay periodical exam ng mga bata, ngayon din ang araw ng birthday ng kapatid ni Issa. Kanina pa siya bothered dahil 8 pm ang start ng party nito.

Maybe she will go with a school uniform.

Nang mag 6:30 ay nakatanggap siya ng text mula kay Angela, susunduin na lang daw siya ni Joanna. Nakuha ng isang katok mula sa labas ang atensyon niya.

It was Johann giving a playful smile to her, dahil doon ay may ilang estudyante ang mapang-asar na tinitignan sila. She gestured a silence to her class then she approached Johann outside.

"Problema mo?" iritang tanong niya rito.

"Ayan, ang init na naman ho ng ulo. Time of the month?" nangiting tanong nito.

"Loko, ano nga kailangan mo?" tanong niya rito, not minding his joke.

"Sabay ako sa inyo nila Jo, nakalimutan ko manghiram kay papa ng kotse eh." wika nito habang kamot ang ulo.

"Ba't sakin mo sinasabi? 'Di ko naman kotse gagamitin. Sabihan mo si Joanna pagdating, maya maya nandito na ang isang iyon." paliwanag niya sa kausap.

"Wait, don't tell me ganiyan ka pupunta?" Johann asked while looking at her from head to toe.

She's wearing their teacher uniform, a pencil cut skirt that is 1 inch above her knee but it looks good on her because of her long legs. Then she's wearing a red blouse that is also hugging her body. Kristine has a good posture na nagpapaganda sa uniform na suot nito.

She shyly smiled to Johann, "Bakit? Wala na kong time 'no, nakita mong may klase ako."

"Well, your uniform always looks good on you naman. No comment on that." Johann smiled at her, and it was a sincere one.

Muli niyang naramdaman ang awkward feeling mula rito, "Ah ano, balik na ko. Antayin mo na lang si Joanna sa labas." tinalikuran niya ito kahit hindi pa nakakasagot ang binata sa kaniya.

Natapos ang mga estudyante niya na may kinse minutos itong iniwan sa kaniya, enough na sana ito para makapag palit siya ngunit hindi niya pwedeng iwan ang mga estudyante.

"Ma'am, ang dali ng exam niyo. 'Di katulad sa math parang naubos ho yung utak ko." sabi ng isa niyang estudyante.

"Oo nga ma'am, pero ma'am baka isipin niyo ini-easy namin yung exam niyo ah." sagot naman ng isa sa mga top students niya.

"Kayo talaga, nadalian kayo kasi alam niyo yung mga tamang sagot. Kaya ayos lang sa akin, tsaka ang tataas kaya ng mga quizzes niyo." pagbati niya sa mga ito.

"Subject niyo nga lang ho ata kami mataas ma'am, ang galing niyo kasi magturo, 'di na namin kailangan mag-review." bola pa sa kaniya ng isa.

"Kung nakikinig lang talaga kayo nang mabuti sa lesson ng teachers niyo hindi niyo na kailangan magpudpod pa ng kilay sa pagre-review."

Naputol naman ang usapan nila ng muling kumatok si Johann sa pinto ng classroom nila, "Can I come in teacher?" tanong nito while smiling at them.

Dahil sa ginawa nito ay may ilan siyang estudyanteng babae na nagpipigil ng kilig sa mga upuan, does she already said na hindi lang teachers ang nagkakacrush sa taong ito? Also some students had a huge crush on Johann, may fan base pa nga ito mula sa Grade 10 students niya.

"Sir Johann, sinusundo niyo po ba si Ma'am Kristine?" tanong ng estudyante niyang lalaki mula sa likod.

"Oo sana eh. Pwede hiramin? Ibabalik ko rin class."Johann asked with mischievous smile.

Because of what Johann did some of the students where screaming because of their kilig. Natatawa niyang nilapitan at kinurot ang co-teacher.

"Class, h'wag masyadong maingay at baka may nag-eexam pa sa kabila." saway niya sa mga ito. "At ikaw ho sir, kung ano ano na naman pinaggagawa mo rito." mahinang bulong niya rito.

Nilapit nito ang mukha sa tenga niya, like he's going to tell some secret to her. Muling naghihiyaw ang ilan sa mga estudyante niya dahil sa ginawa nito.

"Nasa labas na si Joanna, pinapasundo ka." bulong nito.

Nilagay niya ang kamay sa mukha ng binata para ilayo ito, "Lumayas ka nga rito, puro ka harot eh."

Muli niyang binalik ang atensyon sa klase, habang nanatiling nakatayo si Johann sa tabi niya.

"Class, fix your things na. Pwede na kayo umuwi."

Isa isa namang naglabasan ang mga ito, nakangiti pa ang mga ito sa kanila. Ang ilan niyang estudyanteng lalaki ay nakikipag-apir pa kay Johann, akala mo ay kabarkada lang ng mga ito.

"Sir, ligawan mo na kasi si ma'am. Ang kupad niyo naman sir eh." sabi ni Moris, isa sa mga estudyante niya.

"Oo nga  sir, sige ka maunahan ka ng iba." dagdag pa ng kaibigan nito.

"Ang manhid ng teacher niyo eh." Johann said to the kids with a low voice.

"Ano na naman yang pinagsasabi mo sa mga bata, kayo umuwi na nga puro kalokohan natutunan niyo rito kay Fernando." natatawa niyang suway sa mga bata.

"Sure ka bang hindi ka na magpapalit?" muling tanong sa kaniya ni Johann habang nasa guidance office sila.

"Akala ko ba my uniform looks good on me?" sagot niya sa mapang-asar na tono.

Nakita niyang nahiya naman doon ang binata.

"Biro lang, tara na. Ako na bahala." hinatak niya ito palabas at sinarado ang guidance office.

Nakita niya si Joanna na nakasandal sa kotse nito, ito talaga ang pinaka-asensado sa kanilang apat. Siya kasi ay walang balak na bumili ng sasakyan, hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila at isa pa, ayaw niyang dumagdag sa cause of traffic.

Joanna raised her eyebrow while looking at what she's wearing, napansin niyang naka-dress ito.

"Don't tell me ganiyan ka pupunta? Masyado yatang akong overdressed kapaa kasama ka." mapang-asar na sabi sa kaniya ni Joanna.

"Uh-huh, as you can see wala akong time umuwi at magbihis dahil malalate na tayo. Tsaka I'm not the only one who looks formal here." she looked at Johann

"Mars, mukhang fresh pa si Johann sa'yo, para kang si Ms. Minchin diyan sa suot mo 'no." asar sa kaniya muli ni Joanna.

Muli niyang tinignan ang dalawa.

Johann looks fresh with his attire. He wears a white button up shirt, paired it with a black chinos and a white sneaker.  While Joanna wears a black chop neck half off-shoulder dress, it's above the knee. Joanna looked elegant yet sexy with her dress.

"Okay okay, so alam ko naman na. Saan na?" tanong niya sa mga kaibigan, alam niya kasing may dala ang ito para sa kaniya. As if Joanna will let her go to the party wearing a teacher's uniform.

Kinuha ni Joanna ang isang paper bag mula sa kotse nito, inabot ito ng kaibigan sa kaniya with an evil smile. Base sa ngini nito, mukhang mapapasubo siya sa laman ng paper bag.

"H'wag mong susubukan lumabas ng restroom ng hindi yan suot, mahal yan teh." banta sa kaniya ng kaibigan.

"Hoy, wala kong pambayad ah."

"Free yan kapag sinuot mo." tawa pa nito sa kaniya.

Bumalik siya sa loob ng school na laglag ang balikat, kinakabahan siya kapag si Joanna  ang nagpaplano, parang lagi siyang mapapahamak.

Now she knows why Joanna was smiling like a devil earlier, ang damit kasi na laman ng paper bag ay sobrang daring. Mas sexy pa ito tignan sa suot ng kaibigan kanina.

Its a black fitted mini length dress that screams style and elegance, deep V-neckline and a hidden V-bar ang harap nito while it has a double straps on the back that gives the dress an open feel. The dress is also a thick stretch knit that gives comfort to someone who will wear it.

Noong sinuot niya ito ay halos lumabas ang kaluluwa ni Kristine sa katawan, yet she feels so sexy wearing the dress. She has no choice but to left the restroom wearing the dress. It's either hihintayin niya ang umaga o hahatakin siya ni Joanna roon. 

Dahil stiletto ang kapartner ng uniform niya hindi na siya nahirapan pang bagayan ang damit.

Gusto na sana niyang umatras nang makita kung sino ang kausap ni Joanna sa labas.

Alas was standing there holding a 2 plastic of foods, maybe for the construction worker na nagi-istay sa school nila.

"Oh, ayan na pala si Kristine." sigaw ni Joanna that caused Johann and Alas to look at her.

"Shet sabi ko na bagay sa'yo eh. Pa'no ba yan Johann, akin na bayad mo. Pupusta ka pa ha." pagmamayabang ni Joanna sa kaibigan.

Hindi naman alam ni Kristine kung paano titignan ang dalawang lalaking nakakatitig sa kaniya. Johann was the first one to approached her.

"Hindi ka mukhang Values teacher Tine." biro sa kaniya nito while trying to hold her hand.

"Bwisit ka sa part na 'yan, tara na nga baka ma-late tayo." pag-aya niya sa dalawa.

"Ay Tine, si Alas oh. Baka hindi mo nakikita." pang-aasar ni Joanna sa kaniya nang makalapit siya rito.

"Anong ginagawa mo rito?" she asked while looking at him. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kaniya. Ganoon ba kapangit ang damit sa kaniya para tumitig ito sa ng ganon?

Alas composed his self then raised the 2 plastic in front of her. "Magdadala ng pagkain galing kay Mayor."

"Alam mo Alas, parang napanood ko yung ganyang teknik sa isang kdrama eh. Medyo lumang style 'no?" pagpaparinig ni Joanna sa lalaki.

Tinawanan lang ito ni Alas, "Ewan ko sa'yo Joanna. Ingat kayo, pasabi sa kapatid ni Issa happy birthday." nagtataka si Kristine sa inasal ni Alas sa kaibigan.

"Huy, sama ka na kasi. Parang others naman kami sa'yo." pagpipilit pa ni Joanna rito.

"May lakad kami nila Marco eh."

"Eh 'di isama mo sila Marco, approve iyon kay Angela" pagbanggit nito sa kaibigan. 

"Ha? 'Di ko sigurado." awkward na tanggi nito.

"Bawal tumanggi Alas, sa Intramuros rooftop lang naman ang venue, alam mo yun 'di ba?" tanong dito ni Joanna.

"6th floor JS Contractor building ba? Knows, pero hindi ko pa rin alam kay Marco" nahihiyang tanong ni Alas dito.

Habang nag-uusap ang dalawa ay inaya na ni Kristine pumasok si Johann sa loob ng kotse. Ilang sandali lang ay pumasok na si Joanna, lihim siyang tumingin kung na saan si Alas.

"Sunod daw sila Alas, ayos lang naman sa inyo 'di ba?" tanong nito sa kanilang dalawa ni Johann.

"Oo naman, walang kaso" she awkwardly said.

"Okay, parang ako lang ang walang alam sa nangyayari." wika ni Johann sa tabi niya na parang naguguluhan.

"Ganoon talaga pre, ang mahalaga kasama ka naman." tawa ni Joanna rito.

Nagkibit balikat lang siya kay Johann dahil hindi niya rin alam kung paano ito sasagutin.

The party are not even starting when they arrived at the venue. Si Johann ang naghanap ng parking space habang silang tatlo ay nagmamadaling pumanik sa taas.

Nakita naman nila agad ang kaibigan na aligaga na sa ginagawa.

"Wow naman ho 'no, maaga pa ho para tumulong." sarcastic na salubong nito sa kanilang tatlo.

"Aba, 'wag kami ang sisihin mo. Itong si Kristine ang nagpatagal eh." Joanna said while pointing at her.

Ngumiti naman siya sa kaibigan trying to be apologetic, "Sorry na mars, nagpa-exam pa eh."

"Biro lang. Patulong na lang kay Luis, napaka-arte eh." tukoy nito sa kapatid, ayaw kasi nito ang party. Unlike kay Issa na medyo kikay, boyish ang dating ng kapatid nito.

Nagpaalam silang dalawa ni Joanna sa kaibigan, while Angela was with Issa to help her sa pagdating ng mga guest.

Pumasok sila sa isang room kung saan pwedeng magset-up ang celebrant, there, they see Luis and Issa's mom na nagtatalo. Nakabihis na ang dalaga ngunit ayaw nito lumabas.

"Tita, kami na po?" suggestion ni Joanna ng makalapit ito.

"Sige, salamat. Ang kulit eh, samahan ko na si Issa sa labas. Thank you mga anak." paalam nito sa kanila, tinignan pa nito muli ang anak nang matalim bago lumabas ng silid.

"Ate, ayaw ko talaga. Tignan mo naman, tube pa binili ni ate Issa parang tanga. Nakakahiya kapag nakita ako ng mga kaklase ko ng gan'to eh." naiinis na wika ng dalaga.

"Ano ka ba, look at your ate Kristine, walang nagawa yan ng pinagsuot namin ng ganyang kasexy na damit, but look at her 'di ba ang ganda?" Joanna said trying to persuade Luis by making her as an example.

"Ay wow mars, kunwari wala ko dito ano." sagot niya rito, natawa naman si Luis sa kanilang dalawa. Lumapit siya rito at tinaas ang mukha nitong nakayuko.

"Pero Luis, tama naman ate Joanna mo. Ang ganda mong tignan sa damit na 'yan, tsaka wag kang mahiya kung makita ka man ng mundo na suot yan, be proud kasi maganda ka." pag-alo niya rito.

Muli siyang tinignan ni Luis, examining how she look sa suot ngayong gabi. "Oo na, use me as your model na."

"Ang ganda mo kaya ate Tine, mas mukha kang tao kay ate Jo oh." tinawanan nito ang kaibigan.

"Ah ganoon, sige lumabas ka mag-isa, tara na mars iwan na natin 'yan." pang-aasar dito ng kaibigan.

Isang katok sa labas ang nagpatigil sa kanilang tatlo, niluwa noon si Issa na mukhang frustrated pa rin.

"Ano, lalabas ka na ba? Naiirita na ako sa kaartehan mo." singhal nito sa kapatid.

"Lalabas na, tawagin mo na si papa." natawa siya sa dalawa, kahit kailan talaga ay hindi magkasundo ang magkapatid na ito.

Nang magsimula ang party ay pumwesto na rin silang magkakaibigan sa table na nakalaan para sa kanila. Pang 4 seat ang lamesa nila, ngunit pinadagdagan iyon ni Issa nang malaman kay Joanna na inimbitahan nito sila Alas. 

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga ito. Mapang-asar ang tingin ni Joanna sa kanilang dalawa ni Angela, palibhasa ay wala itong iniiwasan doon.

"Alam mo tutusukin na kita ng tinidor naiinis na ako." mahinang bulong nito sa katabi. Nasa gitna kasi nila si Joanna, while sa left nito ay si Angela na katabi si Marco. Parang wala lang naman dito ang nangyayari pero ang kaibigan ay parang bulateng hindi mapakali. Next to Marco was Isaac then Alas, katabi nito si Johann.

Natatawa siya sa mukha ni Johann dahil parang na-out of place ito sa mga lalaki, tanging si Marco lang ang kumakausap dito. Isaac there was trying to accommodate Johann pero parang iniiwas ito ni Alas.

The next seat is vacant for Issa, kausap pa kasi nito ang ilang bisita kasama ang mama nito.

Inawat niya ang dalawa sa paghaharutan, "Para kayong mga bata, daig niyo pa mga classmates ni Luis eh."

"Ba't ako? Si Angela yun kala mo hindi niya mga estudyante ang nandito."

"H'wag kang epal, sinabihan ko silang hindi nila ko teacher ngayong gabi." tumawa pa ito ng nakakaloko, ngunit ng lingunin ito ni Marco ay bumalik sa pagiging iritable ang kaibigan.

"Ay, mukhang maeenjoy ko ang gabing ito." pang-aasar muli sa kanila ni Joanna.

Palihim na tinignan ni Kristine si Alas, ngunit mukhang kanina pa rin ito nakatingin sa kaniya.

Sabay nilang iniwas ang tingin matapos noon, nilibang niya na lang ang sarili sa pakikipag-usap kay Johann, mukhang kawawa na kasi ito roon.

"Alam mo, kahit hindi mo sabihin, napapansin ko eh. May something sa inyo ni Ar. Mercado 'di ba? Huwag mo na itanggi, hindi ito ang unang beses" tanong sa kaniya ni Johann sa seryosong boses.

"Just ignore it Johann, kung meron man tapos na iyon." sagot niya rito.

"Oh really, but your actions say otherwise Kristine." sagot nito sa kaniya then he left the table.

Wala namang nakapansin sa inasta ni Johann.

Natatakot siya sa sinabi nito, what if ganoon din ang tingin ni Alas, hindi niya alam kung paano ba ito iiwasan.

Masyado pang mahaba ang gabi at marami pa ang pwedeng mangyari.

--------------------//

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top